Chapter 01
MIA POV---
"Kumars! Naku bruha ka. Bakit gumanda ka lalo? Ano ang sikreto mo?" sigaw ng lukaret kong kaibigan na si Mayang.
May ang kanyang totoong pangalan. Mag-bff kami since elementary pa. Nag-aral kami sa Cotabato Central Elementary School. Naging magkaibigan kami hanggang high school. Naghiwalay lamang kami no'ng mag-college kaming pareho, dahil magkaiba ang kinuha naming kurso. Business Managament, Major in Finance ang akin, samantalang HRM naman ang kursong kinuha ni Mayang, dahil mahilig siyang magluto.
"Kumars, naman! Pwede dahan-dahan naman. 'Di ka ba naiingayan sa boses mo?" saway ko sa kanya nang makalapit na ako.
"Naku, ' e kasi na-miss lang kita, tagal mo kaya sa Saudi kaya super duper happy ako at sa wakas nagbakasyon ka na din dito sa atin. At buong-buo pa rin at mas lalong gumanda," biro niya ulit sa akin.
"At dahil nandito ka na, treat kita. May bagong bukas na resto malapit lang sa eco park. Kaya tara lets gora na tayo doon!"
Alas kwatro na nang hapon kaya pwedi na muna mag chill-chill.
Gumayak kaming dalawa para mag-inuman dahil na-miss ko na din ang lukaret na ito. Ewan ko at kung makasigaw ay ubod ng lakas.
Habang naghahanap kami ng bakanteng mesa biglang may tumawag kay Mayang.
"Mayang! Nandito din pala kayo?" tanong ng lalaki na nasa kabilang mesa.
"Ay! Ikaw pala kuya. Hindi kita agad napansin no'ng pumasok kami, nawili kami sa pag-uusap ng kaibigan ko."
"Ano ba gagawin nyo dito? Kakain o mag chill-chill?" tanong ng kuya ni Mayang sa kanya.
"Dito na kayo umupo malaki naman ang space ng mesa namin." Paanyaya ng kuya niya sa amin. Hindi lang naman siya mag-isa. May kasamahan din ang kuya niya. Naka-suot siya ng kulay gray na shirt, samantala ang mga kasamahan niya naka-plain white na t-shirt lang.
Tuwang -tuwa naman si Mayang at hinila niya ako papunta sa mesa ng kanyang kuya. Ang ga-gwapo ng mga kasamahan ng mga kuya niya. Maging ang kuya ni Mayang ay may sinabi din ang hitsura.
"Mga kuyang pogi. Pwede ba kami maki-join?"
"Oo naman, Mayang, kaya ka nga tinawag ng kuya mo e," sagot ng naka-white na shirt sa dulo. Kaya naupo na kami at nag-simulang mag-kwentuhan. Nagpakilala na rin kami sa isa't-isa. Mga pulis pala sila sa lugar na ito dito sa Davao. Dahil sadyang maingay at makulit si Mayang, kaya ayon sya ang bida.
Naku! Miss ko talaga ang lukaret na ito.
"Saan ka pala nagtrabraho Mia?Bakit ngayon lang kita ulit nakita?" tanong ng kuya ni Mayang sa akin. Nagtaka naman ako dahil hindi ko naman siya nakita dati no'ng pumupunta ako sa bahay nila Mayang, pero sinagot ko pa rin naman sya.
"Galing ako sa Saudi kuya. Bakasyon ko, kaya heto, nakipagkita ako kay bff bago ako bumalik."
"Ibig ba sabihin patapos na ang bakasyon mo?" tanong ng kasama nila na Rodel daw ang pangalan na isa ring pulis.
"Opo, gano'n nga ho," nakangiti kong sagot sa kanyang tanong. Habang patuloy kami sa pagkain at tanungan bigla silang nagsitayuan. Nagtaka naman kami ni Mayang sabay
lingon. Nakatayo sa likod namin ang isang lalaking matangkad, matipuno ang katawan, kayumanggi at may biloy sa pisngi. Nakatulala ako habang nakatitig sa kanya.
Ang gwapo nya!
Napabalik lang ako sa aking tamang huwisyo nang tumili si Mayang.
"Oh my gosh! Ang gwapo nya," bulong ni Mayang sa akin, kaya siniko ko siya.
"Tumahimik ka nga umaandar na naman 'yang pagka-haliparot mo."
"Grabi ka kumars. Haliparot talaga? 'Di ba pwedeng kinilig lang sa gwapong nilalang na nasa harapan natin?!" ngiti nito sa akin na nagpaliit pa ng singkit niyang mga mata. Nag-salute ang kuya ni Mayang at mga kasama nito sa bagong dating at pinakilala kami sa kanya.
"Ladies, ito pala ang aming chief of police dito. Chief Jonathan Mendoza," pakilala ni kuya Joel sa amin.
Nagkamayan kami pagkatapos nagpakilala kami sa isa't-isa.
Malagkit ang tingin ni chief sa akin, pero binalewala ko naman kasi nga basta pulis di 'ba maraming babae at magaling mambola. Pagkatapos ipakilala sa amin si Chief nagsiupo sila ulit at binigyan ng beer ang Chief nila.
Alas nuebe na ng gabi pero tuloy pa rin ang inuman at kulitan, hanggang sa dumating ang kaibigan nilang abogado na napadaan dahil may kinasal daw malapit kung saan kami nagkasiyahan.
Sa patuloy naming kasiyahan biglang sumingit si Mayang.
"Maglaro kaya tayo para mas enjoy," ang saad nito.
"Oh sige ba. Ano'ng laro ba?" tanong ni Rodel.
"SPIN THE BOTTLE!" excited na sagot ni Mayang.
Tinaasan ko sya ng kilay
"Seryoso ka?"
"Oo. Masaya 'to Mars," ngisi niya sa akin. Habang ang mga kasamahan namin naiiling na lang sa kanyang kalokohan. Pero sumang-ayon naman sila dahil medyo may tama narin sila ng alak. Minsan lang naman daw magkasiyahan, dahil puro trabaho lang daw sila nitong mga nakaraan na buwan.
Nag-umpisa na ang kabaliwang laro. Pinaikot na ni Rodel ang bote at huminto ito sa harapan ni kuya Joel.
"TRUTH OR DARE?" tanong ni Rodel kay kuya Joel.
"TRUTH!" sagot naman ni kuya Joel.
"Ilan ang asawa mo?" nagtawanan kaming lahat sa tanong ni Rodel. Akma sanang sasapakin ni kuya Joel si Rodel nang sumingit si Mayang.
"Kuya walang ganyanan. TRUTH nga di 'ba?" pang-aasar ni Mayang sa kuya niya.
"Isa lang ang asawa ko, syempre!"
"Wee! Mamatay man?" pang-aasar ni Rodel kay kuya Joel, sabay tawa ng malakas. Gano'n din ang chief nila na pangisi ngisi lang. Pinaikot muli ang bote. Sa akin huminto ang bote kaya natutop ko na lang ang aking noo.
"Dahil truth ang napili ni kuya kanina Mars. Ngayon ay dare naman ang sa'yo. Hindi na pwedeng mag-truth," ang sabi ni Mayang. Pinanlakihan ko siya ng aking mata dahil ayaw ko sa dare parang may hinala na ako na may gagawin siyang 'di maganda.
Ang bruha parang may planong 'di maganda at tama nga ako, dahil ang dare niya sa akin ay nagpagising ng dugo ko sa aking katawan.
"Pakasalan mo si Chief Jonathan!"
"ANO?!" nandidilat ang mga mata ko dahil sa gulat.
"Hey! Game nga di 'ba? Kaya kunyari lang Mars at hindi naman totohanan." sabi ni Mayang. Halos mamula na ang aking mukha dahil sa reaksyon ko. Pero kahit games lang ibang usapan na 'yun lalo na kay Chief pa nila ako ikakasal.
"Tutal nandito na rin ako bilang abogado. Ako kunyari ang magkakasal sa inyo." suhestiyon naman ni Attorney Jerel. Tiningnan ko si Chief Jonathan. Nakangiti lamang siya at biglang bumulong sa akin na ikinagulat ko.
"It's ok. It's just a game."
Nagulat pa ako nang dumampi ang kamay niya sa aking balikat at parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan kaya naman bigla akong napaurong palayo sa kanya. Napabuntonghininga muna ako bago sumagot.
"Ok, surrender," ang sabi ko sa kanila. Tumayo naman si Attorney Jerel at tinawag ang kaniyang sekretarya. May itong nilabas na papel. At dahil medyo tipsy na rin ako'y hindi ko na lamang binigyan pansin iyon. After all, it's just only a game.
"Ikaw lalaki. Tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging kabiyak habang buhay sa saya man o hirap?" lasing na tanong ni Attorney, habang narinig kong may naghigik- hikan sa paligid.
"Yes, Attorney," sagot ni Chief. Bumaling naman ang abogado sa akin.
"Ikaw naman babae tinatanggap mo ba ang lalaking ito na maging kabiyak sa habang buhay sa saya at hirap?" tanong din niya sa akin.
"Y-Yes, Attorney," kandautal kong sagot.
"Oh, nasaan ang sing-sing? Bilis!" hanap ni attorney. Kaya ang ginawa nilang sing-sing ay ang tali na nasa litson ng manok na ginawa naming pulutan. Tinanggal nila at 'yun ang nilagay sa aming mga daliri. Ang mga loko-loko, tawa nang tawa pati ako nadala na rin kasi nga ang saya-saya, para kaming mga batang naglalaro lamang.
"Oh, hayan tapos na ang kasal. Papirmahin na natin sila," ang sabi ni Attorney.
"Mabuhay ang bagong kasal!"
"Kiss! kiss!" sabay-sabay nilang sigaw.
"Mag-iingat ka doon sa Saudi, ha!" Naku, kailan na naman kaya tayo magkikita?"
"Tumigil ka na nga! Kanina ka pa d'yan sa kakaiyak mo Mayang. Para naman akong mamatay sa ginagawa mo. Maka-atungal ka, wagas!" Nandito kami sa airport at sya ang naghatid sa akin, ito na ang araw nang pagbalik trabaho ko sa Saudi.
"Hayst! Alam mo naman nalulungkot lang ako sa pag-alis mo. Im sure isang taon naman bago tayo muling magkita."
"Hala! Bakit wala bang sss, wattsapp o 'di kaya messenger?"
"Kumars naman. Tahan na. Kanina pa tayo pinagtitinginan 'e. Daig mo pa ang asawa kung maka-iyak ka diyan."
"Tsee! Palibhasa hindi mo ako mami-miss!" drama ni Mayang na nakasanayan ko na sa tuwing naghihiwalay kami. At ito rin ang mami-miss ko sa kanya.
Tinaasan ko na lang siya ng isang kong kilay.
"Ang sabihin mo wala ka ng maanyaya sa mga kabaliwan at pagkalakwatsera mo." sambit ko sabay yakap ko na lang sa kanya. Hinagod ko ang kanyang likod dahil panay pa rin ang kaniyang iyak, dinaig pa ang aking nanay at tatay.
"Sige na, pag-uwi ko sa susunod na bakasyon doon ako sa inyo ng isang buwan," ani ko. Biglang lumaki naman ang kanyang mga mata.
"Talaga, kumars?! Ay bongga! Excited na ako, gusto ko yan."
Tumango ako nang naka-ngiti sa kaniya.
"Oh, sige pasok na ako at baka mahuli pa ako sa eroplano," ngumiti akong hinalikan siya sa kaniyang pisngi.
"Mga kalukaritan mo hinay-hinay lang ha? Aba'y alam mo na ang panahon ngayon, delikado. Ikaw pa naman kung makainum daming kalokohang ginagawa," bilin ko pa sa kanya.
"Oo na sige na, nanay. Masusunod po." natatawang niyang sabi sa akin.
"Sige, pasok ka na baka 'pag mahuli ka, ako pa ang sisihin mo," banat pa nito na talagang mami-miss ko sa kanya.
Nagyakapan muna kami bago ako tuluyang pumasok sa airport.