CHIEF JONATHAN POV--- Nakabalik na kami galing Davao, enjoy na enjoy si Mia, kasama ang aking mga pamilya lalo na ang aking mga magulang. Tanggap na tanggap ng kapatid at magulang ko si Mia, na ikinasaya ng puso ko. Nuong may dinala ako dati na pinakilala ko bilang girlfriend nung nag aaral pa ako sa college. Ayaw ,na ayaw ni mama sa babae na yun maarte at hindi raw pang girlfriend o wife material. Pero kay Mia puro papuri sya, na bilisan ko na raw para mabigyan ko na sila ng apo. Napangiti nalang ako kay mama. Kung atat syang magka apo mas lalo na ako. Nandito ako ngayon sa aking opisina wala pa naman maraming gawain kaya sumandig ako sa aking upuan, nilagay ko ang aking kamay sa aking noo saka pumikit. Inaalala ko ang unang araw namin na pagkikita ni Mia. Yung kasal kasalan na ang sing