Chapter 18

1802 Words
Lucas’s point of view Pag-mulat ng mata ko ay nakita ko ang liwanag sa aking bintana, napansin kong umaga na. Pag-tingin ko sa aking cellphone ay alas-syete na kaya’t nataranta ako dahil may pasok ako ngayon. At nang bumangon ay ay biglang kumatok ang aking ina at pumasok. “Anak? Pasaan ka?” tanong agad sa aking ng aking ina. Tumingin ako sa aking ina, “Papasok ako mom, hindi ako pwede umabsent,” tugon ko naman sa kaniya habang dali-dali akong kumukuha ng aking damit na susuutin na nasa cabinet. “Wag na anak, nag-sabi na ako sa maestra mo na hindi ka makakapasok ngayon. Kumain ka muna sa baba, pinag-init kita ng mainit na sabaw. Lasing na lasing ka kagabi, kaya alam kong hindi ka pa okay, sige na,” saad naman niya sa akin. Napatigil ako sa aking ginagawa at lahat ng kinuha kong damit ay ibinalik ko sa cabinet. Napag-desisyonan kong hindi na lang ako pumasok sa first class at sa susunod na lang ako papasok dahil ayokong tumigil dito sa bahay dahil ng sama ng loob ko sa aking mga magulang. Nang maayos ko ang gamit ko ay lumabas na ako ng aking kwarto kasunod ng aking ina, at pag-tingin ko sa hapag-kainan ay nandoon ang aking ama na mag-isang nag-kakape at hawak-hawak ang dyaryo. Naupo ako sa upuan at hindi pinansin ang aking ama dahil sa sama ng loob na meron ako sa kanila. At nagulat ako nang biglang umimik ang aking ama nang ako ay nag-simula nang kumain at humigop ng sabaw. “Tungkol sa kagabi Lucas—” naputol nap ag-kakasabi ng aking ama, na agad kong pinangunahan. “Hayaan niyo na dad, alam ko na. You don’t need to explain, alam ko na okay? Hayaan niyo na,” pag-singit ko naman agad sa kaniya. “Hindi anak, hindi mo kasi naiintindihan,” saad muli ng aking ama sa akin. Napatigil ako sa aking kinakain, at tumingin sa kaniya. “At ako pa ang hindi nakakaintindi dad? Hindi pa ba sapat ang mga narinig ko kahapon? Ang mga pinag-uusapan nila mom at tita Marites? Hindi ako bingi dad. Rinig na rinig ko lahat, at ano pa ang gusto niyong intindihin ko? Na hindi totoo ang mga sinasabi nila? yun ba ang gusto niyong paniwalaan ko?” pahayag ko naman sa aking ama. Nanahimik ang aking ama ng sabihin ko iyon nang biglang umimik ang aking ina, “Lucas anak, hindi naman sa gusto ka naming iwan kapag posible kaming atakihin ng mga lobo. Gusto lang namin na safe ka,” saad naman ng aking ina. Napatayo ako sa sinabi ng aking ina sa akin, “Safe mom? You think magiging safe ako sa ginagawa niyo? Hindi niyo man lang ba iniisip kung anong mangyayari sa akin if ever na mawala kayo? You think I’ll be okay? You think I’ll be safe? Ever since I was a child, puro nalang kayo trabaho at yang pamumuno niyo ang iniintindi niyo, sa ginagawa niyo hindi niyo ipinaramdam sa akin na mahal niyo ako that both of you will always be on my side no matter what! Pero ano itong ginagawa niyo?!” pahayag ko naman ng pasigaw sa kanila. At agad na akong umalis at nag-tungo na sa kwarto ko upang kumilos at umalis na muna sa pamamahay namin. Napag-isipan kong pumasok na lamang sa school para hindi maisip ang problema na meron sa bahay.   Luna’s point of view   “Ano? Tara na pumasok, wag na tayong umasa kay Lucas na dadating, baka tulog pa yun,” pahayag sa akin ni Jessica habang siya ay nakasilip sa bintana at inaabangan si Lucas habang ako naman ay nakaupo sa sala. Napalingon naman ako sa kaniyang sinabi, “Tara na, baka hindi siya papasok. Ano kaya ang nangyari doon?” saad ko naman. Tumayo na ako at sinakbit ko na ang aking dala-dalang bag. At sabay na kaming lumabas ni Jessica sa dorm. Nang sumakay kami sa jeep ay napatingin ako sa harap ko na kahawig ni Lucas. Kaya’t binulungan ko si Jessica. “Jess, tingnan mo ang nasa harap natin kamukha ni Lucas. Hahahaha,” pahayag ko sa kaniya Napatingin naman agad si Jessica sa lalaking nasa tapat namin, “Hala oo nga siz,” tugon naman niya sa akin. “Nasaan na ba kasi si Lucas, masyado tuloy maluwag ang oras ngayon, feeling ko hindi ganoon kahigpit, haha!” saad niyang muli sa akin.. “Huh? Anong ibig mong sabiihin na hindi mahigpit?” tanong ko naman dahil sa hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi. “Kasi di ba ang daming bawal kapag kasama mo si Lucas, kaya feeling ko ang luwag luwag ko ngayon na hindi ka hinihigpitan ni Lucas, gets?” saad naman niya sa akin. “Ahhhh gets gets! Ewan ko ba kay Lucas, kung maka-higpit akala mo boyfriend,” pahayag ko naman muli kay Jessica. “Feeling ko talaga magiging kayo eh, charot! Oh wag kang mainis, ang ganda-ganda ng umaga!” pabiro sa akin ni Jessica nang bigla niyang bawiin dahil alam niyang mabilis akong mainis. “Tumigil ka nga diyang Jessica, napaka-imposible,” tugon ko naman. Nang bigla kong mapansin na lagpas na kami ng kaunti sa aming paaralan, kaya’t bigla akong pumara. “Para po!” pahayag ko sa driver, at bigla naman itinigil ng driver ang jeep at bumaba na kami ni Jessica. “Kita mo yan, katulad niya. Kung wala si Lucas, palagi talaga tayong lagpas sa school natin. Kung hindi mo pa napansin, baka sobrang layo na natin, doble pa ang pamasahe,” saad naman sa akin ni Jessica. Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Jessica tungkol kay Lucas, at bigla muling sumingit sa isip ko si Lucas. “Nasaan na ba kasi yun,” pabulong ko naman sa aking isip. Habang nag-lalakad kami papasok, ay nagulat kami na nakaabang na si Lucas. “Lucas! Bakit hindi ka dumaan sa dorm kanina? Akala namin hindi ka papasok,” pahayag ni Jessica kay Lucas. “Hi,” pag-bati ko naman kay Lucas. “Pasensya na, marami lang nangyari sa bahay. Pero no worries, ang mahalaga pumasok ako,” saad naman ni Lucas sa amin ni Jessica. “Tara na, baka late na tayo,” pag-aaya ko naman sa dalawa. Sabay-sabay kaming nag-lakad patungo sa classroom namin sa major, at nang papasok sana kami ng classroom ay nagulat kami na nandoon si Elise sa loob ng room. At dahil masama ang turing sa akin noon ay iniwasan ko iyon at naupo na lamang sa likod na upuan. Nang doon ako tumungo ay napansin ako ni Lucas kaya’t tumabi na rin siya sa akin para may kasama ako sa likod. At sinamaan ako ng tingin ni Elise nang makita si Lucas na tumabi sa akin. Pumasok na sa aming classroom si Sir. Pelido, ang prof namin sa isa pang major. “Good morning class, sabi sa akin ng adviser niyo may bago raw kayong kaklase at ipakilala ko daw siya sa inyo. May I know kung sino siya? Please stand up,” pahayag ng guro namin. At biglang tumayo si Elise, ang ex ni Lucas. “Ako po sir,” pahayag niya. “Okay dito ka sa unahan, and please introduce yourself,” utos ng guro namin kay Elise. “Good morning classmates! I’m Elise, Elise Magdalene. Nag-shift ako dito from BS Psychology, and sana makasundo ko kayo lahat, yun lang, nice to meet you all,” pag-papakilala ni Elise sa amin. “Okay Ms. Elise, you may sit down,” pahayag naman sa kaniya ng guro namin. Naupo na si Elise at muling sumulyap kay Lucas, at agad ko namang kinausap si Lucas. “Alam mo ba yan?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman sa akin si Lucas, “Hindi, masanay ka na sa galaw niyan. Yung course niya dati, yan yung course ko before sa dati kong school hanggang sa nag-shift ako. Hindi ko alam kung nananadya ba yan, ubos pera siya,” saad naman sa akin ni Lucas. Muli akong napatingin kay Elise nang malaman ko ang totoong siya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi sa akin ni Lucas tungkol kay Elise, pero alam ko sa sarili kong naaartehan ako sa kaniya. Nang matapos ang klase, at kakami na lang nina Jessica, Jeremy, Lucas ang natira sa room ay lumapit si Elise sa amin ni Lucas kung saan kami nakaupo. “Ngayong kaklase ko na kayo, can I join you?” tanong ni Elise kay Lucas. Ngunit hindi umiimik si Lucas kay Elise, at napatingin nalang din ako kay Elise. Habang si Jessica naman ay natawa ng tahimik, at napatingin sa kaniya si Elise nang mapansin iyon at nainsulto. “Why are you laughing? May katawa-tawa ba?” tanong ni Elise kay Jessica. Napatingin naman si Jessica sa tanong ni Elise, at dahil may pag-kaprangka ang kaibigan ko ay agad niyang sinagot iyon. “Bakit? Ikaw ba tinatawanan ko? Nakikita mong may kasama ako dito di ba? Wag ka ngang assumera,” saad naman ni Jessica kay Elise. “Tara na Luna, Lucas. Baka mahawahan pa kayo niyan,” pag-aaya naman sa amin. Naunang lumakad si Lucas, at hinila bigla nito ang aking kamay papalabas ng classroom. Habang nag-lalakad kami sa hallway ay biglang nag-salita si Jessica. “Grabe ang ugali noong ex mo Lucas, akala mo kung sino,” saad nito “Alam ko na kung bakit lumipat yun, dahil sayo Lucas,” pahayag naman din ni Jeremy. Ngunit tahimik lang si Lucas na nag-lalakad at hindi pinapansin ang mga sinasabi nia Jessica at Jeremy kaya sumingit nalang ako sa kanila. “Tama na, wag na nating pag-usapan yun. Wag niyo nalang pansinin kung anong sasabihin niya sainyo o kahit sa akin hindi ko na papansinin makaiwas lang tayo sa gulo,” saad ko naman. “Tama yan, sobrang lala ng babae na yun. Gagawin niya ang lahat masiraan lang kayo, kaya kung ako sa inyo wag niyo nanga lang pansinin,” nagulat kami nang sabihin iyon ni Lucas sa amin. Hindi kami nakaimik ng sabihin iyon sa amin ni Lucas ang tungkol kay Elise. Kaya’t napatingin siya nang mapansin na hindi kami naimik. “Oh? Bakit hindi kayo umiimik diyan? Did I say something wrong?” tanong niya sa amin. At agad namang sumagot si Jessica sa tanong ni Lucas. “Ah wala wala Lucas, ano ka ba! Haha, hindi lang siguro namin akalain na sasabihin mo yon?” saad naman ni Jessica. “Oo nga Lucas, na-shookt lang hehe,” saad din naman ni Jeremy. Napatingin ako sa loob ng canteen at napansin kong madami ng tao, “Guys tara na pumila! Ang dami ng tao oh, baka maubusan na naman tayo ng pag-kain,” pag-aaya ko sa kanila. At sabay-sabay na kaming pumasok sa canteen at dali-daling pumila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD