Matapos ng aming pag-uusap nina Jessica at Jeremy ay umuwi na kami ni Jessica sa dorm at umuwi narin si Jeremy.
Lucas’s point of view
Nakauwi na ako sa amin nang makita ko si Charles na nasa bahay namin, nasa sala siya at hinihintay niya ako na makarating.
“Lucas!” pag-tawag niya sa akin,
Napatingin naman ako nang marinig ko ang pangalan ko.
“Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko naman sa kaniya.
At dahil wala naman akong gagawin kapag nag-punta ako sa kwarto ko ay napag-desisyonan ko tumambay na lamang ako sa sala kasama ni Charles.
“Hindi naman Bro, wala kasi akong gagawin sa bahay kaya napagdesisyonan ko na lamang na dito pumunta at abangan ka,” tugon naman sa akin ni Charles.
“Guess what? Nasa school na pala natin si Elise, did you know that?” saad ko naman sa kaniya.
Napatingin sa akin si Charles at nagulat naman sa aking sinabi.
“Eh?! Paano? Parang nitong isang araw ang saya pa niya noong nakita ko sa tapat ng school nila tapos— hindi kaya dahil masaya siya is dahil lilipat na siay noon?! Kasi noong nakita niya rin ako kumaway siya, eh hindi naman niya yung ginagawa sa akin kung hindi lang ang snobin ako,” pahayag naman sa akin ni Charles.
“Siguro nga. Ang masama pa nito, nag-sisimula na siyang mag-labas ng kaniyang ugali sa school natin. She bullied some students doon alam mo ba yun?” saad ko naman sa kaniya
“Grabe naman pala si Elise, eh paano yun? For sure kukulitin ka noon,” tanong nniya muli sa akin.
“Ano pa nga ba? Grabe nga ang ginawa niya sa kasama ko kanina eh, imagine pinahiya niya doon sa hallway buti na lang nakita ko. At kung hind ko sila nakita at halos magsabunutan na talaga sila,” pahayag ko naman sa kaniya.
“Grabe naman si Eli—” putol na pag-kakasabi ni Charles nang makita na dumating na ang akin ama.
“M-magandang hapon po,” pag-bati ni Charles nang makita ang aking ama.
Napalingon naman ako sa aking ama, “Hi dad,” pag-bati ko naman sa aking ama.
“Kanina pa ba kayo diyan?” tanong naman sa amin ng aking ama.
“Ah no dad, kararating lang din namin from school. Kayo dad? Saan ba kayo galing at mukhang pagod na pagod kayo? May nangyari ba?” tanong ko sa aking ama nang mapansin ko na madumi ang kaniyang damit.
“Meron, pero hayaan niyo na. I’m fine,” tugon naman sa amin ng aking ama.
At dahil nag-alala ako sa aking ama, ay biglang pumasok sa isip ko ang akin ina.
“Nasaan naman si mom? Hindi mo ba siya kasama?” tanong ko namang muli sa aking ama.
“Nakay na Charles, may kausap,” tugon naman niya sa akin.
Iimik pa lang akong muli nang biglang inunahan ako ng aking ama,
“I need to go, kailangan ko nang maglinis ng katawan. Charles, diyan ka nalang muna habang nag-uusap-usap sila doon. Just be with Lucas for a while okay?” pahayag naman sa amin ng aking ama.
“Yes tito,” tugon naman ni Charles sa aking ama.
Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano, kaya nang nakataas na si dad ay napag-isipan kong yayain si Charles at umalis muna pansamantala.
“Charles, tara,” pahayag ko naman kay Charles nang pabulong.
“Saan? Hindi ba sabi ng tatay mo dito lang muna tayo?” pabulong naman sa akin ni Charles ng pabulong rin.
“Hindi yan, papakinggang lang natin sila kung anong pinag-uusapan nila. Paano kung may nangyayari na tapos hindi pa natin alam? Karapatan din nating tulungan sila,” saad ko naman sa kaniya.
“May punto ka, pero hindi ba tayo mapapagalitan kapag pumunta doon ang tatay mo?” tanong naman niay sa akin na kinakabahan dahil natatakot siya sa aking ama.
“Hindi yan, may kapatan tayo na malaman lalo na at magulang natin sila. Anak tayo okay? We need to help them and protect them, anong edad na natin? Siguro pwede naman na, wala ng mali doon,” pahayag ko naman
“Sige nan ga, tara na nga. Doon tayo dumaan sa likod para hindi tayo mapansin,” pahayag naman niya sa akin ng sumang-ayon siya sa aking gusto.
Tumayo kami at nag-tungo kami sa bahay nina Charles, ngunit doon kami dumaan sa likod ng bahay nila. At habang patungo kami doon ay unti-unti na namin na naririnig ang pag-uusap ng magulang ko at ng magulang ni Charles.
At nang sumilip ako sa bintana nina Charles, ay nagulat ako nang marinig ko ang kanilang sinabi na nag-sisimula nang kalabanin ng kabilang angkan ng mga lobo ang tatay ko.
Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang marinig ko iyon, nanghina ang aking loob at tumingin ako kay Charles.
“Ano? Ano ba sabi? Hindi ko kasi marinig ng ayos eh, pero bakit parang hindi okay magsalita ang mama mo?” tanong naman sa akin ni Charles.
“Nag-sisimula na pala ang gulo tapos hindi ko pa alam? Paano kung tulungan ko na lang sila at hindi na ako pumasok sa school? Anong silbi ko pa kung hindi ako tutulong sa kanila?” saad naman ko naman sa kaniya.
“Huh?! So ibig sabihin, nag-kakagulo na tapos wala parin tayong alam na ganon?! Mas pipiliin ko pa din na tumigil sa pag-aaral kaysa naman hayaan silang mawala sa atin,” pahayag naman niya sa akin.
Umalis ako at nag-tungo ako sa loob kung saan nandoon sina mom at nanay ni Charles.
“Mom? Ano yung narinig ko?” tanong ko sa nanay ko.
Nagulat naman sila nang makiat nila akong nakatayo na sa may pintuan at dahan-dahang lumingon sa akin. Nagulat din ang nanay ni Charles na kasama ko siya.
“A-anak,” pahayag ng nanay ni Charles.
“Bakit hindi niyo sinasabi sa amin na may nangyayari na pala? ano? Dahil gusto niyo kayo lang? alam niyong hindi namin gusto na kayo lang ang lumalaban sa mga iyon, bakit kailangan niyong solohin ang problema ng dalawang angkan? Bakit hindi niyo kami hayaan na samahan kayo sa laban niyo? Alam niyo ba kung gaano o anong epekto nito sa amin na mga anak niyo? Kailangan bang isikreto? Mom? Tita?” saad ko naman sa kanila.
“H-hindi naman sa ganoon anak—” putol na pag-kakasabi ng aking ina.
“Pero bakit ganoon mom? Akala ko ba mag-kakampi tayo sa kahit saan? Pero bakit kapag labanan na, ako yung iniiwan niyo? Kung isusugal niyo ang buhay niyo, isusugal ko rin ang akin. Paano kung mawala kayo? Sino nang kasama ko? Iiwan niyo na lang ako ng mag-isa dito sa bayan natin?” saad ko naman sa aking ina habang nag-kakaroon na ako ng sama ng loob sa kanila ng tatay ko.
At dahil sa sama ng loob ko ay hindi ko na hinintay na sumagot ang ina ko sa mga sinabi ko, at iniwan ko na lamang sila sa bahay nina Charles at umalis.
“Ma, mali to,” saad naman ni Charles sa kaniyang ina. At sumunod sa akin.
Habang nag-lalakad kami ni Charles, ay tinanong niya ako.
“Pasaan ka Lucas?” tanong niya sa akin.
“Kahit saan! Hindi ko alam kung paano ko aalisin ang sama ng loob ko sa kanila!” tugon ko naman sa kaniya.
“Sama ako!” saad naman niya sa akin,
“Tara, uminom tayo,” pahayag ko sa kaibigan kong si Charles.
Mag-kasama kami ni Charles na umalis sa bahay namin.
Gregory’s point of view
Nang palabas ako sa palasyo ay nakita ko ang aking anak at si Charles na lumabas ng kanilang bahay.
At dahil sa takot na baka nalaman ng aking anak ay agad akong pumunta sa bahay nina Marites ang nanay ni Charles. Nang kumatok ako at makapasok sa bahay nila ay agad kong tinanong ang asawa ko at si marites.
“Pasaan sina Lucas at Charles? Anong nangyari?” tanong ko agad sa kanila habang nag-aalala sa aking anak.
Hindi nakaimik ang aking asawa ganoon din sina Marites. Doon pa lang ay kinutuban na ako sa nangyari at biglang nadismaya.
“Nalaman niya, anong sabi niya?” tanong ko muli sa aking asawa.
“Bakit daw hindi natin sinabi, hindi namin alam ni Marites na naririnig na nila ang aming pinag-uusapan. Bigla na lang silang pumasok dito sa loob,” saad naman sa akin ng asawa ko.
“Masama ang loob niya sa atin,” pahayag ko naman sa kanya
“Oo, hindi na ako nakaimik sa mga sinabi niya kasi lahat ng sinabi niya yun ang mga sinabi mo sa akin. Ayaw niyang mawala tayo dad, hindi mo ba iniisip kung anong kalalabasan nito at kung anong mangyayari sa anak natin? Hindi ko alam kung papayag pa ako sa sitwasyon nating ganito,” saad naman sa akin ng asawa ko.
Hindi ako nakaimik sa sinabi ng aking asawa, kahit ako ay napaisip sa sinabi niya na naggaling na pala mismo sa anak ko ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, dahil ang alam ko lang ay para sa anak ko ang ginagawa namin.
Lucas point of view
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil bukod sa sakit at nararamdaman ko ang sama ng loob na bumubuo.