Chapter 9

1595 Words
Ala-singko na ng hapon na nandoon sina Damian sa isang tambayan malapit sa school kasama ang kaniyang mga kaibigan at masayang nag-kekwentuhan. Damian’s point of view “Yun oh! Chix Damian! Baka siya na talaga ang para sayo! Hahahaha!” Pabiro sa akin ng kaibigan kong si Alexis nang makakita ng isang gupo ng mga babae na nag-lalakad galing paaralan. “Baliw ka! Mas gusto ko pa silang kainin kaysa jowain, mukha bang kajowa-jowa yan?” saad ko naman sa mga kaibigan ko ng biruin ako ng mga ito. Nang biglang nag-iba ang usapan ng si Javier naman ang umimik at lumapit din ito sa akin. “Bro, ano na nga palang balak mo kay Lucas? Parang nananahimik ka ata ngayon ah? anong plano natin diyan boss?” tanong naman sa akin ni Javier. Nang marinig ko iyon mula kay Javier ay hindi ako agad nakasagot, nag-iba lamang ang aking awra dahil kapag naririnig ko ang pangalan ni Lucas ay nagagalit ako ng sobra. At mukhang napansin naman iyon ni Javier. “S-sorry Damian ah, wag mo na pansinin ang sinabi ni Javier—” pahayag naman ni Alexis nang mapansin niya akong hindi na muling umimik nang itanong sa akin iyon ni Javier. Lumapit naman sa akin si Javier, inakbayan at humingi ng pasensya. “Pasensya na bro ah—” saad naman si Javier. Tumingin naman ako sa aking kaibigan at pinilit kong ngumiti. “Okay lang bro, sa tanong mong yun hindi ko pa alam kung anong plano ko pero ang balak ko ay ang tapusin siya,” tugon ko naman sa sa sinabi ni Javier. Nang sabihin ko iyon ay naging interasado naman si Alexis kaya’t lumapit pa lalo ito sa akin. Nakinig ang dalawa kong kasama sa mga gusto kong gawin kay Lucas, ilang taon na din ang lumipas ng madamay sa gulo ang aking panganay na kapatid. Noong mga araw na iyon, mag-kalaban ang panig nina Lucas at ang panig naming kaya’t sa hindi inaasahang pag-kakataon ay namatay ang aking kuya na si Fabio. At dahil wala akong alama sa pag-kakakilala ng dalawang panig ay sobra akong nagalit nang malaman kong wala na ang aking kuya Fabio. At doon, doon nag-simula ang aking pag-babago. “Papatayin ko si Lucas kahit anong mangyari, kahit ikamatay ko pa basta’t mabigyan ko ng hustisya ang aking kapatid,” pahayag ko naman sa mga kaibigan ko nang matapos ang aming usapan tungkol kay Lucas. Luna’s point of view Hindi pa naming hapunan ngunit nabusog na kami ni Jessica sa aming mineryenda. “Busog na busog ka ah, haha!” pahayag naman sa akin ni Jessica Napatingin naman ako kay Jessica nang sabihin iyon sa akin, “Oo! Sobra! Tingnan mo mamaya sila mag-hahapunan na, tayo hindi pa makakakain dahil sa kinain nating miryenda! Kasalanan mo ito Jess!” pabiro ko naman sa aking kasama na si Jessica. “Oh bakit naman ako?! Ikaw kaya ‘tong nag-aya! – at nag-luto! So kasalanan mo Sis!” pahayag naman muli sa akin ni Jessica. At nang marinig namin ang mga boses ng kasamahan naming sa dorm ay agad naming niligpitan ang aming kinainan upang hindi na nila makita ang aming kalat dahil mag-sisimula na silang mag-handa para sa hapunan. “Bilisan mo nandiyan na sila!” pabulong ni Jessica sa akin “Kaya nga!” tugon ko naman pabulong kay Jessica Habang nag-lilipit ng aming kalat ay hindi pa nauubos ni Jessica ang kaniyang tinapay nang biglang dumatin na ang iba naming kasamahan sa dorm. “Kayong dalawa na naman?! Panigurado hindi na naman kayo kakain noh, kasi---” pahayag bigla ni Antonette “NAKAKAIN NA ANG DALAWA NG MIRYENDA!” sabay-sabay na sinabi ng mga kasamahan namin sa dorm. At nang marinig naming iyon ay sabay-sabay kaming nag-tawanan. “Pumasok na kayo sa kwarto niyong dalawa! Kami na ang mag-liligpit niyan, gagamitin din namin ang ibang mga plato, kami na ang mag-lilinis,” saad naman muli ni Antonette. “Thank you po!” pahayag naman naming ni Jessica sa mga kasamahan namin at agad na tumakbo patungo sa kwarto. Masaya kaming pumasok ni Jessica sa aming kwarto at muling nag-tawanan dahil sa mga sinabi ng ka-dorm namin sa amin. “Akalain mo yun? Sasabihin nila yun ng sabay-sabay?” pahayag naman ni Jessica “Kaya nga hahaha! Wala eh, kilala na nila tayo,” tugon ko naman sa kasama kong si Jessica. Nang biglang nag-ring ang cellphone na ibinigay ni Lucas sa akin, at narinig naman agad iyon ni Jessica. “Sis! Sayo bay un? Nagriring oh,” pahayag naman sa akin ni Jessica. At nang lumingon ako sa lugar kung saan nandoon ang cellphone ay napansin ko iyon na nailaw at natunog, kaya agad kong pinuntahan iyon. Nag-taka ako kung sinong tumatawag dahil numero lang ang nakalagay, kaya’t nag-dalawang isip ako na sagutin. Pero hindi nag-tagal ay sinagot ko na lamang. Nang sinagot ko ang tawag at hindi pa ako nakakaimik ay biglang may umimik na lalaki na kakaiba ang boses na tila ba ay nakakatakot. “Hindi ko hahayaang mabuhay ka sa mundo Lucas—” pahayag ng isang lalaki na numero lang ang nakalagay sa cellphone. At nang dahil sa takot ko ay agad kong pinatay ang cellphone at bigla kong natandaan ang sinabi ni Lucas na may numero siya dito sa cellphone kaya’t imposible talaga na siya iyon. Nang dahil sa takot ay agad kong hinanap ang numero ni Lucas sa contacts. “Sis? Okay ka lang ba? May problem aba? Sinong tumawag sayo?” tanong naman sa akin ni Jessica nang mapansin niya akong hindi okay at parang takot na takot. Hindi ako sumagot sa kaniyang tanong at hindi ko parin tinigil na hanapin ang numero ni Lucas. Nang makita ko na ay agad ko siyang tinawagan para sabihin ang kaniyang narinig nang may tumawag sa kaniyang numero sa gamit niyang cellphone. Noong unang beses ko siyang tinawagan ay hindi niya sinasagot ang tawag ngunit hindi ko siya tinantanan dahil buhay niya ang pinag-uusapan sa narinig ko. At nang makatawag ako muli ay doon niya nasagot ang tawag “Luna? Bakit?” tanong niya kaagad sa akin ng sagutan niya ang tawag. “M-may—” putol-putol kong pag-kakasabi sa kaniya. “May ano? Sabihin mo,” saad naman niya sa akin “May tumawag Lucas dito sa number mo, akala ko ikaw kaya ko sinagot,” tugon ko naman kay Lucas. “Anong sabi?” seryoso niya biglang pag-kakatanong sa akin. Doon palang sa tanong niyang seryoso ay doon ako medyo natakot sa kaniya, hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang narinig ko sa telepono o hindi dahil baka kung anong gawin niya. “Sabihin mo Luna,” saad muli niya saakin nang mapansin niyang hindi ako makaimik. “Hindi ka raw niya hahayaan na mabuhay sa mundo Lucas,” takot na takot kong pag-kakasabi sa kaniya kaya’t agad ko itong dinugtungan. “Sino ba kasi yun Lucas? Bakit may nag-tatakang pumatay sayo?” pabulong kong tanong kay Lucas. “Wag mo na tanungin, and kapag may tumawag ulit. Wag mong sagutin, I don’t even know kung sino ang mga tao na yan, pero alam kung kung sino ang nasa likod niyan,” saad naman ni Lucas sa akin. “Pero paano naman ako Lucas? Hindi ba nila ako sasaktan? O pag-paplanuhan? Paano kung may nakakakita sa atin na mag-kasama tayo? Hindi baa ko madadamay dyan sa gulo niyo? Lucas ayaw ko pa mamatay,” pahayag ko naman kay Lucas. “Hindi ka mamamatay,” tugon nmaan niya. Nagulat ako nang bigla na lamang namatay ang tawag namin ni Lucas. Ngunit bigla muling tumunog ang cellphone ngunit hindi na iyon isang tawag, kundi nag-send sa akin ng mensahe si Lucas. “Wag mo hahayaang bukay ang bintana niyo, kung kinakailangan sarhan ang kurtina sarhan mo. Hindi natin masasabi ang mga nasa paligid ngayon, maging maingat kayo ni Jessica, kahit anong mangyari. Kilala ko ang mga iyon, hindi iyon tumitigil mag-libot sa gabi,” pahayag ni Lucas sa mensahe niya sa akin. Hindi ko na naisipang mag-reply sa kaniya dahil sa takot na nararamdaman ko, ngunit dahil nga sa takot ay agad kong sinunod ang sinabi niya na sarhan ang mga bintana para sa ikaliligtas naming ni Jessica. Habang sinasarhan ko ang bintana ay agad akong tinanong ni Jessica, “Bakit mo sinasarahang ang mga bintana? Tsaka mga kurtina?” Napalingon naman ako sa kaibigan ko dahil sa pag-kakatanong niya, “Mahirap na kasi, naalala ko lang ang mga nag-gagala sa ating lugar na nangangain ng tao. Mas maganda na safe tayo sis kesa sa hindi hindi ba?” saad ko naman sa kaniya. Hindi naman na niya akong muling tinanong kung bakit ginagawa ko yun, at nang masarhan ko na ang lahat ay agad akong humiga sa aking higaan at nag-isip-isip sa sitwasyon ni Lucas ngayon. Lucas point of view Nag-lilibot libot ako sa aking kwarto, nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Luna ay bigla akong napaisip na baka madamay siya sa sitwasyon ko. Nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, “Lucas? Lucas? Si Charles to, tayo mag-usap tol,” pahayag ni Charles habang kumakatok sa pintuan ko. Kaya’t agad akong tumungo sa pintuan at pinag-buksan si Charles. “Anong kailangan mo?” tanong ko naman kaagad sa kaniya. “Pasensya na tol kanina, hindi ko naman kasi maiiwasan tatay mo eh. Alam mo naman yun di ba? Kailangan ko talagang sundin ang mga utos niya dahil kayo lang din ang tumutulong sa aming mabuhay,” saad naman sa akin ni Charles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD