5 years later
Malaking eskwelahan ang Catalina College, kung maihahalintulad mo kasing laki ng UP manila, at isa ito sa pinakamalaking eskwelahan sa bayan ng San Jose Province.
Hind rin ito nahuhuli sa mga naggagandahang gusali, malawak ang parking area at quadrangle. May limang palapag bawat building at malawak ang classroom.
Marami din mayaman na nag aaral dito, yung ibang estudyante may sari-sariling sasakyan, isa itong kilalang Universidad dito sa San Jose.
Pag pasok sa gate, "Sam!” sigaw ni rose. Sa gate palang sinalubong na agad ako nila Rose, Anna at diana.
"Bakit ang tagal mo! kanina ka pa naming inaantay." Sabi naman ni Diana. Habang naglalakad kami papunta sa unang subject.
"Ha! ang aga pa ah.” Takang tanong ko. Nakatingin lang sila sakin. “Bakit! ano ba mayroon?" tanong ko ulit. Huminto ako sa paglalakad. tumingin sa kanila.
“Kung maka excited naman kayo, parang may bago dito sa school.’’ Pag bibiro ko. pa lakad na sana ko ulit ng.
"Alam mo na agad?’’ Sabay sabay nilang tanong sakin. na nanlalaki ang matang ni Rose na nakatingin sakin, at nagkatinginan si Diana at Anna.
Kunot ang noo, "Ang alin?" Takang tanong ko ulit. Tinuloy ang paglalakad ng hindi nila sinagot ang tanong ko. Sumunod naman sila sa akin.
"Hay naku Sam, ewan ko ba sa mga yan." Singit ni Anna. Sabay hawak sa librong daladala.
Ngisi ni Diana "Wow ha, palibhasa tutuk ka lagi dyan sa libro mo. Hindi ka ba nababagot sa kaka basa.’’ Asik naman ni Diana sabay irap kay Anna.
"Duh! Malapit na midterms natin paalala ko lang po.’’ Ani ni Anna samin.
“Tignan mo nga yan mata mo. Ang kapal na ng eyeglasses mo." Si Diana. Na naiinis kay Anna.
“Hello, pag diskitahan ba pati salamin ko.” Reklamo ni Anna. Sabay ayos ng kanyang salamin.
“3 months nalang, gagraduate na tayo noh. Dapat nyo ng tutukan yung exam natin, Malapit na kaya yun." Sermon ni Anna kay Diana.
”Haba ng litaniya nyo girl.” Sabi ko nalang. “Tigilan nyo na nga yan, baka mamaya niyan magka tampuhan pa kayo.” Sabi ko na lang.
“Hay, naku. Hindi ka pa nasanay sa dalawang yan. Maya maya lang sabay na yan pupunta ng canteen. Dun sila magkasundo hahaha." Sabi ni Rose. Na tumatawa.
Habang naglalakad sa hall way ng building, nakasalubong namin si jhirro at mga kaibigan niya.
Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Hi, Sam... Pwede ba akong nanliligaw? Tanong ni Jiro sakin. Matagal na niya akong gustong ligawan. Umiiwas lang ako pag alam kong may pagkakataon siyang mag salita.
"Hay naku jhirro, wag mo ng balakin at walang kang mapapala sakin.’’ Sabi ko sa kanya ng naka ngiti. “Ayoko pang mag karoon ng karelasyon sa ngayon.” Sabi ko pa. Nata himik nalang at napa kamot ng ulo si Jiro. Naiwan si Jiro na inaalaska ng mga barkada.
Habang naglalakad, "Grabe ka naman kay Jiro. Sam." Bulong sakin ni Diana,
‘’Basted agad-agad, ni hindi mo man lang pinag isipan." Asik sakin ni rose
"Grabe sya!" Sigunda ni Anna "Mas maigi na yun, kesa naman patagalin ko pa mas masasaktan lang sya." Ani ko sa kanila.
Gwapo naman si Jiro at mabait sadyang hindi ko lang siya gusto, o sa pag aaral lang talaga na ka sentro ang isip ko. Takot din akong mawala ng scholarship ko pag lumihis ang grades ko. Malaki ang mawawala sa akin. At iyon ang ayaw kong mangyari.
“Ikaw talaga Sam, pag naka tagpo ka ng katapat mo ewan ko lang sayo." Si Diana na may pananakot.
"Alam nyo naman ang sitwasyon ko.” Apila ko at saka alam nyo naman na ayaw kong mawala ng scholarship ko. Di ako tulad niyo, may pambayad sa eskwelahan nato.
“Haisht. talagang ipamukha sa amin ha. Samantha.” Reklamo ni Diana.
“Ako lang ang inaasahan ng magulang ko. Na makakatulong sa kanila pagka graduate ko.” katwiran ko sa kanila na seryoso kong turan.
“O sya, sya, tara na baka mag ka iyakan pa tayo dito.” Pang aasar ni Rose sakin.
=========
Pag pasok naming sa room, nag kanya kanya na kaming puntahan sa sarili upuan. Walang kaalam alam na may magaganap.
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang notebook at ballpen, habang nag aantay sa bago namin professor. Yung ang sabi ng last prof. na nag paalam. Para mag bakasyon.
Nakatingin sa pinto at kinikilig ang mga classmate kong babae. Hindi ko napansin ang pagdating ng bago professor. Kasi naman nakayuko ako at Inaabot ang nahulog na ballpen sa cemento. Sa pagkaka yugyug ni Diana sa braso ko.
Tumayo ako para habulin ang ballpen na gumugulong at sa sapatos ng lalaki bumangga. Dinampot ko iyon ng dahan dahan inangat ang ulo. Para tingnan kung sino ang may ari ng sapatos.
Para akong na tuod sapag kakaupo sa harapan niya, natulala sa animoy mala gaddess ang mukha na bumaba sa lupa para mag parami ng lahi.
Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at inalalayan maka tayo. Napapikit ako sa pabangong huma-halimuyak sa buo niyang katawan. He smiled like a manly accent.
“Okey, ka lang Ms??” Nagulat ako at napa dilat ang mata, ng nag salita ang nasa harapan ko. In his low baritone voice. Nakatingin na pala siya sakin.
“Ah! a,e... L-Lewis po. S-Samantha Lewis sir.’’ Nauutal kong turan sa kaharap kong mala machete ang katawan.
Hindi ko ma tagalan ang pag titig niya kaya napa yuko ako, pakiramdam ko pulang pula ang dalawang pisngi ko. Sabay baba ng kamay niya sa pag kakahawak sa balikat ko.
“S-sige po.” paalam ko na nagmamadali ng bumalik sa upuan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang may nag mamarathon na kabayo sa puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Ganun na lang ang kabog ng puso ko.
Pag balik ko sa upuan, makita kong naka tingin pa din siya sakin. Yumuko ako at nag kunwaring nag bubuklat ng notebook. Sinilip ko pa siya ulit kung naka tingin pa sakin.
"Siya yung gusto namin sabihin sa iyo kanina. Bago natin prof.” Sabi sakin ni Diana sa mahinang boses.
“Ang bata pa nya para maging guro.”Bulong ko din habang naka tapik ng notebook ang mukha.
“Buti nalang prof natin sya. yeiiii. Kaka inlove naman. Ang gwapo nya sis." Kinikilig na turan ni Diana. Na nakatitig sa professor namin.
"Tumigil ka nga nakakahiya.” Saway ko sa kanya. Na Tahimik ang lahat ng, nagpakilala na ang bagong professor.
"Open your books on page 43." Sabi ni sir, mga nagmamadaling buklatin ang libro. Mukhang istrikto ang prof namin kakapasok palang, libro na agad ang bungad samin.
Natapos na din ang klase namin kay Sir CHARLE AARON RICAFORT. Yung ang nakilala niya kanina, sabay sabay na din kaming lumabas ng klass room.
Habang naglalakad sa University. Si professor pa rin ang topic ng usapan namin. Maagang natapos ang klase. Wala yung isang prof. sa last subject namin. Kaya dumiretso sa canteen.
"Mga sis, ang gwapo talaga ni sir Aaron noh.” Si Anna habang naglalakad papunta sa canteen.
“Hay! sana ligawan niya ako, indi ko sya pahihirapan. Sasagutin ko sya agad.” Pantasiya naman ni Diana.
"Malaman ko lang na may gusto sya sakin naku, Pipi kutin ko siya agad.” Sabi naman si Rose na kinikilig. “Grabe kayo, ang hahalay nyo." Sabi ko at sabay sabay kaming nag tawanan
"Ang gwapo gwapo kaya nya at ang hot pa, so yummy!.” Si Anna na katingala pa ang ulo parang iniimagine ang katawan ni sir Aaron at papikit-pikit pa ng mata. Sabay sabay kaming napa tingin kay Anna at nagtatawanan. Pagdating sa canteen. Tumambay lang kami dun at nagkwentuhan.
“Oh sya, tigilan nyo ang kakapantasia kay Sir.” Saway ko sa kanila. sabay sabay na din kami nag si upo sa bakanteng lamesa.
“Eh ikaw Sam, hindi mo ba type si sir Aaron?” Tanong sakin ni Diana. Habang naka pangumbaba sa lamesa.
“Hindi.” Pataray kong sagot sa kanya. “Wag nyo na ako isali dyan sa mga kalokohan ninyo.” Sabi ko pa Pinatong pa yung backpack sa ibabaw ng lamesa.
“Hay naku, ikaw talaga Shy Samantha. Walang kang ka feelings feeling sa mga guys man hater kaba?” tanong ni Rose sa akin. “Sige ka tatanda kang dalaga niyan.” Ani ulit ni Rose.
“Hindi sa ganun, hindi lang talaga ako komportable pinag uusapan si Sir.” Sabi ko na lang na naka yukyuk sa bag. “kasi naman sa ingay nyo. Baka may makarinig pa satin. Sabihin pa ang haharot natin.” Saway ko sa kanila.
“Hay naku, wala akong paki!” Pataray na salita ni Rose. Saby hawi ng buhok niya.
“Duh! asa pa kayo. eh tumingin nga, hindi kayo tinitignan.” Sabi naman ni Anna. habang nag sesearch sa cellphone niya.
"Alam mo ang bitter mo talaga noh." Asik naman ni Diana kay Anna. “Paano kung may girlfriend na pala yung tao. Nakakahiya naman na pinagpapantasyahan natin ang Katawan niya.” Sabi ni Anna samin.
“Wow Talagang sayo galin yan ha. Samantalang ikaw yung nauunang nag pantasya kay sir.” sabi ni Rose kay Anna. Natatawa na lang.
“Naku kayo lang ha, mahilig kasi kayo sa Gwapo at maganda ang katawan.” Apila ko. Natatawa na din. "Pero, pansin ko lang ha. Panay tingin ni prof Aaron, kay Sam.’’ Sabi ni Anna.
"Oo nga. Akala ko nga sakin naka tingin eh. kasi magkatabi kami ng upuan ni Sam.” Sabi naman ni Diana “Pansin ko nga.” Sabat naman ni Rose. “Baka naman sayo may gusto si prof. Aaron, Sam!” Sabi ulit ni Rose, sabay tudyo sakin.
"Nakaka kilig naman.” Sabi naman si Anna. "Naku! tigil tigilan nyo nga ako sa mga pinagsasabi nyo.” Saway ko sa kanila
“Pagkakataon mo na yan Sam, para sumaya naman ang lovelife mo.” Pang aasar nila sakin ni Anna. "Kayo ba concern sakin o nang aasar." Patampo kong ani sa kanila. "Hindi naman, slight lang hehe." Pag bibiro pa ni Rose.