"I think we have to prepare, malapit na ang 4pm." I casually told Kenji. Hindi ko pa rin sinasagot iyong tanong niya kanina. Ayoko nang ungkatin pa iyon kaya gusto kong umiwas muna. Bumangon siya mula sa pagkakasandal sa akin at tuluyan nang tumayo. "Oo nga pala. Punta muna ako sa roon ko para maligo. Are you hungry? Pwede tayong kumain muna bago pumunta sa hospital." "No, hindi. After na lang ng check up mo tayo kumain." Ngumiti ako sa kanya at gayon din siya sa akin. Bago tuluyang umalis ay humalik na muna siya ng magaan sa mga labi ko na hindi ko na nagawa pang sagutin. Nang makalabas na siya ay nagmamadali akong bumangon at ilinock ang pinto ng kuwarto ko at saka ko binalikan ang phone ko. I unlocked it and saw that I have an email. Nang buksan ko iyon ay nakita kong nagpadala na na