K3 - PACKAGE DEAL
ITINAAS ni Addison ang noo. Ang tapang na nawala sa kanya ay inipon niyang muli. Hindi pwede na ganito.
“Sandali,” she said, “Parang hindi tayo nagkakaintindihan, Cain.”
Tumingin ito sa kanya, naghihintay ng sasabihin niya.
“Ako ang nagbuntis. Ako ang-iri. Ako ang nahirapan, Cain. Ako ang nasaktan. Alam mo ba kung gaano kahirap maglihi? Halos hindi ako makatayo minsan. Suka ako nang suka. Sa panganganak ko, ang sakit sa balakang. Para akong natatae na ewan na lahat ay lalabas sa akin,” aniya rito para ipamukha rito ang lahat.
“Uhm,” he nodded, “Ako ang nasarapan.”
Napatigil siya at ngumiti ito.
“And what was your point, Addi…Hermione?”
“Ang point ay hindi aso ang anak ko na basta-basta mo kukunin sa akin, kapalit ng mga pagbabayad utang mo. Kaya mo bang bayaran ang hininga ko? Ang sakit na naramdaman ko? Kahit maubos ang kayamanan mo, hindi mo kaya,” mataray na sabi niya.
Tumangu-tango ito, “Mataray ka pala. Three years ago, hindi,” ani Cain at agad siyang napaismid para mapagtakpan ang pagkailang niya sa aura ng mukha nito.
It seems like he's teasing her. Hindi niya masabi pero iyon ang kanyang nararamdaman. Parang sinusubukan siya nito o pinaglalaruan.
"You were so submissive to me back then, Hermione," he smirked sexily, "Do you remember?"
Diyos ko. Hindi naman iyon ang pinag-uusapan nilang dalawa. Bakit naman binubuksan ng lalaking ito ang tungkol sa nakaraan?
Hindi na lang siya sumagot at maya-maya ay pumormal na ito, "Anyway. If that's your point. What do you prefer?"
"I prefer a package deal. I prefer a complete family for Hunt, with a mother and a father," tahasan niyang sabi rito kahit na alam niyang luka-luka ang magiging tingin nito sa kanya.
Hindi niya ito gusto pero ito ang rehearsed niyang sabihin. Pinag-aralan na niya ito kaya hindi pwedeng hindi niya makuha. This is her lifeline.
"I prefer a marriage. Madali lang sa iyo na magpa-annul. What is one million worth...of...processing fee para sa isang tulad mo kung sakaling ayaw mo na? Barya lang iyon para sa iyo pero ako, ang gusto ko ay legal na pamilyang nagsasama para sa anak ko. Wala akong kumpletong pamilya. May ina ako pero hindi ko naranasan na maging legal sila. Ayokong ganoon ang anak ko. Kung ayaw mo—"
"Ay ano?" Seryoso nitong tanong sa kanya, "Anong iba-blackmail mo sa akin?"
"Wala," taas noo pa rin niyang sagot, "Aalis na kami."
Susko, um-oo ka. Please lang naman. Pakiusap niya sa isip.
Napailing si Cain at tumingin kay Hunt. Kahit ang anak niya ay nakatunganga sa mukha niya, na para bang iniintindi nito ang mga sanasabi niya.
Cain fell silent for a moment, as if trying to figure out what to do, until he stood up.
"What do we have here to prove that he's mine?" Naglakad na tanong nito.
Pumunta ito sa may coffee maker at kumuha ng kape.
"DNA. Ikaw ang magdesisyon kung saan at kailan."
"Masyado ka talagang mapusok," sagot nito sa kanya. I met you, parang nagmamadali ka. Ngayon, ganoon ka pa rin. Parang minamadali mo ang pagtanda, Hermione."
Humarap ito at direktang tumingin sa kanya habang humihigop ng kape. Napakurap siya pero bigla na lang hinila ni Hunt ang damit niya pababa, hinahanap ang dede niya.
"A-Anak, hindi..." saway niya rito pero pilit nitong isinusubsob ang mukha sa dibdib niya, kasama ang kamay, humahagilap ng dede.
She wasn't able to do anything when her son grabbed her bra and immediately sucked her n****e.
"Dumidede pa pala siya sa iyo," ani Cain na hindi niya tinitingnan.
"L-Libangan niya lang."
"Uhm," he hummed, "Payag ako sa DNA. Kapag anak ko, payag ako sa kasal."
Agad siyang natigilan. She was shocked, and she was sure that it was very perceptible on her face. Inarkuhan siya ng binata ng mga kilay.
"You seem shocked. Hindi ka ba nag-i-expect na oo ang isasagot ko sa gusto mo?"
"M-Mayaman ka kasi."
"And you think libre ang kasal?"
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Anong makukuha ko sa pagpayag ko, bukod sa bata?" Humigop ito muli ng kape, tapos ay naupo ulit sa harap niya.
He even glanced at Hunt. May pakiwari siyang parang nangiti ito habang nakatitig sa anak niyang dumidede, tapos ay nakatulala lang.
"Kahit ano. Pagsisilbihan kita bilang asawa," aniya dahil iyon naman ang dapat na gawin talaga niya sa oras na makasal sila, "Ipahanda mo ang prenup."
"Of course," he answered right away, "Magpapa-DNA kami mamaya. May trabaho lang akong aayusin. Today's my first day here. Saan ba kayo tumutuloy?"
"S-Sa apartment na kinuha ng madrasto ko para sa amin."
"Ipahahatid kita sa bahay ko para makapagpahinga kayo ng bata. Will that be fine with you? May kukunin ka ba sa apartment?"
Umiling siya. Si Mama...
Saka na niya kukunin ang ina niya kapag marami na silang pera. Sa ibang apartment na sila titira, o sariling bahay at lupa nila.
"I'll call my driver. I'll go home early for the test," anito pa kaya tumango siya, "Walang problema sa laboratory. Marami akong alam."
Nakahinga siya nang maluwag. Parang nawala ang lahat ng kanyang pagod, pero ang kaba niya sa ginagawa niya ay hindi mawawala. As long as she sees Cain, it will never go away. Ito na ang umpisa ng pag-ahon niya sa kahirapan. Kaunting tiis lang. Sa oras na makalikom naman siya ng pera, hindi na niya kailangan ng tulong ni Manuel. Magsasarili na sila ng Mama niya.
Kinuha nito ang smartphone tapos ay masuyong hinawakan ang pisngi ni Hunt. Mabuti na lang at hindi matatakutin ang anak niya, kaya hindi ito umiiyak sa ibang tao.
"Hello—Shalom. Pakisundo rito itong ipahahatid ko sa iyo sa Forbes Park.
Lihim na nanlaki ang mga mata ni Hermione. Forbes Park. Magiging taga Forbes Park na siya?
Sila ay taga Valle Verde, noong nasa poder pa sila ni Manuel, pero nang sipain sila papaalis ng lalaki ay sa isang lumang apartment na sila napunta, sa Pasig pa rin.
Though Valle Verde is still an elite subdivision, it is not as famous as Forbes Park.
"Ngayon na. Pakisabi sa Manang na pakiaasikaso ng pagkain at lahat ng kailangan ng mag-ina."
Itinikal din nito ang aparato sa tainga, at siya ay kunwari naman na hindi nakikinig.
"Ihahatid na kayo ni Shalon sa bahay. Wala ka na bang ibang sasabihin pa? Maghihintay lang tayo sa DNA. After that, aasikasuhin ng abogado ang kasal kung ako talaga ang ama ng bata."
She stood up, "Ikaw talaga ang ama at mapapatunayan mo 'yan sa paglipas ng ilang araw, kapag lumabas na ang result."
Bumitaw si Hunt sa pag-dede sa kanya kaya lumabas ang isang s**o niya. Agad niya iyong itinago sa bra at sa blusa na suot dahil ang bilis ng mga mata ni Cain. Those were like flashes of lights.
"Pwede ko ba siyang kargahin?" Tanong nito sa kanya.
Hindi siya umimik at ibinigay lang si Hunt dito. Nagpakarga naman ang bata. Naglakad si Cain papunta sa swivel chair nito at naupo roon, kalong si Hunt.
"Time really flies so fast, little boy. Hindi alam ng lolo mo na may apo na siya. He was here earlier," kausap nito sa bata nang biglang may kumatok sa pinto.
"Come in!" Ani Cain kaya bumukas ang pintuan, at ganoon ang pagkatulala niya nang pumasok ang isang gwapong long hair.
"Oh, am I in the right room?" Tanong ng lalaki sabay tingin sa kanya, tapos ay tumingin kay Cain.
"Bakit, Kuya?"
"Kaninong anak 'yan?" Tanong ng lalaking pumasok, sa halip na sagutin ang tanong ni Cain.
"Mine until proven," he answered straightforwardly.
Hindi talaga uso rito ang paliguy-ligoy. Parati itong direkta kung magsalita at kumilos.
"You must be kidding," ani ng long hair.
Nakalapit na iyon sa may tapat niya, at wala naman siyang imik na nakatayo lang nakatingin sa lalaking bagong dating.
Tumingin sa kanya ang lalaki at inilahad ang kamay, "Midnight. Cain's brother. You are?"
"H-Hermione po," sagot niya.
"Ikaw ba ang ina ng bata?"
Tumango siya bilang sagot.
"Kaya pala pogi," ani nito kaya medyo ngumiti siya at tumungo.
Magkapatid pala ang dalawa. Bagaman at hindi magkamukha, parehas na napakagagandang lalaki ng mga ito. Kung may similarities man ang dalawa, siguro ay iyon ang bruskong mga itsura ng dalawa, na mala-bad boy ang datingan, pero tila mukhang mas matigas kaysa rito si Can. Kahit sa katawan ay iba ang katawan ni Cain. Malaki ang katawan ni Midnight pero si Cain ay medyo mas malapad.
May muling kumatok sa pintuan.
"Pasok!" Cain commanded, and another man came in.
Iba naman ito, naka-plain t-shirt lang na pinatungan ng jacket, nakamaong na pantalon at may baril sa baywang.
Parang tulad din ito ng mga tauhan ni Manuel.
"Sir Cain," ani ng lalaki, pormal.
Nahuhulaan na ni Hermione na ito ang kausap ni Caine kanina sa cellphone.
"Ihatid mo na sila, Shalom. You know what to do," ani Cain sa lalaki, at hindi nakaligtas sa mga mata niya ang munting paghalik nito sa buhok ni Hunt.
"You go now, Hunt. Daddy has to work first. I'll see you later," paalam nito sa bata kaya kahit paano ay natuwa siya dahil kahit walang DNA ay maayos naman nitong tinanggap si Hunt, kahit na sabihing siya ay nakuha lang nito bilang isang pokpok.
"As for me, I think there's no need for DNA. Kamukha siya ni Papa," sabi ni Midnight na nakapamulsa, nakamasid sa mag-ama niya.
"Mas mabuti na po ang may DNA, Sir Midnight," she interrupted rihght away.
Ngumiti iyon sa kanya, "You're so transparent. Sa tono pa lang ng pananalita mo mukhang hindi na makakaligtas ang kapatid ko sa obligasyon sa inyong mag-ina. Anyway, maganda 'yan. You're being truthful. May iba kasi na nagpapanggap lang."
"Wait here, Kuya. Ihahatid ko lang sila sa labas," Cain said and stood up.
Ngumiti siya kay Midnight, na tumango naman sa kanya. Sa pagtalikod niya ay parang malaking kahihiyan ang kanyang dala, sa oras na malaman ng buong pamilya ni Cain na siya ay taga club. Kahit na walang ibang lalaking kumuha sa kanya, walang maniniwala. Kahit si Cain, palagay niya ay nag-iisip na talagang marumi siyang babae. Hindi man ito magsalita, alangan naman na tingnan siya nitong ginto sa kabila ng kanyang pagiging basura.
Pagkalabas nila sa pinto ay ang sekretarya naman ang nakatanga sa kanila, lalo pa at karga ni Cain ang batang dala niya kanina.
"Nasaan ang mga gamit niyo?" He asked her.
"Ah, nandito po, Sir Cain. Aalis na po ba ang bisita?" Alerto na sagot ng babae, saka inilabas ang mga dala-dalahan niya mula sa may ilalim ng pakurba at malawak nitong desk.
"Uuwi na sila. Give those to Shalom," he ordered.
Kinuha naman kaagad ng lalaki ang mga bag. Nakatingin sa mga dala niya si Cain, na para bang nagtataka.
"Are those all the stuffs?"
Tumango siya.
"Kakaunti yata. Are you sure you didn't leave anything in your apartment?"
Tumango siya, "Sigurado ako. 'Yan lang talaga ang mga gamit namin na mag-ina."
Cain nodded but there was something in his eyes, like pity. Malamang para iyon kay Hunt kasi tanggap naman kaagad nito na anak nito ang bata kahit na wala pang DNA testing na nangyayari.
Kinuha na niya ang bata mula rito, tapos ay matamis siyang ngumiti, matapos na tumingala sa binata.
