Chapter 02

1533 Words
CHIEF JONATHAN POV--- Araw nang lunes, maraming taong samot saring naglalakad papasok sa opisina at eskwelahan. At ako naman papasok nang head quarters bilang isang Chief Officer, dito sa lungsod nang Davao. Pero hinihintay ko nalang ang release order para malipat na ako sa lungsod nang Cotabato. Dahil patapos na dito ang aking termino. Dahil lunes nag tipon tipon kami dito lahat sa oval para sa flag ceremony, sa pamumuno nang aming mabuting mayor nang lungsod. At syempre ako rin para isang ehimplo nang isang matapat na pulis nang lungsod. Pagkatapos nang flag ceremony, may kunting salaysay lang ang aming mayor at pagkatapos kanya kanya na balik sa trabaho. Ako naman pumasok na sa aking opisina. Ako si Chief Jonathan Mendoza. Nasa ika tatlumpo't taong gulang at single parin hanggang ngayon. Hindi naman kami mayaman sakto lang, may isa akong kapatid na nag-aaral nang college dito rin sa Davao. At kumukuha nang kursong medisina. Ang aking mga magulang naman may sariling maliit na negosyo dito rin sa lungsod nang Davao. Habang nakaupo ako sa aking mesa dito sa loob nang aking opisina, sumagi sa isip ko ang mukha nang babaeng kasama namin, isang linggo na ang nakaraan. Maganda!, maputi!, sakto ang hubog nang katawan. At una kung kita sa kanya nabighani na ang aking puso. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganun sa isang babae. Habang nagmumuni muni ako dito sa loob nang aking opisina,kumatok at pumasok agad ang aking mga tauhan. "Chief, good morning chief! bati nila sa akin at nag salute.Mukhang malalim iniisip natin ah?, ang tanong ni SPO2 Joel Cruz, ang kuya ni Mayang. "Good morning men!, balik bati ko sa kanila. "Ah alam ko na, kung ano ang nasa isip mo chief. Biglang sabat naman ni SPO1 Rodel Alvarez. Napatingin naman ako sa kanila na nakunot ang aking noo. "Sinasabi ko na nga ba chief eh!, sabay hampas ng mahina ni Rodel, sa aking mesa. "Ano ang ginagawa nyo dito? Oras nang trabaho pero bakit kayo pumunta nang opisina ko?" "WALA naman chief, at wala pa masyadong trabaho. Kaya naisipan namin na kamustahin ka. Alam mo na yung tungkol sa nakalipas nang isang linggo. May kahulugang ngiti na sabi ni Rodel . Kaming tatlo, ang mas naging close habang dito naka assign, at kasama ko rin sila sa nalalapit na paglipat namin sa Cotabato. Kung katungkulan at trabaho ang pag-uusapan subra akong istrikto. Pero kung sa mga kaibigan naman mabait, at sa kanila at ready makisabay sa kalokuhan basta nasa tama lang. "Chief, diba Chief ang ganda nya?! hanep ang katawan! at sobrang sexy !, dagdag na saad pa ni Rode. "Oo nga chief, noon paman lagi ko nga nakikita na magkasama sila ng kapatid ko. Kaso di nya ako nakikita kasi, minsan aalis ako saka naman sila dadating. Ang sigundang sabi ni Joel. "So type mo si Mia?! ang tanong ni Rodel, ky Joel. "Kahit sino naman magkagusto sa kanya pang girlfriend material si Mia. Isang magandang mukha may balingkinitan na katawan ang sagot ni Joel. napatingin ito kay chief at kita nito ang pagsingkit nang mata at pagdilim nang mukha. Pero dahil bff ng kapatid ko Chief tinuring ko naring kapatid bawi nito sa kanya mga sinabi. "WEEEEE! MAMETEYYY! MAMETEY! ang asar na sabat ni Rodel. "Baka nakalimutan mo SPO1 Alvarez, mas mataas parin ranggo ko sayo. Ang pabirong saad nito. "Sir naman biruan lang eh pikon na agad tumawa at nag peace sign pa na nakamot sa batok na sabat ni Rodel. "Pero maiba tayo chief, crush mo si Mia ano?" "Bumalik na kayo, sa trabaho men. Huwag ninyo akong isali sa mga kalokohan n'yong dalawa. "Chief, yes Chief! sabay salute ng dalawa bago tumalikod palabas nang aking opisina. Bumuntong hininga ako, at napalapat ang aking likod sa aking upuan at ipinatong ang aking dalawang kamay, sa likod ng aking batok na magkadikit at pumikit. Sa totoo lang habang sinasabi kanina ni SPO2 Cruz, at SPO1 Alvarez, tungkol kay Mia, medyo uminit ang aking ulo. Pero pinipigilan ko lang ang aking sarili na hindi magalit sa kanila. Buti binawi ni SPO2 Cruz, na hindi sya nagkagusto sa babae. Nang tinanong sya ni SPO1 Alvarez. Sana magkita! tayong muli Mia. Naalala nito ang gabing magkasabay sila sa inuman. Napadaan lang dapat ito doon ng makita nya ang kanyang dalawang tauhan na may kasamang dalawang babae. Pero mas nakuha ng atensyon nya ang isang babae na may mahaba maitim at makintab na buhok hanggang baywang. Maputi at hugis pusong mukha, may magandang mata at matangos na ilong. Nang makapasok na at ipinakilala na sa akin ang babae. Medyo napatulala ako, di hamak na mas maganda ito sa malapitan. Ang plano kong pagdaan nauwi sa pagsabay sa kanilang inuman,na mas naging masaya pa nung dumating si attorney Jerel. Napangiting parang kinikilig ako nang maalala ang larong kasal kasalan. Kita ko sa mukha ni Mia, ang pagtutol. Hindi ko maintindihan kung bakit napasunod ako sa mga kalokohan nang gabing iyon at dahil narin yata sa medyo may tama na Ako sa aming ininum na beer. Nakaramdam ako nang may parang kuryenteng nalaytay sa aking katawan nang binulungan ko ito at ramdaman ko din ang napakislot ni Mia. Napa uo nalang ito nang binulungan ko sya sa kanyang tainga na laro laro lamang at medyo umakbay ako sa kanya. Ang bango nya at sa amoy nya palang parang biglang nabuhay,ang natutulog kung buddy. Aminin ko medyo torpe, at maraming babaeng lumalapit sa akin. Pero ni minsan hindi ako nagkagusto sa kanila. Pero kay Mia iba ang aking pakiraramdam, kahit ilang oras lang kaming magkasama. Hindi na sya mawala wala pa sa aking isipan. Marami nga nagtatanong sa akin na nasa edad ko na 30, eh! wala pa akong asawa. Maraming nagsasabi na pag pulis e! matulis pero ibahin nyo ako ksi, CERTIFIED BACHELOR SINGLE! walang sabit. Palagi ko pangnaririnig ang gwapo ni sir, ang yummy. Pag ako ang nakasuot nang uniporme nang pulis, asahan mo maraming mga kababaihan, nanagpapakita ng motibo sa akin. Na syang hindi ko nakitaan kay Mia, kaya naging dahilan ng aking pagka intreasado ko sa dalaga. Ang tanging sagot ko lamang sa kanila ay di ko pa nahanap ang aking "THE ONE." Alas dos nang hapon, nang bumalik muli dito sa SPO1Alvarez, sa aking opisina. Para sabihin na pinapatatwag ako ni Mayor Topaz. Para sa paglipat ko sa lungsod nang Cotabato. kaya inayos ko muna ang pagsuot ko nang aking uniporme, at ang mga papel sa ibabaw nang aking mesa bago lumabas papuntang opisina ni Mayor. Tatlong katok ang ginawa ko sa pintuan nang opisina ni Mayor, bago ako nakarinig nang boses na pinapapasok na ako sa loob. Kaya binuksan ko na ang pintuan at pumasok sa loob. "Good afternoon Mayor! sabay salute ko sa kanya." "Good afternoon too, Chief Mendoza." Halika maupo ka. Paanyaya sa akin ni Mayor Topaz. "Mayor, pinapatatwag nyo ho daw ako!? ang tanong ko sa mabuti naming Mayor. "Yes, Chief! gusto ko lang personal na magpasalamat sayo. Dahil sa tapat at masipag na Chief, sa anim na taon na pag serbisyo mo dito sa aming lungsod." "Katungkulan ko na gampanan na maging tapat at maayos, bilang isang lider nang pulisya Mayor. Ginagawa ko lang ho nang maayos ang aking trabaho, dahil mabait at mabuting Mayor, ka dito sa lungsod. Ayaw ko ho! na madungisan ang iyong pangalan." Sagot ko kay Mayor, dahil totoo naman lahat na sinabi ko sa kanya. "Kaya nga! naghihinayang talaga ako Chief na aalis kana dito. At ang dalawa mong kabaro. Sana katulad mo rin ang bagong Chief, na papalit sayo." "Huwag kang mag alala! Mayor, kahit wala na ako dito. Isang tawag mo lang hindi ako hihindi sayo. sabi ko kay Mayor na naka ngiti. Dahil malapit ka nang umalis at lumipat , sa ibang lugar magkaruon tayo nang kunting selebrasyun. At ako ang taya. Alam mo kailangan may mga babaeng pang relax. Baka may mabingwit na ang pihikan mong puso. Ang tukso ni Mayor,sa akin. Dahil alam n'yang wala akong kasintahan. Kakamot kamot nalang ako sa aking batok at ngumiti sa harap ni Mayor. "Papano Mayor! aalis na ako at maraming salamat sa tiwala na pinagkaloob nyo sa akin sa mahabang anim na taon." "You're welcome! Chief. At salamat din dahil isa kang tapat at maasahan sa serbisyo. Basta sa sabado kita kits! tayo duon sa, alam mo na. Ngisi ni Mayor, sa akin at tinapik-tapik ang aking balikat. Dahil isang high end bar ang kanyang tinutukoy. Napa uo nalang ako sa kanya. Nagkamayan muma kami ni Mayor, bago ako nagpaalam na lalabas na nang kanyang opisina. "Pabalik na ako sa aking opisina, habang naglalakad ako sa hallway, naalala ko naman ang mukha ni Mia. napangiti nalang ako at sinilid ang aking kamay sa bulsa nang aking pantalon. At pasipol sipol na may ngiti sa labi, na lumalakad patungo sa silid nang aking opisina. Pero bigla kung naalala ang sinabi ni Mayor, tungkol sa sabado na may mga babae, syang kunin para sa amin. Bakit nakaramdam ako na parang nagtataksil ako kay Mia, kung may mga babae kaming kasama sa sabado?! Ay! iba kana Chief, hindi pa nga kayo to taksil agad?! Kontra nang kuntrabido kong isip. Napailing nalang ako at dumiretso na papasok sa aking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD