"So why did you break up?" ilang beses nang pagtatanong sa akin ni Damon. "Stop it, D," mabuway kong sagot sa kanya. Kanina pa sa sasakyan noong sinundo niya ako at makarating kami dito sa family house ng mga Vladimier ay tanong na siya nang tanong. Hindi ko naman siya masisisi. Nagulat ang lahat maliban sa mga lolo at lola ni Azyra sa bigla niyang pag-alis. Kinausap nila ako kahapon at sinabi nilang nagpaalam sa kanila ang kanilang apo. Sumang-ayon ako sa sinabi nila and told them na pinayagan ko siyang puntahan si Kenji sa Pilipinas. They understood what has to be done and advised me to just be patient with their grandson. Hindi naman nila ako kinagalitan for they said that they understand the situation. Buhay na ang pinag-uusapan dito. I humbly acknowledged their thanks bago nila ako