Agad naman kaming nagkatinginan ni Jessica. Sino naman kasi ang mag-aakala na mismong si Sir Pedronio pa ang magbubukas ng ganyang topic dito sa room namin.
Nagsitawanan naman ang iba kong mga kaklase sabay bigla hampas ni Sir ng table kaya natahimik ang lahat.
“Listen, werewolves are roaming around the campus just like normal students. They became a shifter once they turn 18 and they’re much more aggressive during that time. This information is confidential but I must tell you. Yesterday, my sister got bitten by a lone werewolf,” ani pa ni Sir kaya mas lalo kaming nagulantang.
Hindi namin alam kung maniniwala ba kami ngayon sa mga sinasabi ni Sir o nagbibiro lang siya. Kahit na medyo naniniwala ako sa mga ganyang bagay ay sa ngayong sinabi ‘yon ni Sir ay mahirap na talagang paniwalaan ang lahat.
“That’s odd Sir,” mahinang sambit ni Ashley.
“I gotta go,” pahayag ni Sir sabay labas ng dali-dali sa room namin.
Nang tuluyan na siyang makalabas ay nagsitawanan naman ang mga kaklase ko.
“Nabuang na nga talaga si Sir!” sambit naman ni Dave.
“Dinig ko nga ay naghihithit daw ‘yon, baka side effects na ng pagka-adik niya,” wika pa ni Christian.
Napa-iling nalang ako sa napatingin kay Jessia. “Sa tingin mo ba totoo ang mga sinabi ni Sir, Jess?” tanong ko naman sa kaniya.
Napa-iling naman siya sa akin. “Ayokong maniwala kay Sir Luna. Alam mo naman siguro kung ano ang mga past connections niya with drugs, hindi ba?”
“Alleged lang naman ‘yon sa kaniya atsaka hindi naman siguro siya makakapagturo sa malaking eskwelahan na ‘to kung totoo, ‘di ba?” tanong ko pa sa kaniya.
Nagkibit-balikat nalang sa akin si Jessica. Alam kong hindi naman kasi talaga naniniwala sa ganitong bagay si Jessica dahil alam ko ang paniniwala niya sa buhay. She’s more into science and explanations rather than physical attributes ng mundo.
Pagkatapos ng mahaba naming klase sa buong araw ay napag-isipan naming magpa-iwan dito sa Science building para gawin ang model ng cell. Kailangan narin kasi naming matapos ‘yon.
“Nasaan na si Andrea?” tanong ni Jeremy habang bitbit ang bilog na styrofoam.
“Papunta palang daw,” tugon naman sa kaniya ni Jessica.
Nasa akin naman ngayon ang acrylic paints” na gagamitin for the project pari narin ang mga malilit na brush. Ngayon nalang ulit ako nakahawak ng mga ganito.
I love painting pero hindi ko naman magawa palagi dahil narin sa iba ko pang priorities. Saka na kapag naka-graduate na ako at nakahanap ng magandang trabaho.
“Ayan na siya oh,” sambit ko naman nang mapadungaw ako sa labas ng room.
“Sorry guys, nagpaphotocopy pa ako ng notes ni Ashley kaya natagalan. So gawin na natin dahil malapit na ang gabi, kinakabahan na ako dahil sa sinabi ni Sir Pedronio kanina,” ani niya naman.
Medyo naging maayos narin kasi ngayon ako dahil sa lahat ng mga naging teacher namin ngayon araw ay sinabihan kaming huwag nalang pansinin si Sir Pedronio sa mga pinapakalat niya sa buong campus.
“A lot of teachers said that let us all forget what he told us. He’s not sanely thinking right now kaya hayaan nalang natin,” pahayag naman ni Jessica.
Inumpisahan na naming gawin ang model ng cell at wala pang isang oras ay patapos narin kami. Halos naman lahat sa grupo ay artistic except kay Jessica.
“Ipapasa na ba natin ‘to bukas?” tanong ko naman sa kanila.
“Yup. Sa Friday ang deadline pero mabuti na ‘tong earlier than the due date malay mo may plus points galing kay Ma’am,” wika naman ni Jessica.
Tinulungan ko na sila sa paggawa ng model ng cell hanggang sa makatapos na kami pasado alas-sais ng gabi.
“Yey! Sa wakas natapos narin,” wika ko naman sa kanila.
Dali-dali namang dinampot ni Jeremy ang kaniyang cellphone kaya nagulat kaming tatlo.
“Treat ko ang dinner natin ngayon tutal 10pm pa naman nag-cclose ang school premises,” wika niya naman kaya nagulat kami.
“Talaga?” ‘di makapaniwala kong sabi.
Alam ko naman na ginagawa niya ‘to ngayon just for Jessica. Natahimik nalang din si Jessica kaya nagtawanan kaming dalawa ni Andrea.
“Anong gusto niyo? Greenwich, Jollibee, Chowking?” tanong niya naman sa amin.
Nahihiya naman akong magsalita dahil alam kong libre niya lang naman ‘to samin. “Ikaw nalang ang bahala Jer,” ani ko pa.
Ngumiti nalang si Jeremy sa amin at ipinagpatuloy na ang pag order ng pagkain. “Food panda lang ako mag-oorder,” wika niya pa.
Ilang minuto naman kaming nakatunganga sa sarili naming mga cellphone nang biglang tumayo si Andrea.
“Guys! Truth or dare tayo tutal wala pa naman ang foods,” sambit naman ni Andrea sa amin.
“I’m in!” sagot ni Jeremy.
Hindi ko alam kung bakit sobrang jolly nila ngayon. Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Jessica at napakibit-balikat.
“Ay siya kayo ang bahala,” pahayag ko naman sa kanila.
Umikot na kaming apat at katabi ko namam si Andrea at Jeremy samantalang nasa harapan ko si Jess.
“Alam niyo ang B C Apple?” tanong sa amin ni Andrea.
Agad naman akong napatango dahil nilalaro namin ‘to nang mga bata kami sa probinsya. “Oo naman alam ko.”
“I don’t know that, pero it’s up to you,” sagot din naman ni Jessica.
“Siya kami na ni Luna ang magsasambit,” wika naman ni Andrea.
Inilatag na namin ang mga kamay namin sa isa’t-isa at hinawakan.
“B C Apple lemon juice, tell me the name of your sweetheart!”
Kay Jessica naman tumapat ang huling salita kaya napatingin kami sa kaniya.
“Ano na ngayon?” tanong niya naman sa amin.
“Choose a letter from A to Z,” wika ko.
Napa-isip naman si Jess. “Uhmm L,” pahayag niya pa.
Tumango naman kami ni Andrea at nag-umpisang magbilang ulit.
“A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L!”
Napatawa naman kami nang kay Jessica ulit tumigil ang letrang pinili niya.
“Wala kang kawala Jess,” pang-aasar ko naman sa kaniya.
“Truth or dare?” agad na tanong sa kaniya ni Andrea.
“Truth.”
Napatingin naman agad ako kay Jeremy na ngiting-ngiti ngayon na nakatitig kay Jessica. Nako nga, mukhang tinamaan talaga ‘to sa kaibigan ko.
“I’ll be the one to ask!” volunteer ni Jeremy sabay taas ng kamay niya.
“Okay go,” sagot sa kaniya ni Andrea.
Nakangiti naman humarap si Jeremy sa kaniya. “Do you like someone in our room? Who is it and why?” tanong niya kay Jessica kaya hindi ko alam kung magpipigil ba ako ng tawa o ano.
Napataas naman ang kilay ni Jessica. “All of the boys from our room are stupid, I don’t like anyone from our section,” sagot ni Jessica sabay ngiti.
Agad namang naalis ang mga ngiti sa mukha ni Jeremy kaya pigil na pigil kami ng tawa ni Andrea.
“Nag jojoke lang ‘yan si Jessica, Jer. Huwag mong dibdibin,” pahayag naman sa kaniya ni Andrea.
“Okay next! B C apple lemon juice, tell me the name of your sweatheart!”
Natapat naman kay Andrea ang huling salita.
“Letter G!” sambit niya.
“A, B, C, D, E, F, G!”
Nagulat naman ako nang ako na ang huling nakakuha ng letter. Napa-iling naman ako dahil hindi ko alam kung anong itatanong nila sa akin ngayon. Ngiting-ngiti naman ngayon sa akin si Jessica.
“Truth or dare?” tanong ni Andrea.
“Dare,” agad kong sabi.
Ayoko kasi ng truth dahil baka kung ano pa ang itatanong sa akin ni Jessica.
“Libutin mo ang buong third floor ng Science building while taking a video,” wika naman ni Jeremy kaya nagulat ako.
“That’s too much, Jeremy,” sambit naman sa kaniya ni Jessica.
Alam niya kasing matatakutin talaga akong tao simula nang makilala niya ako.
“Hindi okay lang, kaya ko naman,” wika ko at tumayo na.
Ayoko namang maging kill joy dahil naglalaro naman kami.