Chapter 1

1227 Words
Marahan kong binuksan ang pintuan ng bahay na tinutuluyan ko dahil may narinig akong kumalampag sa bintana kani-kanina lang. Natatakot din kasi kami dahil sa kumakalat na balita dito sa buong siyudad. May mga bampira raw at lobo na umaaligid tuwing gabi. "Naniniwala ka sa mga bampira na 'yan, Luna?"  Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Jessica sa likuran ko. Siya ang dorm mate ko rito sa bahay na tinutuluyan ko kaya naging close ko narin dahil pareho lang naman kaming dalawa ng course.   Bachelor of Science in Biology.   Hindi ako sobrang matalino, pero ayos narin para maiahon ko 'tong course ko na 'to dahil nandiyan naman ni Jessica para tulungan ako.   "Hindi naman, pero kahit na kasi Jess nakakatakot parin," sagot ko naman sa kaniya at isinara na ang pintuan.   "Probinsyana 'yang si Luna Jess kaya 'wag ka ng magtaka if they have their own paniniwala," ani naman ni Mae, isa rin sa mga boarders nitong bahay.   Inirapan nalang siya ni Jessica at napatingin sa akin sabay ngiti. "Alam mo tara nalang sa kwarto natin at pakokopyahin kita sa General Science," wika naman niya kaya napangiti ako.   "Alam mo hindi ko nga alam kung paano ako nakapasa sa full scholar sa FEU eh hindi naman ako matalino," sambit ko pa sa kaniya nang makapasok kami sa kwarto namin.   Naging maswerte nalang siguro ako noong mga panahon na 'yon dahil lahat talaga ng mga nireview ko ay lumabas sa scholarship exam. Ayoko naman kasing tumigil sa probinsya namin dahil matagal ko nang gustong makapag-aral dito sa Manila.   "Matalino ka naman talaga Luna, ikaw lang naman 'tong panay ang sabi na bobo ka dahil lang galing ka sa probinsya. Don't bother thinking about that kahit pa na araw-araw sayo sinasabi ng mga kasama natin dito," wika pa ni Jessica sa akin kaya napangiti nalang ako sa kaniya.   Pagkatapos naming gumawa ng assignment ay natulog nalang agad kami ng maaga. Kadalasan kasi kapag natulog kami ni Jess ng madaling araw na ay siguradong hindi talaga kami makakagising ng maaga.   "Luna, may niluto ka bang cheese sticks ngayong araw?" tanong sa akin ni Marigold habang nag-aayos ako ng baon ko para sa lunch.   Hindi na kasi ako bumibili ng pagkain sa school para narin makatipid. Sobrang mahal kasi ng mga pagkain sa loob ng campus.   "Ay oo Gold. Bibili ka ba?" tanong ko naman sa kaniya.   Nagluluto kasi ako ng cheese sticks at mga lumpia or graham balls para ibenta sa loob ng school pandagdag narin sa baon ko. Naaawa rin kasi ako kay Nanay na nagpapakahirap para lang bigyan ako ng pang-baon kada buwan.   "Pabili nga akong lima tsaka tatlong lumpia."   Napangiti naman ako at binigyan na si Gold ng cheese sticks at lumpia. "25 pesos lang Gold."   "Sige salamat," sambit niya sabay abot sa akin ng pera.   Inilagay ko na ito sa wallet ko at inayos na ang mga dala ko. Tamang-tama naman na kakalabas lang ni Jessica galing sa kwarto namin. Sa aming dalawa kasi siya ang pinakamabagal kumilos.   "Ano alis na tayo?" tanong niya sa akin kaya tumango na ako.   "Anong oras na ba?" tanong ko naman sa kaniya sabay dampot ng bago ko sa upuan.   Napatingin naman siya sa wrist watch niya. "6:35 na girl. Tara na baka traffic pa," saad niya pa kaya dali-dali na kaming lumabas ng boarding house.   Sumakay na kami ng jeep at mabuti nga dahil hindi ganoon ka traffic ngayon araw kaya wala pang ilang minuto ay nakarating narin kami sa FEU.   "Girl ang eerie ng school ng mga ganitong oras no?" biglang sambit naman sa akin ni Jessica sabay yakap ng sarili niya.   Wala pa kasing masyadong maraming estudyante na nandito except sa mga athlete na nasa field at ibang tao sa school na nag-jojogging.   "Kaya nga, tapos idagdag mo pa ang mga kumakalat na balita ngayong tungkol sa mga bampira at werewolves. Nakakatakot!"    Hindi parin kasi talaga maalis sa isip ko ang mga narinig kong balita galing sa tindahan malapit sa boarding house. Dahil noong nakaraang gabi raw ay may nakitang tao si Mang Celso sa taas ng bubong nila na bigla nalang daw naging isang malaking aso.   "Alam mo Luna ikaw lang ang kilala kong kaedad ko na naniniwala sa mga haka-haka na 'yan, tara na nga," wika naman sa akin mi Jessica sabay ngiti kaya napa-iling nalang ako.   Nang makarating kami sa classroom ay iilan palang sa mga kaklase namin ang nandoon. Nang maka-upo kami sa desk namin ay bigla namang lumapit si Jeremy. Team leader namin siya ngayon sa Biology.   "So when tayo mag-uumpisa ng paggawa ng model ng cell?" tanong niya kay Jessica sabay ngiti.   Kahit naman hindi aminin ni Jeremy ay alam kong may gusto siya kay Jessica. Isa rin 'tong University scholar si Jeremy galing Bicol kaya medyo close rin kaming dalawa.   "Are the materials ready? Pwede tayong mag-umpisa mamaya after class," sagot naman sa kaniya ni Jess.   Napangiti naman ng malapad si Jeremy. "Then maybe we will have our dinner here then."   "Hoy Jeremy gagastos na naman 'wag mo nga kaming idamay diyan sa lowkey da moves mo," saad ko pa sa kaniya sabay tawa.   Inirapan niya naman ako. "Tumigil ka nga diyan Luna, palibhasa hindi ka pinapansin ng crush mo."   Aba! Mapurol ang bungangan nitong lalaking 'to. Daig niya pa babae mang lait eh.   "Hintayin nalang natin mamaya si Andrea para makapagmeeting narin tayo tungkol sa project mamayang hapon," wika naman ni Jessica at ibinaling na ang sarili sa kaniyang cellphone.   Alam din kasi ni Jessica na may gusto sa kaniya si Jeremy, pero ayaw niya lang talagang mag attach sa kanino man ngayon dahil narin sa past relationships niya. Sobrang f****d up ng mga relationship niya with her exes kaya narin siguro nagtayo siya ng boundary sa puso niya at sa ibang lalaking nagkakagusto sa kaniya.    Jessica is naturally pretty, unlike other girls na porcelain ang kutis. Morena si Jessica with hazel brown eyes, with dominant jawline, at curly jet black hair.   "Sir Pedronio's coming!" sambit naman ng class representative naming si Ashley kaya napa-ayos kaming lahay ng upo.   Isa si Sir Pedronio sa kinakatakutan naming Professor. He wants everything under his control kaya hindi kami makaka-imik sa kanya habang lecture time. Magugulat ka nalang din na may surprise recitation kaya kailangang prepared ka sa mga mangyayari.   "Open your books on page 147 and answer activity number three," sambit ni Sir sabay lapag ng laptop niya sa teacher's table kaya dali-dali kaming kumuha ng libro sa general science.   Sabi na eh, lahat kay Sir surprise. Surprise quiz, surprise seatwork, surprise recitation. Magugulat nalang din kami sa mga grades namin at the end of semester.   "I won't be here for too long kaya Miss Ashley, please gather all the activity for your classmates and bring it to the faculty room sa desk ko," wika niya naman at akma na sanang aalis.   "Uhmm Sir!" agad namang sambit ni Ashley sa kaniya.   "Yes?"   "Why are you in a hurry, Sir?" tanong ulit sa kaniya ni Ashley.   Sa lahat ng faculty teachers namin si Ashley lang palagi ang may lakas ng loob makipag-usap sa kanila.    Napa-isip naman si Sir at napahawak sa bibig niya. Nagulat naman kami nang bigla niyang isinara ang pintuan at bumalik sa desk niya.   "Have you guys heard about vampires and werewolves roaming around especially in the school grounds?" tanong naman sa amin ni Sir kaya nagulat ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD