Chapter 13

2536 Words
Nang inaya ko si Jessica na umuwi na lang kami agad at tanungin niya ako kung bakit ko sinabi iyon ay hindi na muli akong umimik dahil wala rin ako sa aking wisyo makipag-usap o makipagbiruan. At dahil wala na rin naman kaming mapuntahan ni Jessica ay inaya ko na lamang siya umuwi. Nang makarating kami ng maingat sa dorm ay pumasok ako kaagad sa aming kwarto ni Jessica, habang si Jessica naman ay kasunod ko na pumasok sa kwarto at bigla niya akong tinanong. “Ano bang nangyayari sayo Luna? Nang matapos ang klase ganyan ka na, wala ka na sa mood mo. Ano ba naman kasi ang pinag-usapan niyo ni Lucas?” tanong naman niya sa akin habang ako naman ay nakahiga na lamang sa aking kama. Habang hindi ako naimik ay biglang lumapit sa akin si Jessica at naupo sa aking kama, hinawakan niya ako sa aking balikat. “Siz, ano ba kasing nangyari? Alam mo sa kakaganyan niyo nag-mumukha tuloy kayong mag-jowa hahaha!” pabiro naman bigla ni Jessica sa akin. Nang bigla akong napaupo at tumingin sa kaniya. “Alam mo, kung may jojowain man ako hinding-hindi siya yun. Mas ayos pa sigurong mag-jowa ng iba, kaysa sa lalaking may mas ugali pa sa akin noh at hindi ko ka-vibes,” tugon ko naman sa kaniyang sinabi. “Pero Luna kasi, sabihin mo na kasi sa akin. Ano ba kasing nangyari?” tanong niya muli sa akin. Sa pag-kakatanong niya noon na pinapakita niyang nag-aalala na siya ay nag-dadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kaniya ang aking tinatago. Kaya’t dahil kaibigan ko naman siya at katiwa-tiwala naman siya ay napag-desisyonan kong sabihin na lamang sa kaniya. “Jess kasi—hindi ko naman makikilala si Lucas kung hindi niya ako niligtas,” pahayag ko naman sa kaibigan kong si Jessica. “Huh?! Bakit? Anong nangyari sayo na hindi ko alam?” tanong niya na may pag-aalala sa akin. “Tanda mo noong nag truth or dare tayo? Di ba hindi na ako nakabalik kung nasaan kayo noon? Kasi umuwi na ako, ang nag-hatid talaga sa akin ay si Lucas,” saad ko naman muli kay Jessica. “Bakit hindi mo sinabi na may nang-yari sayo? Loko talaga sina Jeremy kahit kailan,” pahayag naman muli ni Jessica sa akin. “Sinasabi ko sayo Jessica, kung ano man ang sinabi ng teacher natin noong may klase tayo na may mga lobo na gumagala-gala at kumakain ng tao, sinasabi ko sayo totoo talaga yun. Kitang-kita ng mata ko, kasi yung insidente na nandoon sa likod ng school natin, nakatago ako doon sa may basurahan at kaya nawala yung phone ko dahil nang—” naputol ang aking pag-kekwento nang umimik bigla si Jessica. “Seryoso?! Bakit hindi mo sinabi agad sa akin yan? May ganyan na nangyari hindi mo pa sinasabi, paano na lang kung ginalaw ka ng mga nangangain nayon. Buti nalang pala at nakita ka doon ni Lucas, pero bakit ngayon hindi ka pinapakawalan ni Lucas?” tanong naman niya muli sa akin. Ipinakita ko ang aking braso kay Jessica, “Nakikita mo ba ito?” tanong ko naman sa kaniya. Tiningnan niya ang aking braso, ngunit bigla itong sumimangot. “A-alin diyan siz? Wala naman akong makita eh,” saad naman niya nang pinag-mamasdan niya ang aking braso. “Jess, yan oh. Yung mga symboooools,” pahayag ko naman muli sa kaniya. Hinawakan niya ang aking braso at muli niyang pinag-masdan at tinitigan. “Siz, wala talaga. Bakit may nakikita kang hindi ko nakikita?” saad naman niya muli sa akin. Napahinga ako ng malalim at muli siyang kinausap. “Basta meron dyan siz, kaya niligtas niya ako nang makita niya yan eh. Hindi ko rin alam kung bakit pero nag-tanong rin siya kung paano daw ako nag-karoon ng ganito, sabi ko naman hindi ko rin alam. Kailangan ko daw mag-ingat, yan ang sabi niya,” pahayag ko namang muli sa kaniya. “Alam mo, nakakatakot na yang pinag-uusapan niyo ah. Pero sana kung ano man ang pinag-awayan niyo ni Lucas, ayusin niyo yan. Pati yang sinasabi mo na may simbolo diyan sa braso mo, alamin mo kung anong meron dyan at kung bakit kailangan mong mag-ingat,” saad niyang muli sa akin. At habang hindi ako nakaimik sa kaniyang sinabi ay bigla siyang muling tumingin sa akin at umimik, “H-hindi kaya ikaw ang kailangan ng mga lobo na iyon kaya pinag-iingat ka ni Lucas?” tanong niya muli sa akin. Tinulak ko ng malakas si Jessica at bigla siyang nahulog sa kama ko, “Sira ka ba?! Ayaw ko pa mamatay no! mas gugustuhin ko na lang mawala tong simbolo na to kaysa naman mamatay ako ng maaga dahil lang dito!” sigaw ko naman kay Jessica nang sabihin niya iyon sa akin. “Aray ko naman Luna, pwede mo naman sana isigaw bakit may pag-tulak? Ang sakit ha,” saad naman sa akin ni Jessica habang tumatayo galing sa sahig kaya’t agad kong tinulungan siya na tumayo. “Hahaha, sorry sorry hindi na. Basta siz ah, wag na tayong mag-papagabi sa school, kasi ayoko ng makita ulit ang nakita ko dati,” pahayag ko muli kay Jessica. “Oo na, basta mag-ayos na kayo ni Lucas. Tingnan mo naman ang nangyayari sayo, badtrip na badtrip ka hindi ka naman ganiyan, mag-ayos kayong dalawa. At tsaka kung may pagawa siya sayo, siguro naman hindi niya sasabihin yun kung hindi para sa ika-iingat mo di ba? Yun na lang isipin mo. Tandaan mo siya ang nag-ligtas sayo noong nandoon ka sa school at muntikan na ma-deads di ba? I’m sure, para safety mo yun kaya niya sinabi yun, yun lang advice ko sayo,” pahayag niya muli sa akin. Hindi ako nakaimik sa sinabi sa akin ni Jessica at tumango na lamang sa kaniyang sinabi. “Siya, tara na mag-bihis. Mag-luluto pa tayo kasi parang nakakaramdam na ako ng gutom. Ang cook kooooo! Hahahaha,” saad naman niyang pabiro at nag-aya kumain. “Hahaha, oo ito na. Gustong-gusto mo lang ang luto ko eh,”  tugon ko naman kay Jessica. Agad na kaming nag-bihis, at nang matapos iyon ay lumabas na kami sa aming kwarto at nag-tungo sa kusina upang mag-luto.   Lucas’s point of view Nag-lalakad ako pauwi nang biglang umakbay sa akin ang kababata kong si Charles. “Bro! pauwi ka na?” tanong niya ng bigla sa akin. “Oo, ikaw ba? At tsaka bakit mag-isa ka lang? hindi ba palagi kang may mga kasama?” tugon ko naman sa kaniya. Inalis niya rin agad ang kaniyang kamay sa aking balikat, at napakamot sa kaniyang ulo. “Ah—eh napag-isipan ko kasing, parang ayaw ko na muna silang kasama,” saad naman niya sa akin. Doon pa lang sa kaniyang sagot ay agad akong napa-isip, at biglang nakaramdam ng masamang nangyayari. “Sabihin mo na sa akin, hindi ka naman nakakapag-sinungaling sa akin di ba? Anong nangyari? Yung totoo? Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin Charles, kilala moa ko magalit,” saad ko naman sa kaniya na dinaan ko na lamang sa pananakot dahil kung hindi ko siya tatakutin ay hindi niya sasabihin. Hindi ko naman iyon ginawa para takutin lang talaga siya, gusto ko lang malaman dahil nag-aalala ako sa kaniya. “Kasi bro, para kasi silang may tinatago sa akin. Alam mo yung galaw na parang hindi normal, ganoon din yung mga pinag-uusapan nila. Para anytime kaya nilang pumatay ng tao, na hindi ko magawa-gawa kasi alam mo naman, hindi niyo pa ako nabibinyagan,” saad naman niya sa akin. Napatigil ako sa kaniyang sinabi, at tumingin ako sa kaniya. “So ibig sabihin, isa na rin silang ganap na bampira?” tanong ko naman sa kaniya. “Ah—eh hindi Lucas, sa galawan nila parang hindi sila bampira na katulad niyo. Kasi sa mga salitaan nilang hindi normal, para silang mga lobo. Yung mga kalaban niyo, ganoon,” tugon naman niya kaagad sa akin. Nagulat ako nang sabihin iyon sa akin ni Charles at biglang sumama lalo ang aking loob sa mga kalaban naming mga lobo. “So ibig sabihin, kumukuha ang mga kalaban natin na bagong myembro upang gawin ang mga gusto nilang mangyari. Ang pumatay at pumatay ng tao hanggat gusto nila? hindi ko alam kung hahayaan ko silang mabuhay at magpakasaya ng ganyan,” saad ko naman kay Charles. “A-anong ibig mong sabihi—” naputol na pag-kakasabi sa akin ni Charles nang bigla kong hawakan ang kaniyang braso. “tara na,” saad ko nang bigla ko siyang isinakay sa aking likod at binilisang umuwi sa aming lugar kung saan doon rin siya nakatira. Pag-dating na pag-dating naming sa aming lugar, ay agad kong ibinaba si Charles at agad akong pumasok sa aming palasyo at pag-pasok ko ay eksaktong nandoon ang aking ama sa baba. “Dad, alam kong alam mo na ang mga balita tungkol sa mga lobo. Wala ka man lang bang gagawin na paraan para hindi sila ganoong dumami? Paano na lang tayong mga bampira na nadidito? Alam na alam natin na lulusubin nila tayo hanggat gusto nila, hindi man ngayon kung hind isa gusto nilang oras,” saad ko naman agad sa aking ama. Nang marinig iyon ng aking ama ay wala man lang siyang iniimik sa mga sinabi ko, pinipigilan ko ang aking galit sa aking ama kaya’t napag-desisyonan kong dumeretso na lamang sa aking kwarto dahil alam ko na kung mag-sasalita lang ako ay wala rin namang mangyayari sa aking mga sinabi. Habang patungo ako sa kwarto ay bigla kong nadaanan ang akin ina. “Hi mom,” pag-bati ko sa kaniya habang wala sa mood. “H-hello anak,” pag-bati niya pabalik sa akin, nang bigla niyang mapansin na wala na naman ako sa aking wisyo. Kaya’t dumeretso na lamang ako sa aking kwarto at nag-simula nang magpahinga. Simula bata pa lang ako, hindi ko na maintindihan kung anong silbi ang pamumuno ng aking ama sa aming samahan. Ang daming gulong nangyari, ni pag-iingat niya sa kasamahan naming ay hindi ko makita. Bukod tangi na lamang ang kaniyang sarili ang kaniyang iniingatan sa mga kaguluhang nagaganap. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pag-tingin niya sa aking lakas. “Hindi na ako umaasang mag-kakaayos tayo dad dahil sa ugali mong yan,” pabulong ko sa isip ko at agad na akong pumikit.   Luna’s point of view Tapos na kaming kumain ng aming maagang hapunan, at dahil ako ang nag-luto ay napagdesisyonan ni Jessica na siya naman ang mag-liligpit ng aming pinag-kainan. Nang nag-simula nang mag-ligpit si Jessica ay nag-tungo na ako sa aming kwarto at naupo muna saglit sa aking lamesa. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang naramdaman ko simula ng nakilala ko si Lucas, pakiramdam ko bigla akong nag-kaproblema nang makita niya rin itong simbolo sa aking braso. Hindi ko man lang nalaman kung bakit ako nagkaroon ng ganito o ano bang silbi ng simbolo na ito. Nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Nagulat ako na numero na naman ang lumabas ngunit nang basahin ko ang numero ay numero pala ng nanay ko sa probinsya kaya’t agad ko iyong sinagot. “Anak? Luna?” agad pag-sagot sa telepono ng aking ina nang sagutin ko ang tawag. Maluha-luha ako ng biglang narinig ko ang pag-tawag sa akin ng aking ina, “Ma? Ma! Kamusta kayo diyan?” sagot ko agad sa aking ina. “Okay lang kami dito anak, ikaw ba? Kamusta na ang pag-aaral mo? Ilang araw ka naming hindi nakausap, ano bang nangyari sa telepono mo? Sorry anak ah, wala pang pangbili ng cellphone ang mama mo, mahirap pa ang buhay eh,” saad naman sa akin ng aking ina. “Hayaan niyo ma, wag niyo na problemahin yun meron naman akong nagagamit ngayon oh. Tingnan niyo po, kausap ko kayo ngayon,” tugon ko naman sa kaniya. “Kung hindi ko nakita ang iyong mensahe anak ay hindi ko pa malalaman ang numero na ito, kanina ba ga areng number?” tanong naman niya sa akin. “Ah sa kaibigan ko po ma, pinagamit niya muna sa akin dahil alam niyang nasira ang cellphone ko ngayon,” tugon ko naman sa aking ina “Ah, ganoon ba ga. Kabait naman ng kaibigan mo anak, sabihin mo ay maraming salamat ah? kapag nag-punta siya dito sa atin ay ipaghahanda ko siya ng masarap na pag-kain. Hahaha,” masayang pag-kakasabi sa akin ng aking ina. “Ma, may tanong sana ako,” saad ko naman sa aking ina, habang nag-dadalawang isip kung itatanong ko ba ang tungkol dito sa aking braso. “Ano yun anak ko?” tanong naman pabalik sa akin ng aking ina, “Pwede ko po ba malaman kung ano itong nasa braso ko? Yung simbolo ma na nakikita ko ngayon?” tanong ko naman sa aking ina. Nang biglang tinawag siya ng aking ama para bumalik na sa kanilang taniman, “Naku anak, tinatawag na ako ng iyong ama at ng kapatid mo. Dahil babalik na kami sa taniman, eh kanina pa nila ako hinihintay. Pasensya na anak ah? tatawag na lang ulit ang mama kapag wala ng ginagawa at kapag may mahabang pahinga. At ipapausap ko sa iyo ang iyong ama pati mga kapatid. Mag-iingat ikaw diyan sa maynila ha? Bawal muna ang boypren, kung may manliligaw man ay ipapakilala muna sa tatay, alam mo naman na baby na baby ka noon ha? Mahal kita anak ko,” pag-papaalam sa akin ng aking ina sa tawag. “S-sige po ma, mag-iingat rin po kayo diyan. Wala pa po sa isip ko ang boyprend boyprend nayan, hahaha! I love you ma!” tugon ko naman sa kaniya nang bigla nalang naming ibinaba ang tawag. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noong hindi niya nasagot ang aking katanungan tungkol sa simbolo nito. Kaya kinuha ko na lamang ang aking libro at sinagutan ang aking assignment para mawala na rin sa isip ko ang aking pinoproblema tungkol sa simbolo na hindi ko malaman kung ano ba ang ibig sabihin nito. Nang biglang pumasok si Jessica nang hindi man lang kumatok sa pinto, “Tapos na ako!” sigaw niya, at ako naman ay nabigla sa kaniyang pag-kakasigaw. Napaub-ob ako sa kaniyang ginawa dahil pakiramdam ko tumakbo ang aking puso papalayo sa akin sa sobra kong pag-kakagulat. “Jessica, bakit ka naman nang-gugulat ng ganyan?” tanong ko sa kaniya. “Luna? Okay ka lang ba? Sorry sorry,” saad naman niya sa akin ng nilapitan niya ako. Bigla akong tumunghay at tumingin ng seryoso sa kaniya habang siya naman ay nakangit parin sa akin. “Hindi ba sabi ko sayo? Wag na wag na waaaag mo akong gugulatin ng ganyan? Hindi maganda sa puso yan,” pahayag ko naman sa kaniya. “Hehehe—” saad niya ng bigla siyang tumakbo patungo sa kaniyang kama, “Sorry,” pahayag niya muli. “Ewan ko talaga sayo Jessica, hindi ko alam kung bakit ka ganyan kasaaaaama sa akin,” tugon ko naman sa kaniya. “Sorry na nga eh,” saad naman niya muli. “Oo na!” tugon ko naman. At bumalik na ako sa aking pag-susulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD