Luna’s point of view
Tanghali na nang magising ako habang si Jessica naman ay katabi ko at mahimbing parin na natutulog. At dahil tulog pa siya ay hinayaan ko na muna itong matulog at bumangon na ako. Naisipan kong lumabas na ng kwarto at pag-labas ko ng kwarto ay nakita ko ang dalawa na natutulog narin sa sofa.
Wala akong maisip na pwedeng gawin kung hindi ang pumunta sa kusina ni Jeremy at tingnan ang kaniyang ref kung may pag-kain ba siya doon na pwedeng lutuin para sa tanghalian. Ngunit nang pag-bukas ko ay nagulat ako na walang laman ito nang biglang may nag-salita sa likuran ko.
“Walang laman yan Luna, hindi ako nag-sstock sa ref kung hindi snacks lang. Mas prefer ko nalang kasi kumain sa labas kaysa mag-luto pa dito, hintayin mo ako dyan at oorder na ako ng pag-kain,” pahayag ni Jeremy sa akin.
Nang sabihin niya iyon ay napalingon ako at sinundan na lamang siya sa sala kung saan ay naupo siya doon at gumamit ng kaniyang cellphone para mag-order ng pag-kain.
“Okay na, naka-order na ako,” pahayag niyang muli sa akin,
“Bakit hindi ka nag-sstock? Sayang kaya ang budget mo kung palagi kang na-order,” saad ko naman sa kaniya.
“Eh wala eh, ayoko rin kasing nag-luluto tapos may papasok bigla sa isip ko hanggang sa mawawalan na ako ng gana, mag-ooverthink ganon, gets mo ba ako?” tugon naman niya kaagad sa akin.
Napabuntong-hininga naman ako sa kaniyang sinabi at naupo narin, “Oo nga naman, may point ka,” saad ko naman sa kaniya
“Kanina ka pa ba gising? Sana ginising mo rin ako, haha,” pahayag naman niya
“Kagigising ko lang din, sinubukan ko lang tingnan ang ref mo kung may maluluto baa ko para hindi ka n asana umorder kaso ayun—” saad ko namang muli sa kaniya, at nang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ay biglang nagising na si Jessica.
“Kanina pa ba kayo gising? Bakit hindi mo ako ginising Luna, nakakahiya tuloy,” saad naman niya habang nahikab-hikab pa.
“Eh ang sarap kaya ng tulog mo,” tugon ko naman sa kaniya.
“Gutom na kayo for sure, let’s wait na lang for a while sa foods,” pahayag naman ni Jeremy sa amin ni Jessica.
At napatingin naman si Jessica kay Jeremy, “Ano ka ba Jeremy, makakapag-hintay naman kami, hindi mo kami kailangang isipin, tsaka wag kang mag-alala next time pag-lulutuan ka namin ni Luna,” pahayag naman niya
Napatingin ako sa sinabi ni Jessica, “Kailan ka ba nag-luto Jess?” tanong ko agad sa kaniya ng pabiro.
Nang bigla naman niya akong sinamaan ng tingin at nag-tungo na muna sa banyo. At ilang minute ay biglang dumating na ang aming pag-kain na inorder ni Jeremy at saktong labas naman ni Jessica sa banyo.
Nang makuha ni Jeremy ang pag-kain sa pinto ay agad niyang iniligay iyon sa lamesa, habang kami naman ni Jessica ay nag-handa ng mga plato ganoon din ang tubig at baso. Habang inaayos namin ang mga kakainin ay bigla naring nagising si Lucas.
“Gising ka na pala Lucas, tara na kumain,” pahayag bigla ni Jeremy at napatingin naman kami kay Lucas.
Tumango naman siya agad at hindi muna nakapag-salita dahil sa kaantukan. Nag-tungo muna siya sa banyo upang mag-hilamos. Bago kami kumain ay hinintay narin muna namin siya at nang makalabas siya sa banyo ay naupo narin.
“Ito namang mga ito, hindi man lang ako ginising eh mukhang kanina pa kayo gising,” pahayag ni Lucas sa amin.
“Bro, sa sarap ng tulog mo. Nakakahiya naman kung gigisingin ka namin agad, at tsaka kagigising lang din kani-kanina ni Jessica kaya okay lang naman,” saad naman ni Jeremy kay Lucas.
“Hay nakoo,” tugon naman ni Lucas
At nang matapos iyon ay nag-aya na si Jeremy na kumain, “Tara na kumain para naman makagala pa tayo after nito, and I’m sure gutom na din kayo haha, kaya let’s go!” pahayag niya
Natawa naman kami sa kaniyang sinabi at agad narin naming hinawakan ang aming mga kutsara at tinidor at kumain na ng sabay-sabay.
Gregory’s point of view
Mag-sasalo salo na kami ng asawa ko para sa tanghalian at bigla namang pumasok sa isip ko ang aking anak na si Lucas. Nang makaupo ang aking asawa ay agad ko siyang tinanong tungkol kay Lucas,
“Ma, ano ba ang sa tingin mo? Sa tingin mo ba we should let Lucas na makasama sa ginagawa natin? I don’t think he’s ready about doon,” tanong ko sa kaniya.
“Ikaw ba? Ano ba sa tingin mo? How he could be ready if wala naman siyang nalalaman about sa ginagawa natin o kung ano ba ang mga problema? At tsaka paano natin makikita ang lakas ni Lucas kung never pa rin naman nating siyang nakita na may kalaban,” saad naman niya sa akin.
