MIA POV---
Hello world! bagong umaga! bagong pag asa! sabay unat unat ng dalawa kung kamay. Isang linggo na akong nakabalik dito galing sa bakasyun, at ito na ang unang araw ng pag babalik ko sa trabaho.
Work! work! na naman mga beshie. Alas kwatro pa lamang nang umaga pero gising na ako, ganito talaga ang gising ko kahit alas dies pa naman nang umaga ang aking trabaho. Nasanay na kasi ako na maagang magising dahil sinanay na kami ng aming nanay na maging responsablidad sa lahat ng oras, at gawain, And speaking! of nanay, maka tawag nga muna. tamang-tama mag alas nuebe na nang umaga sa Pilipinas.
Kaya kinuha ko ang aking cellphone sa aking gilid at pinindot ko na ang dial para tawagan si Nanay. At dalawang ring lang sinagot na agad nang aking nanay.
"Hello anak! kamusta ka d'yan ?" baka napa bayaan mo na, ang sarili mo d'yan? At nagpaka hirap sa trabaho, sinasabi ko naman kasi sa'yo bakit kailangan mo pang lumayo. Pwedi ka naman dito nalang magtrabaho. hindi naman tayo naghihirap anak." Ito talaga ang bungad nang nanay, sa tuwing tumatawag ako. Hindi manlang ako naka hello! talk na agad hehehhe joke! Mahal na mahal! lang talaga kami nang nanay, kaya palagi ganyan sya makapag sabi sa aming magkakapatid. Dahil tatlo lamang kaming magkakapatid kaya ganito sya sa amin."
"Nay, naman! hindi pa nga ako naka hello! may misa na agad?"
"Hoy Mia, 'wag mo akong ginaganyan ganyan ha! porket malayo ka ganyan kana sumagot?" ma tiris kita sa singit, makita mo. Talak ni nanay, sa akin at hindi naman masama ang aking loob sa kanya. Dahil nasanay na kami sa bunganga ni nanay na magkapatid.
"Nay, I love you p!, miss ko na kayo lahat d'yan! huwag ka nang magalit Nay. Sige ka lalong kang tatanda n'yan. biro kung sabi kay Nanay.
" Abay! na bata ka, dami mong alam. natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ni nanay.
"Nay nasaan ang tatay?"
Ah! ang tatay mo nandun kay pareng Nanding, alam mo naman pag ganitong oras nakiki marites duon kasama mga manok." Libangan kasi ni tatay ang mga manok mahal nya pa nga mga manok nya kaysa kay nanay hahaha! charot.
Tatlo lang kaming magkakapatid, ginapang talaga kami ni nanay at tatay para lang makatapos sa aming pag-aaral. Kahit anong hirap na trabaho, ginawa nila para makatapos kami sa aming pag-aaral. Hanggang makatapos at may kanyang-kanya na kaming trabaho. Kaya simula nung nag trabaho kaming magkapatid pinatigil na namin si tatay sa pag trabaho. At si Nanay, naman binigyan namin ng kapital para sa maliit na tindahan. Kaya ngayon ang pag-aalaga ng manok ang hobby ni tatay.
Si ate Joy, ay isang pulis may asawa na at isang anak. Si Ate Lyn, naman ay isang teacher at malapit narin magpakasal. Ako ang bunso. Nakabalik lang ang wisyo ko nung magsalita ulit si Nanay.
" Anak uuwi ka ba sa kasal nang ate Lyn, mo?" Tanong ni Nanay sa akin.
"Titingnan ko ang schedule ko nay kung hindi hectic ang aking schedulebay magpapa alam ako sa head namin.
Next year pa naman 'yun Nay, kung papayag ang admin namin uuwi ako. Actually yearly naman ang uwian ko, kaso minsan hindi ako umuuwi dahil magasto. Isa pala akong kinder teacher dito sa Saudi, at mag limang taon narin dito. Balak ko na din mag for good pagkatapos nang kasal namin ni Aron, two years from now.
Yes! may boyfriend ako dito, mag apat na taon na kaming magka relasyun. At alam naman nang mga magulang at pamilya ni Aron, pati narin ni May. Nang nalaman nya nga, na nag propose na si Aron, sa akin hindi pa nga sya sang ayon. Dahil baka daw nabigla lang pero, sinasabi nya lang dahil hindi talaga boto si May, kay Aron, para sa akin. Dahil raw parang may pagka manyakis ito. Dahil nakita na nila ito at nakausap sa messenger. Pero dahil mag bff kami kahit labag sa kanyang loob sa huli naging okay! narin sya, sa aking desisyun. At sya pa nga ang pinakiusapan na kumuha nang cenomar sa PSA . Balak muna namin dito magpakasal sa embassy nang Saudi. At magpakasal kami sa simbahan sa Pilipinas, pag uwi namin matapos ang kanyang kuntrata.
Mahal! ko si Aron, kaya handa na akong makasama sya habang buhay. Mabait, masipag, mapag-mahal lalo na nirespito nya ako. Ok! na sa kanya kung saan lang ang kaya kung ibigay bilang girlfriend. Hanggang kiss lang muna ang kaya kung ibigay sa kanya. Dahil ang sabi nya, handa naman syang mag hintay hanggang sa maikasal na kami. Kahit hindi sya kasing yummy ni sir Chief, bigla akong napabalikwas, bakit ba sumagi sa isip ko ang pulis na'yun?!
