Chapter 4

1598 Words
Nag-dadalawang isip ako kung sasama ba ako sa lalaki na hindi ko naman kilala, habang nag-iisip ako ay bigla niya muli akong tinanong. “Ano? Sasama ka ba o hindi? Kung gusto mong mamatay, hahayaan na lang kita dito?” pahayag ng lalaki sa kaniya. Nang sabihin iyon sa akin ng hindi ko kilalang lalaki ay bigla akong natakot kaya’t nakapag-desisyon ako kaagad. “Sige na! oo na! sasama na ako, pero please ayoko pa mamatay. Ang dami-dami ko pang panga—” Naputol ang aking pag-kakasabing iyon ng bigla niya akong hilahin. Hindi ko maintindihan kung ano na nga ba ang nararamdaman ko dahil nang pumikit ako ay nagulat na lamang ako na nasa malapit nako ng tinitirahan ko. Hindi ko narin nakita kung nasaan yung taong nag-hatid sa akin. “Nasaan na kaya yun? At tsaka bakit ang bilis niya akong dalhin dito? May kapangyarihan ba siya? Tao ba talaga siya?” Napatanong ako sa sarili ko ng biglang nawala na lamang iyon, at nang may narinig ako na umalulong na aso ay agad akong pumasok sa aming dorm. Napansin kaagad ako ni Jessica nang pumasok ako sa pintuan dahil nakatambay siya sa salas. “Oh Luna, nandiyan ka na pala,” pag-bati sa akin ni Jessica Ngunit biglang kumunot ang noo nito at nag-dikit ang kilay, “Okay ka lang ba Luna? Bakit parang nakakita ka ng multo sa sobrang hingal at pawis mo?” Nagulat naman ako ng sabihin iyon ni Jessica sa akin, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nangyari o itatago ko na lamang sa sarili ko dahil baka kung anong sabihin ko ay hindi niya ako paniwalaan. Ilang segundo na ang lumipas ay nagulat ako nang makalimutan kong may tanong nga pala sa akin ang kaibigan ko, “Huy Luna! Lutang ka ba? Okay ka lang ba? Kulang ka siguro sa pahinga, napagod ka ngayong araw. Pumasok ka na sa kwarto,” pahayag muli ni Jessica sa akin. Nang sabihin iyon ni Jessica ay hindi ko na siya sinagot sa kaniyang mga tanong at pumasok na ako sa kwart namin. Nag-palit ako kaagad ng aking damit at agad na nahiga para mag-pahinga ngunit hindi parin maalis sa aking isipan ang nangyari. “Taga campus ka ba namin? Nakita na ba kita? O nakilala man lang?” Pahayag ko naman sa aking sarili nang biglang naalala ko ang sinabi ng lalaki sa akin na nag-hatid dito sa aming dorm. “Wag na wag mong sasabihin sa iba ang tungkol sa ginawa kong ito, kung nakita mo ay sana atin na lamang,” pahayag sa akin ng lalaki habang itinakbo ako ng mabilis. Kaya siguro hindi ko na sinagot kaagad ang tanong sa akin ni Jessica dahil sa sinabi niyang iyon. Nagulat ako nang biglang pumasok si Jessica sa kwarto namin, “Alam mo Luna, parang nag-lalaro lang tayo kanina tapos bigla ka nalang nawala. Sakto pang pag-kakaupo ko doon sa upuan sa sala bigla kang dumating, pakiramdam ko tuloy may tinatago ka sa akin,” pahayag sa akin ni Jessica. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nangyari sa akin dahil sa nakakaramdam ako ng konsensya ngunit naaalala ko naman ang isnabi sa akin ng lalaki, “Alam mo Jessica, wag mo na pakaisipin. Siguro naduwag lang ako kanina kaya naisipan kong dumeretso na lamang din dito sa dorm. Nauna ka lang kasi may dinaanan pa ako,” Pahayag ko naman kay Jessica. Naupo naman si Jessica sa kaniyang kama nang sabihin ko iyon. “Pero Luna, wala nga? Kasi kung wala, mag-papahinga na ako. Hahahaha!” pahayag ng kaibigan ko. “Baliw ka! Pag-pahinga ka na, maaga pa tayo bukas. Matutulog narin ako, at mukhang napagod ako sa ginawa natin,” saad ko naman kay Jessica. Tumayo ako at pinatay ko ang ilaw ng makita kong si Jessica na nakahiga na sa kaniyang kama at unti-unti na niyang pinipikit ang kaniyang mga mata. Nang pinatay ko ang ilaw ay nahiga ako, ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi ko maintindihan kung anong pwesto bang pag-kakahiga ang gusto kong gawin. At nang pag-harap ko sa pader ay bigla na lamang akong may narinig na malakas na alulong ng aso galing sa labas. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon at bigla kong naalala ang mga nakita ko habang nag-tatago ako. Hindi ko akalaing totoo ang mga sinabi sa amin ng aming guro sa klase. Nang dahil sa takot ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at itinulog ko na lamang ang tumatakbo sa aking isipan. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako kaagad. Kinabukasan ay nagising na lamang ako dahil sa ingay ng mga kasama ko sa dorm at nag-kakagulo. Napabangon naman ako dahan-dahan dahil nandoon si Jessica sa may bintana kaya’t napatanong ako bigla. “J-jessica? Anong meron? Bakit ang ingay?” Tanong ko kay Jessica, napalingon naman sa akin si Jessica at agad ring sumagot sa akin. “Pumunta ka dito sis! Ang daming tao sa labas, nag-kakagulo. Sabi raw may dugo at pira-pirasong balat. Hindi alam kung tao sa hayop bai yon kaya ipaimbistiga iyon sa mga pulis,” Pahayag ni Jessica sa akin kaya nagulat ako at nawala ang aking nararamdamang antok, nang humawi ang mga tao doon sa tinitingnan nila kung saan nandoon ang nakita nila ay nagulat ako nang makita ko rin. Naalala ko lahat ng nakita kong pag-kain ng isang lobo sa isang tao dahil nakita ko rin mismo ang braso kaya’t nalaman kong tao. “Huy Luna, tulala ka na naman diyan. Kung ako sayo kikilos na ako dahil malelate na naman tayo sa klase niyan,” Pahayag sa akin ni Jessica kaya’t agad akong kumilos dahil napansin kong nakaligo at nakabihis na pala siya. Nag-handa kaagad ako ng aking mga damit na susuutin, at agad akong lumabas at tumungo sa banyo para maligo. Habang naliligo ako ay hindi ko parin maiwasang isipin ang nangyari sa akin kagabi noong ginawa ko ang dare ng mga kagrupo ko sa major. Ngunit naalala ko naman muli ang mata ng isang lalaki na siyang nag-ligtas sa akin at nag-uwi dito sa dorm namin. “Gusto kitang makilala, at hindi ako titigil kakahanap sayo kung sino ka man,” Nang bigla akong kinatok ni Jessica sa banyo, “Luna bilisan mo! Nag-sasalita ka pa diyan, napapaisip na ako sayo ah” Pahayag sa akin ni Jessica kaya’t agad akong naligo ng mabilis, at pag-katapos niyon ay nag-bihis na rin. Hindi ko na pinansin ang oras dahil alam ko na kapag pinansin ko pa iyon ay matataranta at baka hindi ko na malaman kung ano pang gagawin ko. Pag-labas ko ng banyo ay napansin ko si Jessica na nasa salas nakaupo at hinihintay na lamang ako kaya’t tumakbo ako patungo sa aming kwarto at sinuot ko na ang aking sapatos, nag-suklay at agad na kinuha ang aking bag at tumakbo kay Jessica. “Tara na!” pag-aaya ko sa kaibigan ko “Ikaw talaga, ang bagal bagal mo ngayon. Ang creepy mo na,” pahayag sa akin ni Jessica. Hindi na lang ako umimik kay Jessica dahil posible na tanungin niya akong muli tungkol sa bakit hindi na ako bumalik sa kanila noong ginawa ko ang dare nila. Nang makasakay kami sa jeep ay may napansin akong lalaki na sobrang puti at nakasuot ng salamin sa mata. Napansin ko rin ang kaniyang pulang-pula na labi at mapormang suot. Nang biglang dinagil ako ni Jessica sa braso, “Pogi no?” Pahayag sa akin ni Jessica, kaya’t nagulat naman ako. “H-huh?! Hindi ah, para lang kasing pamilyar sa mata ko,” Tugon ko naman sa kaibigan kong si Jessica. “Mukha bang pamilyar yan? Eh halos ulo hanggang paa pinag-mamasdan mo. Halos matunaw na ang tao sa kakatitig mo sa kaniya, napansin ko nga din na napansin ka niyang nakatingin ka sa kaniya eh. Hahaha,” Pabulong sa akin ni Jessica at agad naman akong nagulat at nakaramdam ng hiya. Nang sinubukan ko ulit siyang tingnan ay napansin kong nakatingin nga ang lalaki sa akin kaya’t nakaramdam pa lalo ako ng hiya. “FEU po kuya!” pahayag ko naman At nagulat ako nang sabihin rin iyon ng lalaking aking pinag-masdan. Nang tumigil ang jeep sa paaralan ay bumaba kaagad kami ni Jessica, at muli akong binulungan ng aking kaibigan. “FEU din pala ha—” pang-iinsulto nito sa akin. Sinamaan ko bigla si Jessica ng tingin ng sabihin iyon sa akin, at sinundan ko siya papasok sa loob ng campus. Nang biglang tumabi sa amin si Jeremy. “Good morning sa inyong dalawa, Jessica at Luna,” pag-bati ni Jeremy sa amin. Ngumiti naman ako kay Jeremy at bigla niya akong tinanong. Alam kong posible niya akong tatanungin sa nangyari kagabi kaya’t inihanda ko nalamang din ang aking sarili. “Bakit nawala ka na kagabi Luna? Natakot ka no? may video ka ba?” Nagulat ako sa kasunod na tanong ni Jeremy, at naalala ko na wala sa akin ang cellphone ko. “W-wala eh, nasira ang cellphone ko kagabi tas hindi ko na alam kung saan ko nailagay,” Tugon ko naman kay Jeremy at napatigil naman si Jessica nang sabihin ko iyon. “Weh?! Sayang yun siz, ang mahal kaya ng cellphone ngayon. Paano na kapag tumawag ang magulang mo sayo? E di hindi ka na nila macocontact?” pahayag naman sa akin ni Jessica “Ganoon na nga, pero susubukan ko pading hanapin ang phone ko para kahit simcard man lang ay makuha ko,” saad ko naman sa mga kasama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD