Chapter 5

1801 Words
Samantha POV, Lumipas pa ang mga araw na walang tingil ang mga kaibigan ko, sa kakatukso sakin madalas kasi nilang na papansin na panay sulyap sakin ni sir Aaron. At na paminsan minsan napapatingin ako sa kanya at nahuhuling kong naka tingin din sakin, sa isip-isip ko baka naman nag kakataon lang, o kaya guni guni ko lang yun. Habang abala sa pagsusulat ng tawagin ang pangalan ko ni sir. "Ah, Ms Lewis!  please come to my office.  Can we talk for a while.  After this class.”  Sabi niya habang ng nagliligpit ng mga lesson plan niyang nasa ibabaw ng table. “O-okay po sir."  Tarantang turan ko sa kanya at tulalang nakatingin  habang  patalikod papalabas na ng classroom si sir.  Pero ang kabog ng dibdib ko parang rumaragasang kabayo, na nag hahabuhan sa kabundukan. “Ano kaya sasabihin sayo ni sir sis, hihihi.”  Bungad ni Rose.  Hindi ko na pansin na nasa harapan na namin ni diana.  Si Anna naman ay lumingon din samin. at papalapit na. "Baka magpapaalam na manligaw sayo, hehehe.”  Sabi naman ni Diana. “Dami nyong alam.” sita ko sa kanila. Na nailing na lang. "Go girl, kaya mo yan, tiwala lang, hihi." Ani naman Anna na naka bungisngis. “Tumigil nga kayo, baka may makarinig sa inyo. Baka kung ano isipin.  Baka may itatanong lang sakin si sir.” Pag iiba ko ng usapan.  “May sasabihin? sa faculty office pa?” Pag dududang tanong ni Rose “Ewan ko sayo, ano naman ba yang na sa isip nyo?"  Natatawa kong turan sa kanya.  "Bagay kayo sis, boto kami sa kanya para sayo."  Si Anna.   “Ayeii!”  Sabay sabay silang kinikilig.    "Kahit hindi na kami ang magkatuluyan.  basta kung maging kayo ni sir.  Ok lang hihihi.”  Sabi naman ni Diana na kinikilig pa rin. Nailing nalang ako sa mga pinag sasabi nila.  Tamayo na ako at sumunod na kay sir Aaron papuntang office. Samot saring alalahanin, kung ano sasabihin sakin ni sir aaron. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Habang naglalakad sa kahabaan ng hallway, hindi ko maiwasan mag muni muni.  “Sino ba naman ang  hindi magkakagusto kay sir Aaron,” bulong ko sa sarili ko  “Para siyang galling sa lahi ni adonis.  Maganda ang pangangatawan, matangkad, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at mamula mula ang labi, na para kay sarap halikan.  Hindi rin kalayuan ang kulay ng balat sakin may pagka Moreno din mas light lang ako ng konti.”  Sa isip ko.   “Ano ba yang kahalayan na pumasok sa utak ko.”  Pini-lig ko ang ulo para mawala ang iniisip. Sabay toktok sa sintido.   “Erase erase, ano ba yang kamunduhan pumapasok sa utak ko.’’ Saway ko sa sarili ko, na parang lukaret na nagsasalita mag isa.  Habang naglalakad. Kailangan kong palakasin ang loob ko, para hindi nya mahalata ang kalabog ng puso ko. Nasa tapat na ako ng pinto ng faculty office.  Buntong hininga muna, bago ako komatok ng tatlong beses.  Nagulat pa ako ng biglang bumukas ng pinto. “Pasok.” Seryosong anyaya ni sir Aaron.  Atubi naman ako pumasok, pero no choice andito na ako ituloy tuloy ko na ito. Sinara ni sir ang pinto at sumunod sakin.   Umupo ako sa couch na nasa loob ng office, walang tao dun si sir Aaron lang. Nasa kanya kanya siguro klase ang mga co-teachers niya, loob loob ko. Palinga linga ako sa paligid at panay kukut ng kuko, ng hindi ko namalayan na malapit na pala si sir Aaron sakin. Tumingin ako sa mga mata niya ng mapang akit "A- eh, sir, A-ano po bang, sasabihin nyo sakin?"  Nauutal kong tanong kay sir Aaron.  Hindi ako makatingin ng diretso, ramdam kong pulang-pula ang pisngi ko sa pag kaka titig niya. "Are you blushing?  your so cute."  He told me while setting in front of me.  napansin  niyang namumula ang pisngi ko.  Mas lalo tuloy akong napahiya Sa mga sinabi niya, I bit my lower lips and bowed.  He laughed at me "Are you nervous?” tanong niya ulit sakin na may pag aalala. “Ah, h-hindi po sir.” Sabi ko na lang sa mahinang boses.  “Anyway, gusto ko lang naman na pa fill uppan sayo ito,” sabay abot sakin ng folder. Binuksan ko ito at binasa, nagulat ako sa mga nakasulat.  “Seryoso’’ sa isip ko. Nagtataka ako sa mga nabasa.  "Sir, tanong ko lang po.  Para saan po ba ito? At saka ano po.  Ahh…”  Alanganin kong tanong sa kanya.  Pero kailangan ko ng malaman ang kasagutan.  “Sir kailangan po ba talagang fill uppan ito?” lakas loob kong tinanong sa kanya.  Na nakatitig sa sa mga mata niya.  “Yes,” sabi nya ng walang re-action ang mukha.  Natahimik ako at napa kamot sa gilid ng nuo. Pero napapaisip pa rin ako. "Sir, pwede ko po bang dalin na lang ito sa bahay namin, dun ko nalang po fill uppan?’’ pakiusap ko sa kanya "Ok, take your time.” He said  “But before the end of the month, you need to submit that or as earlier pa.” Pahabol pa niya.   "Ok lang ba?" panini guro niya. "Opo sir,” pagsang-ayon ko  “Sige po sir!  may klase pa po ako eh, pede napo ba akong lumabas.”  paalam ko  “Ok you may go now." Yumuko ng kaunti bilang pag paalam.  Papalabas na ako ng pinto ng bigla nya akong tina-wag ulit. "Ahm, Ms lewis." Napahinto ako sa tapat ng pinto at napapikit ng mata, dahan dahan akong umikot paharap sa kanya.  Pagmulat ng mata napa titig ako sa kanya na parang nag eeslamotion ang  pag lapit niya.  Sa sobrang lapit halos ga hibla ng buhok ang pagitan namin. Napapikit ako sa sobrang kaba ang dibdib, na parang gusto ng  sumabog  sa lakas ng t***k ng puso ko.  Sa pag aakalang hahalikan niya ako.  Naramdaman ko na lang ang init ng kanyang hininga, sa ilalim ng aking tenga.  "Don't forget..   submit before the end of the month and don’t call me sir.  kung…   tayong dalawa lang ang mag kasama."  Nang laki ang aking mata sa mga narinig.  Natulala saglit at napansin ko nalang na pabalik na siya sa table nya. Dali daling binuksan ang pinto, tumalikod at lumabas sa faculty office. Ang kaba ng puso na parang gusto ng sumabog.  Habang naglalakad pabalik sa classroom tinapik tapik ko ang dibdib para pakalmahin ito at mawala ng tensyon sa puso ko.   Tulala at napapangiti sa mga nangyari kani kanina lang.   Sa pag aakala na  dadampi  ang labi ni sir Aaron sa labi ko.  At  may panghihinayang sa isipan.  Pero nahinto ang pag muni-muni ko ng biglang may tumapik sa balikat ko. Huminto ako sa paglalakad  "Sam! ano sabi sayo ni sir Aaron?” Bungad sakin ni Diana. Hinihintay pala nila ako sa labas ng classroom namin.  "Ang pula pula ng pisngi mo ah, kayo na ba ha?” Puna naman ni Rose.  Na may kasamang pang aasar.  “kayo na ba?” Sigunda pa niya.  Sa hiya ko nag lakad na ko papasok sa loob ng classroom para kunin ang mga gamit ko. "Grabe ka naman.  Kami agad.   Ni hindi nga nagsabing gusto niya ako.”  Namumulang sagot ko sa kanila.   Panay pa rin ang tanong nila. Isa isa kong niligpit ang mga gamit ko at sabay sukbit sa bag. sabay sabay na din kaming naglakad papalabas ng room. "Eh, ano nga sinabi sayo ni sir.” Pangungulit ni Anna habang naglalakad sa Hallway ng school.  "Balitaan mo naman kami, cge na Sam.”  Pangungulit ni Rose na abot tenga ang ngiti. "Ahh, yun ba.   May pinapagawa lang sakin si sir aaron.”  Kinamot ko ang leeg ko para makapag isip kung ano ang pwedeng i-dahilan.  “Para sa t-thesis natin.  Tama sa thesis nga." Pagsisinungaling ko.  Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila ang mga nangyari, at sa folder na hawak ko. Huminto ang tatlo sa paglalakad at tinitigan ako. Hindi sila kombinsido sa dahilan ko kaya pailalim nila ako tinignan, Na ngingiti ako sa mga reaction ng mga mukha nila  “Saka ko na lang sasabihin sa inyo.” Pa liwanag ko sa kanila.  Hinayaan na lang nila akong hindi sagutin ang mga tanong at sabay-sabay na din kaming nag lakad papa labas ng gate. Pag uwi ko ng bahay nakita ko agad mga kapatid ko, maaga kasi sila nakaka uwi, kesa samin ni sheena. Malapit lang naman ang school nila sa lugar namin.  sabay-sabay na rin silang pumasok sa eskwelahan at umuwi ng bahay. “Sila mama nakauwi na ba?” tanong ko kay shaira na ka upo sa sofa.  “Hindi pa ate.” Sabi naman ni shiela ang pangalawa sa bunso, na nagsusulat sa notebook niya. “May pag kain na dyan. Kumain ka muna.  Bago ka pumasok ng kwarto, ate.” Si shaira ulit.  Alam niyang ganun ang Gawain ko.  Pag nasa kwarto na Malabo ka ng lumabas. “Alam namin na indi kana lalabas, pag nasa kwarto ka na.” Pang bu-buska ni shaira “Ewan ko sayo, nge nge ka talaga.” (As in nangenge-alam) Simangot kong sagot sa kanila.  Minsan ang usapan naming magkapatid may pagka sarcastic.  Lalo na pag wala pa sila mama at papa. Pumasok muna ako ng kwarto at nilapag ko yung bag at yung folder na hawak ko, sa study table.  At nag palit ng damit.  Saka ako lumabas ulit ng kwarto para kumain.  Nag taka sakin si sheena at iba ko pang mga kapatid. “Himala lumabas ka agad ng kwarto.”  Si sheena na kakarating lang galing school, nauna lang ako ng konti sa pag uwi. “Teka lang bakit pinapansin nyo kilos ko ngayon?” Tanong ko sa kanila. Na may pag tataka. “Wala lang, nakakapagtaka ka lang kasi ate.” Si shaira.  Na nakahiga na sa sofa. “Hindi ba pepeding nagugutom lang ako, kaya lumabas agad ng kwarto ha.”  Sarkastikong sabi ko sa kanila.  “Okey sabi mo eh.” Pang aasar na sagot si sheena.  “Kasi naman kung hindi ka pa tawagin, para kumIn.  Hindi ka lalabas ng kwarto.” Paliwanag ni shaira.  Napag isip isip ko oo nga noh bakit nga ba tanong ko sa sarili ko.  “Eh basta, na gutom na ako kaya ako lumabas agad sa kwarto.” Paliwanag ko. Naiilang kasi ako sa pinapa fill up sakin ng sir Aaron, kaya nagmamadaling kumain at ng maka balik na agad sa kwarto. Para matapos na pina pa fill up ng prof ko.  “Bakit naman kasi ganun yung nasa folder.  Ang hirap tuloy itago.  Pag nakita ng mga kapatid ko naku!.” Sa isip ko. Panigurado ng katakot takot na pang aasar ang gagawin ng mga kapatid ko sakin yun pa naman ang iniwasan ko ang asarin nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD