Charles Aaron Ricafort pov,
Nagbabasa ng libro sa bench at the same time nag papahingan na rin, pag wala akong klase. Sa totoo lang nahiligan kong pumuwesto kung saan, madalas naka tambay sila Samantha at ang mga kaibigan niya.
Ilan beses ko na silang nakikitang nag kuwentuhan sa lugar na ito. Marahil maaliwas ang paligid at malilim. Maraming punong nakatanim. Sa bawat puno may kaya kayang upuan na gawa sa kahoy.
kapansin-pansin din na walang masyadong nakatambay sa lugar na ito.
Namataan kong papalapit na sila banda sa kina uupuan ko. Nagtatakip ako ng libro para hindi nila mapansin na andun ako. Dalawang upuan lang ang pagitan nila mula sa kinauupuan ko. At Nakatalikod pa.
Pero rinig ko rin malakas nilang usapan, kulitan at tawanan. Dinig ko rin na. ako ang topic ng usapan nila. Siyang siya ako sa mga naririnig, pero may mga narinig akong kina dismaya ng puso ko.
Kung sino pa yung gusto ko siya pa yung walang interes sa akin. Maslalo tuloy akong na challenge sa kanya.
Sa unang kita ko palang sa kanya naakit na ako sa maamo niyang mukha. Hindi kaputian pero mapapansin mo makinis ang kutis at pantay ang mala morenang kulay. Simple lang kumilos.
Lahos lahat na yata magugustuhan ng isang lalaki na sa kanya na, tahimik at matalino bukod sa angking yang ganda mapapansin mo din na may kurba ang pangangatawan.
Lalo na nung wala siyang kulirete sa mukha kitang kita mo ang mapula at manipis na labi na bumagay ang mahabang pilik mata na animoy naka ngiti niyang mata. ang ilong na matangos pero maliit kung tignan.
Kahit pagod at pawisan maganda pa rin. Hindi mo man makita sa unang tingin, pero pag tinitigan mo siya. Mas Lalong gumaganda sa paningin.
Kaya nag isip ako kung paano mapa-palapit sa kanya. May isang idea na pumasok sa isipan ko dahil masyado siyang mailap. Kahit pambata ang idea pede na. na ikakasaya na ng puso ko. Pagkakataon na din nung nalate siya ng pasok.
Nasa ganun ako pag iisip ng namataan kong papaalis na sila sa pinag tatambayan nila. Tamayo na din ako at pinasok ang libro sa bag.
Inantay ko munang naka labas sila ng gate, saka ako tumayo para makaalis na din sa university.
Habang naglalakad papuntang parking area, panay bati sakin ng mga estudyante, sa bawat madaan ko. Nginitian ko lang sila,
Palabas na ako ng gate ng Catalina College, Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa loob ng bag at binuksan. Ni loudspeaker ito at nilagay sa ibabaw ng dashboard ng kotse.
“Hey dude, na saan kana. Kanina pa kami dito ang tagal mo naman.” Si duke ang nasa kabilang linya.
“Hey duke, malapit na ko.” Sabi ko habang nag papaandar ng kotse at naka tingin sa kalsada.
“Bilisan mo nauubusan ka ng chicks dito. oh yes! hahaha.” Si Duke ulit na siyang siya sa ginagawa. “Ang gaganda at ang sesexy dude.” Exagge niyang turan sakin.
Na ngiti ako sa sinabi niya, “No thanks, kayo nalang.” I said. Mga chick boy kuno pero pag naka gusto sa babae halos ayaw ng pakawalan. sa isip ko.
“Woow! Hahaha! Himala dude. Ngayon ko lang narinig sayo yan. Umaayaw ka? inlove kana ba?” Tanong sa skin ni duke na may pang aasar. Sabay sabay silang nagtatawanan pati mga kasama niya sa Bar.
“F**k you all, dude hahaha. Sige na. Nag dadrive ako. Pinatay ko na ang tawag. Habang binabagtas ang kahabaan ng avenida central, Naaalala ko ang maamong mukha ni Samantha.
“s**t, I’m in love.” Sabi ko sa sarili ko. Napapailing nalang ako at nag ngingiti. Simula ng makita ko siya sa klase ko, hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya. she is very attractive lady and very charming. Gustong gusto ko na siyang pag mamasdan. Yung maamong mukha na nag pa mangha sakin.
Alam ko naman na hindi ako pepeding mag padalos dalos. Lalo na nasa isang Universidad kami at sa estado namin. Hindi maganda para sa isang professor ang makipagrelasyon sa mga estudyante niya at nakakasira din ito sa dalaga.
Baka ma spelled pa sya sa eskwelahan.
At baka maapektuhan din ang kanyang scholarship. Yung lang ang inaasahan nya para nakapag tapos ng kolehiyo. Nabalitaan ko din na marami silang magkakapatid at siya ang panganay.
“Ah… Sam.. What can i do.” Sa Ganun ako pag iisip pinabilis ko ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Nasa parking area na ako ng Zignal bar, inayos ko muna, pag kaka park ng sasakyan at saka ako bumaba. Sa pintuan palang ng bar marami ng taong labas pasok,
Maganda ang ambiance ng bar kakaiba digital na mga lights and sound na ginamit at kilalang isa sa mga pinakamalaking Bar sa buong san jose. Bukod sa kaibigan ko ang may ari, mga kilalang tao ang nag tutungo rito at mga businessman.
Malakas ang tunog ng tugtugin mula sa nag lalakihan speaker. Halos hindi magkarinigan pag nag uusap. Marami na din ang nag sasayawan sa gitna ng stage. Tinungo ko ang paborito naming puwesto, sa VIP room. Sa 2nd floor. Umakyat ako sa bakal na hagdan at pumasok sa isang room.
Pag pasok ko, nakita ko agad sila duke, henry, at jayson. Masayang nag uusap at nag aasaran. Salamin ang pader. Kaya nakikita pa din ang mga sumasayaw sa stage sa baba. Hindi nga lang naming naririnig ang ingay sa stage, at iwas din kami sa mga nag fi-flirting na mga babae.
Makaka istorbo lang sa pinag uusap. Kung gusto naming ng babae dun kami pumupuwesto sa bar counter mas lapitin ng chick. it's easy for us to get a woman to pick up and to f**k them. If we want to. We don’t care if she is not a virgin.
“Hey Aaron! What's up? Buti naman at dumating kana. Kanina ka pa naming ina-antay dito.” Bati ni jayson na nakatawa.
“Oo nga dude! daming chicks magaganda at ang sesexy pa.” Sabi naman ni duke yung kausap ko sa phone kanina.
Sabay abot ng baso ni henry na may alak. “Salamat dude. Kayo nalang… wala ako sa mood mag chicks. okay.” Sagot ko sa kanya. Umupo ako sa tabi ni Henry
Si duke ang pinaka playboy samin. Pero dinadaan lang niya sa chick. ang totoo iisa lang ang na puso nya na hindi niya magawang kalimutan.
“Wow, himala at tumanggi ka ngayon ah. Aaron? Ano ba nangyayari at good boy ka na ata?” takang tanong ni jayson. pero ngiting pang pang aasar.
Tinapik ako sa balikat ni henry, “Balita ko… may chick ka daw na binabantayan ah.” Sabi naman ni Henry. na na ka ngiti sa akin. “Sino nag sabi sa inyo nyan.” Tanong ko sa kanila Napa kunot ako ng noo at napatingin kay henry.
“Sino pa, edi si jayson.” Sabi naman ni duke. Sabay inom ng alak sa baso. “Wala talaga akong, Mai Sekreto sa inyo.” Sabi ko ng nakatawa.
“Kami paba, hahaha.” Tawanan ng lahat. sabay sabay silang nag apiran ng kamay. “Nagmumukha na nga akong stoker nito eh.” Dismayado kong turan sa kanila. tinaas pa ang dalawang braso sa sandalan ng coach at itiningala ng ulo sa kisame.
“Dude! Maganda ba yung chick? mahirap yan... at saka hindi bagay sayo.” Sabi ni Duke na may kasamang pang aasar. Bigla akong natahimik pumapasok sa isipan ko ang maamong mukha ng dalaga.
Nahalata ni henry na malalim ang iniisip ko, “Bakit kasi hindi mo pa ligawan. Ang lapit lapit niya lang sayo.” biglang sabi sakin ni Henry. napa buntong hininga nalang ako at uminom ng beer.
“Saka ikaw pa CHARLES AARON RICAFORT. Madali lang para sayo ligawan siya. Tinamaan ka din ba ni kupido at natotorpe ka na din kagaya ni Jayson.” Sabat ni Duke habang nag sasalin ng alak sa baso.
Pakiramdam ko na nuyo ang lalamunan ko sa sinabi ni duke. “hindi naman sa ganun, nasa isang University kami at saka komplikado. Prof. niya ako iniiwasan ko lang siya. Sa kung ano mangyayari at sa sasabihin ng iba alam mo naman ang rules ng School.
“Baka yun pa. Makasira ng scholarship nya pag nagkataon.” Mahabang paliwanag ko sa kanila.
“Alam mo dude. kaya mo naman siyang pag aralin diba kayang kaya mo yun. ikaw pa!” ani ni Jayson
Tinignan ni henry si Jayson, “Dude! may ego.. Yung girl. At mukhang hindi mo madadala sa ganun yung chicks.” saad ni Jayson. Na parang alam niya ang istado ni Samantha.
I smiled “Iba si Sam, very smart girl. Confident siya sa lahat ng ginagawa at Masayahin. Malapit na din naman ang graduation kaya konting tiis nalang. Ang paghihintay ko.” Determinadong turan ko sa kanila. habang umiinom ng alak na hawak.
“Pero bago yung, kailangan kong muna siyang paamuin. Medyo mailap eh.” Sabi ko ulit. At na ngingisi pa habang inaanilaw sa alaala ko ang mukha ni samantha.
“Bakit dude man hater ba yung chicks? hehehe.” Tanong na may kasamang pang aasar ulit ni duke. Kaya mahirap para sakin na suyuin siya agad agad. Baka ma basted lang ako. Alam ko din na gusto niya ng makapagtapos ng pag aaral kaya nga ayaw pa niyang makipag relasyon sa kahit na sino ang manligaw sa kanya.
“Naririnig ko sa mga istudente ko, lahat ng nanliligaw binabasted agad. All though mas pabor sakin yun hehehe.” Sabi ko nalang. Na nakangisi.
“Mahirap nga yan dude, anong plano mo?” Tanong ni Jayson. Napaisip ako kung ano ang susunod na step na gagawin. Para makilala ko siya ng lubusan.
“Ano na, dude tulala ka na dyan. Hala! tinamaan na talaga tong friend natin dun sa chicks.” Turan ni Duke na alaskador. Tawanan ang lahat.
Naiiling na lang ako kay duke, “Tigilan nyo nga ako, Sige na uuwi na ako. Maaga pa klase ko bukas.” Turan ko sa kanila.
“Weeh, di nga. Gusto mo lang bakuran yung chick.” Si duke ulit. Tawanan ang lahat. “Mga sira ulo. dyan na kayo.” Natatawa na lang ako sa mga sinabi niya. Patayo na sana ng awatin ako ni Henry.
“Mamaya na dude. Samahan muna natin itong si Jayson.” Awat sakin ni Henry habang nag sasalin ng alak sa baso niya.
Pag uwi ko ng bahay tinanggal ko lang sapatos ko at nahiga na sa kama hindi ko na nakuha pang mag palit ng damit. Hindi maalis sa isipan ko ang babae sumakop ng isipan ko.
Kahit alam ko marami ako na inom na alak pero bale walang sa kakaisip ko kay samantha. Sa ganun paraan din ako humanga sa kanya. determinado sa buhay.