Nang pabalik na kami kay Lucas, upang yayain siya na pumunta na kami sa classroom naming ay tumayo na kaagad siya at nag-kusa na na lumapit sa amin.
“Tara na,” pag-aaya niya agad sa amin.
Habang papalabas kami sa canteen ay kasabay ko sa pag-lalakad si Lucas habang si Jessica naman ay kasabay niya naman sa pag-lalakad si Jeremy. Habang kasama ko si Lucas na nag-lalakad patungo sa classroom naming ay hindi ako mapakali kung paano ako kikilos, dahil halos lahat ng estudyante na nasa paligid naming ay pinag-mamasdan kami.
“L-lucas?” pahayag ko sa kaniya,
“Hmm?” tugon naman niya sa akin
“Pwede bang kayna Jessica na muna ako sumabay? Hindi kasi ako mapa—” naputol ang aking sinasabi nang biglang umimik muli si Lucas.
“Hindi, alam ko na kung bakit hindi ka mapakali diyan. Kung ano man yung napapansin mo, hayaan mo na lang sila. Kasi kung nagpapahalata ka na parang ilang sa kanila, lalo ka nilang pag-mamasdan okay ba yun?” pahayag niya sa akin.
“Pero kasi—” pahayag ko naman muli sa kaniya,
“Luna,” saad naman niya.
Bigla na lang akong nanahimik nang marinig ko ang pangalan ko sa kaniya, nakaramdam ako bigla ng takot kaya hindi na muna ako muling umimik.
Nang nasa classroom na kami, ay balak ko na sanang pumasok ngunit bigla niya akong pinigilan at hinawakan sa aking braso kaya’t nagulat naman akong bigla.
“Hindi ba sabi ko mag-uusap tayo?” pahayag niya sa akin na sobrang seryoso.
“Ah—ehh sorry sorry, sige ano ba pag-usuapan natin?” tanong ko naman sa kaniya
Hinila niya akong muli sa hagdan para walang makarinig sa aming pag-uusapan.
“Ano? May tumawag ba ulit sa cellphone ko?” tanong niya kaagad sa akin,
“W-wala naman,” tugon ko naman kaagad sa kaniya.
“Akin na ang number, titingnan ko kung sino ang taong nasa likod niyan,” saad naman niya muli sa akin.
Agad kong kinuha ang cellphone niya sa bag ko, at agad kong binuksan ang cellphone ng makuha ko. Hinanap ko kaagad ang numerong tumawag sa akin noong nakaraan na binabantaan si Lucas. Ibinigay ko kaagad sa kaniya ang cellphone at kinuha naman niya agad.
Kinuha niya rin agad ang kaniyang cellphone upang doon ilagay ang numero. Nang biglang ako ay napaisip kaya’t tinanong ko siya muli kung sino iyon.
“Sino ba yan? At pati buhay mo gustong tapusin??” tanong ko naman.
“Kapag sinabi ko sayo, wag mong sasabihin sa iba o ikekwento ito. Siguro para maging aware kana din at maingat sa paligid mo,” saad naman niya sa akin.
Bigla akong kinabahan at natakot sa kaniyang sinabi, hindi ko alam kung babalakin ko pa bang pakinggan ang sasabihin niyang pangalan o hindi ko nalang hahayaan na marinig. Pero dahil napag-isipan ko na din na para din naman sa aking ikaiingat ito ay hinayaan ko na lamang siya na sabihin sa akin kung sino man ang taong na yun.
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya ulit kausapin,
“Hmm sige, sabihin mo na. Kahit wag na muna ang pangalan,” saad ko naman sa kaniya.
“tanda mo noong panahon na iniligtas kita, itinakas kita sa kung saan nandoon ang mga kumakain sa tao?” tanong niya sa akin,
Nagulat ako sa kaniya, nang marinig ko iyon sa kaniya.
“Oh? Anong meron?” tanong ko naman muli sa kaniya.
“Siya yun,” pahayag niya muli sa akin.
Napatigil ako nang sabihin niya iyon sa akin, pakiramdam ko ay tumigil ang aking mundo at muling natakot sa posibleng mangyari sa akin habang nandyan si Lucas.
“Eh bakit mo ako dinidikitan pa? hindi mo ba naisip na posible akong madamay kapag nakakasama kita?” saad ko naman sa kaniya.
“Sige hahayaan kita, kapag hinayaan kita hahayaan na rin kitang mawala. Baka mauna ka pa sa akin,” saad naman niya pabalik sa akin.
“Bakit ba kasi kailangan damay ako!!!!” sigaw ko sa kanya.
“Bakit ba kasi merong ganiyan sa braso mo? Hindi mo ba man lang ikekwento kung paano ka nagkaroon ng ganyan?” tanong naman niya sa akin,
“Eh hindi ko rin alam! Alam mo papasok na ako sa classroom, ang nonsense ng ginagawa natin ngayon o kung ano-ano man pinaguusapan natin,” saad ko naman sa kaniya.
Bigla akong tumalikod kay Lucas nang sinabi ko iyon sa kaniya ngunit bigla niya akong hinila sa aking braso. At dahil nang nasa hagdan kami at nasa baba siya ay bigla akong bumagsak sa kaniya at sa hindi inaasahang pag-kakataon ay nasalo niya ako.
“Lampa lampa mo, sabi ko sayo maguusap tayo hindi yung iiwan mo ako,” saad naman niya sa akin nang saluhin niya ako.
Agad naman akong tumayo sa pag-kakahawak niya, at muling umalis sa kaniyang harapan. Agad akong tumungo sa classroom namin at nang pumasok ako doon ay hindi ko napansin sa sarili ko na nakasimangot na pala ako. Kaya’t nang napatingin ako kay Jessica ay nag-tataka rin siya.
Agad akong nag-tungo sa tabi niya kung saan doon ay may bakante na upuan at agad akong tinanong ni Jessica.
“Oh Luna? Siz? Anong nangyari? Anong ginawa sayo ni Lucas?” tanong naman niya kaagad sa akin.
Hindi agad ako nakasagot sa kaniyang tanong at patuloy na mainit ang ulo ko sa sinasabi ni Lucas sa akin kanina. Nang biglang pumasok si Lucas sa classroom at nag-tinginan sa kaniya lahat ng mga kaklase naming ganoon din si Jessica. Habang ako naman ay napatingin din naman sa kaniya ngunit hindi parin nawala ang sama ng loob ko.
Hindi tumabi sa akin si Lucas kung saan sa tabi ko palagi siya naupo at umupo siya sa pinakalikod.
“Nag-away na naman kayo no,” saad naman ni Jessica
Nang biglang dumatin na ang aming guro, at nag-simula na ang aming klase. Nag-simula ang klase ay hindi parin kami nag-papansinan ni Lucas, hanggang sa matapos iyon. Lumabas kami ng classroom nang hindi ko parin pinapansin si Lucas.
Habang nag-lalakad kami ni Jessica ay agad ko siyang kinausap,
“Alam mo, wag na tayong mag-papagabi dito palagi ah? mas maganda na din talaga na maingat tayo palagi,” pahayag ko naman sa kaniya.
“Oh? Bakit mo naman biglang sinabi yan?” tanong naman kaagad sa akin ni Jessica.