Chapter 14

1778 Words
Umaga na naman at ganoon na naman ang bungad sa akin ng umaga. Pinag-kakaguluhan na naman ng mga babaeng kasama ko sa dorm ang nag-hihintay sa baba at yun ay si Lucas. “Akala ko ba hindi kayo okay ni Lucas? Eh bakit nandyan siya sa baba, hinihintay ka?” tanong naman kaagad sa akin ni Jessica habang nakaupo ako sa kama at kakabangon ko lamang. “Hindi ko alam, hayaan mo na,” tugon ko naman sa kaniya. Nang sabihin ko iyon kay Jessica at agad akong tumayo at kumuha ng aking damit at inayos ang aking mga gamit na dadalhin sa school. Nang bigla na muling nag-salita si Jessica. “Sinong mauuna na maligo sa atin? Ikaw ba muna?” tanong niya sa akin at bigla naman akong napatingin sa kaniya, “Oo ako na muna, nakakahiya naman sa nag-hihintay sa baba, wala naman akong sinabi na hintayin niya ako palagi at sabay kami na pumasok,” saad ko naman kay Jessica. “Alam mo maligo ka nalang, hindi yung nag-papakastress ka diyan sa kakaisip kung bakit palagi ka niyang hinihintay sa baba. Panigurado naman na gusto ka lang niyang maingat sa paligid mo, kaya mas pinili na lang niya na sabayan ka sa pag-pasok. Maging thankful ka nalang imbis na maiyamot ka diyan, umagang-umaga dzai,” pahayag naman muli sa akin ni Jessica. Hindi na lamang ako umimik sa kaniya at lumabas na lang ako sa kwarto. Pag-labas ko ng kwarto ay nag-tinginan sa akin ang mga babaeng kasama ko sa dorm na nakasilip sa bintana ay biglang nag-salita si Jessie. “Ikaw ha, hindi mo naman sinasabi na may boyfriend ka na,” pahayag niya naman sa akin. “Baliw! Hindi ko yan boyfriend,” tugon ko naman sa kaniya. At nag-tungo na ako sa banyo habang wala pang tao, at doon ay nag-simula na akong maligo ng mabilis para hindi mahuli sa school, dahil maliligo pa pag-katapos ko si Jessica. Nang matpos akong maligo, ay pag-labas ko ng banyo ay lumingon ako sa kanang bahagi kung saan nandoon ang sala. Nagulat ako nang may makita na akong isang lalaki na nakaupo at nakatalikod sa akin. “S-sino to?” tanong ko sa isip ko, napatingin naman ako sa bintana at nagulat ako na wala na ang mga babae doon kung hindi nakatago sa kani-kanilang mga kwarto. Agad akong tumakbo sa kwarto naming ni Jessica, “Jess! Jess! Siz! Sino yung lalaki na nasa sala? Akala ko ba bawal dito ang lalaki?” tanong ko naman kay Jessica. “Si Lucas yun ano ba, pinapasok siya ng may-ari nito kasi nakakaawa naman daw kung ang tagal niyang nakatayo sa labas, kaya pinapasok na lang siya,” saad naman sa akin ni Jessica. “What the?! Seryoso?” sigaw ko naman kay Jessica “Oo, ikaw ba naman napakagandang lalaki ang pag-hihintayin mo sa labas kaya ayun, mas pinili na na papasukin sa sala. Kaya kung ako sayo kumilos ka na at kausapin mo muna si Lucas, habang ako naman ay liligo okay? Diyan ka na,” saad naman muli sa akin ni Jessica nang patungo na siya sa banyo. Napaupo ako sa kama, at agad akong nag-suot ng medyas. Habang nag-susuot ng medyas ay napaubob ako sa lamesa ko. “Jusko, ano naman itong nangyayari sa buhay ko? Parang mapag-kakamalan pa ng ana may boyfriend ako kahit wala,” pahayag ko sa sarili ko. Nag-simula na muli akong mag-ayos, nag-suklay at nag-sapatos. Dinala ko na rin ang bag ko para hindi na ako bumalik sa kwarto. Lumabas na ako ng kwarto at tumungo sa sala kung saan nandoon si Lucas. “Aga mo ata?” tanong ko naman kay Lucas. “Anong gusto mong gawin ko? Magpatanghali ako?” tanong naman niya sa akin pabalik at sinabayan niya ng tingin. Napaupo ako sa upuan at muli siyang kinausap, “Ano ba kasi ang kailangan mo? Hindi ba parang hindi na tayo nag-papansinan kahapon tapos ngayon nandito ka? Ano ka joke?” tanong ko naman sa kaniya. “Anong gusto mong gawin ko? Magalit ako sayo habang buhay? May mararating ba ako kung gawin ko yun ng matagal? Gusto mo bang mamatay na talaga ng maaga? Hindi mo ba iniiisip ang mga magulang mo na nasa probinsya?” tanong naman niya sa aking pabalik. “Hanggang kailan ka ba kasi kailangan na nasa tabi ko ha? Ayaw mong i-explain lahat,” pahayag ko naman muli sa kaniya. Tumingin siya muli sa aking ng seryosong tingin. “Hanggat sa gusto ko, bakit ba? Choice ko na mag-stay muna sayo dahil kailangan mo ng pag-iingat,” tugon niya naman sa akin. “Pwes ako! Hindi ko choice!” sigaw ko sa kaniya, Nang biglang dumating si Jessica na nakatingin na pala sa amin, at nang tumingin ako sa paligid ko ay nakatingin na pala ang mayari ng dorm ganoon din ang mga kasama ko na ibang babae. Kaya’t bigla akong nakaramdam ng hiya at takot sa mga tingin nila nang sinigawan ko si Lucas. “Kung ako sayo siz, hindi ko sisigawan si Lucas. Lalo na at nandito ka sa tinitirahan natin,” pabulong sa akin ni Jessica. “Sorry bhe,” tugon ko naman kay Jessica. Bigla akong tumayo at tumingin kay Lucas, “Tumayo ka na diyan, tara na. Okay na si Jessica,” pag-aaya ko kay Lucas. Nang bigla niyang itinaas ang kaniyang kamay sa akin, at napatingin naman ako sa kaniya. “Ano? Pati pag-tayo katatamaran? I-aasa mo sa akin?!” sigaw ko namang muli sa kaniya, Ngunit hindi parin siya tumayo, at iniaabot parin niya sa akin ang kaniyang kamay. At nang tumingin ako sa paligid ko ay nakatingin parin sa akin ang mga kasama ko sa dorm. Kaya’t napagdesisyonan ko na kunin na lamang ang kaniyang kamay at hilahin siya para makatayo. Nang nakatayo na siya, ay nagulat ako sa mga reaksyon ng mga kasama ko. Sabay-sabay silang nagreact ng kakaiba sa amin ni Lucas, ganoon din naman si Jessica. At nang mapansin ko iyon ay lalo akong nawala sa mood, ay nainsulto sa ginagawa sa akin ni Lucas. Nang pababa kami sa hagdan at nang makalabas na sa gate ay bigla kong inimikan si Lucas. “Talagang nananadya ka Lucas no? masaya ka na niyan?” tanong ko naman sa kaniya habang naiinis sa mga pinag-gagagawa niya. “Bakit? Wala naman akong ginagawa ah?” seryosong pag-kakasabi niya sa akin. Hindi ko na lang siya muling pinansin at nag-simula na kaming mag-lakad patungo sa sakayan na deretso sa paaralan. Isa-isa kaming sumakay ng jeep. Habang nasa jeep ay kinausap ako ni Jessica. “Alam mo siz, agang-aga ang badtrip-badtrip mo. Pakalmahin mo nga yang sarili mo, hindi ka naman inaano ng tao, masyado kang napipikot. Ang pangit ng sinisigaw-sigawan mo siya kanina sa dorm, eh ang dami-daming nakakakita. Take note, sinasamahan ka niya para makitang ligtas ka, hindi ka naman inaano eh,” pahayag naman niya sa akin. “Eh kasi naman—” saad ko naman sa sinabi niya. “Kahit na Luna, hindi ka naman inaano ni Lucas. Tandaan mo na lang it’s for you own safety kaya siya nandyan para sayo, siguro kung hindi niya nakita yang simbolo na nandyan sa braso mo hindi ka naman niyan kukulitin kagaya ng ginagawa niya ngayon, and I’m sure, hindi niya talaga Gawain yung ganito. Sa sobrang misteryoso niyang tao hindi ba? Hindi mo ba yun napansin?” pahayag muli sa akin ni Jessica. Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Jessica sa akin at bigla na lamang akong napatingin sa aking braso kung saan nandoon ang simbolo na ako lang at si Lucas ang nakakakita. At pag-katapos noon ay napunta ang tingin ko kay Lucas na nakaupo sa harap naming ni Jessica. Doon ay napag-tanto ko na may tama din naman ang sinasabi sa akin ni Jessica tungkol kay Lucas. Na hindi ko dapat pag-initan ng ulo si Lucas, dahil kung hindi niya ako iniligtas noong araw na dapat wala na ako sa mundo ay wala nang makakausap ngayon ang pamilya ko. Nang bumaba na kami ng jeep at nasa school na kami, ay doon ay biglang lumambot na ang puso ko kay Lucas. Hindi ko na ipinakita sa kaniya ang inis at galit ko sa kaniya, kung hindi sinunod ko nalang ang mga payo niya sa akin dahil naniniwala na ako na para din naman sa akin ang ginagawa niya. “Biglang nananihimik ka diyan Luna?” pabulong sa akin ni Jessica. Napatingin naman ako kay Jessica, “Wala, may na-realize lang ako sa sinabi mo, mukhang tama ka naman eh,” tugon ko naman sa kaniya. “Oh diba, kung mukha siyang si Jeremy doon ka matakot,” saad niya muli sa akin. Napatango naman ako kay Jessica sa kaniyang sinabi. Pumasok kami sa classroom namin, at doon ay tumabi sa akin si Lucas. Hinayaan ko na lamang na tumabi sa akin si Lucas kahit pinag-titinginan kami ng mga kaklase namin. Hinayaan ko na lamang din ang kanilang mga iniisip at ang kanilang mga sinasabi dahil alam naman naming ni Lucas kung ano ang totoo. Nang matapos ang klase, ay ganoon parin ang trato sa akin ni Lucas. Ngunit nang lumabas kami ng classroom ay bigla siyang nag-paalam. “Kayo na lang muna ang kumain, kailangan ko lang umuwi sa amin,” pag-papaalam niya sa amin nina Jessica at Jeremy. “Sige, ingat,” tugon ko naman sa kaniya. At tumango naman siya sabay umalis na. Nag-simula na kaming mag-lakad patungo sa canteen nang biglang umimik si Jeremy, “Mukhang okay na kayo Luna ni Lucas ah?” saad naman niya sa akin. Napatingin naman ako sa sinabi ni Jeremy, at biglang umimik naman si Jessica. “Wala naman kasing rason para maging hindi okay, ito lang talagang si Luna ang masyadong mainitin ang ulo,” pag-singit naman ni Jessica sa sinabi ni Jeremy. “Hindi—” naputol ang aking pag-kakasabi nang biglang may bumangga sa aking isang babae na kahit sina Jessica ay ikinagulat iyon. Bumagsak ang aking mga gamit, at agad naman akong tinulungan ni Jessica at Jeremy na tumayo at kunin ang mga gamit na nalaglag sa sahig. Tumingin ako sa babae ngunit inirapan at hinayaan niya lamang ako. Ni hindi man lang ito nag-sorry nang banggain ako. “Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo,” pahayag niya sa akin. Hindi ako umimik sa sinabi niya dahil wala akong balak na labanan siya ngunit umimik si Jessica. “Eh siraulo ka pala eh, kung inaayos mo ang pag-lalakad mo! Hindi yung nag-lalakad ka sa gitna na parang akala mo kung sinong sikat, kasi kung sikat ka kilala ka naming dito sa campus,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD