Bumalik kami sa Martenei University Hospital nang matapos makapaghanda ni Kenji. Doon na rin kami nagkita-kita ng mga magulang niya. Kaagad na kaming nagtungo sa opisina ng mga doktor na nagsawa ng tests kay Kenji upang malaman ang resulta. Dahil nga advanced naman ang MUH sa mga pasilidad ay kaagad naming malalaman ang naging resulta sa mga ginawang test sa kanya Mahigpit na hawak ni Kenji ang kamay ko habang pinapakinggan ang mga doctors niya. I was also listening intently. His doctors said na tama nga ang unang resulta ng test niya a month ago. Meron siyang Stage 1 Non Small Cell Lung Cancer. Ibig sabihin ay maliit pa ang cancer cell sa lungs at maaalis pa iyon kung dadaan siya sa tamang treatment ngunit kung mapapabayaan ay lalala at maaari niyang ikamatay. Mas pinili ng mga doctors