Chapter 7

1569 Words
Nang matapos naming ang aming klase sa major ay agad akong tumayo at tumungo kay Jessica. Nang bigla akong tinawag ni Lucas kaya’t napatigil naman ako kaagad dahil sa takot. “Luna? Where are you going?” tanong niya kaagad sa akin Dahan-dahan naman akong napalingon ng tanungin niya ako ng ganoon at sumagot din naman kaagad sa kaniya. “Pupunta lang ako kay Jessica Lucas,” sagot ko sa kaniya habang napipilitang ngumiti sa harap niya. At pag-katapos noon ay iniwanan ko siya at dumeretso na muli ako kay Jessica, habang si Lucas naman ay bumalik sa pag-aayos ng kaniyang gamit. “Jessic—” naputol ang pag-kakatawag ko sa kaniya ng bigla niya akong inimikan at tila napakaseryoso. “Oh? Alam ko na sasabihin mo. Bakit ba kasi hindi mo masabi sa akin kung anong nangyari at bakit parang nag-kaatraso ka na kaagad diyan sa lalaki na iyan? Ano ba kasing nagawa mo? Ni hindi ko nga siya kilala girl,” pabulong sa akin ni Jessica habang siya ay nag-aayos ng kaniyang gamit. Napahinga ako ng malalim nang sabihin iyon ni Jessica, “Sige nan ga, ganito kasi yun gir—” naputol muli ang aking sasabihin ng biglang umimik si Lucas at iyon pala ay nasa likuran ko na. “Luna let’s go,” pag-aaya sa akin ni Lucas habang ako ay nakatalikod sa kaniya, Dahan-dahan akong muli na humarap sa kaniya at pinilit kong ngumiti, “P-pasaan tayo?” tanong ko naman kaagad kay Lucas. Tumingin siya sa akin at ang kaniyang pag-kakatingin ay napaka-seryoso. “Mahalaga pa ba yun? Hindi ba mahalaga sayo ang buhay mo?” tanong naman bigla sa akin ni Lucas. Nang bigla kong hinawakan ang kaniyang braso ganoon din ang kaniyang labi dahil pinigilan ko siyang mag-salita. “Sabi ko naman sayo wag na wag kang maingay di ba? Hidni alam ng mga kaibigan ko kung anong nangyari sa akin ng gabi na yun at hindi nila alam kung anong atraso ko sayo kaya palagi mo akong sinasama sayo, alam mo ba yun?” Pag-kakasabi ko sa kaniya nang bigla niya inalis ang pag-kakahawak ko sa kaniya, at sinenyasan niya ako na umalis na kaming dalawa. Nauna na siyang lumabas habang ako naman ay nang-hina nang gawin iyon ni Lucas, at napatingin ako kay Jessica. “Hindi ko na alam gagawin ko girl,” pabulong ko kay Jessica. “Hay nako ka Luna, gawin mo na ang kailangan mong gawin diyan sa Lucas na yan. Mukhang hindi ka titigilan oh, wag kang mag-alala uuwi rin naman ako kaagad sa dorm,” pahayag naman sa akin ni Jessica. Sumagot naman kaagad ako kay Jessica sa pamamagitan ng pag-tango. Tumayo na ako at dinala na ang aking bag papalabas ng classroom, agad ko namang nakita si Lucas na nag-hihintay at nakasandal lamang sa pader at may toothpick sa kaniyang bibig. Tumayo naman ako kaagad sa kaniyang harapan, “Pasaan ba kasi tayo Lucas? Ano bang pakay mo sa akin?” tanong ko naman kaagad sa kaniya. “Wag ka ng madaming tanong, okay ba yun? Just follow me,” tugon naman niya kaagad sa akin. Habang nag-lalakad kami sa hallway ay may napansin akong isang lalaki na tila parang katulad din tumingin ni Lucas ngunit hindi ganoon parehas ang kanilang kulay. Napansin kong ang sama-sama ng tingin niya kay Lucas at nang napatingin siya sa akin ay agad akong umiwas ng tingin at sinundan na lamang si Lucas kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko na lamang muli tiningnan ang lalaking ang sama ng tingin kay Lucas dahil baka kung ano pang magawa noon sa akin. Nang pababa na kami sa hagdan ay tinanong ko muli si Lucas, “Pasaan ba kasiii tayooo? Alam mo sa ginagawa mo kinakabahan lalo ako eh, lalo na at hindi mo sinasabi kung pasaan tayo, medyo naiinis na ako,” pahayag ko naman muli sa kaniya. Tumigil si Lucas at muling tumingin sa akin, at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tiningnan ang nasa braso ko. Habang tinitingnan niya ang nasa braso ko ay agad ko naman ding inalis, dahil unti-unti na akong nag-tataka. “Ano ba kasing meron diyan sa braso ko Lucas? Isa parin yan eh, wala naman akong alam. Ni hindi ko nga alam kung bakit may ganyan sa braso ko simula noong inianak ako ng nanay ko,” pahayag ko naman kay Lucas. “You should wear long sleeves para walang makakita niyan, dapat aware ka sa paligid mo. Hindi ka safe dito, lalo na’t you haved that thing in your arm, now give me your phone,” pahayag naman sa akin ni Lucas. Hindi agad ako nakaimik dahil napikon ako sa sinabi niya, at muli niyang inulit ang sinabi niya sa akin. “Give me your phone!” sigaw niya sa akin, “Paano ako mag-kakacellphone di ba naiwan ko doon sa pinag-kunan mo sa akin noong gabi? Doon nawala ang phone ko,” sagot ko naman sa kaniya ng papasigaw rin dahil hindi ko napigilan sarili ko. “Fine! I’ll give mine, wag mong iwawala phone ko okay? Pati yung number. I’ll give this to you kasi may rason okay? Walang meaning to na about sa atin, hindi kita lalandiin nor basta! Kapag nasa panganib ka, just call me. Check my another number their, I just want you to be safe,” pahayag naman niya muli sa akin nang iniabot ang kaniyang cellphone. Nang pag-tingin ko sa kaniyang cellphone at tumingin muli sa kaniya ay nagulat na lamang ako na wala siya sa harapan ko. Umikot ako sa paligid ko ngunit hindi ko na siya makita. Sa tagal ko doon ay nadaanan na ako ni Jessica. “Oh Luna? Akala ko ba kasama mo si Lucas? Nasaan na siya?” tanong naman sa akin bigla ni Jessica na sa likod ko na pala at pababa na ng hagdan. Napalingon naman ako kaagad, “Umalis na, patingin ko wala na eh,” tugon ko naman sa kaniya. “Eh kanino yang phone na hawak mo? Hindi ba at wala ka ng cellphone sabi mo?” pag-tataka naman ni Jessica sa akin kaya napatanong nang makita niya ang cellphone. Ipinakita ko naman kay Jessica ang cellphone, “Ah—eto? Pinahiram muna sa akin ni Lucas ang cellphone niya para maging safe daw ako, hindi ko alam ang sinasabi noon na nasa panganib daw buhay ko. Gusto niya lang daw akong maging safe,” saad ko naman kay Jessica. Tumahimik naman si Jessica at dahan-dahang lumapit sa akin. “Safe-safe ka uy! Hahaha! Pero alam mo ang creepy ni Lucas kung ganyan ang mga sinasabi niya sayo, hindi ka ba napapaisip?” saad naman muli sa akin ni Jessica. Agad ko naman siyang inakbayan para mawala na ang usapan namin, “Tumigil ka nga! Tara na lamang sa dorm at tayo ay kakain ng miryenda, hindi ka ba nagugutom?” pahayag ko naman “Gutom na, tara na. Ayoko ng gabihin dito,” sagot naman kaagad sa akin ni Jessica. Umuwi na kami ng sabay ni Jessica patungo sa dorm.     Luca’s point of view Habang nag-lalakad ako, pumasok sa isip ko si Luna. Hindi ko alam kung bakit ipinahiram ko sa kaniya ang cellphone ko. Nang biglang hinarangan ako nina Elise kaya’t bumalik sa seryosong mukha ang mukha ko. “Mukhang masaya ka ah?” saad naman sa akin ni Elise. Tumingin naman ako sa kaniya at sumagot sa kaniyang sinabi, “Oh? Eh ano naman sayo ngayon? Ano ba kita?” “Oopsie—” pabulong ng isa sa mga kaibigan ni Elise ng sabihin ko iyon sa kaniya. “You know what? Kung wala kang maganda-gandang sasabihin sa akin tantanan niyo na ako. I mean, tantanan mo na ako? Okay? Wala ka namang mapapala sa akin eh. Ni hindi ko nga alam bakit ginagawa mo itong mga bagay na ito, nakakahiya ka naman, walang-wala na ba?” saad ko naman kay Elise. Sasampalin sana ako ni Elise ng bigla kong napigilan agad ang kaniyang kamay, “Sasampalin mo ako kasi? You’re guilty right? Kasi totoo din mga sinasabi ko? Wag kang gumawa ng ikapapahiya mo, ikaw lang din masasaktan,” bulong ko naman sa kaniya. At umalis na ako kaagad sa kaniyang harapan habang sina Elise naman ay iniwan ko kung saan sila nakapwesto. Hanggang sa habang nag-lalakad ako ay napansin ko sa paligid ko sina Damian ganoon din ang kaniyang mga kasamahan. Hindi ako nakaramdam ng takot, ngunit dahil sa posibleng patayin nila ako ay agad akong nag-tago sa kung saan pwedeng mag-tago. Nang nakatago na ako at dahan-dahang tumaas sa isang bahay, ay sumilip ako sa kanila. At tama nga ang hinala ko, at nang tumingin sa akin sa itaas si Damian ay agad ko siyang kinausap. “Sabi ko sayo, wag na wag mo akong pag-didiskitahan. I have no time sayo, na kahit patayin mo pa ako hindi mo magagawa yun. Hmmm – oh baka mauna ka pa?” pang-iinsulto ko naman sa kaniya. Nang dahil sa sinabi kong iyon ay hindi na niya muli akong hinabol, bumaba ako sa kalikod bahay nang makita ko si Jessica ang kaklase naming ni Luna at kaibigan din niya. Kaya agad akong nag-tungo sa kaniya dahil hinaharangan siya ng mga lalaki. “Oh? Masaya ba kayo sa ginagawa niyo?” tanong ko naman sa mga lalaking humaharang kay Jessica. Tumingin sila sa akin ng masama nang makita nila ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD