4

2680 Words
4 - Mga Pagbabago HINDI nakuhang sumagot ni Cain nang tanungin siya ng nakatatandang kapatid niya tungkol kay Hermione. Midnight was asking him where did he meet her. At bakit parang ngayon lang din daw niya nalaman na siya ay may anak? Mapagmasid talaga ito at matalino. Matalino sa pakikialam at tsismis. This was after they discussed something about the company. Nauwi sa pagtatanong tungkol sa tunay niyang buhay ang usapan nila ni Midnight. M "That boy looks two years-old," Midnight still added. Does he have any choice, instead of answering his elder brother? "I met her three years ago, in this elite club," he casually replied. Parang alaala lang na kahapon nangyari ang lahat. And he was not that easy to forget, lalo na kung ang mga pangyayari ay mahalaga sa kanya. He liked Hermione at that time. Gusto niya ay siya lang ang lalaking dumaan sa buhay nito, pero hindi nakiayon ang tadhana sa kanya. When they parted ways that morning after having six rounds in bed, they never saw each other again. He had problems, worse ones. And because he never wanted her to get involved, he just moved to another place. Binalikan niya ito sa club makalipas ang linggo pero wala na rin ito roon. Ang sabi ng tagapamahala sa mga GRO, may sumundo raw kay Hermione isang gabi, lalaking matanda na may magarang sasakyan, na mukhang ka-lebel ng mga taga elite. Ipinagbuntong-hininga na lang niya iyon, pero may naramdaman siyang selos. Well, iyon ang trabaho ni Addison noon kaya anong magagawa niya? Ang buong akala rin niya ay Addison talaga ang pangalan nito, hindi pala. Pero sa mga nagdaan na taon, kahit na nagkaroon pa siya ng maraming babae, hindi niya nakalimutan ang dalaga. There was something about her hat he wasn't able to forget. Hindi iyon virginity. Basta. Gusto niya si Hermione noon, at gusto pa rin niya ngayon. She was so fierce and bold. And he liked it. "Club..." ani Midnight, "Really?" Kunot noo ito na para bang pakiramdam nito ay niloloko niya. Tumango siya, "Totoo." "God, will Papa like her?" Tanong nito sa kanya kaya medyo sumama ang tabas ng mukha niya. "He doesn't have something to do with my decision," may paninindigan na sabi niya dahil naalala niya ang atraso ng ama niya sa kanya, na siyang naging dahilan ng paglalayas niya nang mahabang panahon. "I don't care if he will never like her, and so as my son," matatag na sagot niya. Hindi siya takot kaninuman. Natutunan na niyang manirahan na mag-isa sa buhay, sa magulong lugar, makisalamuha sa mga taong halang ang mga bituka. Ano pa ang kailangan niyang katakutan? Though being a Castelloverde is more promising than being just a nobody, he still isn't afraid to be alone. "Wow," kumibot ang mga kilay ni Midnight, "Those are your balls, talking, bro. Anyway, ang cute ng pamangkin ko. Biruin mo na lumayas ka lang, pagbalik mo e binatang ama ka na pala. And Hermione doesn't look bad herself. Maganda siya. What's your deal about the child? Bakit mo siya ipinauwi sa bahay mo?" "She said I couldn't take my child. Kailangan ay kasama siya," aniya na gustong mangiti. It was his way to tease her. Kunwari lang ay si Hunt ang kukunin niya pero ang totoo ay gusto niya lang malaman kung anong side ni Hermione. Baka kasi ayaw naman nito na sumama sa kanya. It was a good thing she offered herself to him. Ano ba ang mayroon ang babae na iyon at para siyang nagayuma? Marami naman sa kanyang babae na nahuhumaling. Maraming may mga kaya sa elite na nagkakagusto pa rin sa kanya kahit noong mahirap siyang namumuhay, pero ni minsan ay wala siyang pinagka-interesan na kahit na sino sa mga iyon. "Papa will ask about her. You better get yourself ready for some criticism. Alam natin na kahit si Papa maraming babae, hindi siya kumuha ng babae sa club kahit na elite pa," anito sa kanya, "No offense meant, Cuatro. Sa akin, wala akong