Elise point of view
Mag-kakasama kami ng mga kaibigan ko, dinaanan nila ako sa classroom nang iwan ako nina Lucas. At habang nag-lalakad ay bigla nila akong kinamusta tungkol kay Lucas.
“So ano na Elise? Nag-usap na ba kayo ng gwapo mong ex na si Lucas? I’m soooo so excited malaman kung ano ng nangyari sa inyong dalawa lalo na at mag-classmates na kayo girl!” tanong sa akin ni Layla
Hindi ko alam kung anong naramdaman ko noong tinanong niya ako, at dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko ay hindi na lamang ako umimik.
At dahil hindi ako umimik ay napansin siguro nina Layla at Talia na hindi ako okay kaya siniko ni Talia si Layla.
“Omg girl, may mali ba akong nasabi na ikinagalit mo or ikinasama mo ng loob? If meron I’m so sorry,” saad naman muli ni Layla.
Nang bigla akong hinawakan ni Talia sa aking braso, “Tell me girl, dito muna tayo maupo. Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Binastos ka na naman b ani Lucas? Sabi ko naman sayo tam ana eh,” pahayag naman niya.
Napatingin naman ako sa kaniya, “It’s not that easy Talia, you know how much I loved him,” sagot ko naman sa sinabi niya.
“Eh kung mahal mo, bakit mo kasi sinaktan? You know what? Sobrang saya niyo before noong kayo, tapos nakikita rin namin na masaya siya sayo. Kaso look what you’ve done girl, naging ganyan siya for sure dahil rin sa nangyari sa inyo before. Hindi ganyan ang nakilala naming Lucas noon, and kung totoo man yung bali-balita namin na sila noong Luna na classmate niya, I think you should move on,” pahayag naman muli sa akin ni Talia.
Napatayo naman ako nang marinig ko ang sinabi ni Talia,
“No! No Talia! Hindi ako basta-basta g-giveup kay Lucas. Kilala mo ako, kapag may gusto ako pinag-hihirapan kong kunin,” saad ko naman sa kaniya sa sinabi niya.
Napatayo naman si Talia nang sabihin ko iyon,
“Ikaw bahala Elise, pero ngayon pa lang sinabihan na kita. At kung masaktan ka man dahil nakikita mo na ang katotohanan, we can comfort you pero labas na kami sa problema mo dahil hindi ka nakinig sa amin lalo na sa akin,” saad naman niya sa akin.
Biglang inihaba ni Layla ang kaniyang kamay dahil nagiging seryoso na ang usapan naming dalawa ni Talia.
“Oops! Ops! Tama na yan, enough na guys. Baka kung saan pa mapunta yang usapan niyo. Tama nay an, tara na lang sa canteen para kumain, hindi ito ang oras para mag-sagutan kayo tungkol diyan okay?” saad naman ni Layla sa amin ni Talia.
“Sige tara,” tugon naman agad ni Talia habang seryoso siya nang tumingin sa akin.
Nag-tungo na kami sa loob ng canteen, at habang nag-lalakad kami ay napansin ng aking mata si Lucas na kasama sina Luna. Habang tinitingnan sila ay napaisip ako sa sinabi ni Talia sa akin tungkol kay Lucas.
Luna’s point of view
Nakain na kami ng tanghalian, at napatingin naman ako kay Lucas. Napansin kong gutom na gutom siya kaya kinausap ko siya.
“Hindi ka naman gutom Lucas? Hindi ka ba kumain sa inyo bago umalis?” tanong ko sa kaniya.
Napabagal siya sa kaniyang kinakain at napatingin sa akin,
“Ah—eh hindi,” malumanay niyang sagot sa akin.
“Ah sorry ah? may problema ba? Mukhang hindi ka ayos, pero kung gusto mong magsabi okay lang na mag-sabi sa akin,” saad ko naman sa kaniya.
“Hindi, okay lang ako. Salamat,” tugon naman niya kaagad sa akin at bumalik na sa kaniyang kinakain.
Doon sa pag-sagot niya sa akin na may salamat na salita ay nanibago ako bigla sa kaniya dahil iyon ang unang beses na nag-pasalamat siya sa akin at unang beses na narinig ko sa kaniya. Dahil doon ay nag-katinginan kami ni Jessica na tila ba parang ibang Lucas ang kasama namin ngayon.
At napansin naman agad iyon ni Lucas na tinitingnan namin siya,
“Oh? Anong problema niyo? May dumi ba sa mukha ko?” tanong niya sa amin ni Jessica dahil titig na titig kami sa kaniya
“Ah—eh wala wala! Ano ba, kumain kana diyan,” saad ko naman sa kaniya.
“Oo nga, may sunod pa tayong klase, baka magutom ka pa,” saad naman din ni Jessica sa kaniya.
Nang kumain na muli si Lucas ay kumain na rin kami, hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko nang makitang okay na ang pakikitungo sa akin ni Lucas at ang alam ko lang ay masaya ako. Ngunit bukod sa say ana nararamdaman ko, ay dapat ko paring alamin kung anong problema niya.
Nang matapos kaming kumain ay ibinalik na namin ang aming pinag-kainan at nag-simula nang mag-lakad patungo sana sa classroom nang biglang may humarang sa kaniya at yun ay ang lalaking si Damian at bigla siyang inakbayan at isinama papalayo sa amin.
“Here’s our boy Lucaaaas, so kamusta ka naman?” tanong naman ni Damian.
Biglang umalis si Lucas sa pag-kakaakbay sa kaniya ni Damian at bumalik sa amin.
“Anong kailangan niyo?” rinig kong pag-kakatanong ni Lucas kay Damian.
Nang biglang napatingin sa akin si Damian, tingin na tila ba may masamang balak sa akin.
“At sino naman yang kasama mo Lucas? Ipakilala mo naman kami,” saad naman ni Damian ng makita ako.
Napatingin si Lucas sa akin at napansin niyang bigla akong natakot sa sinabi ni Damian.
“Tigil-tigilan mo yan,” pahayag naman ni Lucas kay Damian.
At bigla lumapit si Damian kay Lucas. “Why? Bakit ko ititigil? Girlfriend mo ba siya or something? Baka naman ibigay mo na sa akin,” saad naman ni Damian kay Lucas.
Nagulat kami nang biglang sinuntok ni Lucas si Damian ng malakas. Nagulat rin kami na umabot sa kalahati ng hallway si Damian sa sobrang lakas ng suntok ni Lucas. Bukod sa amin ay nagulat rin ang mga kasama ni Damian ganoon din ang ibang estudyante sa hallway.
“Pag-sabihan niyo yang kasama niyo, na wag ako ang kakalabanin niya o kung balak niyo parin akong kalabanin. Kung ako sa inyo mag-handa na kayo ng kabaong, naiintindihan niyo ba yun?” saad naman ni Lucas sa mga kasama ni Damian.
Nang dahil sa takot ay napatango na lamang ang mga kasamahan ni Damian kay Lucas at pinuntahan ng mga ito si Damian.
“Ang lakas mo bro! paano mo yun napatalsik ng ganoong kalayo?” tanong kaagad ni Jeremy kay Lucas.
“Hindi ko alam, basta sinuntok ko na lang,” tugon naman niay kay Jeremy.
At habang nag-lalakad na kami patungo sa classroom namin ay napalingon akong muli kay Damian, at hindi ko parin akalain na magagawa iyon ni Lucas na suntukin ang lalaking yun at mapatalsik ng ganoon ka-layo.
Nang pumasok kami sa classroom ay nagulat ako nang makita si Elise na nasa kinauupuan ko sa unang class at napatingin naman sa akin si Lucas nang makita din niya na nandoon si Elise. Wala ng ibang bakanteng upuan, kaya’t sa iba ako umupo habang si Lucas naman ay umupo doon ngunit tinawag ako ni Lucas.
“Luna, dito ka. Dito ka nakaupo,” pahayag niya sa akin,
“Hindi na lucas, nandyan na si Elise,” tugon ko naman sa kaniya.
“Elise, doon ka sa kinauupuan ni Luna. Hindi ka naman talaga diyan nakaupo eh,” pahayag ni Lucas kay Elise.
Nagulat ako nang gawin niya iyon kay Elise, dahil para sa akin pwede naman talaga ako na dito nalang umupo sa kinauupuan ko.
“Hindi Lucas, nauna ako dito kaya dito na lang ako,” tugon naman ni Elise.
At dahil sa inis ni Lucas ay tumayo ito at dinala ang kaniyang bag. Tumungo si Lucas sa lalaking katabi ko sa upuan at tiningnan niya ng masama. At dahil sa takot nito sa tingin ni Lucas ay agad itong napatayo at nag-tungo sa kinauupuan ni Lucas. Doon ay nakaupo si Lucas sa tabihan ko at ibinaba na niya ang kaniyang bag.
Walang nagawa si Elise ng gawin iyon ni Lucas. At dumating na ang aming guro.
Damian’s point of view
Sobrang galit na galit ako kay Lucas nang gawin niya iyon sa akin, na kahit mga kasama ko ay hindi akalain na magagawa iyon sa akin ni Lucas.
“Hindi ko akalain bro na mapapatalsik ka ng ganoong kalayo kanina ni Lucas,” pahayag ni Raver
“Ako din, akalain mo yun inabot hanggat kalahati. Hindi normal na lakas ang meron siya sa nakikita ko,” saad naman ni Gav
“Hindi ko hahayaan na ginaganito lang ako ni Lucas, hindi pa niya ako kilala ngayon. Mag-sisimula pa lang,” saad ko naman sa mga kaibigan ko.
Napatayo naman si Raver sa sinabi ko, at tumingin sa akin.
“Hindi ba parang malabo na kaya namin si Lucas lalo na at kitang-kita namin ngayon kung gaano siya kalakas? Iba ka sa amin Damian, hindi ka namin kasing lakas kasi mas malakas ka sa amin. Kung ikaw nga napabagsak niya kanina, ano pa kami diba?” pahayag naman ni Raver
“Sa ngayon pinalampas ko lang dahil nasa paaralan tayo, pero makikita niya ang balik sa kaniya kapag nasal abas na. Tingnan lang natin kung may magawa pa siya, kahit isama pa niya ang mga kasamahan niya sa angkan niya,” saad ko naman sa mga kaibigan ko.
Nang biglang pumasok sa isip ko ang babae na kasama nina Lucas,
“Yung babae kanina na kasama ni Lucas? Have you seen her before?” tanong ko naman sa mga kaibigan ko.
“Hindi nga eh, pero mukhang hindi siya new student dito kasi mukhang sanay siya. Although ang simple niya, maganda siya. Bakit Damian? Type mo ba?” saad naman sa akin ni Gav.
“Pwede na, hindi kaya girlfriend siya ni Lucas?” saad ko naman sa mga kasama ko.
“Paano kung single? Paano kung hindi pala girlfriend ni Lucas? Hahaha!” pahayag naman ni Raven.
“Edi papatulan, ano nga Damian?” pabirong pag-kakasabi ni Gav at siniko pa ako.
“Mga siraulo,” tugon ko naman sa mga kaibigan ko.
Sa mga babae na nakita ko sa aming paaralan, hindi ko pa naramdaman ang ganitong pakiramdam kung hindi sa babaeng yun lang.
“Sino kaya siya no?” tanong ko naman sa mga kasama ko.
“Gusto mo alamin namin boss para naman maka-damoves ka kaagad doon. Mahirap na, baka mahuli ka,” saad naman ni Gav
“Oo nga Damian! Gwapo ka naman, mayaman. Nasa sayo nanga lahat eh! Diba Gav?!” pahayag naman ni Raven.
“Alamin niyo nga kung anong pangalan niya, at tingnan niyo kung kaano-ano ni Lucas,” saad ko naman sa mga kasamahan ko.
Sumangayon sila sa sinabi ko, at bumalik na muli kami sa aming Gawain sa library.