"Dad, si Azyra?" paos ang boses na tanong ko kay Daddy. I just woke up at siya agad ang hinanap ng mga mata ko ngunit wala siya sa loob ng kuwarto ko dito sa ospital. One week pa lang pagkatapos ng operasyon ko at naririto pa rin ako sa ospital. We've decided na dito na kami sa ospital manatili habang nagpapagaling ako sa isinagawang operation sa akin. Kapag sapat na ang lakas ko ay ang chemoradio therapy naman ang pagdaraanan ko kaya mas convenient na dito na lang talaga ako magstay. Kaagad namang tumayo si Daddy mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang ulo ko. "Lumabas lang sandali, anak. May tatawagan daw." "Bakit hindi na lang niya dito sa loob ng room tawagan 'yung tatawagan niya?" Hindi ko alam ngunit naiirita ako kapag nagigising ako na wala siya rito sa tabi