Kinabukasan nagulantang ako, ng biglang may yumuyugyug sa kama at naistorbo ang masarap kong pag tulog.
"Ate! gising na." Bulabog ni mama. Naka dapa pa at hindi na nakuhang mag palit ng damit sa pagod. Madaling araw na kami naka uwi nila Rose at Anna. Galing kkila Diana.
Gulantang ko kay mama, “Ma! Ano ginagawa niyo dito? na naalin-pungatan pa sa pag kaka-tulog, Sabay balikwas sa kama. “Paano kayo naka pasok dito?” Takang tanong ko ulit sa kanya.
Nakatayo sa harapan ko si mama, “Nakalimutan mo na ba! may duplicate key ako. Ako kaya kumuha ng unit na to.” sabi niya na pinakita pa sakin ang susi na hawak.
Tinitigan ko ang susi, “Oo nga, Pala.” sa loob loob ko. Umupo muna sa kamang nakatulala. Ng may maalala, “Si papa?” Tanong ko. Tumayo ako sa kama.
“Nasa labas nag kakape.” Sagot agad niya sakin. “Bakit naman bigla bigla naman kayong susulpot dito?” Nag rerekla kong tanong ko kay mama. “Chini check ko lang kung may lalaki kang inu-uwi dito para ipaka kasal ka na.” Pag-bibiro ni mam. Na nakaupo sa tabi ng kama.
"Ah!.. Ano ba yan si mama! antok pa ako at saka ang aga aga pa ah.” Sabay hikab at taas ng kamay. "Aba! anak anong oras na.” Sita niya "Tayo, na dyan.” Utos niya. at hinila pa ako patayo.
“Shy Samantha. Wala ka ba talagang balak mag asawa ha?” Tanong niya habang nagliligpit ng mga kalat ko kagabi. Tinalikuran ko siya at lumabas ako ng kwarto. Para makaiwas sa mga sinasabi ni mama. Dumiretso sa kusina. Nakita ko si papa nagkakape.
Tumayo ako sa harapan ni papa, “Pa! Ano ba yan si mama, yung ibang nanay nga ayaw pag asawahin ang mga anak. Siya naman panay tulak sakin.” Reklamo ko sa harapan ni papa habang umiinom siya ng kape.
Baba niya ng kaping hawak, “Pagpasensyahan mo na mama mo, tumatanda na din kami Shy. Gusto sana namin bago kami wala sa mundong ito, eh nasa maayos na kayo at may kanya kanyang pamilya.’’ Paliwanag sa akin ni papa at lumagok ulit ng kape.
I lough,“Bata pa kayo ni mama pa. Wag nga kayong ano dyan!” Iretabling sagot ko kay papa. sabay kamot ng buhok.
After maka pag ligpit si mama sa kwarto lumabas na ito, “Shy Samantha!’’ Tawag ulit ni mama sakin habang papalapit samin sa kusina.
Napapikit ako ng isang mata, "Ano ba yan ma! wag nyo nga ako tawagin sa buo kong pangalan." Reklamo ko ulit.
“Kung hindi ka mag-hahanap ng mapapangasawa, ako ang hahanap.’’ Pananakot niya sakin sabay talikod samin at kinuha yung bag niyang nasa sofa. “Ma! hayaan nyo munang I enjoy ko. Ang pagka single ko.” Paliwanag ko sa kanya na sumunod sa sala.
Humarap sakin si mama, “Masyado mo nang inee-enjoy, ang pagka dalaga mo ate!” Reklamo ni mama. tinitigan ako. Hinawi ang buhok ko na ka laylay sa mukha.
Hinawakan ng dalawang niyang kama ay pisngi ko, “Sam, bakit ba ayaw mo pang mag asawa? nasa tamang idad kana anak.’’ Mahinahon niyang tanong sakin. Pero tikom lang ang bibig ko. “bahala ka na nga.” Pagsuko ni mama. sabay baba ng kamay.
“O sya. Aalis na kami ni papa mo. Napadaan lang kami dito, may kakausapin lang kaming employer dito sa manila.” Excited niyang turan. “Gwapo daw at binata pa. Gusto mo ba sumama sakin?” Pag udyok niya sakin na naka ngiti.