"Salamat," sabi niya.
Salamat at maipagpapatuloy na niya ang pagpapa-ibig dito. Matapos lang niya ito, kuntento na siya sa buhay niya. May pera siya, may bahay, may lahat.
Tumaas lang ang isang sulok ng labi ni Cain bilang pag ngiti nang kaunti sa kanya. Then, his eyes moved to Hunt. Hinalikan nito sa pisngi ang anak nila.
Sa ibaba ay naghihintay sa kanila ang isang magarang sasakyan, mas magara sa mga sasakyan ni Manuel. It was a Mercedes-Benz, black in color. Ipinagbukas pa sila ng pinto ng lalaking ang pangalan ay Shalom.
"Sakay na po, Ma'am," nakangiti nitong sabi sa kanya kaya tahimik siyang sumakay.
Napaka-komportable ng loob nang sasakyan, malayo sa pampasehong sasakyan na sinakyan nila kanina ni Hunt.
Niyakap niya ang anak at sinilip ang mukha. Nakasiksik ito sa kanya at tinitingnan ang loob ng kotse.
Ito na ang pagbabago sa buhay ng anak niya. Hindi na niya kailangan na lumuhod kay Manuel para lang makautang ng pang gatas ni Hunt. Ngayon, baka sobra-sobra pa ang makuha nitong stocks mula kay Cain. Mabuti at naisip na rin ng lalaki na bumalik sa totoong buhay nito. His son will benefit now.
This is her dream for her son. Masama na kung masama o gold digger na kung tutuusin pero kailangan niya si Cain. At sa oras na makasal sila, gagawin niya ang lahat para makapag-ipon siya. Hindi siya papayag na mawala ang pinaghirapan niya mula umpisa.
Wala pa sa plano niya na magbuntis, pero dahil siya ay hangal, naiba ang takbo ng kanyang plano.
Pagdating nilang mag-ina sa bahay ay namangha siya sa laki ng bahay. Ang gate ay kusang bumukas, at tumambad sa kanya ang iba't ibang uri ng sasakyan. May kotse, may van, may SUV, may limousine at iba pa. Baka kung pwede lang doon maglagay ng eroplano o barko ay may makita rin siya.
The gate automatically swung open for them. Nang sulyapan naman niya ang anak ay natutulog na ito, at nang itigil ni Shalom ang sasakyan sa tapat ng main door ay may sumalubong kaagad na kasambahay, naka-uniform.
Iyon mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse, "Magandang hapon po, Ma'am," magalang na bati ng babae.
Hapon na pala. Wala na siyang kinalaman sa oras. Pwede nga na hapon na kasi umalis sila sa apartment ay alas diyes na. Tapos, nasa singkwenta minutos ang byahe mula Pasig papuntang Makati.
Ngumiti siya.
"Tuloy po kayo. Nasa loob po si Manang Carmen, naghahanda po ng pananghalian. Ako po si Vivora," magiliw na sabi ng babae, nasa tingin ni Hermione ay nasa bente anyos pa lang din.
"Ako si Hermione. Ito naman si Hunt Liam, anak ko," pakilala niya sa sarili.
Mula sa may isang malaking pinto ay nakita niya ang isang babaeng may edad, nakangiti sa kanya, may suot na apron.
"Siya po si Manang Carmen, ang mayordoma rito sa mansyon."
"Narito na pala kayo. Nakapaghanda na ako. Vivora, ihatid mo na sila sa itaas ha, tapos bantayan mo muna ang bata. Pagkatapos ni Angela sa utility room, papanhik na iyon para ayusin ang mga gamit ng mag-ina," bilin ni Carmen.
"Opo, Manang."
"Bumaba ka Ma'am, pagkalapag mo sa bata para makakain ka na," nakangiti no'n na sabi sa kanya kaya tumango siya.
Ma'am. Hindi naman siya tinatawag na Ma'am.
"Opo, salamat po. Hermione na lang po ang itawag niyo sa akin. Hindi po ako sanay sa Ma'am. Aakyat ko muna po si Hunt tapos ay bababa na rin po ako ulit," paalam niya.
Naiilang man siya ay pilit siyang umaakto na normal. She doesn't know what theses people think about her and she came carrying a toddler. Baka nahuhulaan na rin ng mga ito kung sino siya sa buhay ni Cain, lalo na ang batang dala-dala niya ngayon.