"Sachi, baby, what's happening over there? Why aren't you answering my calls and emails?" Kaagad kong tanong sa kabilang linya pagkatapos kong sagutin ang overseas call. Wala namang ibang tatawag sa akin kundi siya. The threat I've given him is enough to have what I want. "I'm sorry, Azyra. I've been so busy with a lot of school projects." "That's a lame excuse, Sachi and you know it." Naninitang sagot ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang magtampo sa kanya. Halos diretsong isang linggo na hindi kami nagkausap. Besides, alam kong ginagamit niya lang na excuse ang mga school projects niya dahil bukod sa matalino ay madiskarte rin si Sachi. Madali lang niyang gawin ang anumang ipinapagawa sa kanya. "Azyra..." "C'mon, baby. It's been one week. Hindi na ako natatahimik dito sa kaiisip sa'yo.