pakialam kasi ikaw naman 'yan. Si Papa lang ang problema mo, kaya good luck." Ngumiti ito nang kaunti saka tumalikod. Of course he knows that. Kailan ba hindi naging kontrabida ang kanilang ama? Simula at sapol ay kontrabida na iyon sa paningin niya. If it wasn't because of his money, hell he'd never come back home. Sometimes, he has to use his mind and be clever. His isolation made his father long for him. Halatang-halata ang pagsubo no'n sa kanya ng kung anu-anong bagay para lang huwag na siyang umalis pa. Siguro ay pagbabayad utang pa rin iyon pero wala pa sa sistema niya nakaguhit ang salitang pagpapatawad. He doesn't want to be so disrespectful to his father so he was keeping his mouth shut, but deep inside he was struggling. He was just like his name, dark and light. Sino ba ang hindi nakakilala sa magkapatid na Cain at Abel sa kwento ng Bibliya? Huminga nang malalim si Cain para payapain ang sarili. He couldn't believe it. Hindi niya ito inasahan na sa paglipas ng tatlong taon ay muling magku-krus ang landas nila ni Hermione, may dagdag pang bonus na anak. Damn. All this time, he is already a father. Tatlong taon na wala siyang alam. Nakikipagbugbugan pa siya, iyon pala ay dapat na pinag-ingatan niya ang buhay niya. Nagkulang siguro siya. Nakalimutan niyang wala nga pala siyang sinayang na similya noong gabing iyon. He released his seeds inside her. At anong inakala niya, na baog siyang hindi makabubuntis? Well, he thought he was on her pill. And he thought wrong. Sa unang tingin niya pa lang sa bata na iyon, alam niyang siya ang ama. Hunt was so damn cute. Nang kargahin niya iyon kanina ay parang ayaw na niyang bitiwan. Ang sarap no'n na yakapin. He was so cute when he was sucking her mother's round boob. At parang walang pagbabago sa dibdib ni Hermione. It was still round and looked so firm. And the evidence of his arousal the moment he glanced at her boob was so visible. He could feel it underneath his pants. Humigpit ang boxers niyang suot. Buhay na buhay pa rin ang pagnanasa niya kay Hermione, kahit na alam niyang hindi na lang siya ang lalaking dumaan dito. At ayaw niyang isipin iyon. Palagay niya ay wala naman itong sakit na kung ano. Mukha namang healthy ang mag-ina niya. MAAYOS ang trato ng mga kasambahay sa dalaga. Kanina habang kumakain siya ay kinukwentuhan siya ni Carmen. Kahit paano pakiramdam niya ay welcome naman siya roon. Sana lang ay hindi magbago. She already informed her mother that she was in Forbes. And her mother didn't know what she did three years ago. Nalaman na lang no'n ay buntis na siya. At hindi iyon makapaniwala na isang Castelloverde ang ama ni Hunt, palaboy version nga lang noong panahon. Hindi alam ni Corina na nag-club siya at nagbandera ng katawan para makuha ang inaasam niyang lalaki. "Kaunting tiis lang, Mama, kukunin kita," aniya sa text sa ina. "Huwag mo akong alalahanin. Mas kampante ako na malayo ako sa inyo lalo na kay Hunt. Ayokong mahawa ko siya ng sakit ko." Ibinaba niya ang cellphone at tiningnan ang anak na enjoy na enjoy sa carpet. Tatakbo-takbo ito at umiikot-ikot. "Dahan-dahan," paalala niya nang mapabilis si Hunt sa pagtakbo. Agad naman na bumagal ang bata saka tumawa. Napangiti siya sa taglay na katalinuhan ng anak niya. Hindi pa ito matatas magsalita pero magaling itong umunawa. At the age of one and a half years old, nauutusan na niya itong kumuha ng sariling diaper, basta nasa malapit lang nito. He could pick up the remote when she said pick it up. Hunt walked slowly, as if doing it on purpose to make her laugh. Natawa nga siya nang biglang bumukas ang pinto. Parehas sila na napatingin ni Hunt sa taong dumating, at ang ginawa ng bata ay tumakbo papunta sa kanya, saka sumubsob sa may kama. It's Cain. Nakasampay sa balikat nito ang itim na coat. "Hi," bati nito sa kanya o kanila? Ngumiti siya nang kaunti. Why does this man look so gorgeous even before? "Kumusta kayo rito? Do you feel comfortable? How about Hunt?" Humakbang ang binata papalapit, matapos na hubarin ang sapatos at iiwan lang sa may pinto. Nakakatawa ang tanong nito. Sinong hindi magiging komportable sa ganito kalaki, kalinis at kabangong bahay? "Ayos naman. Kita mo, nag-e-enjoy si Hunt sa carpet. Pinaayos pa ni Manang Carmen ang kwarto habang tulog si Hunt." Tumingin ito kay Hunt na parang nahihiya, nakatago pa rin. "He seems shy. Hunt, halika kay Daddy," anito sa bata. Tumingin sa kanya ang anak, na parang nagtatanong ang mga mata kung lalapit ba ito o hindi. Lumapit ka, anak. Walking Dollar ang Daddy mo. Aniya sa isip. Parang nabasa naman ng bata ang nasa isip niya at patakbong lumapit sa ama. Nakita ni Hermione ang paglapad ng ngiti ni Cain. Agad nitong kinarga ang anak at saka mariin na hinalikan sa sentido. "Are you enjoying? Masaya ka ba? Anong mga laruan ang gusto mo at bibilhin natin lahat?" Napayuko ang dalaga para maitago ang mga mata. Gusto niyang maiyak. Walang laruan ang anak niya. May mga laruan na kotse na bigay ng kapitbahay nilang may anak na lalaki, pero tanggal-tanggal na rin naman. Ang ilan ay makakadisgrasya na dahil labas na ang mga tusok. Mahilig kasi si Hunt sa mga laruang kotse at mga eroplano. Hindi na lang niya dinala ang nga iyon dahil wala rin naman silbi. Baka maaksidente pa ang anak niya sa oras na matusok ng mga matatalim na nakausli sa mga laruan. "Bakit, Hermione?" Biglang tanong ni Cain sa kanya kaya awtomatiko naman siyang napatingala ulit dito. Hindi na nakaligtas sa paningin nito ang mga mata niya. "H-Ha?" "Bakit ka naiiyak?" Umiling siya at lumabi, "W-Wala?" "Fay tak... Fay... tak..." sabi ni Hunt kaya napakunot noo si Cain. "Firetruck ang sabi niya," aniya naman para maintindihan ng binata, na kaagad na natawa. "Oh, you want firetruck? You want to be a fireman? Does he have a firetruck? I think he's looking for it." Umiling si Hermione, "Wala e, hindi ko dala." "Oh, Mommy didn't bring your toy. She was supposed to bring your stuff, but she didn't," kausap nito kay Hunt. "Sira-sira naman kasi. Wala naman siyang matinong laruan, lahat bigay lang ng kapitbahay, mga halos hindi na rin naman mapakinabangan. Ano ba naman ang aasahan ko sa mga gaya rin namin na mahirap? Sa halip na ibili ng laruan ay ibibili ko na lang ng gatas niya o pagkain," aniya sa inis na tono para mapagtakpan ang nangangatal niyang boses. Nakatingin sa kanya si Cain tapos ay tumango, "Relax. Wala naman akong ibig sabihin. Binibiro ko lang si Hunt. Napansin ko kasi na bigla kang tumahimik nang mabanggit ko ang salitang laruan. Alam ko na kaagad na may mali. Kumain ka na ba?" Tumango siya at umiwas ng tingin. "How about this little handsome?" "Dumide na rin." "Great," he said. Naglakad ito papunta sa may mesita, kung saan naroon ang mga gamit ni Hunt. Naroon ang naka-tupperware niyang gatas ni Hunt, na palagay niya ay ubos na bukas. Ang diaper ng bayan ay iilang piraso na lang din. Ang dedehan nito ay dalawa lang. Hinuhugasan lang niya parati para hindi nangangamoy panis. Pero kahit na ganoon, sa tagal ng mga bote ay amoy panis na rin. n*****s lang ang pinapalitan niya parati kasi ay lumalaki ang mga butas. Madalas masamid ang bata kapag malalaki na ang butas kaysa normal. "Are these all his things? I mean, ito na lang ang gatas niya?" Cain asked. Ramdam niyang nilingon siya nito kaya tumango siya. "What's the brand of his milk?" "B-Bearbrand..." Parang maiiyak siya. Ramdam na ramdam lalo niya ang kahirapan sa mga tanong nito. Ganoon sila katipid dahil matipid din si Manuel. Iyon lang ang ibinibigay na supply ng lalaki sa kanila. "Bearbrand? Hindi ba at pang matanda na 'yon?" Gulat na tanong ni Cain at hindi niya alam kung siya ba ay matatawa sa reaksyon nito. "May pang-bata naman. Mura lang kasi 'yon, at hiyang naman. Wala naman 'yan sa gatas," she defended her guilt and her pity. "Oh, come on. Alam kong gusto mong ibigay sa kanya ang lahat ng mas maayos na bagay. Nakikita ko sa mukha mo, Hermione. That was the only thing you could give, kaya 'yon ang meron siya. Make a list of what he needs. We'll buy the entire grocery store for him. Ayokong maranasan ng anak ko na magtipid at mahirap lalo na at nandito na siya sa akin," anito sa seryosong boses, saka hinalikan si Hunt sa noo. "Anong gatas ang bibilhin ko? Doon siya hiyang." "We can ask his pedia." "Wala ngang gatas na maayos, Pedia pa ba?" Anaman niya. "I'll call, Kuya Night. Itatanong ko sa Pedia ng anak niya kung anong pwede kay Hunt natin. Make a list and change your clothes, baby. Pupunta na tayo sa laboratory at mamimilinng lahat ng kailangan. Include your stuff." Napakurap siya. Tumalikod na ito, dala-dala si Hunt. Lumabas ito ng kwarto kaya siya naman ay kaagad na naglagay ng notes sa kanyang cellphone. Ipinag-save niya lang iyon sa kanyang draft. Hindi naman kasi de camera ang gamit niyang cellphone. Hindi iyon tipikal na tulad ng gamit ni Manuel na high-end at nagkakahalaga ng halos isandaang libong piso. Pagkatapos niyang maglista ng mga kailangan ng anak niya ay nagbihis kaagad siya. Maya-maya ay nariyan na ang mag-ama niya. Bihis na rin si Cain. Naka-polo shirt na lang ito at short. Nakasuot ito ng tsinelas na alam niyang 'di tulad ng noon. Halatang mamahalin ang mga gamit nito ngayon. Even his smell is so fascinating. It was so mild. Hindi siya nagpahalata na gwapong-gwapo siya rito. Kinuha na lang niya si Hunt para bihisan. "Malikot pala siya," nangingiti na sabi ni Cain kapagkuwan, nakaupo sa gilid ng kama at nakamasid sa kanila. "Napaka," sang-ayon naman niya. "Paano mo siya naaalagaan, at the same time doing your chores? Saan mo siya iniiwan kapag naghahanap-buhay ka?" "Hindi ako naghahanap-buhay. Umaasa kami sa madrasto ko kaya puro ako utang. Sa gawain naman, inilalagay ko lang siya sa crib. May crib siya na kahoy doon." "I see. Sabi ni Manang, bumili tayo no'n para hindi ka gaanong mahirapan. May playpen sa mga malls, pwede tayong kumuha. Maraming kwarto rito na pwede 'yon ilagay. Kahit sa kabilang kwarto na lang, gawin nating play room niya. What do you think?" "Ikaw bahala, ikaw naman ang gagastos at bahay mo naman ito," prangka na sagot niya kaya tumawa ito. "My God. You're still so sassy as ever." "Anong gatas pala ang sabi ng Pedia?" Pag-iiba niya. Hindi niya alam kung bakit ganito siyang sumagot at kumilos. Dapat nga ay inaakit niya ito para mahulog ito sa kanya. Mali yata ang mga nagiging kilos niya. She was supposed to make him fall for her and not to feel disgust towards her, and reject her in the end. "She said, try Enfagrow 1-3. May ipinag-send si Kuya na prescription. We'll just show it in the Pharmacy. May intruction na rin siya. At bukas, dadalhin mo si Hunt doon. She was asking for his baby book. Does he have any?" "Meron. Nandoon ang mga vaccines na natanggap niya. Sa center ko lang siya pinatuturukan kasi libre. Kumpleto siya, hindi ko lang alam kung ano pa ang wala na meron sa private," anaman niya rito. "She'll explain it. Sasama ako bukas. Baka sabihin mo ay may ama na siya, mag-isa ka pa rin na nag-aasikaso," biro nito sa kanya, "Baka mabuksan mo pa ang pag-lihi, pag-labor at pag-iri." Hermione giggled a bit. Napatingin siya rito at nakangiti ito sa kanya. "You took care him so well. Kahit nahirapan ka maayos si Hunt na dumating sa edad niyang ito. He even looks healthy," he said, sounded so sincere. Tumango siya. Obligasyon niya iyon bilang ina. Isa pa, mahal na mahal niya ang anak niya, at kapag pinabayaan niya si Hunt, parang pinabayaan na rin niya ang sarili niya dahil galing ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD