Agad akong napatayo nang makita siyang tumayo at nagpaalam sa kausap. He took small steps forward. He's leaving.
Hinablot ko ang dalang silver sling bag at bagaman naka-heels at medyo masikip ang suot na bestida ay dali-dali akong humakbang upang habulin siya.
"Huy! Saan ka pupunta?"
Hindi ko na pinansin pa ang sigaw na iyon ni Jemarie. Kailangan kong makausap si Trev. Halos magkanda-tapilok tapilok ako habang tumatakbo ang pagitan namin.
"Excuse me," paulit-ulit kong sambit sa bawat taong makakasalubong.
Hindi ganoon kasikip ang club na iyon 'di tulad sa ibang lugar kaya agad ko rin siyang nahabol. Pasakay na ito sa kanyang sasakyan na natigil nang makita akong sumunod sa kanya. Hinihingal akong huminto at umayos ng tindig.
"Hi," I shyly greeted.
Tinitigan niya ang kabuuan ko saka sarkastikong ngumiti. "Yes?"
The coldness in his voice triggered something inside me. Parang nabuhusan ng alcohol ang fresh na fresh kong sugat. Ang lamig ng boses niya, mas malamig pa sa gabi.
"Uhm..."
Natigilan ako. Ano nga bang sasabihin ko sa kanya? Fvck! I'm not even ready to see him. Pero kailangan kong makausap ito ngayon kung hindi ay kailan? Kapag walang-wala na talaga akong pag-asa?
"It's nice meeting... you here," mahinang sambit ko, tila nawawala na sa ulirat habang sinasalubong ang mga mata niyang walang kasing lalim.
Ngumiti siya, wala ng halong sarkasmo.
"It's nice meeting you, too." Pormal na pormal ang boses nito, malayo sa dating Trevor na nakilala ko.
"Uh..."
"I'm quite busy, Miss Simson. Oh, are you still a Miss? Or are you married already?"
Pumikit ako ng mariin. Come on, Iyah. Show some of your talents. Hindi ba't magaling ka sa pakikipaglandian? Vidanna Smith is your coach, where are the lessons you've learned from her?
Nang muli akong dumilat ay pinilit kong itago ang kabang nararamdaman. Gayunpaman ay alam kong sa sandaling tumahimik ang lugar at mas mapalapit pa ako sa kanya, maririnig niya na ang lakas ng t***k ng puso ko na dulot ng halo-halong emosyon.
"Nope. I'm still single. Wanna hang out?" I tried so hard to be calm.
Napangisi ako nang makita ang pamilyar na emosyong dumaan sa kanyang mata. Pero agad iyong napalitan ng poot at galit.
"I'm sorry, I'm not single."
"Well, you could broke up with her."
Tinignan niya ako ng masama. Agad akong napaatras sa sobrang dilim ng kanyang mukha. Another stab on my chest. Ganoon niya ba kamahal so Hazel para ganyan ang maging reaksyon niya?
"I know you still love me, babe," I pointed out.
I know, deep inside, I'm still the one.
Ngumiti siya na nauwi sa malakas na halakhak na para bang sobrang nakakatawa ang sinabi ko. Pinanatili ko ang ngiti sa labi kahit na sobrang nainsulto ako sa ginawa niya.
Nang makitang hindi nagbago ang reaksyon ko ay bigla siyang sumeryoso. His eyes stared at me, blankly. Humakbang siya ng dalawang beses bago pinakatitigan ang mata ko.
"Sorry to disappoint, Miss, but you're wrong."
Nilabanan ko ang titig niya sa akin. I can't be wrong, Trev.
"U-huh? How sure are you?"
"I don't care about you. I want you gone. I hate your presence, I hate your voice, I hate your body, I hate your face..." Tumigil siya saka umatras at humalukipkip. "I hate everything about you."
Tumalikod siya kaya agad kong hinawakan ang kanyang braso at nagmadaling humakbang patungo sa kanyang harapan. The slight touch of my hand on a part of his body made me shiver. Tulad ng unang magtama ang mata namin, nagbukas iyon ng mga emosyong akala ko'y nailibing ko na sa kailaliman.
"Give me a chance, then."
"And why the heck I would?" Naiiritang sagot niya, kunot na kunot ang noo at mukhang nabi-bwisit na talaga sa akin.
Gone the smiles, the sweetness in his voice, the caring side of him.
"Dahil hindi kita titigilan. You'll fall for me again, Salvadera. Watch me make you fall in love, harder this time."
Umiling siya at humakbang na paalis. Pagkasarado niya ng pintuan ng kanyang kotse ay agad niya iyong pinaharurot paalis. Doon naramdaman ko ang panghihina. A warm hands encircled my waist.
"Stop being desperate, Iyah!"
It's Rage.
Si Rage ang nag-uwi sa akin sa condo na binili ko. Mabuti nalang at bukod sa sinabi niyang iyon ay wala na siyang binanggit pa na ikasasama ng loob ko. I'm glad he's there. At least, hindi ako tuluyang natumba sa lupa.
Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko hanggang makauwi ako sa unit. My heart ached as I saw our picture on my bedside table. Ibang-iba na siya...
Ibinaba ko ang bag saka hinubad ang damit. I stared at myself on the mirror. Namumula ang mata at pisngi ko, kitang-kita ang lungkot sa aking mukha na kahit sino'y mababatid kung anong nararamdaman ko. Tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng aking luha at paninikip ng aking dibdib. My make up is messy now.
Sandali akong nag-shower at hindi na binasa pa ang buhok. Padapa akong sumampa sa kama at kinuha ang picture frame sa aking tabi. Sa picture na iyon ay naka-back hug siya sa akin at nakalingon ako sa kanya. He's smiling at me, adoring me like I'm the prettiest girl he has ever seen.
Nakangiti ko iyong pinagmasdan pero agad napawi nang maalala ang ipinaramdam niya sa akin kanina. He made me feel like a loser. Na wala lang ako sa kanya. Na I'm just a pathetic lady who's sticking onto him.
"I love you..." Bulong ko sa hangin kasabay nang pagpikit ng aking mata at paglamon ng kadiliman sa akin.
Masakit ang ulo ko nang makabangon ako kinabukasan. Naghahalong hang-over at sakit na dulot ng pag-iyak. Napapikit ako sa inis. Bakit ba sa dami nang araw ay kagabi ko pa ninais magdrama? Ugh!
Tamad akong bumangon sa kama aaka nanguha ng undergarments. I took a bath and changed on a royal blue sexy bodycon dress. Medyo mababa ng neckline at sleeveless. Four inches above the knee and I partnered it with a white blazer and white three inches closed shoes.
Iniladlad ko ang kulay apricot kong buhok na hanggang bewang. Straight iyon hanggang baba ng tainga at kulot na sa baba. I put a ribbon clip and then I'm done!
Naglagay ako ng light make up at pink lipstick.
Susi? Check.
Phone? Check.
Wallet? Check.
I think I'm done here. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto saka lumabas. My place is too quiet. I admit, Everytime I stays at home I feel sad and lonely. So unlike my attitude outside.
Hindi na ako gumawa ng breakfast at nagtake-out nalang ng cappuccino at blueberry cheesecake sa nadaanang cafe.
Mabuti nalang at sumabay ako kay Vida kagabi at iniwan ang sasakyan ko. Kung hindi ay mapapa-commute ako ng wala sa oras.
A wide, pastel-colored place invaded my sight. It feels so warm. Ang ganda sa paningin. And the fact that I personally design and choose everything here made me happy. Mula sa puting sofa, sa iba't ibang shade ng pink, violet at blue na nakapintura sa bawat bahagi ng shop. Sa napakagandang chandelier, sa counter na pink na pink din ang kulay at sa mga glass cabinets at hanger na pinaglalagyan ng mga damit.
"Ma'am, last stock na pala itong suot ng mannequin. Marami pang pending orders," iyon ang sinalubong nang assistant ko sa akin.
My assistant is also the manager of this shop. Siya lang ang pinagkakatiwalaan kong kaya i-manage ito since she's been with me ever since I started.
"Call the factory. Magdagdag ka ng 100 stocks."
Dumiretso ako sa maliit na pintuan. Glass lang ang nakaharang kaya kitang kita ang labas ng office ko. Although they can't see me because my office is highly tinted.
Kalat-kalat pa ang mesa ko kaya hindi ko pa magawang magsaya. I still have lots to do. Ang daming pending orders, ang dami ko pang tatapusing design. Ni hindi ko na naharap magpa-interview sa isang magazine at humanap ng endorser dahil sa dami ng ginagawa.
"Coffee, Ma'am?"
Umiling ako. "I already bought one. Kayo, mag-breakfast na kayo habang wala pang tao."
Tumango siya at umalis na rin ng opisina. Ibinaba ko ang dalang Louis Vuitton handbag at saka umupo sa swivel chair ko na kulay peach. Tamang-tama sa kulay peach ko rin na office. A touch of pink and white too on different areas.
Pinakatitigan ko ang drawing book saka agad dumukdok doon.
"Ugh! I'm still sleepy," I yawned.
Hindi ko alam kung makakapagtrabaho ako nang ganito. Why the heck I have to meet him yesterday pa? Pwede namang next week nalang.
Hinawakan ko ang digital pen at nagsimulang gumuhit sa drawing tablet ko. Pero wala pang sampung minuto ay binitawan ko ulit iyon at naiinis na isinandal ang ulo sa back chair. Bwisit!
Umayos lang ako ng upo nang may kumatok sa pintuan. Tumikhim ako at hindi na nagulat nang makita si Vida sa aking harap. She's not busy, huh? That's unusual.
"What?"
Tumawa siya saka umupo sa visitor's chair sa aking harap. She stared at my tablet and her stare goes up to my face. Nalukot ang mukha ko nang ngumisi siya at nagpalumbaba sa aking harapan.
She wiggled her brows, tila nang-aasar.
"How's the night with your ex? Buntis ka na ba?"
Inabot ko ang pinaka-malapit sa aking tissue at binato sa kanya.
"Gaga! Buntis ka diyan."
Humalakhak siya kapagkuwan ay nagseryoso. "Dalawa lang iyan eh. It's either may nangyari sa inyo kagabi o..."
"Oh?"
"O nabasted ka," sambit niya saka muling tumawa ng malakas.
Napatampal nalang ako sa noo sa lakas ng topak ng babaeng ito. Palibhasa kasi ay siguradong napagalitan ito ni Tracy kagabi dahil sa kalandian niya kaya ako naman ang iniinis nito ngayon.
"So... a well-known model rejected my friend, huh."
"Fvck you, Smith." I raised my middle finger on her.
"I love you too," aniya na hindi sineseryoso ang sinabi ko.
"Don't worry. I'll make him mine again."
"U-huh. I know. Ikaw pa!"
"Wish me luck."
Tumawa siya. "Akala ko wish me fvck."
"Siraulo!"