Hinawakan ko siya sa balikat at inukot paharap sa pintuan, sumulong kami palabas sa pintuan. Sumunod na si papa samin papalabas. “Sige na ma, Malalate kayo sa kausap nyo.” Pag tataboy ko sa kanila.
“Isarado mo pinto ate, pag alis namin ha.” Bilin ni papa, Natatawa na lang samin dalawa ni mama. “Mahirap na maraming mga manloloko dyan.” Sabi pa niya
“Cge po ingat kayo.” Paalam ko. Biglang sumulpot ulit si mam sa pintuan. “Ano anak, gusto mo ba sumama?” Tanong niya ulit sakin naka ngiting at pinupungay ang mga mata.
“Ma!” Angil ko sa kanya “Ikaw naman.” Simangot ni mama, na may pagtatampo. Nailing nalang si papa samin dalawa ni mama. Makulit si mama paro, bilib ako sa dedicastion niya.
My mother was very diremination what she did, she is the woman who wants to do, until she’s Succeed. Strong woman. But loving mother siguro nga’y nagmana ako kay mama matatag at matapang. Malibang sa kakulitan.
After my parents left. Kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto at tinatawagan si alelyn. “Hello alelyn. Hindi ako makakapasok ngayon. Paki lagay na lang sa, tabi ng table ko lahat ng pipirmahan ko okey.” Sabi ko sa kanya.
“Yes mam! pero may flowers ka dito. Dinala ni Engineer Archie.” Sabi pa niya. Hindi na ako nagtataka madalas nagpapadala talaga ng bulaklak si archie.
“Hayaan mo na lang dyan, kung gusto mo ilagay mo sa vase at ipatong mo sa table mo.” Sabi ko sa kanya ulit na may pag tataray.
“Sayang naman kung hindi mo makikita. Mukhang mamahalin pa ata ito.” Malungkot niyang turan sakin. “At saka ang gwapo niya ngayon. Parang pinaghandaan ang pagpunta dito. Tapos wala ka naman.” Mas lalong pinalungkot ang boses na may kilig.
“Hay naku... Hayan ka naman. Hindi mo naman ako titigilan.” Sita ko sa kanya na nakatawa. “Eh kasi, kawawa naman si pogi.” Panghihinayang niya na may kilig “Siga na, bye na.” Sabi ko nalang at sabay patay ng phone.
After kong naka usap si alelyn balak kong bumalik sa pag kaka tulog. Sumakit ang ulo ko kay mama sa pag istorbo niya sa masarap kong tulog. Tumingin sa kama at nahiga.
Pero ayaw ng bumalik ang antok ko. umuukilkil sa utak ko yung mga panunukso sakin ni alelyn at si mama.
“Grrrrr.’’ Inis na inis na bumalikwas na lang sa pag kaka higa at nagtungo sa banyo para maligo. pag naalala ko yung pag udyok niya sakin na mag asawa na at mag pakasal. Ganun lang ba kadali yun ang mag asawa. Kahit sino lang
masabi lang na mag asawa sa idad na ito. “Ewan!” asik ko sa sarili. Buntong hininga nalang. Sa tubig binaling ang inis ko sa sarili.
============
Kinabukasan nag kita-kita kami nila Diana, Anna at Rose sa Anzon psychiatric hospital kung saan may event ang mga member ng foundation kasali kami dun.
Si Anna ang nagtatag ng foundation para makatulong sa mga nangangailangan. Every 6 months nag oorganize kami ng foundation event.
Napag desisyonan namin na dito sa Anzon hospital ganapin ang event. Para sa pangangailan ng ospital. At mabigyan ng konting tulong ang mga pasyenteng naka confine.
“Sam! dala mo na ba ang mga gamot? Para sa mga pasyente?” Tanong sa akin ni Anna, Habang pababa akong kotse.
“Oo, 2 box yun. Nag dala na din ako ng pagkain, para maipa mahagi sa mga pasyente.” Sabi ko. Inaabangan na pala niya ako sa labas ng ospital na dumating. Dumaan pa ako sa grocery at bumili ng mga chocolates at candy para sa mga batang pasyente.
Tinawag naman ni Anna ang mga guwardiya para tulungan kaming mag buhat ng dala dalahin namin. Binuksan ko na din ang compartment ng kotse.
“Okay, tara na. Sila na bahala dyan. Kanina ka pa inaatay nila Diana at Rose.” Yaya ni Anna. sakin. Ako nalang ang hinihintay nila.
