Lucas point of view
Nang dumating ako sa kung saan nandoon ang kaibigan ni Luna na si Jessica na haring-harang ng mga hindi kilalang lalaki ay napalingon naman sila nang ako ay napaimik.
Pag-kalingon nila ay umimik naman ang isa, “Bakit? Anong gagawin mo? Kilala mo ba ang babae na ito? Hahaha” pang-iinsulto nila sa akin.
Hindi ako umimik sa kanilang sinabi, at nang mapansin nila ang aking seryosong mukha ay agad akong sinugod ng isa sa kanila at sinubukang suntukin, ngunit sa kasamaang palad ay nang pag-kasuntok ng kasamahan ng lalaki ay tumumba ito sa akin.
Hanggang sa nag-sunod-sunod na silang lahat at ang nahuli ay ang leader ng grupo.
“Matapang ka ah!” sigaw nito nang biglang sumugod sa akin,
Pag-kasugod niya sa akin ay hinawakan ko siya sa kaniyang damit at itinalsik sa pader kung saan doon siya humampas. Hawak-hawak ng dalawang lalaki si Jessica, at nang mapatumba ko ang kanilang leader ay umimik ako sa kanila.
“Subukan niyong ulitin, subukan niyong sumama sa mga yan. Alam niyo na ang kahahantungan niyo,” pahayag ko naman sa dalawang lalaki.
Bago tumakbo papalayo si Jessica, nang dahil sa takot ay tumakbo na lamang ito matapos magpasalamat sa akin dahil sa pag-ligtas sa kaniya.
“Salamat!” pahayag niya
Hindi na niya namalayan na naiwan niya ang kaniyang pinamili sa tindahan na nakasupot. Nang tingnan ko ang supot ay mga sangkap ng pag-kain ang nandoon, at dahil para hindi masayang iyon ay naisipan kong dalhin iyon sa kanila.
Hindi ako sanay sa mga Gawain kong ganito, ngunit dahil sa aking pananaw ay kailangan kong ingatan si Luna ay kailangan kong gawin ang lahat para mapalapit sa kaniya.
Nang makarating ako sa kanilang dorm, ay iniwan ko nalamang ang supot na sangkap ng pag-kain. Hindi na ako nag-sabi kayna Jessica dahil alam kong iiwasan lamang nila ako dahil sa aking ugali.
Nang biglang may narinig ako sa aking isip na isa sa mga kasamahan ko ay nasa panganib kaya’t hindi ako nag-dalawang isip na puntahan kung nasaan man siya.
Luna’s point of view
Habang nag-luluto ako ng aming miryenda ay nagulat ako nang biglang dumating si Jessica sa dorm namin na pagod na pagod at hingal na hingal na halatang halata mo na tumakbo papauwi.
Agad kong binitawan ang sandok na aking pinanghahalo sa aking niluluto at dahil sap ag-aalala sa aking kaklase ay agad ko itong tinanong.
“Oh? Jess? Anong nangyari sayo? Bakit hingal na hingal ka? Dala mo ba ang binili mo? Nakabili ka ba?” tanong ko kaagad sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla niyang sampalin ang kaniyang sarili, “Oo nga, yung plastic. Naiwanan ko doon sa malapit sa tindahan,” saad naman niya sa akin.
“Alam mo Jess nag-tataka na talaga ako, saan ka ba galing? Anong ginawa mo? Bakit kaba pagod na pagod? Parang may humabol sayo ah?” tanong ko naman muli kay Jessica.
Tumingin siya sa akin nang tinanong ko siya,
“Mahabang storya Luna, kung alam mo lang. Siguro kung hindi ako nakita ni Lucas doon, baka na-rape na ako ng kung sinong lalaki na humaharang sa akin kanina,” pahayag naman sa akin ni Jessica.
Habang ako umiinom ay nagulat ako sa kaniyang sinabi, at nasamid nang marinig ko ang pangalan ni Lucas.
“Si Lu-lucas?! Oh? Ano ba kasing kwento mo? Ikwento mo kaya, putol-putol kasi, hindi ko maintindihan,” saad ko naman kaagad kay Jessica.
Tumayo si Jessica nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Hindi, hindi—mamaya, babalikan ko yung plastic na pinag-lalagyan ng mga pinamili ko. Sayang din yun, panigurado namang wala pang nakakakuha noon,” saad naman ni Jessica sa akin.
“Sigurado ka ba? Hindi ka naman na natatakot? Sige kunin mo, pero please lang jess bumalik ka nalang agad kasi baka kung ano pang mangyari, paano kung balikan ka noong mga lalaki? Hindi ba?” pahayag ko naman kay Jess.
Sumagot naman si Jessica sa akin at tumango. At nang papalabas siya ay sumilip ako sa bintana upang tingnan siya ngunit bigla itong tumigil. May kinuha siya sa lapag, at napaisip naman ako kung ano yun.
“Ano naman kaya yun?” pag-tataka ko.
Pag-talikod niya dahil pabalik na siya sa loob ng dorm ay nakita niya akong nakasilip sa bintana, at ngumiti bigla sa akin. Ipinakita niya ang plastic na siguro ay dala-dala niya kanina.
Tumakbo kaagad ito patungo sa akin, at ipinakita ang kaniyang dala-dalang plastic.
“Hindi ko na pala kailangan bumalik doon Luna, for sure dinala ito ni Lucas diyan sa baba,” pahayag naman sa akin ni Jessica.
“Ano pa ng aba di ba?” tugon ko naman sa pag-kakasabi ni Jessica sa akin.
Ibinaba niya ang plastic sa lamesa kung saan malapit sa aking pinag-lulutuan at nang pabalik na siya sa kwarto upang mag-palit na ng kaniyang damit ay napatigil ito at muling humarap sa akin.
“Tek lang—hindi ba parang may mali? Hmm paano malalaman ni Lucas ang tinitirhan natin eh hindi mo pa naman siya nadadala dito ever since?” saad naman muli ni Jessica sa akin nang biglang mag-taka sa nangyari.
Tumahimik ako nang marinig ko ang sinabi ni Jessica, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya’t para hindi siya mag-taka lalo ay nag-salita na lang ako ng kung anon a pumasok sa isip ko.
“H-hindii ko alam? Nakakapagtaka nga din eh,” tugon ko nalang kay Jessica.
“Ahm okay? Sige hayaan na natin yun, ang mahalaga ay makakakain na tayo. Saglit lang Luna ah, magpapalit lang ako ng mabilis ng damit bago kita tulungan diyan, you know naman matutuyuan sa pawis haha,” saad naman muli sa akin ni Jessica.
Tumingin naman akong muli kay Jessica at ngumiti, “Ewan ko sayo, sige na nauubos ang oras sayo hahaha,” pabiro ko naman sa kaniya.
Nag-tatakbo na siya sa aming kwarto at agad na nag-palit ng kaniyang damit. Habang ako naman ay napapaisip habang nag-lululuto ng aming pwedeng kainin ni Jessica. Napatingin ako sa aking braso kung saan nandoon ang simbolo, ngunit nag-tataka ako kung bakit hindi napapansin ng iba ang simbolo na ito.
“Pero sabi ni Lucas, mag long sleeves daw ako para hindi makita ito. Ano ba kasing meron sayo?” pag-tatanong ko sa aking sarili pati narin sa simbolo na nasa aking braso.
Lucas point of view
Nang patungo ako sa lugar kung saan doon ko narinig ang aking kasamahan ay nang nandoon na ako ay biglang nawala ang aking naririnig at kahit sinong tao ay wala rin doon. Ngunit habang nag-lalakad ako ay nahuli ko ang isang lalaki na nag-tatago sa ilalim ng kahoy.
“Pasaan ka naman?” tanong ko sa kaniya habang hinahabol ang kaniyang suot na damit at balak kong hilahin.
At nang makuha ko ang kaniyang damit ay napalingon siya sa akin, ang kababata ko palang si Charles.
“Charles?” pahayag ko sa kaniya nang makita ko ang kaniyang mukha.
“A-anong ginagawa mo dito? I-ikaw yung narinig ko ano? Sino nag-utos sayo?” tanong ko naman muli sa kababata kong si Charles.
Nang dahil sa natakot siya ng sobra sa akin dahil kilala niya akong magalit at alam niya kung anong lakas meron ako ay sinabi niya rin kung sino ang nag-uto sa kaniya.
“D-dad mo Lucas. Please wag mong sabihin na sinabi ko sayo, lagot ako sa tatay mo. May gusto lang siyang makita sa lakas mo, kaya nagawa niya yun,” tugon naman kaagad ni Charles sa akin.
Nag-simula akong mag-lakad ng mabilis habang si Charles naman ay hinabol ako, hanggang sa tumakbo na kami ng mabilis. Nang makarating kami sa aming bahay ay hindi na nakapasok si Charles sa loob at naiwan na lamang siya sa labas ng bahay namin.
“Dad? Ano bang ginagawa mo? Hindi mo naman kailangan gawin yun eh, paano kung may mahahalaga akong ginagawa tapos pinag-titripan niyo lang ako? Bakit niyo ba kailangan gawin yun? Ang non sense,” pahayag ko sa aking ama na si Gregory, isang leader ng aming malaking samahan.
Tumayo sa kaniyang kinauupuan at lumingon sa akin ang aking ama,
“Bakit Lucas? Sa tingin mo kaya mo na lahat? Sa tingin mo kung anong narinig mo yun na iyon? Hindi doon nasusukat ang lakas Lucas. May mga kailangan ka pang malaman bago maging isang ganap na pinakamalakas,” saad naman sa akin ng aking ama.
“Pero dad, hindi niyo naman kailangang gawin sa akin iyon. Isinalang niyo pa ang aking kaibigan na si Charles doon sa masukal na yun? What if puntahan siya ng mga kalaban?! Ng mga lobo? Posible na mamatay siya, hindi niyo ba naisip yun?” pahayag ko naman muli sa aking ama.
Nang biglang lumabas ang aking ina sa kanilang silid kung saan nag-papahinga,
“Dad? Ano na naman ang pinag-aawayan niyo? Son? Lucas? Ano bang problema niyo na namang mag-ama?” inis na inis na pag-kakatanong sa amin ng aking ina.
“Nothing mom, punta na lang ako sa kwarto ko,” pag-papaalam ko sa aking mga magulang.
Hindi umimik ang aking ama at ina nang nag-paalam ako sa kanila.
Gregory’s point of view
Hindi ako nakaimik ng mag-paalam sa amin ang aming anak, nanahimik ako ng sabihin ni Lucas ang kaniyang saloobin ngunit wala akong magawa kung hindi ang manahimik na lamang, dahil alam ko sa sarili kong mukha ngang mali ang aking ginawa.
“Dad? Ano na naman ba kasing ginawa mo? Ano na naman bang nangyari kay Lucas?” tanong sa akin ng aking asawa.
Napatingin ako sa kaniya na tila parang nakokonsensya,
“Sorry, gusto ko lang alamin kung anong lakas meron siya. Gusto kong alamin kung hanggang saan ang kaya niya, hindi sapat ang lakas lang ang meron sa kaniya,” saad ko naman sa aking asawa.
Lumapit ang aking asawa at hinawakan ako sa aking braso,
“Dad, hindi naman natin kailangan madaliin ang lahat lalo na kay Lucas. Gusto niyan magkaroon ng maganda buhay, hayaan natin siya kung anong gusto niyang gawin. Alam niya ang kaniyang ginagawa, kilala ko si Lucas. Alam din niya kung anong lakas ang meron siya at kung ano ang wala siya. Kaya kung ako sayo, pwede mo siyang tingnan at pag-masdan pero yung kokontrolin mo ang pag-kakaroon niya ng lakas hindi yan ikasasaya ng ating anak,” pahayag sa akin ng aking asawa.
Hindi ako nakaimik sa aking asawa, kaya’t bumalik na siya sa aming silid para makapagpahinga.