Habang nakain kami nina Jessica at Jeremy sa canteen kasama ang hindi ko kilalang lalaki na si Lucas ay biglang may pumasok sa canteen na hindi ko kilalang babae ngunit dahil sa itsura niya at pati pananamit na mukhang mayaman ay kilalang-kilala ito ng iba.
“Jess? Tingnan mo yun,” pahayag ko kay Jessica at agad ko ring itinuro yung babae
Napatingin naman kaagad si Jessica sa itinuro ko ganoon din si Jeremy,
“Nako girl, hindi ko kilala yan pero sabi-sabi ng iba kilala daw yan dito pero bakit ganoon? Hindi ko naman kilala hahahhaa,” saad sa akin ni Jessica
Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ng kasama ko ng biglang nagulat na lamang kami na may umimik na babae sa tabihan ko.
“And he’s here guys,” pahayag ng babae
Nagulat kami ni Jessica at Jeremy ng biglang lumapit ang magandang babae sa tabihan ni Lucas at napatigil naman si Lucas sa kaniyang pag-kain habang hawak-hawak ang kaniyang kutsara na tila ba ay nawalan na ito ng gana. Naging bato ang kamay nito ng bigla siyang hawakan ng babae kaya’t inalis niya rin agad iyon.
“What do you want? Hindi ka ba nakakaintindi sa sinabi ko sayo?”
Seryosong pag-kakasabi ni Lucas sa babae na lumapit sa kaniya, nang biglang tumingin sa akin ang babae at pinag-masdan niya ako ulo hanggang paa. Kaya’t nang gawin iyon sa akin ng babae ay bigla akong nakaramdam ng takot at hiya at unti-unti naman itong lumapit sa akin.
“At sino naman ito Mr. Lucas? Ito na ba ang ipapalit mo sa akin? Galing mo din palang pumili no? kung sino yung basura tingnan yun ang kinakapitan mo, ang galing,”
Pang-iinsulto muli ng babae kay Lucas habang ako naman ay hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko dahil ako ang tinutukoy ng babae na kahit minsan ay hindi ko naman nakilala.
Nagulat kami nang biglang tumayo si Lucas, “Ulitin mo pa ang sinabi mo sinasa—” putol na pag-kakasabi ni Lucas sa babae nang biglang umimik muli ang babae.
“Ano? Totoo naman sinasabi ko ah? she’s a trash, minsan naman pumili-pili ng kalevel mo hindi yung nakita mo lang ata sa daan na parang basura tapos pinulot mo lang, Hahaha!”
Pang-iinsulto muli ng babae kay Lucas. Nagulat kami ng bigla nang hawakan ni Lucas ang dalawang braso ng babae,
“Wag na wag mong sasabihan siya ng ganyan kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mo ng wala sa oras” pang-gigigil ni Lucas sa babae.
Nang dahil sa takot ng babae ay hindi na siya nakaimik sa sinabi sa kaniya ni Lucas. Kahit siguro sa akin ay wala na akong sasabihin kay Lucas dahil alam kong may magagawa ito na hindi maganda.
“Elise, I think we should go. Ang dami ng nakatingin sa atin oh, baka mapag-usapan pa tayo,” pag-aaya ng kasama ni Elise.
Nang marinig ko ang pangalan niya ay pinag-masdan ko na lamang siya, at hindi naman nag-tagal nang makita niyang madami na ngang tao na nakatingin sa kanila.
“Hindi kita titigilan Lucas, you will pay for this tandaan mo yan,” pahayag ni Elsie kay Lucas.
“Let’s go girls, ayoko ng mag-sayang ng oras sa mga basurang katulad na ito,” saad naman ni Elise sa kaniyang mga kasama ay umalis na rin sila kaagad.
Nang makaalis sina Elise ay umupo na muli si Lucas at ganoon din kami ng mga kasama ko. Hindi ko maintindihan kay Lucas kung bakit kailangan niya akong ituring na jowa sa kanila kahit hindi ko naman siya kaano-ano. Nang dahil sa naiisip ko ay bigla na lang ako nakapag-salita.
“Bakit hindi mo sinabing hindi mo naman ako girlfriend? Kahit hindi naman talaga? Pati tuloy ako dinadamay mo sa away niyo ng kung sino mang Elise yun,”
Pag-kakasabi ko kay Lucas, nang bigla niya akong tiningnan habang nanguya siya ng kaniyang kinakain.
Agad naman akong bumalik sa aking kinakain dahil nakaramdam ako ng takot sa tingin ni Lucas. Hindi ko nalamang muli pinansin ang sinabi niya patungo doon kay Elise dahil alam ko na posibleng may gawin siya sa akin kung hindi ko sakyan ang kaniyang kagustuhan.
Nang matapos na kaming kumain ay niyaya na ako ni Jessica at Jeremy na sumama sa kanila para bumalik na sa classroom naming dahil may sunod pa kaming klase ngunit biglang tumayo si Lucas at hinawakan ang braso.
“Where are you going? hindi mo ba narinig sinabi ko?” tanong sa akin ni Lucas
“Bakit mo ba ginaganiyan si Luna? Inaano ka ba niya para gawin mo ito sa kaniya? May tinatago ka ba sa akin Luna?” tanong bigla ni Jessica sa amin ni Lucas.
Bigla akong binitawan ni Lucas sa braso, “Bakit hindi mo tanungin ang kaibigan mo?” saad naman ni Lucas kay Jessica.
At dahil hindi ko na alam ang gagawin ko at nakikita ko ng posibleng mag-away si Lucas at Jessica ay naisipan kong pigilan na ang mga ito sa kanilang sagutan kaya’t humarang ako sa kanila.
“Oh sia sia, tama na yan. Kung mag-aaway-away tayo ngayon baka hindi tayo nito maka-attend sa klase natin okay? Jessica, mamaya na natin ito pag-usapan please?” pahayag ko naman sa kanila.
“Then okay na ba tayo? Kasi pupunta pa din ako sa class ko,” pag-kakasabi naman ni Lucas sa amin nina Jessica.
Nang bigla akong napaisip dahil ni minsan ay hindi ko pa naman siya nakikita dito sa campus, kaya’t nag-tanong ako,
“Wait? Transferee ka ba? Tanong ko lang kasi ni minsan hindi pa kita nakikita dito sa school,” tanong ko naman kaagad kay Lucas habang ako ay nag-tataka.
“Stop asking more questions please?” saad naman ni Lucas sa akin
Kaya noong sinabi niya iyon sa akin ay hindi ko na muli siyang inimikan, ngunit habang nag-lalakad kami ay nag-tataka ako kung bakit hindi pa siya humihiwalay sa amin. Nang biglang umimik si Jessica kay Lucas.
“Pasaan ka ba Lucas? Wala ka bang klase?” tanong naman ni Jessica
Hindi umimik si Lucas kay Jessica dahil isa rin itong nag-hahanap ng kaniyang classroom na kaniyang papasukan.
Nang makarating kami sa tapat ng aming classroom para sa major ay nagulat kami ng biglang naunang pumasok si Lucas doon.
“Kaklase natin si Lucas?!” sigaw ni Jessica nang makita si Lucas na pumasok
Nagulat ako nang sumigaw si Jessica nang ganoon, kaya agad kong tinakpan ang kaniyang bibig dahil baka marinig ni Lucas ang isinigaw niya.
“Jess! Wag kang maingay, baka marinig tayo ni Lucas. Hindi pa naman tayo sure eh, paano kung trip niya lang pumasok kasi di ba gusto niya kasama niya ako?” saad ko naman sa kasama kong si Jessica.
Napalingon si Jeremy sa likod at ng makita niya si Sir ay agad niyang sinabi iyon sa amin,
“Guys, pasok na tayo nandyan na si sir,” pahayag ni Jeremy sa aming dalawa ni Jessica.
Pumasok na kami ng sabay-sabay nina Jessica at Jeremy at habang nag-lalakad ay pinatabi ako ni Lucas sa kaniyang tabihan at nagulat naman si Jessica ng hindi ako tumabi sa kaniya. Sumenyas ako sa kaniya at itinuro ko si Lucas.
Biglang napansin ni Sir si Lucas, “Oh! Here’s our new student, Mr. Sylvestre please introduce youself,” pahayag naman ni Sir kay Lucas.
Nanlaki ang mata ko dahil sa pag-kakagulat. Hindi ko akalain na magiging kaklase ko ang lalaking hindi ko inaasahan na makikilala ko sa isang iglap. Nang tinawag ng aming professor si Lucas ay napatingin sa akin si Jessica at sinamaan niya ako ng tingin. Kahit si Jeremy ay nagulat nang makita si Lucas na tumayo.
Nang tumayo si Lucas ay napakaseryoso nito na kapag tititigan mo ay hindi mo makakausap dahil sa pagiging mukhang misteryoso nito.
Nnag biglang mapansin ng aming guro na nakasalamin si Lucas, “Ahm Mr. Sylvestre, pwede mo ba munang alisin ang salamin mo? Hindi yan allowed dito sa school habang may klase tayo,” saad naman nito.
Tumingin si Lucas sa guro namin, “I’m sorry sir, pero this time hindi ko po maaalis ang salamin ko dahil may sore eyes po ako,” tugon naman ni Lucas.
“Okay, sige I understand. Now introduce yourself,” pahayag muli ng aming guro sa kaniya.
“Hi, I’m Lucas Sylvestre. Your new classmate dito sa major, that’s all,” pag-papakilala ni Lucas habang seryoso parin ang kaniyang mukha.
Dahil sa kaputian at kaseryoso nito ay titig na titig sa kaniya ang iba naming mga kaklase na babae at tila kinukuhanan pa nila ng litrato dahil nakitaan na agad nila na may itsura si Lucas.
“Ah—okay, okay you may sit down Lucas,” pahayag naman muli ng guro naming kay Lucas.
Habang papaupo siya ay agad ko siyang kinausap, “Seryoso ka ba na kaklase kita? Tama ba ang pinasukan mong klase? Patingin nga ng schedule mo,” tanong ko kaagad sa kaniya.
Itinapon niya sa akin ang kaniyang class schedule na nakalagay sa isang papel, at nang itapon niya iyon sa akin ay sinamaan ko siya ng tingin at pinulot ko ang papel na nahulog sa sahig. At nang pag-tingin ko ay nagulat muli ako, dahil halos lahat ng schedule naming dalawa ay pareho lamang.
Ibinalik ko na agad sa kaniya ang papel at bigla akong napaubob sa aking desk.
“Lagot na ako nito,”