Lucas’s point of view
Kinaumagahan, alas-kwatro na ng umaga nagising na ako. Ganoon din si Jeremy na bago ako magising ay agad rin siyang may mensahe sa akin sa cellphone. Agad na akong kumilos, bumangon at agad na ding dumeretos sa aking banyo upang maligo.
Napansin kong nagigising na ako palagi ng hating gabi, kaya’t sa ganitong mga oras ay inaantok pa ako. Ngunit wala akong magawa dahil aalis nga kami ng kaibigan ko.
Nang matapos akong maligo at nakuha ng aking damit ay biglang tumawag si Jeremy sa akin sa telepono,
“Hello?” pahayag ko nang sagutin ang telepono
“Hello bro! ano nag-aayos ka na ba? Daanan na lang kita diyan sa inyo para hindi ka na mamasahe,” pahayag kaagad sa akin ni Jeremy
Nagulat ako nang sabihin niya iyon sa akin, at dahil kahit humindi ako sa kaniyang sinabi ay hindi niya parin ako titigilan kaya’t pumayag na lang ako sa kaniya at agad naman din siyang sumangayon at nag-ayos na ng kaniyang gagamiting sa sakyan.
“Sige bro!” tugon ko
Namatay na ang tawag at ako naman ay agad ng nag-bihis. Nang inayos ko na rin ang aking hinigan at sinakbit ko na ang aking mga gamit sa school ay lumabas na ako ng kwarto. Nang bumaba na ako ng hagdan ay nagulat ako sa aking ama na biglag nag-salita.
“Lucas, ang aga mo yata?” pag-tataka ng aking ama
Napatingin naman ako sa lugar kung saan ko narinig ang aking ama, “May pupuntahan lang kami ng kaklase ko bago kami pumasok sa kla—” nang biglang naputol ang aking sinasabi nang makita ko ang aking ama na duguan ang kaniyang suot.
“What the! Dad! Anong ginawa niyo?! Bakit ang dami niyong dugo sa damit nyo?!” tanong ko kaagad sa kaniya nang makita iyon.
Dahan-dahan naman siyang tumayo nang itanong ko iyon, “Bakit ba nag-tataka ka? Ano ba akala mo sa atin normal na tao? Malamang bampira tayo, ano bang ginagawa ng bampira? Ano bang gusto ng bampira? Di ba dugo ng tao?” tugon naman agad sa akin ng aking ama.
“Pero dad—maglinis nan ga kayo! Hindi naman porke bampira tayo ganyan na palagi ang gagawin natin,” pahayag ko naman sa kaniya nang bigla siyang lumapit sa akin.
“Lucas wag kang—” biglang napatigil siya ng kaniyang pag-sasalita ng biglang lumabas ang aking ina galing sa kanilang kwarto.
“Lucas nandyan ka ba?” tanong nito nang biglang napatigil din ang kaniyang sinasabi ng makita niya ang kaniyang asawa.
“D-dad? Anong nangyari sayo? Anong ginawa mo? May inatake ka na naman ba?!” inis nap ag-kakatanong ng aking ina sa aking ama.
Hindi makasagot ang aking ama dahil takot ito kapag si mom na ang nakapagsalita sa kaniya.
“Ano hindi ka na naman iimik?! Pumasok ka na sa kwarto! Sabi ko sayo wag kang uminom, pero napakakulit mo padin. Aalis na yang anak mo, inistorbo mo pa,” pahayag ng aking ina sa aking ama.
At nang dahil sa takot ang aking ama sa aking ina ay agad namang sumunod si dad sa sinabi ni mom. Nag-tungo na kaagad siya sa kanilang kwarto upang linisin ang sarili.
Ngunit hindi agad sumunod si mom kay dad dahil kinausap pa niya ako, “Pag-pasensyahan mo na ang ama mo, hindi niya sinasadya na ipakita niya sayo ang pagiging ganoon niya. Lasing lang yan kaya nakaatake ng tao,” pahayag ni mom sa akin.
“Okay lang mom, ano pa bang magagawa ko? Eh bampira tayo,” saad ko naman sa kaniyang sinabi.
“Bakit nga pala ang aga mo? May allowance ka pa ba na anak?” tanong naman niya agad sa akin.
“Ah mom, may pupuntahan pa kami ng kaklase ko before we go to school kaya medyo maaga and I have allowance pa mom, kaya don’t worry,” tugon ko naman agad sa kaniya.
Nang biglang tumawag na sa akin si Jeremy at agad ko namang sinagot, “Hello bro? nasaan ka ba? Medyo nakakatakot na itong pinapasukan ko, sure ka bang safe dito? Walang kailaw-ilaw,” pahayag bigla sa akin ni Jeremy.
Nagulat naman ako nang sabihin iyon sa akin ni Jeremy, kaya’t agad akong nag-paalam sa aking ina. “Mom, I need to go. Nandyan na pala si Jeremy, and for sure he’s scared kasi madilim dito sa atin,”
“SIge anak, mag-iingat kayo,” tugon naman ng aking ina.
Lumabas na ako sa amin at kinausap ko muli si Jeremy, “Nasaan ka na ba? Nakalabas na ako sa amin, I’m walking,” pahayag ko sa kaniya.
“Nandito ako sa kantuhan niyo bro, gamit ko ang honda na sasakyan,” tugon naman sa akin ni Jeremy.
“Sige bro, patayin ko na malapit na ako diyan,” pahayag ko muli sa kaniya.
Namatay na ang tawag naming dalawa at habang nag-lalakad ay unti-unti ko ng nakikita ang sasakyan ni Jeremy sa malayo. Mas dinalian ko ang aking pag-lalakad dahil alam kong unti-unti ng natatakot si Jeremy at dahil bilang kaibigan niya ayokong madali siya ng iba kong kasamahan na posibleng umatake sa kaniya.
Nang nandoon na ako sa sasakyan nya ay agad akong kumatok, at agad rin naman niya akong nakita na nasa sa labas na ng kaniyang sasakyan at pinapasok narin niya ako kaagad.
“Buti dumating ka na,” pahayag ni Jeremy sa akin
“Halatang takot na takot ka ha,” saad ko naman sa kaniya
“Sino ba namang hindi matatakot sa ganitong lugar na wala man lang kailaw-ilaw?” pahayag naman muli ni Jeremy
“Pasensya na bro, hahaha!” tugon ko naman
Agad namang pinaandar na ni Jeremy ang kaniyang sasakyan, at habang nag-mamaneho siya ay muli ko naman siyang kinausap. “So ano? Nag-update na ba sila sayo?”
“Oo, byahe na daw sila kanina pang 3am pero mukhang hindi sila papasok this day kasi need nila matulog muna tapos may aasikasuhin ata sila sa scholarship,” tugon naman niya sa akin.
“Mabuti naman kung ganoon,” pahayag ko muli
“Ikaw ba? Hindi ka ba excited na makita si Luna?” tanong naman niya bigla sa akin.
Sa tanong niya sa akin ay bigla naman akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na ganoon ang itatanong niya sa akin kaya’t nanlaki ang mata ko sa kaniya.
“Ha?! Anong sinasabi mo diyan? Syempre sila ni Jessica excited ako na makita sila,” tugon ko naman muli kay Jeremy
“Baliw, sabi ko si Luna lang hindi si Jessica,” saad muli ni Jeremy sa akin.
“Bro, tigilan mo nga ako kay Luna. Close friends lang kami sa ngayon at wala ng something pang mangyayari,” tugon ko naman sa kaniya.
Biglang napangisi habang nag-mamaneho si Jeremy at natawa bigla nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Ikaw bahala, sabi mo eh, walang sisihan kapag may nauna na kay Luna ah,” pahayag naman niya muli sa akin.
Napatingin naman ako sa kaniya, “Ewan ko sayo Jeremy, dami mong sinasabi niya na hindi ko man lang alam kung saan mo hinuhugot,” tugon ko naman sa kaniyang sinabi.
Nanahimik na lamang siya habang nag-mamaneho patungo sa terminal kung saan doon namin susunduin sina Jessica at Luna.
Luna’s point of view
Parehas na kaming nasa byahe ni Jessica, at habang nasa byahe ako ay halo-halong emosyon ang aking nararamdaman dahil papalayo na naman ako sa aking pamilya. Naaalala ko rin ang mga sinabi sa akin ng aking lola tungkol sa mga taong makakasalimuha ko sa Maynila.
Nang biglang tumawag si Jessica sa akin, “Hello?” tugon ko agad sa kaniya
“Hello Luna? Nasaan ka na? malayo-layo ka pa ba? Nandito na ako sa terminal,” pahayag sa akin ni Jessica
“Hindi ko alam, pero mga 20 minutes pa siguro, hintayin niyo na lamang ako diyan sa terminal baka maya-maya din naman nandyan na sina Lucas at Jeremy,” tugon ko naman agad kay Jessica
“Sige Luna, hintayin nalang kita doon sa may mga upuan okii? Iingat ka!” pahayag muli ni Jessica sa akin.
At agad rin namang namatay ang tawag nang nag-paalam na ako kay Jessica at sabihin sa kaniya na doon na lamang niya ako tagpuin.