MIA POV--- Ito ang ikalawang araw namin sa Davao, Ang babait ng mga pamilya ni Jonathan. Enjoy, na enjoy! ako sa pagpunta namin rito. Hindi ko akalain na tanggap ako ng lahat ng pamilya ni Jonathan. Nandito kami ngayon sa dagat nagyaya si Mama na maligo bago kami bumalik ng Cotabato. Nag ihaw sila ng malaking isda at pusit. May mga iba't ibang shell din na hindi ko kilala pero ang sasarap. Sa dalawang araw ng pa stay namin halos kain lang kami ng kain parang nanaba na nga ako. Ang sarap ng mga pagkain puro fresh lalo ang mga seafood. Sa amin kasi kung maghintay lang sa palengke puro bulok na at ang mahal pa. Pero no choice kundi bumili. Ang layo naman kasi ng dagat sa amin mabuti rito sa Davao malapit lang. May kinain pa ako na ang tawag ay lato lato na kinilaw nagustuhan ko ang lasa kaya