Samantha POV,
Tok.. tok.. tok.. “Ate! gising na. malalate ka na sa school.” sigaw sa akin ni Sheena. Sa labas ng pinto ng kuwarto.
Napabalikwas ng bangon sa kama, “Ha, anong oras na ba? naku! ano ba yan. Bakit ngayon nyo lang ako ginising.” Pa takbong dinampot ang tuwalya. Diretso ng banyo para maligo agad.
“Hala manisi pa! ikaw nga dyan ang dapat kong tanungin eh. Bakit ka tinanghali ng gising, dati ka naman hindi ganyan.” Taka sakin ni shaira. Na na sa likod pa rin ng pinto.
“Napuyat ata ako sa paggawa ng thesis ko!” Pag sisinungalin ko. Habang nasa banyo. “Naku malalagot ako nito sa prof ko neto.” Mangiyak ngiyak kong turan sa sarili ko. Habang nagsasabon ng katawan.
“Bilisan mo nang maligo ate! sasakay ka pa. lalo kang malalate niyan.” Sabi pa ni sherrin, pang apat sa aming magkakapatid. After kong maligo nagmamadaling mag bihis halos na dadapa na sa pag suot ng underwear.
Pag tapos kong mag bihis nag mamadaling bumaba ng hagdanan, hinarang ako ni shaira. “Ate kumain ka na muna bago ka pumasok. Total late ka na naman na eh, lubus lubusin mo na. hehehe.” Pang aasar ni shaira,
“Che! umalis ka dyan sa daraanan ko.” Asik ko sa kanya, sabay kabig sa balikat niya, para makaraan ako. Nag tawanan sila.
Karipas ng takbo ang ginawa ko, para makarating agad sa sakayan ng jeep nagmamadaling pumara. Buti na lang hindi ako nahirapan sumakay ng jeep.
Halos, lakad takbo ang ginawa ko, para lang maka habol sa unang subject. Pagdating ko ng school. Diretso sa building na kung saan yung unang subject namin na si sir Aaron unang Prof.
Gulo gulo ang buhok, tumutulo pa pawis sa nuo. Walang lipstick as in haggard ang itsura. Muntik pang malaglag ang bag ko sa kakamadali. Nagkakandarapa sa pag lakad takbo ginawa.
Habang nanalangin na sana late din si sir pero. Minamalas ka nga naman. Pag silip ko sa pintuan ng room. Nag uumpisa na sila sa klase. Hindi ko alam kung papasok paba ako o hindi na. Patalikod na sana ako ng biglang.
“Ms lewis! At saan mo balak pumunta?” Tawag niya na nakatitig sa akin. Nakita niya akong dumating. Mas lalo akong pinag pawisan sa titig niya.
Na pakamot ng ulo, “Ah eh sir, good morning po. Pasensya na po nalate ako. Medyo tinanghali lang po kasi ng gising, hehehe.” Nahihiyang paliwanag ko sabay takip ng libro sa mukha na hawak ko.
“Ah ganun ba, maganda ba napanaginipan mo? At ganun na lang ang pagka late mo.” Sabay lapit sakin sa pintuan, dinukot ang anyo sa bulsa at pinusaan ang pawis ko sa nuo. Sabay abot sakin ng panyo.
“Bilang parusa sa pag kakalate mo. Tumayo ka sa tabi ng table ko, dun sa likod. Hanggat hindi pa natatapos ang klase ko sa inyo. Maliwanag!” Sabi niya sakin pakiramdam ko na parang natutuwa pa. “Patay.” Sa loob loob ko. Ano bayan parang elementary lang reklamo ko pa.
“Maliwanag ba! Ms. Lewis.” Turan niya ulit. Na naka tayo pa rin sa harapan ko.
“Ay, o-opo sir.” Taranta kong sagot sa kanyan. Pumasok na ako sa room at dumiretso sa likuran ng klase namin. Habang nakatayo ako umupo naman si sir aaron sa table nya. Habang binabasa ng classmate ko ang libro.
Nakatingin naman siya sa mga mata ko. Para bang sakin niya pinapatamaan ang poem na binabasa nila.
Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko. Halo halong kaba at pensiyon ang nasa puso ko. Hindi ko maintindihan kung sa pag kakapahiya ba o sa titig niya sakin.
Sobrang pula ng pisngi ko, hindi ko sya magawang tignan. Hindi rin kasi ako komportable sa bawat titig nya sakin feeling ko kakainin ako ng buo.
“Ok class, it’s enough. Bukas na natin ituloy ang topic natin. Okay... see you tomorrow.’’ Sabi ni sir Aaron sa mga classmate ko. “Yes...” Sa isip isip ko. Sa wakas tapos na din ang parusa ko. Isang oras din akong naka tayo. Ngalay na paa ko, 2inches pa naman ang suot kong sapatos.
Mangiyak-ngiyak ako sa sakit ng binti ko. May paltos na rin ata ang paa ko sa kakatakbo kanina.
Nadismaya ako ng biglang sabihin ni sir na. “Maiwan ka Ms. Lewis.” Sabi niya habang nili-ligpit ang gamit sa ibabaw ng lamesa. “Ha! bakit po sir?’ takang tanong ko kay sir Aaron.
“Hindi pa tayo tapos, may ipapagawa pa ako sayo.” Ani ni sir, sumimangot ako, kasi naman ano naman ang ipapagawa nya sakin. Akala ko okay na yung parusa ko, hindi pa pala.
Na pa titig ako sa kanya. Kabadong tumango nalang. Sa loob loob ko ano kaya ipapagawa niya sakin. Wala ng nagawa kung di sumunod nalang, habang naglalakad palabas ng room pinapagalitan ko sarili.
Buntong hininga na lang ang nagawa ko “Haaay! ano ka ba naman Sam. Ang tanga tanga mo. Kung bakit naman kasi na late ka pang gumising.” Bulong ko sa sarili.
“Kung alam lang ni sir na kaya ako nalate kakaisip sa kanya.” Panay bulong ko, habang naglalakad palabas ng room.
Tulalang naglalakad “Hay, ewan ko sayo Sam, pati ba naman ikaw nakikisali sa pag papantasya kay sir huhuhu.” Sabi ko sa sarili ko, sinisisi ko ang sarili sa mga nangyayari. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na mga kaibigan ko. Inaabangan na pala nila ako sa labas ng room.
“Sam, ano ba nangyayari sayo? Nag aalala tuloy kami sayo. Ngayon ka lang nalate ng husto.” Tanong sakin ni Diana. Habang naglalakad kami sa hallway ng school.
“Sorry, napuyat kasi ako sa pag gawa ko ng thesis. Kagabi.” laylay ang balikat na paliwanag ko habang sabay sabay kaming naglalakad papuntang canteen.
“Thesis!” sabay sabay nilang turan sakin at napa hinto sa paglalakad. Tinitigan ako ng mabuti. Na parang sinusuri kung nag sasabi ba ako ng totoo.
“O, may nakaka bigla ba?” Takang tanong ko sa kanila. na pahinto din ako ng lakad. “Oo naman ngayon lang naming narinig sayo yan.” Sabi ni Anna,
“Sa thesis ka pa talaga napuyat ha.” Sabat naman ni Rose “Ewan ko sa inyo, ano ba nakaka bigla dun.” Reklamo ko. Nag Tuloy na sa paglalakad.
“Hoy, babae yan pa.. talaga. Ang idinadalihan mo. Eh mina-mani mo nga lang ang thesis natin. Kaya nga ikaw lagi ang nauuna makatapos dyan pagdating sa thesis eh.” Apila ni Diana sakin. na humarap pa sakin, kaya mag lakad siya ng patalikod.
“Hoy ka din, Diana. Ano palagay nyo sakin robot hindi napapagod or napupuyat.” Asik ko sa kanila. na naninningkit ang mata. Hindi ko tuloy malaman kung ngingiti ba ako o si simangot.
“Kayo talaga! nakaka sama kayo ng loob ha.” Sabay irap ko sa kanila. “Oy, oy, oyh, wala kami sinasabi ha, ikaw lang nag iisip ng ganyan.” Ani naman ni Anna.
“Oh, baka naman, tama ang hinala namin.” Nag dududang si diana. “Ano naman yang, hinala nyo aber?” tanong ko sa kanila tatlo.
“In love ka ba?” biglang tanong sa akin ni Rose. Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. na tahimik ako. at na hinto ulit sa paglalakad.
“What! Inlove na si Samantha ayeee.” sabay sabay nilang sabi, Tudyo nila Anna Diana at Rose, at pa takbo sa canteen. Na nagtatawanan pa. Iniwan nilanga ko nak tulala.
“Kayo talaga, tigilan nyo nga ako. Hoy! ano ba kayo antayin nyo naman ako.” sigaw ko sa kanila. Sumunod na din ako sa kanila.
Naka upo kami sa canteen at naka order na din ng makakain ng biglang may naalala si Rose, “Oo nga pala Sam, bakit nga pala pina iwan ka sa room. Ano naman ba sinabi sayo ng prof natin. Na ipinanganak na gwapo. mukhang pinag iinitan ka nya ha?” Tanong ni Rose. sa mahabnag litaniya.
“Ewan ko ba dun.“ Reklamo ko. habang ini-ikot ang tinidor sa spaghetty. “Pero tama naman ang ginawa ni sir eh, halos 30minutes na syang late kanina.” Sabi naman ni Anna, na sinisimsim ang juice sa baso.
“Ikaw! kakampi ka ba talaga namin.” Sabi ni Diana kay Anna. Tumawa na lang ang Anna. “Tapos, balak mo pang tumakas.” Natatawang turan ni Rose sakin. Na kumakagat ng tinapay na binili.
“Nagdadalawang isip kasi ako kanina. Kung papasok pa ba ako o hindi na. Ang kaso nakita nya ako hehehe.” Paliwanag ko, natatawa pa sa ginawa. sabay subo ng spaghetty.
“Ang talas ng mata ni sir Aaron. Pagdating kay Sam.” Sabi pa ni Rose. na mag nginunguya ng tinapay sa bibig. “Oo nga eh.” Sabi naman ni Anna. Na nakatutok ang mata sa cellphone.
“Ang kaso hindi pa tapos ang parusa nya sakin, mamaya lang magkikita kami sa office nya at dun kami sa library pupunta.” Walang ganang turan ko sabay inom ng tubig.
“Ha, talaga!” sabay sabay nilang sabi, mga abot tenga ang ngiti, “Ano naman ang gagawin nyo dun.” Tanong ni Anna, na may pagdududa.
“Ang swerte mo masosolo mo si sir aaron.” kilig na turan ni Rose. “Okey lang kayo, alam nyo ba kung ano gagawin namin dun ha.” Pagrereklamo ko. “Ano naman yun?” tanong ni Anna. na naka ngiti.
“Ako daw mag check lahat ng examination paper natin at sa iba pang section. Hindi lang yun. Pinapakuha pa nya sakin yung mga test paper sa faculty. Ang bigat bigat kaya nun” naiinis na turan ko habang tinutusok madiin ng tinidor ang spaghetti sa plato.
“Haay, ang malas naman nun.” Turan ni Diana habang naka labi. “Kaya mo yan girl.” Ani ni anna. na nag sign pa ng fighting.
“Ok lang yun, masosolo mo naman si sir aaron. Makakasama mo pa ng malapitan at take note sempre magkatabi pa kayo.” sabi pa ni Diana na naka bungisngis at kinikilig.
“Okey ka lang Diana, nakuha mo pang mag fantacia dyan eh parusa na nga yun kay Samantha.” sabi naman ni Anna. “Parusa ba yun, parang hindi naman.” ani ni Rose. Tumatawa pa.
“Ewan ko sa inyo, basta! Naiisip ko pa lang parang hihimatayin na ako sa kaba.” Reklamo ko ulit. sabay tingin sa wrist watch ko.
“Go girl, Kaya mo yan. Tiwala lang sa love.” Pang aasar ni Rose. “Oh sya. Iwan ko muna kayo ha. Punta na ako sa office ng devil natin professor.” reklamo ko ulit.
“Wheeee! Devil daw, sabihin mo. The man in your life. Come to my Papa!” Sabay tawanan, iniwan ko sila. Sa pikon ko. “Lakas mambwiset itong mga kaibigan ko.” sa loob loob ko.