“Ma, ang inaalala ko lang naman ay ang kalagayan niya. Ang haba pa ng oras niya to live and enjoy life. I know ganito tayo, pero look he’s too young,” saad ko naman sa aking asawa.
“Alam mo dad, hayaan mo na lang muna si Lucas. If ready na talaga siya mag-sasabi naman siya sa atin eh, pero kung sasabihin mo na he’s too young nga eh di saka nalang, It takes time,” pahayag niya namang muli sa akin.
Doon sa sinabi ng aking asawa ay ako ay nag-patuloy na sa aming pag-kain ngunit hindi ko maiwasang isipin ang kaniyang sinabi sa akin tungkol kay Lucas. Doon ay napag-tanto ko na may karapatan nga siya ngunit hindi ganoon kadaling makita bilang isang ama na sasali siya sa aming samahan habang buhay ang nakasalalay.
Luna’s point of view
Natapos na kami sa aming tanghalian at sobra kaming nabusog dahil sa malasa at masarap na pag-kain na binili ni Jeremy.
“Salamat Jeremy ah, sobrang nabusog kami sa binili mo,” pahayag ko naman sa kaniya
“Naku wala yun, hindi niyo alam kung gaano niyo ako napapasaya kapag may kasabay akong kumain lalo na sa mga oras na ito,” saad naman niya sa akin.
“Papasok pa ba tayo pag-katapos nito?” tanong naman bigla ni Jessica sa amin.
Napatingin naman kami sa kaniya, “Ang tanong gusto mo bang pumasok ngayon?” pahayag ko naman sa kaniya.
Natawa sina Lucas at Jeremy sa sinabi ko at ganoon naman din si Jessica, “Hindi, papasok ka pa ng half-day eh hindi naman masaya yun,” tugon naman niya sa akin.
“Yun naman pala eh, so saan niyo ba gusto pumunta after?” tanong naman bigla ni Jeremy sa amin nian Jessica at Lucas.
At dahil nakaramdam kami ng excitement sa tanong niya ay bigla namang sumagot si Lucas, “Bro wag mo na kami tanungin, kung saan ka doon na rin kami!”
Napangiti naman ako sa sinabi ni Lucas kay Jeremy, “Oo nga!” saad din naman ni Jessica sa sinabi nito.
“Okay tar ana kumilos, at bago yun tulungan niyo muna ako mag-ligpit hahaha,” pabiro namang pag-kakasabi ni Jeremy sa amin
“Osige ba!” tugon naman namin.
Elise’s point of view
Hindi ko nakita ngayong araw sina Lucas at Jeremy at may kutob ako na mag-kasama sila ngayon. Patungo na ako sa classroom sana namin ng biglang nadaanan ako ng mga kaibigan ko.
“Elise! Hindi ka na namin nakasabay kumain,” pahayag naman ni Sofia
“Oo nga eh, pero okay lang yun. Wala eh, ganito kapag busy na at maraming priority,” tugon ko naman sa kaniya.
“About ng apala sa priority, bakit mukhang hindi ko ata nakita ngayon si Lucas with his friend?” tanong naman niya sa akin.
Doon sa tanong niya ay bigla naman akong nagulat dahil kahit ako ay hindi ko alam kung nasaan si Lucas.
“Hindi ko alam, hind sula pumasok sa klase,” tugon ko naman.
“Ay, sorry, sige una na kami. Kita-kits nalang mamaya pag-labas,” pag-papaalam nina Sofia sa akin.
Nang makaalis sila at pag-lingon ko sa likod ko ay nagulat ako na nandoon si Damian.
“Hi Elise, iniiwasan mo ba ako?” pag-bati niya sa akin na may kasamang tanong.
Nagulat muli ako sa itinanong sa akin, at hindi ko naman agad iyon nasagot dahil si Damian na ang kaharap ko. Kaya’t sinubukan kong tumakas sa kaniya ngunit hinawakan niya ang aking braso.
“Oh, wag mo naman ako takasan Elise. Hindi pa tayo tapos mag-usap at marami pa tayong pag-uusapan,” saad naman niya muli sa akin.
Doon sa sinabi niya ay bigla akong napalingon at sinubukan namang sagutin ang kaniyang sinabi.
“Wala na tayong dapat pag-usapan Damian, at kung ano man ang inisip mo tungkol sa atin nitong mga nakaraan, isipin mo na lang na nangyari yun dahil wala namang namamagitan sa ating dalawa,” saad ko naman sa kaniya.
Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa aking braso, “Hindi mo alam kung ano yang mga sinasabi mo Elise,” pabulong niya sa akin.
Nang marinig ko iyon ay hinawakan ko ang kaniyang kamay at malakas kong inalis sap ag-kakahawak sa aking braso, “Alam ko ang sinasabi ko Damian, at kung minamasama mo yun, sorry hindi ko na kasalanan yun,” tugon ko naman sa kaniya.
Tinalikuran ko siya na parang walang nangyari, ngunit nang pag-talikod ko ay nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko alam kung anong kaba ang nararamdaman ko kapag kaharap ko si Damian dahil kapag kaharap ko siya ay nakikita ko na kaya niya akong patayin hanggat gusto niya.