Nang makapasok na ang bus na sinasakyan ko sa terminal at nang makdaan kami sa upuan ng mga nag-iintay ay doon pa lang ay nakita ko na si Jessica na hinihintay ako ngunit napansin kong wala parin sina Lucas at Jeremy.
Nang makaparada na ang bus ay isa-isa ng bumaba ang mga pasahero at nang makababa ako at nakuha ang aking mga gamit ay agad naman akong nag-punta kay Jessica.
Nang nandoon na ako sa likuran niya ay dahan-dahan ko siyang kinulbit na tila para bang hindi niya kakilala, at nang lumingon siya ay agad naman siyang napatayo sa saya.
“Luna!” napasigaw siya.
“Oa neto, parang ilang taong hindi nag-kita sa lakas ng sigaw?” pahayag ko naman nang isigaw niya ang pangalan ko.
Napataklob siya ng kaniyang bibig at ngumiti sa akin, “Eto naman, syempre namiss kaya kita. Hahaha, so kamusta naman ang byahe mo?” saad naman niya
Napaupo naman ako at ganoon din siya, “Okay lang naman, medyo inaantok pero keri naman. Oo ng apala, nasaan na sina Jeremy? Hindi ba daw sila tuloy?” tanong ko naman sa kaniya.
“Ah—eh sabi nila malapit na daw sila eh, baka maya-maya andyan na din sila,” tugon naman niya kaagad sa akin.
Nang biglang may dumating sa aming harapan at nang pag-tingin namin ay hindi namin akalain na sina Luca at Jeremy na.
“So ano? Ready na ba kayo?” tanong naman kaagad ni Lucas.
Napatayo naman kami ng sabay ni Jessica nang marinig bigla ang boses ni Lucas at nang makita narin silang dalawa ni Jeremy. “Luna! Jessica! So ano kamusta? Tara na sa sasakyan!” pahayag naman ni Jeremy
“Sobrang okay naman, akala ko nga hindi na ako makakabalik ng maynila. Tara na,” tugon ko naman kaagad kay Jeremy.
Nag-lakad na kami patungo sa sasakyan at nang makarating kami doon ay agad na rin kaming sumakay. Nang makasakay na kami ni Jessica kasama sina Lucas at Jeremy at nang maiandar na ni Jeremy ang sasakyan ay nag-kwentuhan agad kami sa loob.
“So kamusta Luna? Jess?” tanong naman bigla ni Lucas sa aming dalawa.
“Okay lang, naiinip ako sa amin kaya mas pinili ko na lang bumalik dito,” tugon naman agad ni Jessica sa tanong ni Lucas.
Habang ako naman ay hindi nakaimik sa tanong ni Lucas at napatahimik lang, ngunit napansin naman agad iyon ni Lucas. “Oh? Luna? Are you okay? Mukhang natahimik ka ah?” pag-tataka niya sa akin.
“Nako, for sure hindi yan. I know you Luna,” pag-singit naman ni Jeremy sa amin ni Lucas
“Is that true Luna? Ano ba nangyari sa inyo?” tanong muli sa akin ni Lucas.
Nang biglang siniko ako ni Jessica ng mahina at pilit na pinasasagot ako dahil kahit siya ay naramdaman niyang hindi ako okay.
“D-dapat kasi hindi na ako makakabalik dito sa Maynila at hindi na makapag-aral muli, kaso dahil sa kagustuhan kong makatapos mas pinili ko paring pumasok,” tugon ko sa mga kasama ko sa sasakyan.
“Oh? Bakit naman?” tanong muli ni Lucas nang sabihin ko iyon sa kanila.
“May nalaman kasi sila, pero basta! Wag na lang natin pag-usapan. Sa oras na ito parang hindi pa ako hand ana pag-usapan muli iyon,” saad ko muli sa kanila.
“Ikaw bahala sis, basta kapag willing ka ng mag-open ng mga iniisip mo o nangyayari sa inyo na ikinakabahala mo nandito lang kaming tatlo nina Lucas at Jeremy,” pahayag naman sa akin ni Jessica nang inakbayan ako.
Tumango naman ako sa sinabi sa akin ni Jessica dahil rin sa kaniyang pag-aalala. At nang maging okay ako ay gumawa ng paraan si Lucas na maiba ang pinag-uusapan.
“Maiba tayo, so saan muna tayo? Balita ko, hindi daw kayo papasok Jess at Luna ah? haha,” tanong naman sa amin ni Lucas at nang sabihin niya iyon ay napatahimik kaming dalawa ni Jessica at napatingin kay Jeremy.
At nang makita kami ni Jeremy sa salamin ay bigla siyang umimik, “Sorry na, kailangan rin naman kasing malaman ni Lucas eh,”
“Kahit saan na lang Lucas,” tugon ko naman
“Alam ko na, tutal wala namang kasama si Jeremy sa kaniyang condo doon na lang muna tayo habang nag-iintay na mag-paumaga,” saad naman ni Jessica sa amin
Napatango naman si Lucas sa idea na pumasok sa isip ni Jessica, “Oo nga, tama ka. Ayun ay kung okay lang kay Jeremy,” tugon naman muli ni Lucas.
Napatingin kami kay Jeremy at nang mapansin niya sa salamin na nakatingin kami sa kaniyang lahat, ay agad naman siyang napatugon sa amin.
“Oo naman, why not? Baka mas maging masaya pa ako kapag tumigil muna kayo doon for a while lalo na at wala akong kasama,”
“Ayuuun!” masayang pag-kakasai naman ni Lucas nang sumagot si Jeremy sa amin.
At doon ay agad na nag-focus na sa pag-mamaneho si Jeremy ng kaniyang sasakyan at agad naman siyang tumungo sa kaniyang condo para doon muna kami tumigil at mag-pahinga kahit saglit.
At nang makarating kami doon ay agad na kaming bumaba nang sasakyan at nag-tungo na sa kaniyang condo. Pag-pasok namin doon at nang makakita ako ng sofa ay parang gustong-gusto ko ng mahiga sa pagod. At dahil humudyat na si Jeremy na mag-pahinga kaming dalawa ni Jessica sa kabilang kwarto, ay agad kaming nag-tungo doon upang mahiga.
“Thank you Jeremy!” pag-papasalamat naming dalawa ni Jessica at sinarhan na niya ang pintuan ng kwarto.
“Gisingin mo na lang ako Jess ah? hindi ko na kasi kaya ang antok eh,” pahayag ko naman sa kaibigan kong si Jessica.
Tumango naman siya at nag-set nalang ng alarm para magising siya kaagad.
Lucas’s point of view
Umupo ako sa sofa ni Jeremy nang ihatid niya ang dalawa ni Luna at Jessica sa vacant na kwarto na hindi pa nagagamit ngunit may gamit na.
“Kung sakaling bang may kasama ka dito sino yung tutulog diyan sa kwarto na yan?” tanong ko kay Jeremy nang mapansing may mga gamit ang kwartong bakante.
Napaupo siya at agad din namang sinagot ang aking katanungan sa kaniya, “Actually bro, tatlo yan. Yung kwarto kong yun ngayon, hindi ko yan kwarto,” pahayag niya sa akin.
At bigla naman akong nag-taka ng sabihin niyang hindi kaniyang kwarto iyong tinutulugan niya,
“Ah—eh nasaan ang kwarto mo? Eh mukhang dalawa lang naman ang pintuan dito ah?” tanong ko naman agad sa kaniya nang bigla akong napakamot sa ulo.
Tinuro niya ang ang isang pintuan na minsan imposibleng makita ng iba. Itinuturo niya ang Shelve ng puno ng libro kaya’t agad naman akong muling nag-taka,
“Nasaan diyan?” tanong kong muli.
Tumayo naman siya at lumapit siya sa shelves na puno ng libro at nagulat ako nang mahati niya iyon sa gitna. Napatayo naman ako na napahanga sa kaniyang ginawa.
“Wow bro, ang galing noon ah. Tamang-tama kasi hindi siya mapapansin dito sa sala kasi tago, pero matanong ko lang? anong laman niyan ngayon kung hindi ka natulog diyan?” tanong kong muli kay Jeremy.
“Mga computer, games and stuff lang. Tapos yung dalawang kwarto diyan, that’s for my parents sana and also sa magiging kapatid ko sana,” tugon naman niya sa akin.
Napaisip naman ako muli nang banggitin niya ang kapatid, “Kapatid? May kapatid ka?” tanong ko sa kaniya.
“Oo sana, kaso kinuha ni Lord eh,” tugon naman niya sa akin.
“I’m sorry bro, hindi ko sina—” naputol ang aking sasabihin ng bigla siyang sumingit,
“Hindi bro, okay lang. Tanggap ko na naman na wala na akong kapatid eh at kinuha na ni Lord atleast alam ko na safe na siya ngayon doon sa langit,” pahayag niya sa akin.
Bumalik na kami sa aming kinauupuan at iba naman ang aming pinag-usapan para hindi na niya maramdaman at maalala ang sakit ng kaniyang nakaraan, “So ano palang balak mo naman kay Jessica? Gagawa ka na ba ng move to confront her about sa feelings mo?” tanong ko sa kaniya.
Doon palang sa tanong ko ay napangiti naman agad siya, at bigla namang tumungo. “Alam mo bro, kung nasa tamang panahon at oras na at kung may chance talaga ako gagawin ko naman eh. Kaso feeling ko parang ang dating sa kaniya ng ginagawa ko, pang-iinsulto lang o biro. Alam mo yun?” saad naman niya sa akin.
“Pero wala namang masama if gagawin mo di ba? At ipapakita mo na totoo ang ginagawa mo para sa kaniya. Kaysa naman sa mahuli ka sa chance na kinukuha mo, baka mag-sisi ka sa huli bro lalo na mukhang mahal mo na ata talaga si Jess,” saad ko naman sa kaniya.
Nag-taas balikat nalang si Jeremy at hindi na muling nakaimik sa akin, ngunit bigla naman siyang nag-tanong. “Eh ikaw ba bro? hindi mo parin ba nakikita na nagugustuhan mo si Luna?”
Napatingin ako sa kaniya at nagulat ng itanong niya muli iyon sa akin, “Ano ka ba Jeremy, kung nagugustuhan ko siya ngayon sasabihin ko naman sayo eh. Pero this time kasi, hindi ko pa makita. Kung may feelings man ako, I’ll make sure first bago sabihin sa kaniya, lalo na ayoko na muli mag-pakatanga sa tao kung hindi naman pala siya seryoso sa akin, you get my point?” pahayag ko naman sa kaniya.
“Gets, gets.,” tugon naman niya.
At dahil wala naman na kaming ma-pagusapan ay napag-desisyonan na muna naming mag-pahinga na din muna para may mahaba kaming oras na makapag-enjoy kung saan man kami bitbitin ng oras.