Luna's point of view
Patapos na ang klase namin sa hapon. Dumaan ang klase namin nang walang magawa si Elise na katabi ko si Lucas.
At nang matapos ang klase ay sabay-sabay parin kami lumabas ng classroom, nang mag-paalam at umalis si Lucas ay biglang dumating si Damian, ang kaaway ni Lucas.
“Hi Miss!” pag-bati sa akin ni Damian at napatingin naman kami ni Jessica at Jeremy.
Nang makita ko si Damian kasama ang kaniyang nga kaibigan, napatingin ako kay Jessica nang makita ko si Damian.
“Ah—eh hello?” tugon ko naman sa kaniya sa kaniyang pagbati sa akin.
“Anong kailangan mo sa kaibigan ko?” tanong naman bigla ni Jessica na akala mo ay naghahamon.
Napatingin si Damian kay Jessica, “Chill girl, gusto ko lang makausap at makilala ang kaibigan mo,” saad naman nito kay Jessica.
At biglang tumingin sa akin si Damian, “By the way, I'm Damian,” pag-papakilala niya sa akin at biglang iniabot sa akin ang kaniyang kamay para makipag-shake hands.
Nag-dadalawanv isip ako na maki-pagkamay sa kaniya, nang itataas ko na ay biglang hinawakan ni Lucas ang aking kamay,
“Lu-lucas?” pahayag ko ng biglang dumating si Lucas.
“Tara na Luna, hatid ko na kayo,” saad naman ni Lucas sa amin.
At nang tatalikuran namin si Damian, ay bigla siyang nagsalita.
“Teka bro, hindi ba parang nakakabastos naman ang basta nalang kaming talikuran? At tsaka ano bang pake mo kung kinakausap ko ang kaibigan mo? Hindi naman ikaw ang kinakausap namin ah?” saad naman bigla ni Damian.
Sumama ang tingin bigla ni Lucas nang marinig iyon sa kaaway niyang si Damian, at biglang lumingon muli sa kaniya.
“Oh? Bakit ang sama ng tingin mo? Hindi ba parang ikaw ang may masama ang ugali dito?” saad muli ni Damian.
Nang biglang tinulak ni Lucas ng malakas si Damian, “Anong sabi mo? Hindi ka ba titigil?” tanong niyang seryoso habang galit na galit si Lucas.
Nang bumagsak si Damian sa pag-kakatulak ni Lucas ay bigla itong nakabangon at sinubukang suntukin at kalabanin si Lucas nang biglang pinigilan ito ng kaniyang mga kaibigan.
“Bro bro wag dito, maraming estudyante,” pabulong ni raver sa kaniya.
Kaya’t sa mga oras na iyon ay hindi na muling pinatulan ni Damian si Lucas, at umalis na sa harapan namin.
Hinawakan ko si Lucas at dahan-dahang pinapakalma dahil alam ko kung gaano siya kagalit kay Damian.
“Kalma na Lucas, kalma na, hindi makakatulong sayo yan,” saad ko naman kay Lucas nang umalis si Damian sa harapan namin.
Tumingin siya sa akin, “Wag na wag ka muling makikipag-usap sa hayop na iyon, I don’t trust him lalo na ang mga galawan at salita niya, pwede ba yun?” pahayag niya sa akin.
Tumango nalang ako at pumayag sa kaniyang kagustuhan, kaya’t nang matapos iyon ay inaya ko na siyang umalis sa paaralan.
“Pasensya ka na Lucas kung kinausap ko pa yun, nabigla lang din kami na pag-kaalis na pag-kaalis mo ay nasa likuran na namin siya,” saad ko naman sa kaniya.
Napatingin din si Jessica kay Lucas, “Oo nga Lucas, hindi ko nga sana hahayaan si Luna na makipag-usap doon kaso kinulit kasi ng lalaking yun si Luna,” pahayag naman ni Jessica.
“Matanong ko lang bro, sino ba ang mga lalaking yun at bakit galit na galit ka sa kanila ganoon din sila? Ano bang pinag-talo niyo?” tanong naman ni Jeremy nang mapaisip kung anon ga bang nangyari sa kanilang dalawa ni Damian.
Nang marinig naman iyon ni Jessica ay bigla nitong siniko si Jeremy sa kaniyang tiyan,
“Ano ba, masyado nang private yan,” pabulong ni Jessica.
“Hayaan mo na Jess, pero sorry Jeremy hindi ko masasabi. Siguro sa oras na ito, at sa panahon na ito sa amin na lang muna yun,” saad naman agad ni Lucas nang marinig si Jessica na binulungan si Jeremy.
Humiwalay na sa amin si Jeremy habang si Lucas ay kasama pa rin namin. At dahil sabi niya ay hindi naman ganoon kalayuan ang amin sa kanila, ay sumabay na rin siya sa amin sa pag-sakay ng jeep at inihatid parin kami sa aming dorm.
Nang makarating kami sa dorm ay nag-pasalamat ako sa kaniya,
“Salamat lucas,” pahayag ko
“Wala yun, sana sa susunod hindi mo na kausapin yun. Kung anong pag-kakakilala mo sa akin, ganoon din siya,” saad ko naman sa kaniya.
Nagulat ako nang sabihin niya iyon sa akin, kaya’t tumango na lang ako sa sinabi niya. Noong sinabi niya iyon ay nauna nang pumasok si Jessica kaya’t hindi na niya narinig ang sinabi ni Luca sa akin.
Lucas point of view
Nag-lalakad na ako pauwi sa amin, hindi ko alam kung gaano kasama ang loob ko kay Damian. Nang dahil sa ini-isa isa niya ang mga tao sa paligid ko ay nakikita ko na ang kaniyang mga plano.
Nang papalapit na ako sa amin ay napansin ko na nasa labas na naman ang akin ama kausap ang tatay ni Charles. Doon pa lang ay napaisip na ako sa anong posible nilang pinag-uusapan, o baka yun na naman.
Nang biglang napalingon sa akin ang aking ama, na kinawayan ako kasabay ang kaniyang pag-tawag.
“Anak! Lucas!”
At dahil alam kong may sama parin ako ng loob sa kanila ay hindi ko pinansin ang kaniyang pag-bati sa akin.
Nag-deretso ako papasok ng bahay namin at agad na nag-tungo sa aking kwarto kahit pa nakita ko rin ang aking nanay na nasa lamesa. Napansin ko siyang napatingin sa akin, ngunit hindi na ako muling tumingin sa kaniya.
Nang mahiga ako ay tumingin ako sa aking balat, “Bakit ganito? Hindi naman ako ganito kaputi dati ah?” pahayag ko sa aking isip.
Napansin ko ang aking kulay ay papalayo na unti-unti sa kulay ko dati. “Ito na kaya ang senyales ng pagiging isang bampira?” pag-tataka ko muli sa aking sarili.
Naisipan kong tumayo at humarap sa aking malaking salamin upang tingnan din ang aking mata at ngipin. Nagulat ako nang makita ko ring nag-iiba iba na ang kulay nito at ganoon din ang haba ng aking pangil pag nagagalit.
“Hindi pa ito ang tamang panahon,” saad ko muli.