Chapter 3

1122 Words
"Okay lang ba talaga sayo Luna?" pag-aalalang tanong naman sa akin ni Jessica.   Ngumiti naman ako sa kaniya at tumayo na. "Oo naman. Mabilis lang naman 'to," pahayag ko pa.   "Go Luna!" sambit nila Jeremy at Andrea.   Lumabas na ako ng room at kinuha ang cellphone ko. Kahit na sobrang dilim at nakakatakot ay nilakasan ko nalang ang sarili ko. Dahan-dahan na akong naglakad sa corridor. Sobrang nakakabingi ang katahimikan sa buong building.   “Kaya mo ‘yan Luna, you’re a night person kaya ‘wag kang matatakot,” marahang sambit ko sa sarili ko habang naglalakad.   Habang naglalakad ako ay napapa-isip naman ako sa mga pangarap ko sa buhay. Hindi ko alam pero imbis na matakot ako ay napapa-overthink nalang ako. Natatakot kasi ako na baka hindi ako makatapos at hindi ko maabot ang qouta ko sa scholarship.   Habang paliko na ako sa kabilang parte ng building ay nakarinig naman ako na may kumalampag na mabigat na bagay sa likurang bahagi ng building.    Agad naman akong napadungaw sa bintana at nagulat nang may makitang anino ng lalaki sa baba. Kinabahan naman ako kaya dali-dali akong bumaba para tingnan ang nangyayari. Baka kasi may inaabuso na namang estudyante dito sa campus ng mga walang kwentang mga lalaki.   Nang makarating ako sa likod ng building ay nagtago agad ako sa malaking basurahan. Marahan ko namang pinagmasdan ang isang anino na nakatalikod sa akin. Hindi ko alam ang ginagawa niya pero nagulantang nalang ako nang mapagtanto na hindi pala ito tao.   Isang malaking nakakatakot na aso ang nakatalikod ngayon. Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil feeling ko ay makakasigaw ako anytime. Napansin ko ring may kinakain siya pero hindi ko lang maaninag kung ano ‘yon.    Juice ko rold! Bakit naman po ako napasok sa sitwasyon na ‘to! Sana pala hindi na ako bumaba kanina, pero baka madami pa ‘tong makatay kung hindi ako pumunta rito ngayon. Kainis! Kala mo naman ay may magagawa ako para pigilan ang halimaw na ‘to.   Walang pang ilang minuto na nagmamasid lang ako sa ginagawa ng halimaw ay bigla namang tumunog ang ring tone ng cellphone ko kaya nanigas na ako sa  pinagtataguan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon dahil napabaling na sa direksyon ko ang halimaw.   Lord, eto na po ba talaga ang katapusan ko?   Napatakip naman ako ng bibig ko ng binitawan na niya ang kinakain niya. Nagulantang naman ako dahil may hawak siya ngayong isang braso. Naiiyak narin ako dahil sa takot. Hindi ko alam kung paano manghihingi ng tulong dahil wala narin namang masyadong tao sa parte ng lugar na ‘to.    Totoo pala talaga sila, totoo ang sinasabi ni Sir Pedronio tungkol sa kanila.   Marahan namang naglalakad palapit sa akin ang werewolf. Napatakip nalang ako ng mga mata ko dahil alam ko na sa mga panahong ‘to ay helpless na talaga ako. Naririnig ko na ang ugong ng boses ng werewolf na papalapit sa akin.    “Preying on someone’s weaker than you?”    Nagulat naman ako nang may biglang nagsalita sa kabilang banda. Hindi ko parin minumulat ang mga mata ko dahil kanina pa ako iyak ng iyak. Hindi ko na ngayon naririnig ang ugong ng werewolf kaya nagtaka ako. Iminulat ko na ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaki nakatayo sa harapan naming dalawa ngayon.   Bigla namang lumakas ang ungol niya sabay talon papalapit sa lalaki kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para makaalis.   “Stay right there!” bigla namang sigaw ng lalaki kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.   Mukhang mas nakakatakot pa ‘tong lalaki keysa sa halimaw na ‘yan.    Umupo nalang ako sa gilid ng basurahan at pinunasan ang luha ko. Nagulat naman ako nang biglang sinunggaban ng werewolf ang lalaki, pero ang mas nakakagulantang pa ay mas mahilis pa yata sa hangin ‘tong lalaki kung kumilos. Dumagdag naman ang kaba ko nang patuloy silang nag-aaway sa harapan ko.   Nananalangin nalang kao ngayon na sana ay ligtas parin akong maka-uwi. Agad ko namang dinampot ang cellphone ko para itext sila Jessica pero nagulat naman ako nang wala pang isang segundo ay nakita ko nalang na sira na ang cellphone ko sa damuhan.   Jusmeyo naman, bakit ba ako nadawit sa ganitong sitwasyon ngayon?   Habang pinagmamasdan ko ang dalawa ay napapa-isip naman ako ng kung ano-ano. Hindi ko rin mapigilang isipin na isang bampira ang lalaki na nasa harap ko ngayon.   “Jusmeyo oo nga!” agad kong sambit nang biglang makita ang pangil niya at ginamit upang kagatin ang werewolf.   Nanginig naman ako dahil sa mga tinitingnan ko ngayon. Hindi naman ako makapaniwala na may ganitong mangyayari sa akin sa mga oras na ‘to. Parang kanina lang ay tamang truth or dare lang ang nilalaro naming apat.   Nakita ko nalang na nakatihaya ang werewolf sa damuhan at maya-maya pa ay may inilabas nang maliit na bote ang lalaki at ibinuhos dito at nagulat ako namg biglang natumba na ng tuluyan ang halimaw.   Wala pang ilang segundo ay nasa harapan ko na ngayon ang lalaki. Napatitig naman ako sa pulang mata niya ngayon na maya-maya pa ay bumalik na sa pagiging itim. Ang kaninang pangil niya ay nawala narin.   “You’re not safe here anymore, come with me,” wika niya naman at akma na niya sana akong hahawakan pero agad naman akong kumawala.   “Ay pasensya na po pero hindi po ako sasama sa inyo,” mahinahon ko namang sabi sa kaniya.   Baka kasi kapag may nasabi akong mali ay bigla niya nalang akong kainin mahirap na.   “Let me see your arm,” maikli niyang sabi sabay hawak ng braso ko at nagulat naman ako nang may makita akong isang simbolo ng parang buwan.   Infairness maganda siya, pero hindi ko alam kung para saan ‘to.   “Bakit po?” pagtatakang tanong ko sa kaniya.   “Who are you?” tanong niya pa.   Aba syempre hindi ako magpapakilala sa kaniya. Mahirap na kasi baka pati pamilya ko idamay pa ng bampirang ‘to.   “Salamat po sa pagsagip niyo sa akin pero kailangan ko ng umalis.”   Tumayo na ko at dahan-dahan na naglakad.   “They won’t stop hunting you until you get killed or get eaten by them,” wika niya naman kaya napatigil ako.   Lumingon naman ako sa kaniya na nakakunot ang mukha. “Anong ibig mong sabihin?”   Hindi ko alam kung tinatakot niya lang ba ako o ano.   “That symbol in your arm means kasi saan ka pa pumunta ay hahanapin at hahanapin ka ng mga ‘yon, kaya kung ayaw mo pang mawala sa mundo sumama ka na sa’kin,” pahayag niya pa.   Jusko! Ano ‘tong napasok kong problema?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD