Lucas point of view
Habang nag-lalakad kami ni Charles patungo sa malapit na bar upang uminom ng alak ay hindi ko parin maiwasang isipin ang mga narinig ko mula sa aking ina at sa magulang ni Charles. Puno ng sakit at galit ang nararamdaman ko kaya isinama ko si Charles dahil siya lang rin naman ang makakaintindi sa akin dahil ganoon din ang nararamdaman niya nang malaman niya rin iyon, at siya lamang ang kaibigan ko simula pagka-bata.
Nang nasa labas na kami ng bar na hindi kalayuan sa bayan namin ay pumasok na kami. At dahil hindi naman ganoon kadami ang tao ay nakahanap kaagad kami ng aming mauupuan.
“Ayos ka lang ba diyan Lucas? Anong gusto mong inumin?” tanong sa akin ng kaibigan kong si Charles nang makaupo kami sa upuan.
Napatingin naman ako sa kaniya ng itanong niya iyon sa akin,
“Kahit ano na lang bro,” seryoso kong pagkakasabi kay Charles.
Nang dumating ang waiter ay umorder siya ng alak ganoon din ang aming pulutan.
Hindi parin ako naimik kung hindi kinausap akong muli ni Charles,
“Lucas, hindi ka talaga okay no? ano bang tumatakbo sa isip mo ngayon? Ano ng plano mo?” tanong niya sa akin.
“Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o sabihin sa kanila kapag nakauwi ako sa amin. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang harapin dahil sa mga plano nila na ni minsan hindi ko nalaman, hindi ko alam kung anak ba talaga nila ako,” saad ko naman sa kaniyan mga itinanong sa akin.
“Kahit ako, hindi ko alam na may ganoon nang tinatago sina mama sa akin. Pwede naman tayong sumama sa kanila pero bakit hindi parin nila tayo hayaan?” tanong naman sa akin ni Charles ng sabihin ko iyon sa kaniya.
“Hindi ko alam, wala pa ba ang alak natin? Inom na inom na ako eh,” pahayag ko naman sa kaniya.
Tumingin si Charles sa waiter na kaniyang kinausap, ngunit nakita naman niya agad ito na papalapit na sa amin.
“Andyan na pala eh,” saad naman bigla ni Charles sa akin ng makita ang waiter.
“Ito na po sir,” pahayag ng waiter nang dumating siya na dala-dala ang aming inorder na alak.
At inisa-isang ibinaba sa lamesa namin ang alak.
“Salamat kuya,” pag-papasalamat ni Charles, at nang makaalis iyon ay kumuha na kami ng aming iinumin.
Nang biglang may dumatin na babae sa harap ng table namin.
“Hi Lucas, Hi Charles. May kasama ba kayo?” pag-bati sa amin ng babae.
Hindi pa ako napapatingin sa babae ay kilala ko na ang boses na iyon, sa kulbit pa lang ni Charles sa akin ay alam ko na kung sino ang nakaharap sa amin.
“Lucas—si” pahayag naman sa akin ni Charles.
“Anong kailangan mo?” tanong ko naman kay Elise. Saka lang ako tuming ng naitanong ko na.
“Wala, I’m just asking kung sino ang kasama mo at kung wala naman I think pwede naman siguro ako maki-join sa inyo di ba?” tugon naman sa akin ni Elise.
“At sino naman may sabi sayo na pwede kang maki-join sa amin without any permission na galing sa akin? At kung sasabihin mo na may pinag-samahan tayo before, it’s before. Hindi yun ngayon, at iba na yung ngayon sa noon. Kaya kung ako sayo, kung ayaw mong mapahiya aalis na lang ako,” pahayag ko naman kay Elise.
“You know what Lucas? Hindi ko alam kung anong problema mo, bahala ka nga diyan,” saad naman ni Elise sa akin. At dahil naramdaman niyang napahiya ko lang siya sa harap ni Charles ay umalis na lamang ito at nag-tungo sa kaniyang mga kaibigan na nasa kabilang table.
Napanganga sa akin si Charles dahil sa mga sinabi ko kay Elise, at biglang tahimik na pumalakpak.
“Ang galing mo doon bro ah? why sooo tapang? Hahahaha!” pabiro sa akin ni Charles nang marinig niya ang mga sinabi ko kay Elise.
“Baliw, tara na lang uminom and let’s be happy this time, cheers!” pahayag ko naman sa kaniya habang iniharap ko sa kaniya ang aking bote ng beer.
At itinaas rin naman niya agad ang kaniyang bote, “Cheers bro!” saad din naman niya.
Sa mga oras na nag-sasaya kami ay nakakalimutan namin ang mga problem ana nangyayari sa aming mga angkan. Sa oras na iyon ay sinusulit naman ang mga oras na masaya kaming dalawa.
-
Luna’s point of view
Habang nakahiga ako sa kama ko at habang may ginagawa naman si Jessica sa kaniyang study table ay biglang pumasok sa isip ko si Lucas.
“Parang hindi ata nagtetext ngayon si Lucas?” pabulong ko naman.
Nang biglang umimik si Jessica, “Hoy! Ano yang sinasabi mo diyan? Nagsusulat ako pero naririnig ko ang mga sinasabi mo ah,” saad naman niya
Nagulat naman ako nang sabihin iyon ni Jessica sa akin kaya’t napabangon ako at tumingin sa kaniya habang siya naman ay nakangisi sa akin.
“Wala naman akong sinasabi, ikaw ah! nag-gagawa gawa ka lang diyan sa isip mo eh, pinag-iisipan mo pa ako na may sinasabi ako kahit wala naman,” pahayag ko naman sa kaniya.
Lumingon muli siya sa akin, “Wag nga ako Luna, hindi ako bingi no! rinig na rinig ko ang sinabi mo, kahit pabulong pa yun,” saad naman niya muli sa akin.
“Ay weh? May sinabi ako?” tanong ko naman muli kay Jessica
“Oo siz! Alam mo kung anong sinabi mo? Bakit hindi nagtetext si Lucas! Hindi ba tama ako?” pahayag naman niya sa akin.
Nagulat ako nang sabihin iyon ni Jessica, habang ako naman ay hindi ko akalain na sinabi ko iyon dahil ang alam ko lang sa sa isip ko lang yun sinabi at binulong ko ng sobrang hina.
“Oh ano? Hindi ka makaimik kasi tunay no? sinasabi ko sayo Luna, wag na wag kang mag-sisinungaling sa akin kasi naririnig ko kaagad ang mga sinasabi mo. Hininga at utot mo kilala ko, kaya wag ako okay?” saad niya muli sa akin at muli siyang bumalik sa kaniyang pag-susulat.
Napahiga naman ako nang sabihin niya yun,
“Nasanay lang ako na palagi niya akong tinetext, ewan ko kung bakit. Nag-taka lang ako, malay natin di ba? May problema? Syempre kung nasa kalagayan siya ng ganoon, tutulungan ko din siya. Hindi yung ako lang yung tutulungan niya. Ang unfair naman diba?” saad ko naman kay Jessica.
Tumingin muli sa akin si Jessica at sumagot sa aking sinabi,
“Alam mo may point ka, hmmm pero bakit hindi mo i-try na mag-text sa kaniya? Baka sakaling mag-response or something? Hindi naman masama di ba? Depende na lang kung may feelings ka sa kaniya. Hahaha,”
Nagulat naman ako sa sinabi niya, “Baliw ka! Wala no, sige itetext ko nalang. Nakakahiya naman kasi sayo na palagi akong pinag-iisipan ng masama doon,” pahayag ko naman sa kaniya.
At hinawakan ko muli ang cellphone ko na pinahiram niya, at nag-simulang mag-text sa kaniya.
“Hi,” pahayag ko sa kaniya.
“Yan Jess! Nakapag-text na ako ng hi sa kaniya, masaya ka na?” pahayag ko sa kaibigan kong si Jessica.
Lumingon si Jessica sa akin at sinamaan ako ng tingin, “Girl! May patutunguhan ba yang hi mo sa tingin mo? Eh baka nga tuldok hindi ka replyan noon, alam mo namang masyadong seryosong tao yun at masyadong misteryoso,” saad naman niya sa akin.
“Aah ganoon ba? Eh ano ba dapat?!” tanong ko naman sa kaniya.
“Ala girl, wag mo na ituloy. Baka kapag nag-text ka pa diyan, makulitan pa yan. Hindi na lang kasi hinabaan no?” saad niya namang muli sa akin.
“Oo nga, wag na lang. Bukas na lang, for sure namang papasok siya bukas asusual na dating gawi. Para tuloy akong may security guard lagi,” pahayag ko naman kay Jessica.
“Kaya nga girl, hindi ka ba nakakafeel ng awkwardness? Hahahaha” tanong naman ni Jessica sa akin.
“Syempre nakakaramdam! Hindi nga ako komportable minsan kasi yung mga taong nadadaanan namin puro mga nakatingin sa akin, ikaw ba naman ang kasama ng isang gwapo at maputing lalaki tapos heto lang ako,” saad ko naman kay Jessica.
Tumayo si Jessica sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa akin, tumabi siya sa akin kung saan nakaupo ako sa aking kama.
“Alam mo Luna, yan ang ayaw na ayaw ko. Ayaw ko sa lahat na minamaliit mo ang sarili mo, hindi ka yan lang okay? Ang ganda ganda mo kaya tsaka alam kong hindi naka-base si Lucas sa physical appearance no. Tingnan mo naman ang pag-trato niya doon sa ex niyang si Elise bay un? Hindi ko nga nakita sa mata niya na gusto parin niya yung taon na yun,” saad naman sa akin ni Jessica.
“Pero kasi Jess, tingnan mo naman ako, tingnan mo naman ang buhay ko, tingnan mo din kung saan ako nakatira. Ang buhay ko, sobrang hirap. Kaya siguro ako iniwan ng ex ko, hahaha!” pahayag ko naman sa kaibigan kong si Jessica.
“Alam mo Luna, nasa sa tao naman ang problema kung bakit ka iniwan. Baka dahil may iba lang siya kaya ka iniwan, pero ayos na rin yun kaysa naman nasasaktan ka. Hayaan mo, ako nalang mag-mamahal sayo. Hindi muna ako mag-boboyfriend habang wala ka pang boyfriend. Hahaha,” pahayag naman niya sa akin.
Napatingin naman ako kay Jessica nang sabihin niya yun, “Sige ha! Sabi mo yan ah, thank you Jess!” saad ko naman sa kaniya at agad ko siyang niyakap
Gregory’s point of view
Gabi na ngunit wala pa rin ang anak kong si Lucas, ilang oras na akong nag-hihintay dito sa sala na nakaupo sa sofa. Biglang bumaba ang aking asawa na isa rin na nag-aalala sa aming anak na si Lucas.
“Dad? Ano? Andyan na ba si Lucas? Anong oras na, baka kung anon ang nangyari sa kanila ni Charles,” tanong niya sa akin.
Nang biglang may kumatok sa pintuan, at agad ko namang pinuntahan.
“Baka nandyan na siya,” saad muli ng aking asawa.
Ngunit nang pag-bukas ko ay ang mag-asawa ni Marites, mga magulang ni Charles.
“Ano kuya? Nandyan na ba si Lucas? Kahit sa cellphone hindi nila sinasagot ang mga tawag ko, baka kung ano ng nangyari sa dalawa,” tanong sa akin ni Marites habang nag-aalala rin sa kaniyang anak na si Charles.
“Wala pa nga rin eh, hindi ko alam kung nasaan sila,” tugon ko naman kay Marites.
“Kuya, delikado na ang oras na ito. Maraming pagala-gala sa bayan ngayon, baka silang dalawang ang punteryahin ng mga taong lobo, lalo na at mainit ang dugo sa atin ng angkan nila,” pahayag naman ng asawa ni Marites sa akin.
“Yun nga din ang iniisip ko eh—” naputol ang aking pag-kakasalita nang marinig ko ang sigaw ni Charles.
“Tito! Ma!” pag-tawag ni Charles sa amin ng kaniyang ina.
Nang lumingon ako ay nakita ko na akay-akay ni Charles ang kaibigan niyang si Lucas, ang aking anak. At nang makita ko ay agad akong tumakbo at binuhat sa likod ang aking anak.
“Lasing na lasing po siya tito, hindi ko na po napigilan sa kaniyang pag-iinom, pasensya na po,” pahayag naman sa akin ni Charles.
“Maraming salamat Charles ah? pasensya na rin kanina,” saad naman ng aking asawa sa anak ni Marites.
Tumango naman si Charles ng sabihin iyon ng aking asawa, “Sobrang sama po ng loob niya dahil sa mga narinig niya kanina, ayaw daw niya po kasi kayong mawala kaya yung mga narinig niya kanina hindi niya matanggap. Mas tatanggapin pa daw po niyang mamatay kasabay kayo dahil sa laban, kaysa maiwan siya ditong mag-isa sa inyong tirahan. Wag niyo nalang po sana sabihin kay Lucas itong mga sinabi ko ngayon, gusto ko lang po na malaman niyoo at sana po maayos niyo pa ang problem ana meron kayo ngayon,” pahayag muli ni Charles sa amin.
“Salamat Charles ah, sige mag-pahinga na din kayo. Kami na ang bahala kay Lucas,” pahayag ko naman kayna Marites at Charles.
“SIge po,” tugon naman ni Charles.
“Sige Kuya,” tugon din naman ni Marites.
Ipinasok ko na sa loob ng bahay si Lucas, kasabay ang aking asawa. At ang asawa ko na ang nag-sara ng pintuan ng bahay.
“Ya, pakikuha kami ng tubig na pang-linis sana sa katawan ni Lucas at aking lilinisan,” utos ng aking asawa sa aming katulong.
“Sige po madam,” tugon naman sa kaniya.
“Hay nako, paano na ba yan dad? Kausapin mo na lang bukas. Bagsak na bagsak ang anak mo,” pahayag naman sa akin ng aking asawa.
“Kaya nga, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad sa problemang ito,” tugon ko naman sa kaniya.
Doon ay naisip kong Malaki na si Lucas at naiintindihan na niya ang buhay. Hindi ko siya masisisi kung nagagalit siya sa aming ngayon ng kaniyang ina, dahil may kasalanan rin talaga kami sa kaniya.