Chapter 32

1014 Words
Alas-sais nan ang makarating kami sa bahay, at pag-dating namin ay nagulat kami nang nag-saing na ang aking lola at si bunso naman ay nasa kwarto lamang na nag-lalaro. “Oh la! Bakit naman po kayo na ang nag-luto diyan, hindi niyo na po muna kami inintay. Napagod pa kayo at kumilos pa,” pahayag ko naman at agad kong pinuntahan sa kusina. “Apo, ayos lamang yan. Wala namang problema sa akin eh, at tsaka kaya ko pa naman kumilos. Mas mabuti na ang may gawin ako sa bahay kaysa wala di ba? Baka lalo akong manghina at maging malungkot, lalo na at minsan wala kayo hindi ba?” saad naman sa akin ng aking lola. Kahit ganoon pa man ang sinabi niya sa akin ay agad kong inagaw ang kaniyang ginagawa sa kusina nang mag-linis at magpalit ako ng aking damit. “Akon na ‘la diyan, kaya ko na po yan,” pahayag ko naman muli sa kaniya “Apo naman, mag-pahinga ka na at marami kayong ginawa kanina sa bundok,” tugon naman niya. Nag-pumilit ako na ako na lamang ang gagawa, “Akon a po, makinig na po kayo at maupo na kayo doon kayna tatay,” saad ko muli sa aking lola. “Hay nako, sige na nga. Sabi mo eh,” tugon naman niya. At nang sabihin niya iyon ay agad na siyang tumungo sa upuan kung saan nandoon ang aking tatay na nanonood ng TV. Nang biglang nag-salita ang aking ina tungkol sa muling pag-balik ko sa Maynila, at hindi pa iyon alam ng lola ko na pumayag na ang aking ina. “Alam mo ba inay na aalis na bukas si Luna pabalik na ng Maynila?” pahayag ng aking ina sa aking lola. Doon ay nagulat ang aking lola at napatingin sa akin at tila tumamlay ang mukha, “Totoo ba iyon apo? Bakit hindi mo naman sinabi sa akin eh di sana pinagluto kita ng paborito mong adobo,” saad naman sa akin ng aking lola Napatingin muli ako sa kaniya ng sabihin niya iyon sa akin, “Lola, wag na kayong malungkot. Babalik at babalik din naman po ako palagi dito eh, laking lola po ata ito no,” pahayag ko naman para maging masaya siya. Napatayo naman ang aking lola at nag-tungo sa akin habang ako ay nag-gagayat ng gulay, nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking balikat. “Basta apo ha, pag-balik mo doon mag-iingat ka palagi, at wag kung sino-sino ang kakausapin. Kasi hindi natin sigurado kung sino ang nakakahalubilo natin ha?” pahayag naman niya muli sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya, at tumango. “Opo lola, tatandaan ko po yang mga sinasabi niyo,” tugon ko naman sa kaniya. At bigla niya akong hinalikan sa aking ulo.   Natapos na kaming mag-hapunan at agad narin akong nag-tungo sa aking kwarto upang ayusin ang aking mga damit na dadalhin sa Maynila. Akala ko mag-tatagal ako dito sa amin ngunit hindi ko akalaing pagdedesisyonan kong bumalik kaagad sa maynila dahil sa pag-aaral ko. Nang bigla ko namang naisip ang mga kaibigan ko na sina Lucas at Jeremy. Kaya’t agad naman akong nag-text kay Lucas. “May chika ako!” pahayag ko sa kaniya. Ilang minuto ang lumipas ay nagulat ako nang may tumawag sa akin, at nang kinuha ko ang aking cellphone ay pagtingin ko ay pangalan ni Lucas. At dahil sa takot at kaba ay agad ko namang sinagot iyon. “Hello?” tugon ko naman sa kaniya “Hoy Luna, anong chika na sinasabi mo?” tanong niya kaagad sa akin, “Interesado ka naman? Hahaha! Aattend ba kayo ng klase bukas?” tanong ko naman sa kaniya Tumugon naman agad siya, “Oo, bakit?” “Babalik na ako ng Maynila, nag-sabi na ako kayna inay,” pahayag ko sa kaniya. Nanahimik siya bigla sa hindi ko alam na rason. Hindi rin naman nag-tagal ay bigla siyang umimik. “So? Pwede naman namin kayo sunduin ni Jessica sa terminal ulit? Sasabihan ko si Jeremy!” pahayag niya bigla sa akin. Nagulat naman ako nang ganoong araw din pala talaga babalik si Jessica kaya’t sumang-ayon naman ako sa kaniya. “Sige sige! Akala ko hindi totoong bukas din babalik si Jessica ng maynila,” pahayag ko naman sa kaniya. “Nako! Yun ang sabi niya, kaya yun nalang ang plano. Maaga siya babalik, kaya’t maaga ka rin dapat!” pahayag naman niya “SIge!” tugon ko naman sa kaniya “Good night! See you!” pag-papaalam naman niya sa akin. Agad ko namang pinatay ang tawag ng sabihin niya iyon sa akin.   Lucas’s point of view Nagulat ako nang sabihin ni Luna na babalik na rin siya ng Maynila, magiging kompleto na ulit ang aming samahan. Ngunit patagal ng patagal ay nagiging matatag ang aming pag-kakaibigan, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang tungkol sa akin at lalo na sa pagka-tao ko. At alam ko sa sarili ko na lalabas at lalabas ang sikreto kahit itago ko sa kanila dail hindi napipigilan ang pagiging bampira lalo na’t sa kulay ko pa lang. Bukod doon ay agad akong nag-pasa ng mensahe kay Jeremy tungko lay Luna. “Bro, sunduin natin ang dalawa ni Luna and Jessica bukas. Maaga sila sa terminal, oks ba sayo?” pahayag ko sa kaniya. Ilang minuto ay agad na nag-reply si Jeremy sa aking ipinasang mensahe sa kaniya. “Copy bro, sino mag-dadala ng sasakyan? Ako na lang?” tanong niya naman sa akin “Sige, ikaw na lang. Daanan mo na lang ako kung saan tayo mag-tatagpo para hindi kana dumaan dito sa amin,” pahayag ko muli sa kaniya. “Okay bro, see you!” tugon naman niya agad sa akin. At dahil babalik na sina Jessica ay alam kong excited si Jeremy na makita si Jessica dahil gustong-gusto niya ito noon pa. Habang ako naman, ay hindi ko makitaan na magugustuhan ko si Luna, at kung posible man na dumating ang araw na iyon ay kailangan na maging totoo ako sa kaniya tungkol sa pag-katao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD