"C'mon, Sachi. Birthday mo naman at konti lang naman," pangungulit ko kay Sachi. Natatawa naman siyang umiling. The truth is, hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko na siyang kinulit at kung ilang beses na rin niya akong tinanggihan. I should stop but I can't help it. Mula pa kaninang mag-umpisa ang dinner hanggang sa matapos ito, pansin na pansin namin ang kalungkutan niya. Pilit ang mga ngiti niya though sincere naman ang boses niya habang tinatanggap ang mga regalo namin sa kanya. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay malulungkot din ako at magdaramdam. Hindi na nga nakapunta ang pamilya niya, wala pa ang pinsan ko. Sa part ng family niya, understandable naman dahil naaksidente ang nakababatang kapatid niya at nasa ospital ngayon. Mabuti naman ang lagay nito ngunit hindi ito magagaw