Chapter 22

1101 Words
Lucas’s point of view Nakatapos na akong kumain ng pag-kaing ibinigay sa akin ni Aling Lisa, at nang makalabas na kami ng kanilang dorm ay napansin kong hindi parin ako pinapansin ni Luna. Nang sinarhan ko ang gate at pag-tingin ko sa kanila ay nauunang mag-lakad si Luna. “Luna,” pag-tawag ko sa kaniya at agad rin namang lumingon, “Oh? Bakit?” tanong naman niya sa akin. “Ano bang problema mo? At kanina mo pa akong hindi pinapansin?” tanong ko naman muli kay Luna. Nang biglang si Jessica ang sumagot sa aking itinanong, “Nako Lucas, alam ko na ang galawan ni Luna. Paniguradong naiinis sayo kasi hindi siya binigyan ni Aling Lisa nang pag-kain kagaya ng ginawa sa iyo,” pabulong ni Jessica sa akin. “Anong sabi mo Jessica?! Hindi yun tunay ah!” pag-depensa ni Luna sa kaniyang sarili nang sabihin iyon sa akin ni Jessica at nang marinig niya. Natawa naman ako sa sinabi sa akin ni Jessica, “Totoo ba yun Luna?” tanong ko naman Hindi umimik si Luna at sinamaan lamang ako ng tingin sa itinanong kong iyon. Kaya’t nilapitan ko siya at inakbayan, “Alam mo Luna, pag-kain lang yun. Kung sinabi mo, e di sana sayo ko nalang pinakain ang ibinigay sa akin ni Aling Lisa na pag-kain. At tsaka wag ka ng magalit, saan mo ba gusto mamasyal? Ahhh! Alam ko na, sa mall tayo pumunta,” saad ko naman sa kaniya, para maging maayos ang kaibigan kong si Luna. Bigla niya akong itinulak papalayo, “Ikaw Lucas ah?! wag na wag mo muna akong ina-akbay-akbayan diyan at hindi pa tayo ganoon ka-close,” saad naman sa akin ni Luna. Bumalik ako sa pagiging seryoso nang sabihin niya iyon sa akin, at nauna nang mag-lakad kasunod si Jessica habang si Luna naman ay naiwan. “Ah! ganoon? Iiwan niyo ako?!” saad naman ni Luna. Luna’s point of view Sakay na kami ng jeep at patungo kami sa mall kung saan pwede kumain at mag-tingin-tingin ng mga damit. At habang nasa jeep ay hindi na ako pinapansin ni Lucas. Nang biglang bumulong si Jessica sa akin. “Oh ano ka ngayon? Titingin-tingin ka sa kaniya, napaka-sama kasi ng ugali, nanunuyo nanga tinulak mo pa. Minsan lang maging komportable sa atin si Lucas baka nakakalimutan mo,” saad sa akin ni Jessica. Napatingin naman ako sa kaniya, “Eh kasi naman—” putol kong pag-kakasabi. “Ano ha? Bahala ka, ikaw naman ang manuyo diyan mamaya, hahaha,” pang-iinsulto sa akin ni Jessica. At doon sa sinabi niya ay napaisip ako. Nang makababa na kami sa mall na hindi kalayuan ay pumasok kami sa mall. Hindi parin ako kinakausap ni Lucas. “Oh ano Luna? Tititigan mo na lang yang si Lucas? Dali ka kasi ng dali diyan eh, yung tao nanga ang nag-aya, sinusungitan mo pa,” saad muli sa akin ni Jessica. “Oo na, oo na! ito nanga eh, lalapitan ko na,” tugon ko naman sa kaibigan kong si Jessica. Tinulak ako ni Jessica papalapit kay Lucas, at biglang lumingon si Lucas. “Oh? Okay ka lang?” tanong sa akin ni Lucas nang muntikan na akong matakid. “O-oo,” tugon ko naman habang nahihiya kay Lucas. “Oh ano? Mag-susungit ka pa?” tanong naman niya sa akin ng seryoso. Napa-iling naman ako dahan-dahan sa tanong niya. “So okay na? hindi ka na mag-susungit niyan?” tanong niya muli sa akin. Tumango naman ako sa kaniyang tanong, “Eh bakit hindi ka naimik? May mapapala ba si Lucas sa ganyang mga sagutan mo?” tanong naman sa akin ni Jessica sa akin. “Syempre hindi ko alam kung—” naputol kong pag-kakasabi nang biglang umimik si Lucas. “Kung ano?” tanong naman niya agad.. “E basta, hindi ko kasi alam sasabihin ko sayo or paano kita kakausapin. Nakakainis parin talaga isipin,” saad ko naman “Hayaan mo na, ikaw kasi dami mong arte kanina,” pahayag naman sa akin ni Lucas. Nanlaki ang mata ko at nainis sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya, at nang tumingin siya sa akin ay napuna niya ulit ako. “Oh-oh? Ano yan? Maiinis ka na naman?” pahayag sa akin ni Lucas habang tinuturo niya ang aking mata at kilay na kumukunot. “Hindi,” tugon ko naman agad sa kaniya. “Tama na yan, nag-tatagal tayo dito sa kalagitnaan ng mall. Pasaan ba tayo Lucas?” pahayag naman bigla ni Jessica. “Kumain muna tayo tapos nuod tayo sine, okay ba yun sa inyo?” pahayag naman ni Lucas. “Ah—eh,” pag-kakasabi ko naman. Nang biglang umimik muli si Lucas, “Don’t worry, I got you both okay?” saad naman muli ni Lucas. Nagulat naman ako nang sabihin iyon ni Lucas sa amin, kaya’t nauna na siya at bigla naman akong hinila ni Jessica. Nang makarating kami sa kainan ay bigla kong kinausap si Lucas. “Lucas, okay lang naman kung kami na ang mag-bayad. Gagastusan mo pa kami, nakakahiya naman yun,” pahayag ko bigla kay Lucas. “No Luna, okay lang yun. Ako ang nag-aya so okay lang talaga sa akin na i-treat ko kayong dalawa, kaya wag mo na pakaisipin okay?” tugon naman sa akin ni Lucas. Nag-tungo na sa loob si Lucas at nag-order na ng pag-kain, napabuntong hininga naman ako at wala nang nagawa sa sinabi ni Lucas. Kaya’t hinayaan ko nalang din siya at nag-hanap na lang ako ng upuan, habang si Jessica naman ay sumunod kay Lucas. Habang nakaupo ako ay nakatingin ako sa labas, nag-titingin-tingin ng mga taong nadaan. Nang bigla kong nakita sina Damian. At bigla kong ibinalik ang aking tingin kayna Lucas. Pabalik na si Jessica sa akin at doon ay nakahinga ako ng maluwag. Nang makaupo siya ay kinausap niya ako, “Nag-insist ako ay Lucas na ako na ang mag-bayad sa ating pag-kain, pero ayaw niya talaga,” pahayag niya sa akin. “Ano pa nga bang gagawin natin? E di hayaan na lamang siya, wala naman tayong nagagawa basta’t sinabi niya,” saad ko naman kay Jessica. “At pinabalik na niya ako dito kasi siya na daw ang mag-dadala,” pahayag muli ni Jessica. “Hindi ko alam sa lalaking yan, masyadong maginoo. Pero goods na din, ganyan naman dapat tratuhin ang mga babae, unlike ng ibang guys,” saad ko naman kay Jessica. Nang biglang dumating si Lucas na may dala-dalang mga pag-kain. Agad naman kaming kumilos at kinuha ang iba dahil mukhang mabigat ang dala-dala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD