Umaga na at nauna naman akong magising kay Jessica, kaya’t noong nagising ako ay agad akong nag-handa ng aking damit at agad akong tumakbo patungo sa banyo para maligo. Hindi ko na muna ginising si Jessica dahil mabilis naman siyang kumilos kapag ginising ko.
Habang ako ay naliligo ay naririnig ko na maiingay ang mga kasamahan kong babae na nakapila sa labas ng pinto ng banyo na nililiguan ko, ngunit ilang minuto ang nakalipas ay napansin kong parang walang tao.
“Bakit wala na akong naririnig na ingay? Nasaan sila?” pag-tataka ko
At dahil hindi ko maiwasang mag-taka ay agad kong binilisan ang aking pag-ligo at pag-katapos noon ay agad rin akong nag-bihis ng aking damit. Nang matapos ako ay binuksan ko na ang pintuan at wala nanga ang mga taong nakapila sa labas ng banyo. Kaya’t naisipan kong hanapin sila, at nagulat ako na lahat sila ay nakasilip sa labas ng bintana ganoon din si Jessica.
Habang nag-tataka ako ay napatingin sa akin si Jessica, nang nakangiti sa akin.
“Luna! Halika tingnan mo,” pahayag sa akin ni Jessica.
“Huh? Anong meron? Anong sinisilip-silip niyo sa labas?” tanong ko kay Jessica.
Nang nandoon na ako kay Jessica ay tumingin ako sa labas at pag-tingin ko
“Lucas?!” bigla kong pagkakasabi,
Tinulak ako at inasar-asar ni Jessica, “Hindi mo naman ako ininform na may susundo sayo, I mean sa atin,” pahayag naman sa akin ni Jessica.
“Pero hindi—” naputol kong pag-kakasabi,
Nang biglang umimik muli si Jessica sa akin,
“Saglit lang, liligo lang ako ng mabilis baka mainip yang nag-hihintay s aiyo. Nakakahiya naman ano nga po?” pang-iinsulto sa akin ni Jessica.
Hindi ako nakaimik agad kay Jessica sa sinabi niya dahil agad na siyang nag-tungo sa banyo para maligo dahil kasabay ko siya palaging pumasok. Lahat ng babae na kasamahan ko sa dorm ay nakasilip parin sa bintana at sabay-sabay na nag-sasalita dahil sa itsura ni Lucas na may pag-kagwapo.
At dahil hindi tinitigilan ng mga babae ang pag-tingin kay Lucas ay hinayaan ko na lamang sila at nag-tungo nalang ako sa aming kwarto ni Jessica. Inihanda ko ang aking mga gamit na dadalhin sa school, nang bigla akong nagulat nang pumasok si Jessica.
“Hoy Luna!” sigaw niya bigla
Nang biglang naitapon ko ang notebook na hawak ko,
“Ay buti—! Ano ba Jessica!” pahayag ko naman kay Jessica.
“Bakit ba kasi nandyan si Lucas? Ingat na ingat ka ha,” saad naman niya sa akin.
Kumunot ang aking noo at nainis sa sinabi ni Jessica ganoon din kay Lucas.
“Wala naman kaming pinagusapan tungkol diyan, hindi ko rin alam kung bakit siya nandiyaan, hindi ko rin alam kung anong gusto niya at bigla siyang dumating sa mundo natin,” pahayag ko naman sa kaniya.
“Sa mundo mo, hindi sa mundo natin. Pero infairness siz, niligtas niya ako kahapon kaya wala namang problema noon dumating siya. Dapat pa siguro tayong maging thankful, hahahaha!” saad naman muli ni Jessica sa akin.
“Ala ewan ko sayo Jessica, mag-bihis ka na lang para hindi naman nakakahiya doon sa lalaki nay un kanina pa ata nag-iintay,” tugon ko naman kay Jessica.
Agad namang kumilos si Jessica, nag-bihis at nag-ayos kaagad siya ng kaniyang sarili. Nang matapos ito ay tumayo na ako at binitbit ko na ang aking bag ganoon din si Jessica. Sabay kaming lumabas ng dorm at bumaba ng hagdan.
Nang binuksan ko ang gate ay agad namang tumingin si Lucas sa amin, at agad ko rin siyang kinausap.
“Bakit ka nandidito? Hindi naman natin yung pinag-usapan ah?” tanong ko sa kaniya.
“Wag ka ng mag-reklamo, kung ayaw mong kainin ka ng kung sino,” pabulong na tugon niya sa akin malapit sa tenga.
Nanlaki at natakot naman ako sa sinabi niya at bigla ko ring naalala ang tumawag sa telepono na ipinahiram sa akin ni Lucas kaya’t hindi na ako nag-reklamo sa ginagawa niya.
“Okay sige, bahala ka. Tara na,” saad ko naman sa kaniya.
Nag-simula na kaming mag-lakad patungo sa sakayan ng jeep na papunta sa aming paaralan. Habang nasa jeep ay napansin ko ang mga babaeng nakasakay rin sa aming sinasakyan na todo ang tingin kay Lucas. Kaya’t ako ay nagtaka.
“Ganoon na ba kagwapo itong si Lucas? Paano nila nakikita yun?”
Bigla akong siniko ni Jessica, “Huy! Sinong kausap mo?” pabulong niya sa akin.
Napatingin naman ako sa kaniya, “Wala ah— ano bang itsura ni Lucas? Bakit nag-titinginan sa kaniya ang mga estudyante na ito?” tanong ko kay Jessica.
Huminga bigla ng malalim si Jessica,
“Hindi mo ba nakikita? Pogiii ang kasama natin, hindi ko lang talaga alam sayo kung bakit hindi mo nakikita yun kay Lucas eh ikaw ang nakakasama niya. Ganoon ka na ba talaga ngayon ka-bulag? Pero kapag pangit yun ang sinasabihan mo na may itsura? Totoo ka bang tao?” saad naman niya sa akin.
“Hindi naman sa ganoon Jessica, baliw ka ba? Sadyang hindi ko lang makita ngayon na may itsura si—” naputol ang aking pag-kakasabi, nang biglang pumara si Lucas.
“Para po!” pahayag niya sa driver.
Hindi naming namalayan ni Jessica na nasa tapat na kami ng aming paaralan, kaya agad kaming bumaba at nahuling bumaba si Lucas.
Nang makapasok kami sa paaralan ay hindi ako sumabay sa pag-lalakad kay Lucas dahil alam kong pag-titinginan siya ng mga babae at pag-iisipan kami ng masama kaya sumabay ako kay Jessica.
Habang nag-lalakad sa unahan si Lucas sa harapan ko ay bigla siyang lumingon sa akin sa likod,
“Oh? Bakit nandiyan ka?” tanong niyang seryoso sa akin habang may seryosong tingin,
“Ah—eh kasi, Lucas mauna ka na sige na,” saad ko naman sa kaniya.
Nang biglang tinulak ako ni Jessica patungo kay Lucas at dahil hindi ko alam na itutulak niya ako ay nagulat ako sa ginawa niya kaya’t nang lumingon ako ay sinamaan ko siya ng tingin.
“Ay sorry Luna, kaya may tumawag sa akin kanina hindi ko alam na nabangga na pala kita,” pahayag sa akin ni Jessica.
At dahil wala na akong nagawa at mairarason pa ay pinilit ko na lamang ang sarili ko na sabayan si Lucas sa kaniyang pag-lalakad. Habang nag-lalakad ay hindi ako makaimik at hindi rin ako makatingin sa paligid dahil pakiramdam ko ay madaming nakatingin sa aming dalawa.
Nang biglang may humarang sa aming tatlo nina Jessica at Lucas na grupo ng mga lalaki.
“Ohhhh! So here’s our boy Lucas, so ito na pala ang girlfriend mo?” pahayag ng isang lalaki na mukhang leader ng grupo.
“Oh Damian? Ikaw pala? so ano naman sayo kung girlfriend ko siya? Umalis kayo sa dinadaanan naming kung ayaw niyong may mangyari sa inyo,” seryosong tugon naman kaagad ni Lucas sa lalaking nag-ngangalang Damian.
“Tapang mo ah? akala mo tapos na ako sayo, akala mo lang yun Lucas,” saad naman muli ni Damian.
Habang nag-uusap sila ay hindi ko alam ang aking nararamdaman na tila ba parang narinig ko na ang kaniyang boses ganoon din ang kaniyang pag-sasalita at hindi ko maiwasang isipin kung saan ko siya narinig. Nang biglang pumasok sa isip ko ang boses ng tumawag sa cellphonen ni Lucas na lalaki.
“Luna? Okay ka lang? tara na, wala na sila,” saad naman bigla ni Jessica.
Nauna na kaming mag-lakad ni Jessica habang si Lucas naman ay nahuling mag-lakad dahil hinintay pa niyang makaalis ang grupo na iyon.
Tahimik akong nag-lalakad at hawak-hawak ako ni Jessica sa aking balikat, nang nandoon na kami sa aming classroom ay muli akong biglang tinanong ni Jessica.
“Luna? Okay ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo, ano ba yun?”
Dahan-dahan akong tumingin kay Jessica, “W-wala wala jess, okay lang ako,” saad ko naman
“Sure ka Luna ah?” pahayag muli ni Jessica, at tumango naman ako.
Nang biglang dumating na si Lucas at naupo sa tabihan ko. Nang makaupo siya ay hindi ko maiwasang tingnan siya, at dahil sa patingin-tingin ko ay napatingin siya bigla sa akin.
“May problema ka ba? Ayos ka lang?” bilging tanong sa akin ni Lucas na may seryosong mukha.
“Yung lalaki kanina? S-siya, bo-boses niya yung narinig ko noong may tumawag sa telepono mo,” pahayag ko bigla kay Lucas.
Nanlaki ang kaniyang mata at biglang nanahimik.
“Kung ano man ang narinig mo kagabi, kalimutan mo na yun. Kung may problema kami, sa amin na yun. Ayokong madamay kayo,” saad naman niya sa akin.
“Ano ba kasing meron? Ano bang nangyayari? Bakit binabantaan ka niya?” tanong ko muli kay Lucas.
Hindi na muli siya umimik sa tanong ko sa kaniya, kaya’t hindi ko na lamang siya muli tinanong pag-katapos noon dahil baka magalit lamang siya.
Hanggang sa matapos ang klase ay hindi niya ako kinakausap dahil sa nabanggit kong iyon, at nang makalabas kami ng classroom doon niya lang ako kinausap. Nagulat ako nang bigla niya akong hinila,
“Sa ngayon hindi muna tayo mag-kasama, sayo na lang yang phone ko para may magamit ka. Pero kapag may nararamdaman ka sa paligid mo o kumausap sayo na hindi mo kilala tawagan or itext mo ako kaagad. Okay ba yun?” pahayag niya sa akin,
Napatango na lamang ako sa kaniyang mga sinabi, dahil kakaiba na ang aking naramdaman na parang takot bigla ang dumikit sa akin.