Pagdating namin sa ospital hall. Nakita kong may mahabang lamesa sa gitna. At sila Rose at Diana, inaayos na yung nga ipapamigay sa mga pasyente.
“Lagi ka nalang late Sam.” Sita sakin ni Rose. Nginitaan ko nalang siya ng pag katamis tamis, sabay patong sa lamesa ng mga pinamili.
“Sorry na po, tinanghali ng gising.” Pag amin ko sa kanila. Tumawa nalang sila Anna at Diana.
“O, wait lang puntahan ko lang si Dra. Reyes. Para sa mga gamot na dala natin.” Paalam ni Anna samin. Busy naman kami sa paghahati hati ng mga dala dala namin pag kain. “Mamaya, mag rarounds na mga doctors. Sabay tayo para ipamigay ang mga dala dala nating mga gamot at pagkain” Sabi pa niya.
“Okay mam.” Sabay sabay namin turan sa kanya. Ng hindi naka tingin sa kanya.
Maya maya pa bumalik na si Anna kasama na mga doktor at mga nurse para mag rounds sa mga pasyente. bitbit na rin namin ang mga ipapamigay na gamot at pagkain.
Habang nag iikot may namataan ako isang babaeng umiiyak sa kama at nakatingin sa bintana habang may hawak na litrato.
Nilapitan ko siya at inabutan ng chocolates. Tumingala siya sakin. tinitigan lang niya ako habang dumadaloy ang luha sa mga mata. Pinusan niya ang luha ng mapag masdan niya ako. “Hi I’m Sam.’’ Pagpapakilala ko sa kanya at ngumiti.
Hindi niya ako kinibo at bumalik na siya sa pag kakatitig sa labas ng bintana ng umiiyak. Umalis ako at nilapit ko si Anna. kinalabit ko ito.
“Anz, ano findings nung isang pasyente. Yung malapit sa bintana.” Tanong ko kay Anna. At itinuro sa kanya ang kinapupuwestuhan ng babae.
“Ah, si Melai. Iniwanan ng boyfriend. Buntis. Tapos nalaglag yung bata sa tyan habang inaaway ng magulang ng lalaki. Yung lalaki nag tago takot sa magulang, mawawalan daw ng mana pag nakialam.” Kuwento ni Anna habang nakatingin kay Melai.
Nagulantang kami sa lakas ng boses ni Rose “Gago pala yung lalaki eh!” Sabat ni Rose na nakikinig pala sa usapan namin ni Anna. Napatingin tuloy samin ang mga Doctor at nurse.
kinurot ko ng mahina ang tagiliran niya. “Ang ingay mo naman.” Sita ko kay Rose. Tinitigan ko siya. “Oo nga, dapat dun sa lalaki na yung, tina tanggalan ng jonjon eh.” Sabi pa ni Diana.
“Masakit para sa isang babae ang mawalan ng anak. Lalo na’t hindi niya kagustuhan.” Ani ni Anna ng malungkot ang pag turan samin.
“Sabi ng mga ibang nurse dito, halos mabaliw na daw si Melai ng dumating dito. May manika siyang bitbit. Sinasabing anak daw niya iyon at babalikan daw sila ng papa nung baby niya.” Ma luha-luhang sabi ni Anna.
“Ang masakit pa. Pinagtabuyan ng Pamilya. Dahil sa kahihiyan dinala niya.” Dagdag kuwento pa ni Anna. Hindi ko maitago ang luhang dumaloy sa mga mata ko. Hindi ko alam kung sa awa ba o galit sa lalaking ng iwan sa kanya.
Ganun ba talaga ang pag mamahal, pag hindi mo makayanan ang sakit. Mawawala ka sa katinuan.
Kailangan ba talaga masaktan ka ng labis labis, Hindi ko tuloy maiiwasan na hindi maalala ang nakaraan. Hindi basta basta makakalimutan ang nakaraan ang sakit. Bakit ganun. Bakit hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit. Bakit hindi ako maka move on.
Ganito rin ba ang nararamdaman niya tulad ng sakin. Na hanggang ngayon. “Aaron...” tawag ko sa pangalan niya. Dumaloy ang luha sakin mga mata ng hindi ko na mamalayan. Galit, pagkamuhi sa kanya at sakin sarili.