"Oh sya anak, baka malaki laki na bayaran mo sa internet, dahil akoy may bibilhin pa na paninda sa palengke." Buti nalang nagsalita si nanay. Muntik ko nang nakalimutan, na nasa kabilang linya pa pala ang Nanay.
"Okay, nay! maghahanda narin ako para magtrabaho ingat kayo d'yan Nay! pakisabi narin kay Tatay. "I love you po! muaaah."
"Ingat, karin d'yan anak! mahal karin namin nang tatay mo! kayo nang mga kapatid mo." agad ko nang pinatay ang tawag dahil baka magda drama na naman ang Nanay, dahil pagdating kay nanay naging mahina ako.
Habang ako ay naliligo sumagi na naman sa isipan ko ang mukha ni chief. Bigla nalang parang feeling ko, namula ang aking mukha! tuwing naiisip ko ang larong truth o dare na nauwi kuno sa aming kasalan. Hay nako makapag almusal na nga at akoy ba-byahe pa papuntang trabaho. Paglabas ko sa aking kwarto nakahanda narin ang dalawa kung kasamahan sa trabaho. Si ate Jessa, at ate Mel, pareho kaming pinapasukan na eskwelahan pero ibat-ibang department kami naka assign. Mga ate good morning po!
" Ay! nand'yan kana pala bunso, halika kana mag-almusal na tayo. Sabi sa akin ni ate Mel. Bunso ang tawag nila sa akin dahil ako ang mas bata sa kanila, actually may isa pa kaming kasama dito si Aya. Kaso hindi namin sya ka close dahil may sariling mundo, at masama ang ugali lalo pag nandito si Aron, ang lagkit makatingin sa boyfriend ko. Pagkatapos naming kumain nag kanya kanya na kami balik sa aking kwarto para mag ayos papuntang trabaho.
Siksikan kami sa bus na sinasakyan namin, dahil kung paarti-arti ka ma late ka talaga sa trabaho. Ganito palagi ang araw-araw namin routine mabilisan at siksikan. Para lang makaabot sa tamang oras nang trabaho.
Pagdating namin sa school nakaabang na ang mga bata na ibat ibang mga lahi. Kaya nagbatian kami sa isa't-isa.
"Hello habibi, good morning kids." bati ko sa mga bata.
"Hello teacher, good morning." sagot na bati nila sa akin. Iba't ibang lahi man ng aking nakasalamuha araw-araw pero gamalay ko narin ang kanilang mga ugali. Kaya inanyaya ko na sila para sa loob nang classroom. At inumpisahan na Ang pagtuturo sa kanila.
Ang bilis lang nang oras, at heto! hapon na naman. At oras na naman nang uwian . Kanya kanya na namang ligpit nang kapwa ko na nagtatrabaho para sabay sabay narin kaming lalabas at sasabay sa aming sakay sa service pauwi sa aming tinitirhan na apartment.
Araw ngayon nang bernes kaya rest day naming lahat, tinawagan Ako kanina ni Aron na isama bukas sa lakad nila patungo sa beach pero mas pinili kung manatili nalang Dito sa bahay medyo Hindi pa Ako nakapag adjust galing Pilipinas kaya mas gusto ko munang magpahinga.
"Sigurado ka Habibi?! (Mahal sa tagalog na tawag nang mga lalaki sa babae) ayaw mong sumama bukas? tanong ni Aron, sa kabilang linya dahil nag uusap kami sa cellphone.
"Okay! lang ako habibti, (mahal sa tagalog tawag nang mga babae sa lalaki). At alam mo naman na hindi ako marunong makisabay sa mga kaibigan mo. At baka hindi ka mag enjoy pagkasama mo ako. Dahil ako lang ang asikasuhin mo, at gusto ko muna magpahinga. Mahabang salaysay ko Kay Aron.
"Bakit,masama ba ang pakiramdam mo?" bakit hindi mo kanina sinabi sa akin nung nan'dyan ako Habibi? gusto mo bang bumalik ako d'yan at samahan narin kita bukas?"
"Okay! lang ako Habibti. At hindi masama ang aking pakiramdam. Medyo nag adjust pa ako ulit dahil kakarating ko lang galing Pilipinas. Kaya mas gusto ko muna magpahinga, kaya 'wag ka nang mag-alala pa Habibt, okay! enjoy!nalang kayo nang mga kaibigan mo bukas. Basta paalala ko walang babae.
" Pramis Habibi, ikaw lang. at wala kaming mga kasamang babae bukas, kaming mga lalaki lamang dahil nag usap kami na mabingwit nang isda sa corniche.
"Okay! Habibti, may tiwala naman ako sayo." sabi ko kay Aron.
"I love you! Habib. At salamat sa tiwala pramis hindi ko sasayangin ang binigay mong pagmamahal at tiwala sa akin. At excited na ako na makasal na tayo.
"I love you too! Habibti." sige matulog na tayo, para makagising ka nang maaga para sa lakad nyo bukas.
"Good night."
"Good night Habibi."