2

2006 Words
K2 - Ang Paghaharap Addison... SHE succeeded. That was name she told them. Ngayon ay lulan na siya ng elevator papunta sa pinakahuling floor ng building, kung saan naroon daw ang opisina ni Cain. Hindi niya maunawaan pero mas dumami ang kaba sa kanyang dibdib. Three years. Tama. Tatlong taon na huli niyang makita ang lalaking iyon. Ano kaya ang bago sa itsura ng gwapong si Cain Castelloverde? Ngingiti ba siya at magiging proud dahil naalala siya no'n kahit na ang daming GRO sa elite club? Would it be an honor because the name Addison was etched in his head? O nasarapan ba iyon sa kanya kaya hindi siya nakalimutan? Mahigpit ang yakap ni Hunt sa kanya, nakayukyok lang sa balikat niya ang anak hanggang sa lumabas sila sa elevator. The guard was escorting her, and walked her to a certain table of a woman. "Ma'am Jane, nandito na ang bisita," ani ng gwardiya, at mula sa laptop ay nalipat sa kanya ang mga mata ng babae. Umangat ang mga kilay ng babae sa frame ng salamin nitong suot, na parang kinikilatis siya na husto. Tapos ay tumingin iyon sa batang karga niya. "Gusto niyo po muna bang maupo at magpahinga sandali? Mukhang pagod na po kayo," ani ng babae na mukha namang sincere ang sinabi sa kanya, mukha lang talaga itong masungit siguro. "H-Hindi na po. Ginto po ang oras," sagot naman niya. Tumango ito, "Iiwan mo na muna ang mga dala-dalahan mo rito dahil mukhang kulang na lang ay aparador ang dalhin mo," nangingiti nitong sabi kaya palihim niyang kinagat ang labi. Hindi naman siya halata na masyado siyang handa. At sa pag-a-alsa balutan niya, para bang sinabi na niya na hindi sila papayag na hindi sila ibabahay ni Cain ngayon din. She was that desperate. Nasobrahan lang siguro siya sa excitement. Ibinaba ni Hermione ang mga dala niya. Kinuha naman iyon ng babae at ipinatong sa bench. "Pasok na, naghihintay na siya," sabi nito sa kanya kaya hindi siya nagsayang ng oras. Ganoon talaga siya. She's always in a hurry. Pakiramdam niya, kapag hindi siya kumilos ng mabilis ay may mawawala sa kanya. Dahil nga sa katangahan ay tatlong taon ang nasayang, at sa tatlong taon na iyon ay naghirap sila na husto ng Nanay niya, na kahit anak niya ay nadamay pa. Mabuti na lang, naawa si Manuel kahit paano, nakakautang siya ng gatas para kay Hunt. Kaya lang lumobo ang utang niya at ngayon ay ang dami niyang bayarin sa matandang mangkukulam na iyon. Nanlalamig ang mga kamay na hinawakan niya ang knob. She twisted it but somebody pulled it before she was able to push the door. "Aaaay!" Ang lakas ng tili niya nang halos masubsob siya, pero buti na lang at may sumalo sa kanilang mag-ina. "Damn!" Mura ng lalaki na kaagad niyang natingala. Hawak sila nito sa katawan. Adam's apple ang una niyang nakita kaya napalunok siya, tapos ay labi ng lalaki. She blinked. Diyos ko. Hindi ganito ang itsura nito noon. Madungis ito at punit ang damit na suot sa elite club. Pero sa kabila no'n, natatandaan niyang mabango pa rin ito na sobra. And now, she was wondering if this is really Cain. His hair is curly. Nagpa-salon ba ito? Gusto niya tuloy hipuin ang sariling buhok dahil alam niyang magulo na ang pagkaka-puyod niya. Ramdam niyang may mga nagkalat na rin siyang buhok sa mukha. Baka losyang na nanay na ang itsura niya, magmukha siyang tagapunas ng sapatos ng lalaking ito, na minsan niyang nakilala bilang isang lalaking pobre. Nagkatitigan sila, tapos ay binitiwan siya nito, saka ito tumingin sa batang bitbit niya, na lalong tumago sa may leeg niya. Cain was mesmerized for a while, until he cleared his throat. Marahan pa nitong ikiniskis ang hinlalaki sa balat niya sa braso bago siya tuluyang nilubayan. She was electrified. Three years, right? But that sensual touch was more than familiar. And it has the same effect on her body. "Are you okay?" Banayad na tanong nito sa kanya saka pumunta sa mesa nito, "Come here. Maupo kayo." The way he treats her is so different. Masyado itong pormal at mabait. Kaiba iyon sa rugged at brusko na lalaking nakilala niya. Kagalang-galang ang dating nito ngayon, very CEO or something like that. "I-Ikaw ba si Cain—talaga?" Nagawa pa niyang itanong dito. Nawala ang tingin nito sa bata, tapos ay tumikwas ang labi sa kanya. "Who else, Addison? May iba ka bang inaasahan na makita? Three long years, right? What can I do for you?" Muli itong tumingin sa batang karga niya, at pansin niya ang pagtataka nito, pero hindi ito makapagtanong, hanggang sa ginawa na nga nito. "May anak ka na? Sinong napangasawa mo?" Nakangiti nitong usisa na para bang magkaibigan lang sila na muling nagkita. "Oh, what can I offer you by the way? Pawis na pawis ka," agad itong humugot ng tissue at saka iniabot sa kanya, tapos ay tumayo ito at pumunta sa may hot and cold water dispenser. He is very accommodating. "I only have coffee here and water. Do you need anything else? Pwede akong magpautos," daldal pa nito, na parang hindi CEO kung itrato sila. "T-Tubig na lang." "Wudid," gaya sa kanya ni Hunt, at noon ito tumikal sa pagkakayukyok sa kanya. Nilingon sila ni Cain, at tipikal na sa bata ito tumitig, tapos ay agad na kumuha ng tubig sa malaking baso na babasagin. His surroundings scream wealth when she scanned the entire room. Kahit na ang basong hawak nito ay de kalidad ang itsura. Malayo na ang mundo nito ngayon sa dating mundo nito noon, na matagal niyang inaral para pasukin. And he doesn't treat her unevenly this time, a thing she feels so guilty about. She was fake. She was a liar. At ang kasinungalingan niya ay nagbunga ng isang batang lalaki. It was unintentional. Ni hindi niya alam kung paano iyon nangyari sa iisang gabi lang. Wala iyon sa kanyang plano. Nang lumapit si Cain dala ang baso ng tubig ay kay Hunt pa rin ito nakatitig. Lumilinga na ang bata sa paligid, tapos ay sa mesa na may mga gamit pang-opisina. And to her surprise, Cain didn't sit on his swivel chair. He sat in front of her, holding the glass of water with both of his hands, and his eyes were plastered on her child. Kahit na hindi ito magsalita, nakikita niya sa mga mata nito ang pagtataka sa bata, lalo pa at kung susumahin ay kuhang-kuha ni Hunt ang mukha nito. Iniabot nito ang tubig sa kanya kaya uminom siya, tapos ay nakiagaw si Hunt sa tubig na malamig. "Anak mo ba 'yan?" Tanong ni Cain sa kanya kaya tumango siya, habang ang atensyon ay nasa kay Hunt. "He sure has a good looking father," komento nito kaya napatingin siya rito dahil nakangisi ito, "Ako ba ang ama niya?" Napaka-relax nitong itinanong iyon sa kanya, and the supposed to be shocking thruth to reveal was broken. Mukhang expected na nito ang isasagot niya. Malamang nagkaroon na ito ng ideya na ito ang ama dahil kanina pa nito kinikilatis si Hunt, na para bang electron microscope ang mga mata nito. "Ano bang isasagot ko sa tanong mo?" Aniya rito. Hindi niya alam kung saan iyon galing. At mali iyon na sagot, kaya lang tinamaan siya ng pagkalito sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Sino bang hindi maaapektuhan? Cain is as gorgeous as hell. He has this brusk aura. At naranasan niyang dumaan sa mga kamay nito, at sa sandaling ito, buhay na buhay pa rin ang alaala na iyon ng unang gabi na nagkakilala sila. It wasn't that easy to forget. And she would be a liar if she was going to say that she wasn't able to feel the heat around them right this very moment. She never forgot that but, it had to end there. That's it. Wala siyang anumang plano na magkagusto rito. Sa mga taong nagdaan, hinahanap niya ang gabing iyon. Pero mali. Hindi iyon kasama sa kanyang plano. Hindi dapat siya madala kay Cain. "The truth, baby," anito kaya lalo siyang nawala siya sa sistema. Buhay pa rin pala ang endearment nito na iyon sa kanya. "The truth. Kailangan ko ng masisilungan. Kailangan ko ng tulong para mabuhay si Hunt kasi hindi ko kaya. Ayoko ng bumalik sa club na iyon. Obligasyon mo 'yon na gawin, ang ibigay sa amin ang lahat ng kailangan namin," maluha-luha at dire-diretso niyang sabi rito dahil sa totoo, bilang ina ay hindi niya kayang magutom ang anak niya at mahirapan. Baka sinadya ng Diyos na siya ay mabuntis para may alas siya, para makuha niya ang kanyang nais sa buhay. "Wala akong natapos, junior high school lang. H-Hindi ako mayaman. Wala akong makuhang matinong trahaho para sa bata. Ang ipinanggatas ko sa kanya mula pa noon ay utang. Ang sabi ko, babayaran ko na lang sa oras na makita ko ang ama ni Hunt. Utang ko 'yon sa madrasto ko," garalgal pa na sabi niya rito. Hindi iyon drama. Talagang desperada na rin siya at naaawa na siya na sobra sa sarili niya kung saan siya kukuha ng pera. Noon, hindi pa uso ang mga dating apps, kung oo sana doon na lang siya humugot ng foreigner, ang problema, noong sumubok siya pagkapanganak niya ay scammer ang nakuha niya. Kesyo nalugi raw ang business ng hayop, nangungutang sa kanya. Cain kept on staring at Hunt, "Give him to me," anito kaya napatanga si Hermione. Anong give him to me? Sandali. Kukunin nito si Hunt sa kanya? Hindi maaari. "Babayaran ko ang mga utang, lahat." Kinakabahan siyang napalunok ng laway. Hindi ito pwede. Hindi pwedeng si Hunt lang. Paano ang gagawin niya ngayon? Dapat kapag kinuha ang anak ay kunin din ang ina. Hindi pwedeng anak lang. Package deal dapat silang dalawa! Diyos ko. Parang gusto niyang magpalakad-lakad. Hindi niya inakala na si Hunt lang ang gugustuhin ni Cain na makuha. Para siyang sinampal. Hostes kasi siya. Ano nga ba namang interes ang mararamdaman nito sa kanya. Ang masama pa ay baka iniisip nito na kung kani-kanino pa siya nagpagamit matapos o bago siya makapanganak. Hindi niya ito masisisi. She gave herself to him for a fair price. She was known as Addison, the comfort woman. Hindi magniningning ang tingin ni Cain sa kanya dahil sa club siya nito nakilala. Kahit na bali-baliktarin niya ang kanyang matris at gawing chicharong bulaklak ang tombong niya, hindi ito maniniwala na wala ng ibang lalaking nakakuha sa kanya. Ito lang. "A-Ano?" Kandautal na sabi niya. Gustong bumagsak ng kanyang mga balikat. Kanina ang tapang niya. "Give him to me. I'll pay the debts, everything. Make me a list even without receipts, just a normal breakdown of all the expenses mula nang magbuntis ka," kibit nito na nakatingin sa mukha niyang baka kakulay na ng Bangus na binabad. "A-Ano?" Tanong niya ulit. Cain smirked and shook his head. Tingin siguro nito sa kanya ay tanga na hindi makaintindi ng basic Tagalog kaya paulit-ulit siya. "Are you listening, Addison?" "Hermione!" Aniya rito, "Hermione ang pangalan ko, hindi Addison. Huwag na huwag mo na ulit mababanggit ang pangalan na 'yan kahit kailan." Ito naman ang napaarko ang mga kilay, "Okay. Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko? Dalawang beses ko ng sinabi, parang hindi mo naiintindihan. Sa tono ng pananalita mo ay ako ang ama ng bata, kaya para matapos ang problema mo, ibigay mo siya sa akin at ako na ang bahala. Ako na, wala ka ng iintindihin pa. Talk to your...stepfather? Mayaman ang stepfather mo kasi naiutang mo sa kanya lahat. How come na...nag-club ka?" Nagkaguhit ang noo ni Cain habang nakatingin sa kanya. "Mahabang istorya, at isa pa...ganoon talaga ang mga stepfather, kadalasan. Nagkataon na isa ako sa mga minalas. Tungkol sa tanong mo..." Nakabawi siya ng kaunting lakas pero parang kapal na sobra ng apog niya kung sasabihin niyang kailangan din siya nitong kunin at hindi lang si Hunt. Gusto niyang magmukhang appealing pero hindi siya magiging ganoon kailanman sa paningin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD