Luna’s point of view
Pag-sapit ng alas-dose ng gabi ay nagising ako na may naririnig ako na tila ba parang alulong ng aso o hindi kaya ng lobo. At nang marinig ko iyon, ay napansin kong bukas ang kurtina. Nang dahil sa takot ay agad kong ibinaba ang kurtina.
Tatalikod na sana ako nang biglang kumalampag ang bubong ng aming dorm. Dahil sa malakas na tunog na iyon na tila binagsakan ng malaking bato o buko ay nagulat at nagising si Jessica.
“A-ano yun?” tanong niya sa akin habang siya ay inaantok pa,
Nagulat naman ako nang itinanong sa akin iyon ni Jessica,
“Shhh wag kang maingay, baka marinig tayo. Pakiramdam ko hindi bato yun,” tugon ko naman sa kaniya.
Bigla siyang nanahimik ng sabihin ko iyon. Nang pakiramdaman namin ang bubungan ay parang hindi pusa ang nag-lalakad sa taas dahil rinig namin na tila ba parang ang bigat niyang tumapak doon.
“Parang hindi pusa,” pahayag sa akin ni Jessica ng pabulong.
Nang biglang may kumatok sa aming pintuan,
Nag-tungo agada ko doon at nang binuksan ko ay si Aling Lisa pala na ay dala-dalang bawang at asin. Bago niyai niabot sa akin yun ay sumenyas muna siya,
“Wag kayong maingay, alam kong hindi pusa ang nasa itaas ng bubong. Oh ito, isabit niyo sa bintana niyo at ilagay niyo ang asin doon. At ito namang itak, pang-proteksyon niyo lang, hindi natin masasabi kung ano yung nasa bubong, pero kailangan natin mag-ingat,” saad niya sa akin habang inaabot ang mga gamit.
Nang kinuha ko agad iyon, ay nag-pasalamat ako at agad na akong bumalik sa kinapwepwestuhan ko, sa tabi ni Jessica.
“Ano yan?” tanong ni Jessica sa akin.
“Oh ito daw, tulungan mo akong ilagay ang mga ito sa bintana,” saad ko kay Jessica at binigyan siya ng kalahati para tig-isa kami.
Kinuha naman niya agad iyon at sabay kaming nag-lagay sa bintana. Nang maubos na ay bumalik na kami sa kama at doon ay naupo muna. Nang malagyan namin iyon, pakiramdam namin nawala ang nasa bubongan namin.
“Mukhang wala na ata Luna,” pahayag naan ni Jessica sa akin
Napatayo ako at pinakinggan kung may tumatapak pa, at nang wala na akong marinig ay kinausap ko muli si Jessica.
“Wala nanga, tara na mag-pahinga,” saad ko naman
At nang sumang-ayon siya ay bumalik na ako sa aking kama at doon ay bumalik nako sa aking pag-kakahiga kanina para muling matulog.
Kinaumagahan ay nagising ako na marami na namang tao ang nag-chichismisan sa labas at meron na namang mga pulis doon. Nadatnan ko si Jessica na nakasilip sa bintana. Nang marinig ko ang maiingay na tao sa labas, ay tinanong ko si Jessica.
“Good morning, anong meron Jess?” tanong ko kaagad sa kaniya.
“Hindi ko alam sis eh, pero dahil sa naririnig ko may pinatay na naman daw,” tugon naman niya sa akin.
Nagulat ako sa pag-kakasabi niyang yun, at dahil sa interesado akong malaman kung anong meron, ay napatayo na lang din ako. Nakita kong marami ngang tao ganoon din ang pulis.
“Siguro meron na namang nadali kagabi, wala naman ang mga pulis diyan kung meron,” pahayag ko naman kay Jessica.
Nang lumabas ako ng kwarto, ay napansin ko kaagad si Aling Lisa na nakaupo sa sala habang tulala.
“Good morning Aling Lisa,” pag-bati ko sa kaniya.
Napatingin siya sa akin na tila ba para siyang balisa, kaya’t muli ko siyang kinausap.
“Aling Lisa, okay lang po ba kayo?” tanong ko naman sa kaniya nang bigla akong mag-alala dahil kita sa mukha nito na hindi ito okay.
“S-si Loyda, isa sa mga babae dito—” putol niyang pag-kakasabi na tila ba parang hindi nya kayang sabihin.
“Ay ano po? Ano pong meron kay loyda?” tanong ko naman sa kaniya.
“Wala na siya Luna. Hindi ko alam na tumakas pala kagabi si loyda dito sa dorm, nadatnan na lang na wala na siyang buhay doon sa kabilang kanto. Posibleng pauwi na siya noon nang siya ay atakihin ng hindi natin masabing nilalang,” pahayag ni Aling Lisa sa akin.
Sa kwento niyang iyon ay hindi ako makapaniwala sa nangyari. Isang kasamahan namini sa dorm ang nawalan ng buhay dahil lang sa elementong iyon na hindi namin masabi kung ano.
Nang matapos na akong mag-banyo ay bumalik na ako sa kwarto namin, at dahil walang pasok ngayon ay nahiga akong muli sa kama ko.
“Jess, wala na si Loyda,” pahayag ko kay Jessica.
Napatingin naman sa akin si Jessica nang magulat siya sa narinig niya sa akin.
“Anong sabi mo? Paanong mawawala si Loyda eh parang nakita ko lang kagabi diyan,” tugon naman niya sa sinabi ko.
“Tumakas siya kagabi, hindi alam ni Aling Lisa na umalis siya. Siguro nang pauwi na siya ay doon siya tinira ng masasamang nilalang. Natagpuang wala na siyang buhay doon sa kabilang kanto,” kwento kong muli kay Jessica.
Napatayo naman si Jessica at nag-tungo sa kama ko nang hindi siya makapaniwala.
“Seryoso bhe?” tanong niyang muli sa akin.
“Oo, kaya kung ako sayo hindi na ako gagala ng gabi lalo na kung weekends. Mag-timo ka na lang dito kung wala ka namang gagawing matino sa labas ng bahay okay? Mas maganda nang safe tayo, kaysa sa mamatay tayo ng maaga,” pahayag ko naman muli sa kaniya.
Tumango na lang siya at hindi nakaimik sa aking sinabi. Napahiga siya sa aking tabihan nang biglang tumawag sa telepono ko si Lucas.
“Bes, si Lucas natawag,” pahayag ni Jessica nang makita niya ang pangalang Lucas.
“Kunin mo at sagutin mo, sabihin mo tulog pa ako,” tugon ko naman kay Jessica.
Kinuha naman agad ni Lucas ang telepono at sinagot agad ni Jessica. Nang nag-simula na silang mag-usap, ay biglang umimik si Jessica.
“Hindi kita niloloko Lucas, tulog talaga si Luna,” pahayag ni Jessica.
Napalingon naman ako kay Jessica at sinesenyasan siya. At dahil napapaisip na ako kung anong sinasabi ni Lucas, ay agad kong kinuha kay Jessica ang telepono.
“Hello?” pahayag ko kay Lucas.
“Hi, bakit kailangan mong mag-sinungaling?” tanong niya kaagad sa akin
“Na ano? Ano naman ikakasinungaling ko?” tanong ko naman kay Lucas.
“Na tulog ka pa. Alam mo Luna, hindi mo magagawa sa akin yan dahil marunong ako makaalam kunug totoo bang gising o tulog ang tao lalo na at nandito ako sa labas ng bahay niyo no,” pahayag niya sa akin.
Nang bigla akong napabangon, “Bakit ka ba nandiyan? Pahingang araw namin ngayon,” saad ko naman sa kaniya.
“Wala lang, bawal ba akong maki-join sa inyo kapag pahingang araw?” saad naman niya sa sinabi ko.
“Ewan ko sayo! Sige saglit lang, kikilos lang kami,” pahayag ko naman sa kaniya, at agad ko siyang pinag-p*****n ng telepono.
Napansin ni Jessica na masama na naman ang mukha ko kaya tinanong niya ako,
“Oh anong sabi?”
“Wala, nandyan daw siya sa labas. Kaya kumilos ka na, wala na naman tayong magagawa sa lalaking yun,” tugon ko naman kay Jessica
Nagulat rin siya nang sabihin ko iyon, kaya’t agad siyang lumabas ng kwarto at sumilip sa bintana kung nandoon ng aba si Lucas. At nang nakasilip na siya ay bumalik siya sa kwarto namin,
“Oo nga siz, nandyaan nga,” pahayag niya nang makita niya si Lucas.
Tumayo na ako sa aking kama at kumuha ng damit na susuutin at saka dumeretso ng banyo. Pag-labas ko ng kwarto ay nakita ko na agad si Lucas. Pinapasok na pal ani Aling Lisa.
“Pinapasok ko na ang kaibigan mo Luna,” pahayag ni Aling Lisa sa akin nang makita akong patungo sa banyo.
“Sige po, salamat po,” tugon ko naman.
Lumingon sa akin si Lucas, at tumingin sa akin ng seryoso. Nang makita ko ang tingin niya ay lalo akong nainsulto sa ginagawa niya. At dahil wala naman akong magawa ay napilitan parin akong maligo, kaya’t pumasok na ako sa banyo.
Habang naliligo ay muling pumasok sa isip ko ang balitang nalaman ko kay Aling Lisa. Hindi parin ako makapaniwalang isa sa amin na nakatira sa dorm ay madadali ng isang nilalang na hindi malaman kung ano.
Nang matapos na akong maligo at makapag-bihis ng aking damit, ay lumabas na ako. Nagulat ako nang marami na namang nakatingin na babae kay Lucas. Nang makita nila ako ay hinayaan ko na lamang sila at nag-tungo na ako sa aming kwarto ni Jessica.
“Ikaw naman, maligo ka na,” saad ko naman kay Jessica.
“Anong ako? Kailangan ko pa bang sumama?” pahayag naman ni Jessica sa akin.
“Oo Jess, pleaaaase. Ayoko lang na maiwan ako ng mag-isa kay Lucas, dali na pleaaaase,” pahayag ko namang muli sa kaniya.
Nagbuntong hininga naman si Jessica nang gawin ko iyon, at di kalaunan ay pumayag na rin siya.
“Sige na nga,” tugon niya.
Bumangon siya at kumuha rin ng kaniyang damit sa kaniyang damitan, at nag-tungo narin agad sa banyo para maligo. Habang nag-aayos ako ng aking kama ay biglang pumasok sa isip ko si Lucas at maparang may napansin akong pag-babago sa kaniya.
“Ano kaya yun? Bakit parang may nag-bago sa kaniya?” tanong ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.
At hindi nag-tagal ay inalis ko na lamang iyon sa aking isip.
Lucas’s point of view.
Hinihintay ko dito sa sala si Luna, ngunit hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon dahil sa mga nag-titinginan na babae dito. Sa ginagawa nila ay kulang nalang ay gusto kong tikman ang kani-kanilang dugo, pero dahil kaibigan ko si Luna ay kailangan ko iyong iwasan.
Nang dumaan ang matanda na si Aling Lisa, ay kinausap ko siya.
“Aling Lisa, matagal na po ba kayo dito?” tanong ko sa kaniya habang siya ay nag-lilinis ng dorm nila.
“Oo iho, siguro hindi pa kayo isinilang nandito na ako,” tugon niya sa akin at dahil naging interesado din siyang makipagkwentuhan sa akin ay umupo narin muna siya sa upuan.
“Alam mo ba iho, hindi niyo aakalain na ito rin ang dorm ko dati noong kapanahunan. At dyan rin ako nag-aral sa pinapasukan niyo nina Luna. Napunta ito sa akin dahil lola ko ang may-ari, at dahil paburito akong apo ay sa akin ibinigay ito,” kwento niya sa akin.
“Ang galing naman po, ano po ba ang kursong tinapos niyo?” tanong ko naman sa kaniya.
Napatingin siya sa akin at ipinakita niya ang kaniyang magandang ngito.
“BS Psychology iho, ngunit dahil sa katandaan at pang-hihina ng katawan noon maaga akong tumigil sa pag-tatrabaho. Kung hindi siguro ako naging lumpo noon, siguro may maganda at masaya akong pamilya ngayon. Kaso ito ang buhay ko, tanging mga pamangkin ko ang nag-aalaga sa akin, wala akong anak at asawa. Kaya pangalagaan niyo yang mga katawan niyo, at hindi maganda talaga ang pabayaan na lang basta,” saad niya muli sa akin.
“Nakakalungkot naman po, pasensya na po kung nag-tanong pa ako sa inyo at nailabas ang kwento niyo,” saad ko naman sa kaniya nang makonsensya.
“Ano ka ba iho, okay lang yun. Gusto mo ba ng miryenda? Ikukuha kita, eh mukhang matagal pa naman si Luna at Jessica, saglit lang ah,” pahayag niya muli sa akin.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. At nang makaalis si Aling Lisa ay nagulat ako sa mga babae na mga nakangiti din sa akin, kaya ibinalik ko ang pagiging seryoso ng aking mukha at dahil nakaramdam sila ng takot ay bumalik na sila sa kani-kanilang kwarto.
Nang biglang lumabas na si Luna.
“Nainip ka ba?” tanong ni Luna sa akin.
Hindi ko alam kung kailangan ko bang mainsulto sa sinabi niya o manahimik na lang.
Napalingon naman ako sa kaniya, “Hindi ah, kausap ko lang kanina dito si Aling Lisa, kaya hindi naman ako nainip,” tugon ko naman sa kaniya.
“Ah ganoon ba, bakit ka ba kasi nandito? Alam mo namang walang pasok di ba? Araw ng pahinga, deserve ko rin naman siguro ng pahinga,” saad naman sa akin ni Luna.
Hindi ko alam pero tila para akong nasaktan sa sinabi niya, hindi niya alam na gusto ko lang naman ng kasama para malibang ang lungkot ko lalo na at may ganap kami sa aming pamilya.
“Sige aalis na lang ako,” tumayo ako at sinabi ko iyon kay Luna.
Habang papalabas ako, ay bigla niya akong pinigilan.
“Wag na Lucas, sige na. Sasamahan kana namin ni Jessica, tutal naligo narin naman si Jessica, kaya sasamahan kana lang namin kung saan mo gusto,” pahayag naman sa akin ni Luna.
Nang biglang lumabas si Jessica sa banyo,
“Oh nandyan na pala siya oh, hintayin na natin,” pahayag muli ni Luna sa akin.
Umupo akong muli sa aking kinauupuan ng biglang dumating si Aling Lisa na may dala-dalang juice at tinapay. Alam kong nagulat rin si Luna noong nakita niya si Aling Lisa.
“Nako Aling Lisa, nag-abala pa po kayo,” saad ko naman nang makita ko si Aling Lisa.
“Aling Lisa, hindi niyo naman po yan kailangan gawin,” pahayag naman ni Luna.
“Ano ba kayong dalawa, okay lang. Tutal naging mabuti rin sa akin si Lucas, kaya’t binigyan ko siya nito, sige na kumain kana Lucas,” saad naman ni Aling Lisa sa akin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noon dahil ako lang ang pinag-handaan ni Aling Lisa ng pag-kain at sa hindi inaasahan ay kaharap ko na si Luna.
“Sige po,” tugon ko naman kay Aling Lisa.
Nang umalis si Aling Lisa ay biglang nag-iba ang mukha sa akin ni Luna.
“Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ko kaagad sa kaniya.
“Wala, bakit ba,” tugon naman niya sa akin.