CHAPTER 5: Kenji

2555 Words
I can't stop smiling. Sa loob ng napakatagal na panahon ay ngayon lang ulit ako ngumiti nang ganito. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang kakaibang t***k ng puso ko. It was beating fast. It was throbbing with my love for Azyra. Hindi ko mapigilan ang panlabuan ng mata dahil na naman sa nagbabantang mga luha. I cried a lot when I lost him. But now I am crying because finally he's back. Hindi maipapaliwanag ng mga salita ang sayang nararamdaman ko. Na sa sobrang saya na nararamdaman ng puso ko, pilit ko na lang inaalis ang anumang pagdaramdam, ang anumang pagtatampo at ang anumang galit na naririto sa puso ko dahil sa kanya. Nakaparami kong gustong itanong. Napakaraming hinanakit at sama ng loob. Bakit hindi siya bumalik agad? Bakit hindi niya ako nagawang ipaglaban? Bakit nanahimik lang siya ng napakatagal na panahon? Nag-suffer din ba siya tulad ko? Umiyak din ba siya nang mawala ako sa buhay niya? Ano ang nangyari sa kanya sa loob ng apat na taon? Nag... nagmahal ba siya ng iba? Pero pinipigilan ko ang isang parte ng puso ko na sumbatan siya at magalit sa kanya dahil ayokong iyon ulit ang pagmulan ng gulo at ng di namin pagkakaunawaang dalawa. Ayoko na siyang umalis pa. Ayoko na ulit mag-isa. At gaya ng sinabi niya kanina, ibabaon ko na lang sa limot ang nakaraan, ang kasalukuyan ang kinakailangan kong pagtuunan ng pansin, at bahala na kami sa mangyayari sa aming hinaharap. "Sir Kenji, pinapatawag ka po ng Papa ninyo sa office niya." Nilingon ko si Ate Martha, ang isa sa mga kasama namin dito sa mansiyon. "Sige po, pupunta na ako roon. Pwede po bang pakibalik sa closet iyong mga gamit ko? Nakaimpake po sila roon sa maletang nasa paanan ng kama ko, Ate." "Sige po, Sir." Tinanaw ko muna ang kanyang paglalakad papunta sa kuwarto ko bago ako bumaba sa grand staircase ng mansiyon. Nasa ibaba kasi ang office ni Papa habang nandito sa 2nd floor ang mga kuwarto namin, dalawang guest rooms at ang library. Nasa ikatlong palapag naman ang gym, entertainment rooms, at ilang guest rooms. Nasa loob din ng office ni Papa si Daddy at nakaupo na sila sa sofa na naroroon habang hinihintay ang pagdating ko. Alam ko na ang pag-uusapan namin ay tungkol kay Azyra kaya inihanda ko na ang sarili ko. Nang makaupo ako ay hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa. "Kenji, nais lang namin siguraduhin na totoo iyong sinabi mo sa harap ni Azyra na pumapayag ka nang magpagamot," pag-uumpisa ni Papa. Diretso ko siyang tinignan sa mga mata bago ako sumagot. "Yes, Pa. I won't back out on my promise na magpapagaling na ako." "We are so happy to hear that from you, anak," Daddy said as he held my hand. Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. "But I still can't forget that you were the reason why we separated and suffered for four years," malamig kong sabi kay Daddy. Nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko. Nakonsensiya ako kaya idinugtong ko, "But I will try to forget it now that you made Azyra come back to me," tipid na ngumiti si Daddy sa akin. "Aasahan naming mapapatawad mo kami agad sa nagawa namin ng Papa mo, Kenji. Natakot lang kami na maaga kang mag-aasawa, na hindi mo pa na-enjoy ang pagiging binata mo. It was as if ikinulong ka na kasi kaagad ni Azyra sa relasyon ninyo. You were too young when you two got together," pagpapaliwanag ni Daddy ngunit kahit na ano pa sigurong pagpapaliwanag ang gawin niya, the damage has been done. "Bata man ako, Dad, ngunit sigurado na ako sa sarili ko na si Azyra ang gusto kong makasama ko sa pagtanda ko noon hanggang ngayon. I do not see myself marrying someone else aside from him. Siya lang ang kauna-unahan at kahuli-hulihang lalaki na mamahalin ko." "Anak..." "And Azyra? Azyra was too perfect for me back then. He saved me from my kidnappers, he kept me safe. He kidnapped me, yes but those days with him were some of the best days of my life. Kahit nakatali na siya sa mga responsibilities niya sa Russia, alam ninyo that he did his best just to come home to me. You were witnesses to his sacrifices for me. At hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung may itinatago ba kayong galit sa kanya kaya ninyo kami pinaghiwalay," nagdaramdam kong panunumbat sa kanila. Sa loob ng panahon na nalaman kong sila ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Azyra sa akin, hindi ko sila nagawang sumbatan ng harap-harapan. I was more into showing them how angry I am with them. "Hindi niya hinayaang masira ng relasyon namin ang pag-aaral ko. Instead, he became my inspiration to study harder so that I will become like him, successful in all aspect of his life. Bukod sa inyo ay sa kanya ko rin sana i-ooffer 'yung medalya ko eh. Kasi pinaghirapan naming dalawa iyon. Pero nawala siya sa akin at kasabay niyon ay ang pagkawala ng lahat ng pinanghahawakan ko, lahat ng dapat ay iaalay ko sa kanya. I was dying every day since I lost him, Dad. Bakit hindi ninyo nakikita iyon?" hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng aking luha dahil sa paninikip ng aking dibdib. Bumabalik kasi sa akin ang lahat ng alaala ng mga araw na nawala sa akin si Azyra. Naalala kong muli ang lahat ng pag-iyak ko, ang mga pagtatanong ko sa sarili ko anong mali ba ang nagawa ko, kung may mga nagawa ba akong nakasakit sa kanya, kung may mga nasabi ba akong uminsulto at nangmaliit sa pride niya. At iyon ang pinakamasakit. Iyong alam ko na ibinigay ko ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya, ginawa ko ang lahat ng magagawa ko para mapasaya siya pero sa huli ay hindi pala niya iyon na-appreciate man lang, na sa huli ay iiwan niya rin pala ako. Oo, drugs and liquor made me forget for a short period of time. But once I am sober, once na bumalik na ang katinuan ko, bumabalik rin 'yung sakit, 'yung emptiness sa puso ko. Iiyak na naman ako, tatanungin ko na naman ang sarili ko kung ano va ang nagawa kong mali. And the process will repeat over and over again. Tapos malalaman ko na ang mga magulang ko pala ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko? Doble, no, tripleng sakit sa akin iyon. Bakit hindi nila nakita kung gaano kami kasaya ni Azyra? Bakit hindi nila nakita kung paano binago ni Azyra ang buhay ko? Bakit ayaw nila kaming makitang masaya? "Anak, we are very, very sorry for what we've done. And we are doing our best to make it up to you. Kahit na ang..." Papa didn't say what he was supposed to say. Nakita ko sa mukha niyang nahihirapan siyang sabihin iyon. "Kahit na ano, Papa? Kahit na ayaw nyo pa rin siya para sa akin? I'm sorry, Pa, but not this time. Ipaglalaban ko na siya. Ipaglalaban ko siya sa inyo. Ako na ang masusunod this time. At wala na kayong magagawa para mapaghiwalay kami ulit. Can't you see, Pa? Sa kanya lang ako sasaya. Sa kanya lang muling iikot ang mundo ko. Siya lang ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay nang matagal. Kaya please, please, intindihan nyo naman ako. Maging masaya naman kayo para sa akin. I won't give him up this time kahit na sino pa ang makalaban ko." "Anak, hindi mo naiintindihan. Si Azyra..." "Si Azyra ang taong mahal na mahal ko, Dad! Kailangan ko siya sa buhay ko. Kailangan ko siya para mabuhay ako! Siya lang. Siya lang ang kaligayahan ko. Ibigay n’yo na ‘yun sa akin. ‘Wag n’yo nang hintaying magmakaawa pa ako. I already suffered so much." After saying that ay tinalikuran ko na sila. I don't understand them. Pinabalik nga nila si Azyra but they still have doubts. Can't they see how happy I've become now that Azyra is here? Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol ng iyak nang makalabas ako ng opisina ni Papa. I didn't mind na marinig ako ng lahat ng tao dito sa bahay. Kailangan kong mailabas ang lahat ng hinanakit at sama ng loob ko sa pag-iyak na ginagawa ko. Para kasing sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit nito. I still love my parents. Kahit na siguro ano pa ang pagpapasakit na gagawin nila sa akin, I still love them. Ngunit kung papipiliin nila ako between them and Azyra, alam kong alam na nila kung sino ang pipiliin ko. Si Azyra. Si Azyra lang at wala ng iba. Ilang minuto pa akong umiyak upang mailabas na ang lahat ng masasakit na emosyon na naririto sa puso ko. Nang kumalma ako ay kinuha ko ang susi ng kuwarto kung saan naroroon si Azyra. I just wanna make sure na naririto talaga siya at hindi panaginip lang ang lahat. Pagkakuhang-pagkakuha ko sa susi ay kaagad na akong nagtungo sa guest room. Nadatnan ko siya roong natutulog. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kama at maingat na umupo roon. Hindi ko na napigilan pa ang mga kamay ko na haplusin ang buhok at mukha niya. Napakaguwapo talaga niya kahit sa pagtulog. Napakatangos ng ilong, napakapula ng mga labi, napakaputi na mamula-mula ng balat bilang Russian. Ilang babae kaya ang na-inlove sa kanya sa buong buhay niya? Ilang tao kaya ang nasaktan dahil hindi man lang niya matignan? He was arrogant, he was ruthless. But he was also human. I was lucky to see him as a human being. Lahat ng magaganda at hindi magagandang ugali niya ay minahal ko nang buong-buo. Seeing him look so handsome made me insecure of my looks right now. Compared to him, para lang akong pamunas at siya ay ang mamahaling gamit. Alam kong hindi lang nagsasabi ang mga magulang ko. Alam kong Azyra was just polite not to point it out. Napakalaki ng ipinagbago ng itsura ko. Tumanda ako ng higit pa sa apat na taon, namumutla, sobrang payat ko na. Isa rin iyon sa ikinatatakot ko noon. Ang madismaya si Azyra sa makikita niyang itsura ko kung sakaling magkikita kami. Pero hindi. Hindi nangyari iyon. Hindi ako nakarinig ng hindi maganda mula kay Azyra ng dahil sa itsura ko. He hugged and kissed me with acceptance. Hindi niya ako pinandirihan. Masaya ako dahil nagawa niyang talikuran ang mga responsibilidad niya sa Russia para sa akin. Nahihiya rin ako sa pamilya niya dahil iniwan niya ang mga trabaho niya roon para lang alagaan ako ngayon. Ang suwerte ko. Ang suwerte-suwerte ko na minamahal ako ng isang Azyra Vladimier-Salvador. Ang suwerte ko na kahit galit pa rin siya sa mga magulang ko ay nagawa niyang kalimutan iyon for my sake. I appreciate na kinalimutan niya ang lahat dahil alam niyang kailangangang-kailangan ko siya ngayon. At alam ko, alam kong hindi niya ako pababayaan. Alam kong hindi niya ako iiwan hanggang hindi ako lubusang gumagaling. "We are really meant for each other, Azyra. You and I are really meant to happen. Nagkahiwalay man tayo ng napakatagal pero nanatili ka dito sa isipan at puso ko. Alam ko naman na ganon ka rin. Ako lang ang nasa isip at puso mo, di ba? Ako lang ang mahal mo. Kaya ka bumalik sa akin, hindi ba? Kaya ka nandito ulit." Yumuko ako at hinagkan ang pisngi niya. "You will be my inspiration to get better, Azyra. Gaya noon. Dahil mula naman noon hanggang ngayon, I am so in love with you. I am still so in love with you. Thank you for coming back to me. Alam na alam mo talaga na wala ng iba pang nangangailangan sa'yo ngayon kundi ako lang. At kapag tuluyan na akong gumaling, hindi na tayo magkakahiwalay pa. Hindi na ako papayag na mawala ka pa sa akin at iwan mo ako ulit. Sasama na ako sa'yo kahit saan pa tayo makarating. Dahil sa'yo lang ako sasaya. Sa'yo lang ako mabubuhay ng maligaya. Hindi man tanggap nina Papa at Daddy na mas pipiliin kita kesa sa kanilang pamilya ko, alam kong darating ang araw na matatanggap ka na rin nila ng buong puso. I won't give up now that I have you back." Isa pang halik ang iginawad ko sa kanya and this time ang mga labi naman niya ang hinagkan ko. Ngunit sa pag-angat ko ng ulo ay nakita ko ang phone niya na sumisilip mula sa ilalim ng unan niya. Tinignan ko muna siya at nang makitang nahihimbing pa siya ay inabot ko ang phone. "Ako pa rin ba ang wall paper ng phone mo, baby?" pagtatanong ko sa kanya kahit na alam kong hindi niya ako magagawang sagutin. Sinubukan ko iyong buksan ngunit meron iyong lock code. Nagliwanag ang screen ng phone niya at may nakita akong hubad ang likuran ng hindi ko matukoy kung sino. Alam kong hindi siya iyon at hindi rin ako. Inilapit ko pa sa akin ang phone upang mabistahang mabuti kung ano ang nakasulat sa tattoo sa shoulder blades ng lalaking iyon. Ngunit nakita kong Japanese character iyon at hindi ko naman iyon mabasa. At isa pa, masyadong madilim ang screen kaya sinubukan kong buksan iyon gamit ang code ng birthday ni Azyra ngunit hindi iyon bumukas. "Hmm, birthday ko pa rin ba ang lock code, Azyra?" Mahina kong bulong habang ilinalagay ang code ng birthday ko. Ngunit hindi pa rin nag-a-unlock ang phone kahit binali-baliktad ko na ang pagkakalagay ng birthday ko. Hindi ko rin maintindihan ang kaba na nasa dibdib ko na pilit ko lang ipinagsasawalang-bahala. Azyra can't be in a relationship with someone else dahil hindi siya babalik sa akin kung mayroon ng iba, di ba? Hindi niya ako babalikan kung may mahal na siyang iba. "Kenji?" I automatically looked at Azyra na gising na. "Hey," bati ko sa kanya. "What are you doing with my phone?" Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Iniabot ko naman ang phone niya sa kanya. "Umm, nadadaganan mo kasi kaya kinuha ko. Ilalagay ko sana dito sa dresser. Baka kasi may tumawag at maistorbo ang pagtulog mo," nagmamadali kong paliwanag. "Thank you," tipid niyang sagot habang tinitignan ang phone niya. Nagdidikit ang mga kilay niya kaya alam ko na tila hindi niya nagustuhan 'yung ginawa ko. "May nagtext ba o tumawag? May hinihintay ka bang tumawag sa'yo?” pagtatanong ko sa kanya. "Wala naman. Baka busy pa 'yung hinihintay ko," sagot naman niya. "Sino 'yung.... sino 'yung nasa wall paper ng phone mo?" Natigilan siya sa itinanong ko, napatingin sa phone niya bago siya bumaling sa akin. "Did you cry? Namamaga ang mga mata mo," balik-tanong niya sa akin. "Ah, eto? Wala ito. Napaiyak lang kasi ako ulit kaninang pinapanuod kitang matulog. I still can't believe that you're here," naglalambing akong tumabi ng upo sa kanya. Umunan ako sa balikat niya at yumakap ako sa katawan niya. Tuluyan ko nang nakalimutan ang itinatanong ko. "Ngayong nayayakap na kita, naniniwala na akong totoo ka nga. Nandito ka na nga. At hinding-hindi ka na aalis dito sa tabi ko, Azyra. Promise mo ‘yan, ha?" dagdag ko nang hindi pa rin siya nagsasalita. I happily sighed nang maramdaman ko ang ginawa niyang paghalik sa ulo ko. Kung pwede lang ay habambuhay na kaming ganito. Kung pwede lang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD