Nang sabihin iyon sa akin ni Lucas ay lumapit narin ako kaagad kay Jessica upang sumama na sa kaniya. Naiintindihan ko ang sinabi ni Lucas sa akin at kailanman ay hindi ko na siya pinag-isipan ng masama. Naiintindihan ko na rin ang pag-poprotekta niya sa akin, ngunit ang hindi ko na lang maintindihan ay kung anong ibig sabihin ng mga simbolo na nasa aking braso.
Habang nag-lalakad kami ni Jessica ay biglang humarang sa amin sina Jeremy.
“Ito na naman tayo,” pahayag bigla ni Jessica nang makita ang pag-mumukha ni Jeremy.
Napatawa lang ako bigla ng sabihin iyon sa akin ni Jessica nang makita sa kaniyang harapan si Jeremy.
“Hi Jess! Kakain na ba kayo?” tanong ni Jeremy kay Jessica,
Hindi makasagot si Jessica kaya’t naisipan kong ako na lamang ang sasagot dito para hindi naman niya maramdaman na inisnob siya ni Jessica.
“Hello Jeremy! Oo kakain na kami, sasabay ka ba ulit?” pahayag ko naman kay Jeremy habang nakangiti sa kaniya. Nang biglang tumingin sa akin si Jessica at sinamaan niya ako ng tingin, at sumesenyas na ayaw niya.
“O-okay lang ba kay Jessica?” tanong naman sa akin ni Jeremy nang maramdaman niya na parang ayaw ni Jessica.
Lumapit ako kay Jeremy, at sinabing.
“Hindi hindi! Okay lang sa kaniya, kakain lang naman tayo ng sabay-sabay eh, wala namang masama doon,” saad ko naman kay Jeremy.
At nang lumingon ako kay Jessica, ay sumenyas ako sa kaniya na sumama na sa amin. Walang nagawa si Jessica sa desisyon ko kaya agad na rin siyang sumunod sa amin ni Jeremy. Nang makarating kami sa canteen ay nagulat ako nang makita ko si Lucas na nakain ng tanghalian habang binabasa ang kaniyang libro.
At napatingin din naman si Jessica kay Lucas ng makita ko iyon,
“Bakit siya nag-iisa?” tanong kaagad sa akin ni Jessica.
“Kailangan niya lang muna dumistansya sa akin,” saad ko naman sa kasama ko.
“Tara na,” pag-aaya naman ni Jessica.
Nag-simula na kaming pumila para kumuha ng pag-kain nang bigla kong napansin na may lumapit kay Lucas na grupo ng mga lalaki at pinag-titripan siya habang nakain at nag-babasa. Ibinaba ang bola ng lalaki sa kaniyang lamesa,
“Hindi ka aalis?!” sigaw ng isang lalaki ng biglang nag-tinginan sa kanila lahat ng estudyante.
Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ko iyon at sinigawan si Lucas. Pumasok sa isip ko na baka kung anong gawin ni Lucas sa mga lalaking iyon.
Tumingin si Lucas ng masama sa lalaking nanigaw sa kaniya.
Lucas’ point of view
“Anong problema mo? Bakit sa dinami-rami ng upan na pwede niyong upuan ay ipinag-pipilitan niyon dito pumwesto sa kung saan ako nakapwesto? Don’t you see that I’m eating right now? And reading? Mag-hanap kayo ng pwesto niyo, hindi yung uutusan niyo akong umalis para makapwesto kayo dito,” pahayag ko sa mga lalaking nakaharap sa akin.
Nang bigla akong hinawakan ng lalaki sa aking damit, “Ayaw mong umalis ah!” sigaw niya muli sa akin ng bigla niyang itinaas ang kaniyang kamao at sinubukang suntukin ako.
Ngunit hindi niya yun nagawa dahil agad kong nahawakan ang kaniyang kamao at pinigilan iyon. Dahan-dahan akong tumayo at patuloy na hinahawakan ang kaniyang kamay habang nakatingin sa kaniya.
“Sabi ko naman sayo wag kayo mang-bastos, kasi hindi niyo alam kung sinong kinakalaban niyo,” pahayag ko sa kaniya, nang inunti-unti kong baliin ang kaniyang kamay.
“AHHHHH!” sigaw niya nang maramdaman na niya ang sakit ng pag-kakabali ko sa kaniyang kamay at biglang kong binitawan.
Napaatras siya ng gawin ko iyon sa kaniya, ganoon din ang kaniyang mga kasama.
“Next time, wag niyong uulitin yun sa akin. Baka bumalik sa inyo, umalis na kayo at humanap na kayo ng mauupuan niyo. Hindi yung kukunin niyo ang pwesto ko,” pahayag ko muli sa kanila.
“Tara na tara na!” utos sa kanila ng kanilang leader nang masaktan ang isa sa kanila kaya’t umalis sila sa canteen.
Napansin ko si Luna na nakatingin sa akin ng gawin ko iyon, at agad rin siyang umiwas ng tingin sa akin nang mahuli ko siya. Bumalik na ako sa aking pag-kakaupo at kumain na muli habang nag-babasa ng aking libro.
Luna’s point of view
Nahuli ako ni Lucas na nakatingin sa kaniya nang matapos niyang kalabanin ang grupong itinatakwil siya sa kaniyang kinapwepwestuhan. Kaya’t agad naman akong umiwas ng tingin.
“Ang galing ni Lucas, akalain mo yun kinalaban niya ang nangbubully dito sa canteen palagi,” saad naman ni Jeremy.
Napatingin naman ako ng sabihin iyon ni Jeremy, at bigla rin namang umimik si Jessica.
“Hindi ko akalain na marunong palang makipag-away si Lucas sa mga ganyang bagay,”
“Hayaan niyo na,” tugon ko naman.
Napatingin naman muli sa akin si Jessica nang sabihin ko iyon,
“Yun lang ang sasabihin mo sa nakita mo na ginawa ni Lucas? Ang baduy mo naman Luna magbigay ng reaksyon,” saad naman muli ni Jessica.
“Ano ba dapat ang kailangang reaksyon? WOOOOOOW! Ganon ba?” pahayag ko naman muli kay Jessica.
“Oa na girl! Oa na! ewan ko sayo Luna, pag-dating kay Lucas ang sama ng dating mo, pero mukhang napakaayos naman ng trato sayo ng tao, hindi mo panga sinasabi kung bakit palagi siyang sumasama sayo eh, madamot ka chumika. Akala mo nakakalimutan ko yun?” saad naman muli ni Jessica sa akin.
“Hindi pa naman kasi ito yung right time,” tugon ko naman kay Jessica
“Ewan ko sayo Luna, right time right time ka diyan. Kumuha ka na ng pag-kain mo, at wag mo na tingnan yun kung wala ka talagang pake doon, napag-hahalata ka,” saad naman niya muli sa akin.
Agad ko namang iniwas ang tingin ko kay Lucas dahil nagulat rin ako nang malaman kong nakatingin pala ako sa kaniya at hindi ko namamalayan na ako na pala ang sunod na kukuha ng pag-kain pag-katapos ni Jessica. Kumuha na ako ng pag-kain dahil maiiwan nako ng mga kasama ko.
Nang nakakuha na ako ng pag-kain at lumapit na kayna Jessica ay bigla akong tinanong ng mga ito,
“So saan tayo uupo niyan? Eh ang dami ng tao?” tanong bigla ni Jessica
“Alam ko na, kay Lucas na lang tutal mag-isa lamang naman siya baka pwede tayo doong makiupo,” saad naman ni Jeremy.
Ngunit agad naman akong nagulat nang sabihin niya iyon kaya’t agad akong sumagot sa sinabi niya,
“Wag! For sure hindi rin tayo pwede, kita mo naman yung ginawa niya sa mga kumalaban sa kaniya hindi ba, baka hindi rin tayo paupuin,” saad ko naman sa dalawa nina Jeremy.
Nang matapos akong mag-salita at napansin kong hindi sila sumagot sa sinabi ko ay pag-tingin ko sa dalawa ay patungo sila sa kung saan doon si Lucas nakapwesto. Nanlaki ang mata ko noon at agad kong sinundan ang dalawa.
“Pwede ba kaming makiupo Lucas?” dinig kong pag-kakatanong ni Jeremy,
Kinabahan na ako nang tumingin si Lucas sa kanila,
“Sinasabi ko sa inyong dalawa, hindi pwede umupo diyan,” saad ko naman sa dalawa.
Napatingin naman ang tatlo nina Jeremy, Jessica at Lucas sa akin.
“Ano bang sinasabi mo diyan Luna? Pinaupo na nga kami ni Lucas eh, ikaw masyado ka lang ma-overthink,” saad naman ni Jessica sa akin.
“Ah ganoon ba? S-sorry,” tugon ko naman sa kanila at naupo narin ako.
Bumalik na muli ang tingin ni Lucas sa kaniyang binabasang libro. Habang kami ay kumakain ay hindi kami mag-kaimikan dahil takot rin kami na baka ayaw rin ni Lucas ng maingay habang siya ay nag-babasa.
Ngunit ilang minuto na habang kami ay nakain ay bigla siyang umimik,
“Hindi niyo naman kailangang pilitin ang sarili niyong manahimik kung gusto niyong dumaldal habang nakain. Wala namang kaso sa akin yun,” saad niya habang nakatingin siya sa kaniyang libro.
Napatingin naman kaming tatlo sa kaniya, at bigla naman umimik si Jessica.
“S-sorry Lucas, akala kasi namin baka maistrobo ka naming kapag dumaldal kami habag nakain o maingayan ka sa amin kasi nag-babasa ka,”
“Wala naman akong sinabi kanina bago kayo umupo, kaya wala namang problema sa akin. Sige kumain na kayo,” pahayag naman muli ni Lucas kay Jessica.
Kaya noon ay nakahinga na kami ng maluwag at nag-salita na habang nakain, lalo na at hindi kami sanay na hindi kami nag-uusap-usap habang nakain ng lunch.
Habang kami ay nasa kalagitnaan ng pag-kain ay biglang umimik muli si Lucas, at napatingin naman ako nang tawagin niya ang aking pangalan.
“Luna, pag-katapos niyong kumain mag-usap muna tayo,” pahayag niya bigla sa akin.
“Ah—anong pag-uusapan natin Lucas? Hindi ba may klase tayo?” tanong ko naman kay Lucas
“Alam ko, pero bago tayo pumasok sa classroom may kailangan lang tayo pag-usapan, okay ba yun?” seryosong tanong niya muli sa akin.
“Sige sige, okay lang,” tugon ko naman kaagad sa kaniya. At bumalik na muli ako sa aking kinakain.
Nang matapos ang kain, ay nagsitayo na kaming tatlo nina Jessica at Jeremy at dinala ang aming pinag-kainan sa lalagyan ng mga plato. Nang nandoon na kami ay bigla akong tinanong ni Jessica.
“Ano naman kaya ang pag-uusapan niyong dalawa?”
Napatingin naman ako kay Jessica, “Hindi ko alam, pero hayaan niyo na. Ganyan talaga yan, pamisteryoso hindi ba?” tugon ko naman kay Jessica.