Chapter One

1530 Words
ALLIYAH SIMSON's POV "We're now officially open!" We raised our glasses, drank our wines followed by loud applause from the crowd. "Congrats, my love," Vida kissed my cheeks before walking away to greet some visitors, clients and as well as other showbiz personalities. Isang taon... Isang taon bago ko tuluyang nabuksan ang sarili kong shop. I started my clothing line online. I have my team who is assigned on the website, another to the social medias and a designer team for the clothes. Ngayon ay magkakaroon ulit ng panibagong team para naman sa shop which composed of staffs such as cashier, saleslady, guard and a manager. "Ma'am, pwede magpa-picture?" Nahihiyang tanong ng bagong hire kong saleslady. Ngumiti ako at tumango. She positioned her camera in front of our faces and clicked it twice. "Salamat po!" Ngumiti ako habang pinapanood ang mga nagkakasiyahang tao. They were all busy, talking to artists, businessmen, and designers. The place is nice, aesthetic ang theme at talagang nakakagaan sa loob kapag naririto ka. Iyon bang shop na hahatakin ang mga kababaihan sa isang tingin palang. But you can't see it now. Tanging mga tao na nakatayo, naglalakad at nagtatawanan ang makikita sa paligid. Wearing their designer clothes, ramping their high heeled shoes and showing off their branded jewelries. A year... It took me a year before finally opening a shop. Isang taon na akong narito sa Pilipinas. Binuhos ko ang oras at panahon sa pagma-manage sa website, paggawa ng mga bagong damit, pagpapalawak ng koneksyon sa show business, pag-attend sa mga fashion shows at pag-papatayo nitong shop. Now, my dream is here in front of me. The dream that I thought will never come. Sadly, two people who I needed right now is gone. Two men who became my first fan and supporter. Malungkot akong ngumiti. Kahit gaano yata ako kasaya, may butas pa rin sa puso ko dahil wala na sila. "Ang lungkot naman ng ating CEO!" Halos 'di ko namalayan ang paglapit ni Jem sa tabi ko. Kasama niya si Tracy at Vida, wearing the dresses I've made for them and the jewelries given by Vida. These three are my friends since then. Glad they are still here. Baka ma-depress na ako ng bonggang-bongga kung wala sila. "Club tayo later?" Of course it's Vida. Siya ang pinakamahilig mag-bar sa amin. I chuckled. "Fine! Pampa-welcome na rin sa iyo." Kauuwi lang kasi nito galing New York. Akala ko nga ay hindi siya aabot for the opening. Binatukan ni Tracy si Vida. "Loka-loka! Kararating mo lang landi na naman hanap mo." Vida lifted her right brow before rolling her eyes. "Duh? Landi ka riyan. Iinom lang." "Pero depende kung may gwapo," dugtong nito kaya sabay-sabay kaming nagtawanan maliban kay Tracy na madalas KJ pag dating sa ganitong bagay. Nagpaalam ako sa kanila at naglibot sa shop. Marami-rami pa ring tao pero marami na ring umalis. Puro mga busy na tao ang mga dumalo kaya siguradong sandali lang sila. Karamihan ng natira ay mga journalists, mga writers at mga ilang nagta-trabaho sa mga pahayagan. "The gorgeous designer is here," salubong ni Shan sa akin, a gay owner of a well-known magazine. Kumindat ako sa kanya bago tatawa-tawang nakipag-beso. Humawak siya sa balikat ko at tinignan ang kabuuan ng aking suot. I'm wearing a red lacey dress without nudity. Long sleeves at V-neck na above the knee ang haba. Hindi maiksi. "Nice dress. Any plans to join a fashion show this year?" "Thank you," sambit ko sa server na nagbigay ng wine sa akin. I tasted it, medyo mapait kaya agad akong napangiwi. "You should join this year's fashion show. Isho-showcase roon ang iba't ibang local brands. There will be international designers who will come. Magandang opportunity iyon for someone whose starting like you." Binaba ko ang wine glass sa mesa saka umupo sa upuang naroon. I motioned him to seat too. Ang hirap namang mag-kwentuhan na nakatayo kami. Nakakangawit ang suot kong six inches heels. "I'll think about it." "And oh," maarte nitong tinakpan ang bibig nang tila may naalala. "You're friends with Trevor Salvadera, right?" My lips parted as I heard his name. Tila nahigit ko ang paghinga dahil na rin sa pagsilip ng aking dibdib. Hearing his name again after many years opened lots of wounds from the past. Trevor Salvadera May balita ako sa kanya pero kakaunting detalye lang. But I think it's a good timing to know some of his informations now. "Yes, what about him?" I tried to act so cool and fine. Mabuti nalang at hindi ako nautal. He grinned. Sa paraan ng pag-ngisi niya ay parang nai-imagine niya ang lalaki sa harap. Bakla talaga. "He will be there. Isa siya sa mga VIP guest on that event. Do you still keep in touch? He's a model now. Since friends naman kayo, why not make him one of your brand influencers?" A model, huh. A VIP guest. Ganoon na ba siya kasikat ngayon para gawing VIP guest sa isang malaking event sa bansa? Well, hindi naman iyon imposible. He got the looks, his Mom is an actress too before she got married. Tila may tumusok sa puso ko nang may maalala. I know his dream. I know his plans. And here I am, hearing he achieved all of that but unlike what he planned, I'm not in the process, I'm not there to watch him, help him, cheer him. I was there when he started but I was gone in the middle of his career. Ngayon, nandito ako kung kailan sikat na siya. Kung kailan malawak na ang mundo niya. Who the fvck I am now to him? A designer who he once knew? Hanggang matapos ang event ay iyon ang bumabagabag sa isipan ko. I actually came home here to talk to him, to apologize and to tell him that after all these years, I still love him. Pero paano ko iyon gagawin ngayon? We're no longer the ordinary people who we used to be. Bawat galaw namin ay sakop na ng media. "Toast to the ones that we got. Toast the wish you were here but you're not..." Kanta ni Vida na tinutok pa talaga sa tainga ko. Tinignan ko siya ng masama at pinaglaruan ang baso kong kakaunti nalang ang laman. Nasa second floor kami ng isang sikat na club dito. Karamihan ng nagpupunta ay mga artista. Mahal kasi ang entrance at maging mga drinks dito. Sobrang higpit din ng mga bantay. Talagang iche-check pa nila ID mo bago makapasok. Hindi kasi pwedeng may kung sino lang ang makapunta rito. Baka mamaya ay fan pa iyon at nagwala-wala rito. "Lasing ka na," pairap kong sabi kay Vida na ngayo'y nakangisi pa rin ng malaki sa akin. "Ikaw? Hindi ka pa lasing?" Tanong ni Jem na nakataas pa ang dalawang paa sa upuan. Mabuti nalang at naka fitted pants ito unlike sa aming tatlo na nakadress. "Wala akong plano na maglasing. Maaga pa ako bukas." Sumimangot ito. "KJ mo naman. Gusto ko marinig iyong pag-atungal mo tungkol sa iyong model na ex," ani Jem na humagikhik pa. Sinegundahan agad iyon ni Tracy. "Oh, I saw him last week. May shoot sila for- ano na nga ulit iyon? Basta kasama niya iyong model din. What's the name of the girl na nga ba?" Bago pa nito maisip ay ako na ang sumagot. "Hazel?" "Yeah," aniya at napapalakpak pa nang maalala ang pangalan. Ilang segundo pa ay natigilan silang tatlo at sabay-sabay tumitig sa akin. "What?" I chuckled to ease the nervousness that slowly creeping unto my system right now. "Paano mo nalaman?" "Don't tell me nagkita na kayo?" "Did you stalked them?" Natawa nalang ako sa reaksyon nila. I know Hazel, the closest girl in his life ever since. Best friend niya na iyon bago pa kami magkakilala. How funny, the one I thought he wouldn't like before is the one who are linked with him today. Tama nga ako... Something special is in between them. "Kilala ko si Hazel. Kaibigan niya na iyon dati pa," kalmado kong sabi. Pinakatitigan nila ako na may halong awa. Binatukan ko sila isa-isa. "Para kayong tanga! Ayos lang noh." "Ayos? Duh! For all I know kaya ka umuwi rito last year ay dahil sa kanya." I licked my lips. "So?" "Anong so?" Hinampas ako ni Vida dahil siya nga ang katabi ko ngayon. "Duh! Make some move, girl. How about seduce him?" "Heck! I'm not like that." "You won't make a move? So bibitawan mo nalang ng ganon? Ikaw may kasalanan, remember? Baka mahal ka pa non." Ngumiwi ako at muling nagsalin ng beer sa baso. "Sinong may sabi na susukuan ko iyon?" Sabay-sabay silang naghiyawan na tila iyon lang ang hinihintay marinig sa akin. Tracy raised her glass followed by the other two. "Cheers for the love--" I cut her off. "We can't have?" Umirap si Tracy at tinuloy ang sinasabi. "Cheers for the love of your life." Umiling nalang ako sa kakornihan niya at sa pag-iling ko na iyon ay nahagip ko ng tingin ang lalaking nakaupo sa high stool chair sa may bar counter na nakalagay sa unang palapag ng club. He's smiling as he talk to the guy next to his. Gwapong-gwapo sa suot niyang black polo shirt at maong, his hair in black color is a little bit messy. Mula rito ay kitang-kita ang matangos niyang ilong. It's the first time after three years that I saw him in person. Lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo na nang magtama ang mata naming dalawa. His smile slowly faded and his face darkened. Sitting a few meters away from me is the greatest love of my life. Trevor Salvadera  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD