5

2532 Words
K5 - Patuloy na Gaganda PAKIRAMDAM ni Hermione ay yaya siya ni Hunt. Ang layo ng itsura niya kay Cain. Naka-tsinelas lang siya na mumurahin. Ang damit niya ay plain na puting t-shirt, nakapantalon siyang itim pero iba ang dating ng lalaki kaysa sa kanya. She looks so plain, not to mention that this man is oozing with s*x appeal. Alam niyang maganda naman siya, pero ang layo nila sa isa't isa. "Why do you keep on walking behind us?" Tanong ni Cain sa kanya nang lingunin siya. "Ha?" Nagulat siya dahil nakatingin siya sa paa nito. Ang laki. "Nakakailang sumabay," sabi niya dahil 'yon naman talaga ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. "Anong nakakailang?" Lukot ang mukha na tanong nito sabay hila sa pulsuhan niya, "Sumabay ka sa akin. Doon tayo sa women's apparel para sa susunod na lalabas tayo, hindi ka maiilang." "Wala naman akong sinabi na problema ko ay ang damit ko," angal niya rito. "At hindi rin ako maniniwala kung ang iniisip mong nakakailang ay ang mukha mo," anito sa kanya kaya kulang ang sabihin na nanginit ang mga pisngi niya. Bilib na siya sa galing nitong mag-isip at kumilatis sa mga nararamdaman niya. Tama ito. Naiilang siya sa kanyang damit. Halos inubos na yata nila ang mga gamit pambata sa megamall ma iyon. Ngayon, siya naman daw ang dadalhin nito sa women's apparel. At ang tinutumbok nila ay ang bilihan ng branded na damit pambabae, Uniqlo ang nababasa niya. Halos tabi-tabi ang mga bilihan. Napalunok siya. Tinatantya na niya ang halaga. Ang sabi ni Aimi na kaibigan niya sa apartment, ang sando sa Uniqlo ay nagkakahalaga ng 800 Pesos. Kapag naman daw pantalon, 1,500 pataas. Parang namali yata siya ng kilos. Parang sa halip na mawalan siya ng utang ay lalo pang dadami. May utang na siya kay Manuel, may utang pa siya kay Cain. Wala sa oras na napatingin siya sa binata. Tumingin din ito sa kanya, kumindat, "Stop calculating. Nakakakita ako ng nga numero sa mukha mo, nagbubuhol-buhol." Agad na napalabi ang dalaga kaya tumawa si Cain. She couldn't believe the warmest kind of treatment she was gaining from this guy. Unang araw pagkalipas ng maraming taon, paano na parang hindi sila pinaglipasan ng panahon? Parang wala itong pagkailang. Parang kahapon lang sila huling nagkita at hindi tatlong taon. Parang nagkakilala na sila at nagkasama nang matagal kahit na isang gabi lang iyon. And perhaps, si Hunt ang natatanging dahilan no'n. Ang bata ang kanilang malalim na koneksyon kaya ganito siya itrato ni Cain. At tatlong araw lang, may resulta na ang DNA. Pinagtawanan pa siya nito dahil sabi niya ay baka siya nito dayain. Baka dayain nito ang resulta para makaiwas sa obligasyon. Ang sagot ni Cain sa kanya ay kakaiba. "Tambay mo akong nakilala pero hindi ako tumatakbo sa obligasyon, kahit gaano pa kabigat, Hermione." Parang ang lalim. Parang may bitbit ito sa balikat na hindi niya alam, dala-dala sa kalooban at kinikimkim. At nagtataka nga siya kung paano ito naging tambay, gayong napakahanda ng buhay na ipinagpalit nito roon. Halos lahat ng babae ay gustong mag-assist sa kanila sa loob ng pamilihan. Parang si Cain naman ang gustong damitan ng mga iyon at hindi siya. Kulang na nga lang ay tabigin siya ng mga iyon papaalis. "Pakihakot na lang ang mga damit na kakasya sa kanya," Cain said ang looked at her with so much warmness. "Lahat, as in lahat. Pants, skirt, undergarments, blouses, everything," muli nitong sabi sa mga iyon. Wala naman siyang imik. Napalunok na lang siya. Tumingin sa kanya ang mga babae, at hindi niya mawari kung ang sinasabi ng mga tingin na iyon ay swerte siya o naiinis ang mga ito sa kanya. May lumapit sa kanyang isa at pinaupo siya, matapos siyang tantyahin ang sukat. "Hindi na po ba siya pipili, sir?" A woman asked. "Nope. I'm sure babagay naman lahat sa kanya," sagot naman ni Cain. "Ang swerte naman ng yaya ng anak niyo, sir," sabi naman ng isa at parang sumakit ang tainga niya sa narinig. She was actually expecting that. Bakit naman siya masasaktan? Siya nga itong nagsabi sa sarili niya na mukha siyang yaya. "Hindi siya yaya ng anak ko. Nanay siya ng anak ko," sagot naman ni Cain na ikinatuwa niya, sa loob niya. Mas hindi niya inaasahan ang sagot nito na ganoon. Ang isip niya ay hindi ito iimik pero ipinagtanggol siya nito. Hindi siya nito ikinahihiya na kasama. Maya-maya ay naupo ito sa tabi niya tapos ay pinahiga sa mga braso si Hunt dahil tulog na. "Are you okay, baby?" He asked her. Nangingiti siya na tumango, "Tinatawag mong baby ang yaya ng anak mo," biro niya kay Cain na nailing naman. "Women. Sanay na ako sa mga ganyan. Ikaw, ayos ka?" "Ayos lang. Sanay na rin ako sa mga ganyan na komento." Wala pa iyon sa kalingkingan ng mga pinagdadaanan niya, lalo na sa pinagdaanan niya sa buhay. Criticism is nothing compared to her hardships. Sa napakabatang edad, lahat siguro ng uri ng pagkabigo ay naranasan na niya. Ano naman kung matawag siyang yaya? Alam naman niya ang totoo na hindi siya yaya. Ina siya ni Hunt. Tama si Cain. Umuwi sila na halos parang bitbit na nila ang buong megamall. Ang closet na walang laman ay napuno bigla ng kanyang mga bagong damit, na hindi niya alam kung masusuot ba niya lahat. Pero ang hindi niya inasahan ay ang pagdating ng isang matandang lalaki sa bahay ni Cain. Papababa sana siya matapos na makaidlip, pero naulinigan niya ang isang boses na kakaiba sa ibaba, pagmamay-ari ng isang lalaki. Naroon si Hunt, karga ni Viola. Hinahanap niya ang anak niga kaya siya lumabas ng kwarto. Napakunot-noo siya habang nakasilip sa lalaki, na nakatingin naman sa anak niya. "Don't draw yourself too much closer to the kid, Cain. Hindi ka pa sigurado hangga't walang resulta." The man said. "You tell me, Papa. Kailangan ko bang magduda?" The old man looked at Cain and wasn't able to give an answer. "You're speechless. Kamukha ko, 'di ba?" "May mga kamukha naman ang tao, anak. Hindi ka nakakasiguro lalo pa at nakilala mo pala sa club ang babae." Mahinahon ang lalaking magsalita, na para bang takot kay Caine. Ito si Senyor Leonardo Castelloverde dahil ang tawag dito ni Cain ay Papa. "It doesn't matter. We had an agreement. Pakakasalan ko siya kapag ako ang ama ng bata." "What?!" Doon na tumaas ang boses ni Leonardo, dahil sa gulat malamang, o baka may kasamang galit. "Are you out of your mind, Cuatro? You just came home yesterday. Ngayon ay may anak ka na. Bukas may asawa ka na? What the hell is happening? Hindi kaya sinusundan ka ng babae na 'yan para pikutin?" Galit na tanong ng matanda sa anak, na parang hindi naman natitinag kung mainit na ang ulo ng ama. "If she was, then why didn't we see each other for three years and I had no idea that I already had a child? Only now? Why didn't she follow me wherever I went during the past three years, Papa?" Sagot naman ni Cain na parang lalong ikinapatda ni Leonardo. "What did she feed you?" "Nothing. We only met today and we had a deal." "Jesus. Kung papayag ako sa gagawin mo, gusto ko may prenup, take it or leave it," mapanghamon na sabi ni Leonardo, "Kung hindi, mas mabuti pang bumalik ka na lang sa pinanggalingan mong lugar at 'wag ng umuwi pa. I gae you everything when you came back home. Hindi naman ako papayag ma kung sino lang ang papasok sa buhay at mundo mo ngayon, na hindi ako nakakasiguro kung maayos ba o hindi." "The fact that she brought that kid to me safe and sound, healthy and happy, then I knew that she was a good mother. Baka nga galing siya sa club pero hindi ko siya pwedeng husgahan, Papa. Baka nakakalimutan mo kung ano si Mama." Hindi nakaimik si Leonardo, nanatiling nakatingin sa anak. Maya-maya ay nagsalita iyon ulit. "Prenup," aniyon. "Prenup," said Cain as if making another deal with his father. Napalunok siya. Nagdesisyon siyang bumalik na lang sa kwarto at doon na lang hintayin na iakyat ni Viola si Hunt. She doesn't care about that prenup. Ang mahalaga sa kanya ay maka-survive sa ngayon. Kumain nang sapat, mabigyan ng medikasyon ang ina niya, mabigyan ng magandang buhay si Hunt. Kaiba sa naging buhay niya. Hindi man niya makuha ang yaman na pinagkakaingatan ni Leonardo para kay Cain, iba pa rin kapag natawag siyang Mrs. Castelloverde. Lahat ng prebelihiyo ay mapapasakanya. She'll gain respect. She'll have money. She will never have to beg to have what she needs. Tulad kanina, kahit hindi siya humingi ay ibinigay sa kanya ni Cain hindi lang ang sapat, sobra pa sa lahat. Hindi niya nga inasahan na ganito ang ugali nito. Nagdesisyon siyang kumuha ng damit na maisusuot. Iba ang pantulog sa pang-araw araw na damit, samantalang sa apartment, kung ano ang pang-araw ay pwede na rin pang gabi. Mga naka hanger na sexy na damit ang pantulog niya. Ang tabi ng kama ay may malaking crib kung saan matutulog si Hunt. Ang mesita kanina na may tupperware ang gatas, ngayon ay malaki na. Puno ng stocks na gatas at diaper ang isang de salaming cabinet. Kanina wala iyong laman. Sa kabilang kwarto ay ang daming laruan. Bukas daw iyon aayusin nina Viola, at manonood siya. Sa kasiyahan na nararamdaman niya ay may parte na malungkot. Ang parte na iyon ay ang kanyang ina na may sakit, na kahit gusto niyang isama, hindi naman pwede. Buong buhay niya ay kasama niya si Corina kahit na malaki ang hinanakit niya. She went to the bathroom to take a bath. Baka sakaling pagkatapos niya ay wala na rin si Leonardo. Tama iyon ng hinala pero kahit na magpa-imbestiga pa man iyon, wala iyong makukuha na impormasyon tungkol sa kanya dahil sa kumbento siya naglagi. Hinubad niya ang damit at pumasok sa loob ng shower enclosure. Parang sirang plaka ang mga salita ni Leonardo sa isip niya. She wasn't affected, pero masakit din pala na mahusgahan base sa kanyang pinanggalingan. Sa club. Umiling siya saka pumikit. Pakapalan ng mukha ang tawag sa ginagawa niya. Hindi bale ng mahamak siya basta ang mahalaga, hindi magutom ang anak niya at matigil siya sa panlilimos sa taong walang kwenta, na masahol pa sa demonyo, na kahit may sakit ang Mama niya ay halos hayaan na lang iyon na mamatay. At galit siya sa salitang, bakit pa niya ipagagamot si Corina, ay ang sakit din naman no'n ang ikamamatay sa huli? There's no cure for her mother's disease. She needs a lifetime treatment to avoid any complications. Oo, mamamatay naman lahat ng tao, pero kung may magagawa siya para madugtungan ang buhay ng babaeng nagluwal sa kanya, bakit hindi? Lahat kaya niya para sa dalawang taong pinakamahalaga sa buhay niya. Wala siyang hindi kayang gawin. She was in the middle of her shower when she felt that the door swung open. Hindi man niya literal na nakita ay ramdam niya, kaya agad ang pagpihit niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita si Cain na nakatayo sa may pinto, tagusan ang tingin sa salaming dibisyon ng paliguan. "C-Cain," kandautal na sambit niya dahil hubo at hubad siya. Nalito tuloy siya kung naisara ba niya ang pinto ng banyo. Malamang hindi dahil nasa loob na nga ito, nakatingin sa kanya. Biglang naalala ni Hermione ang twalya. Agad siyang luminga at hinanap iyon pero wala sa sabitan. Saan niya inilagay? She looked at the lavatory. Naiwan niya roon ang damit at twalya. Agad niyang pinatay ang shower at nagtangka na lumabas pero natigalgal na lang ang dalaga nang makita na hawak na ni Cain ang twalya niyang pink, tapos ay lumapit ito sa kanya. Hindi niya malaman kung alin ang tatakpan, kung ang dibdib ko ang kanyang ibaba. Sa huli ay lahat pero umiling lang ito. "I saw those," he said and handed her the towel. Naiilang na inabot niya iyon pero ganoon na lang ang gulat niya nang bigla nitong bawiin ang kamay at saka siya niyakap sa baywang. "Cain!" Malakas na sambit niya nang lumanding siya sa dibdib nito. Before she could utter anything more than his name, he was already claiming her lips. "B-Basa ako, Cain!" Protesta niya rito pero lalo siya nitong niyakap, na halos durugin na siya. "Lalo 'yang babasa," sagot nito kaya nangaligkig siya. She had known this man eversince, and she knew how filthy his mouth was when he was horny. "Bastos ka pa rin," sambit niya na wala sa sa isip. "I'm flattered you still remember, baby. By the way, kanina ko pa gustong makisipsip sa dede mo," anito na hawak na kaagad ang isa niyang s**o. Napaawang na lang ang bibig niya dahil pinipisil-pisil na nito iyon. She wasn't able to speak. She was just looking up at his face, reading his eyes. But she saw nothing other that lust. "Let's do this quick before somebody knocks. Papayag ka naman, 'di ba? Magiging asawa na kita." Diyos ko. Ngumisi ito kaya lalong gumuwapo. Tumango siya. Alangan naman na tumanggi siya. Parte na ito ng lahat ng kanyang plano. At mabuti na rin na ito na ang kusang lumalapit. She doesn't have to seduce him anymore. "Dito tayo," anito saka siya binitbit nang walang kahirap-hirap. Iniupo siya nito sa may lababo. "Next time ko na didilaan. We're in a hurry," he said and lowered down his short and boxers. Tumambad sa kanya ang p*********i nito, malaki. It was so hard, and he was stroking it. Kapagkuwan ay kumintab ang dulo ng ari nito dahil sa lumabas doon na likido. Cain spread it around the head of hos d**k and she was so aroused by just watching him do that nastiness. "s**t," napamura ito bigla, "Wala akong condom." Nalaglag ang mga panga ni Hermione. Condom. Yeah. Iniisip nito na kailangan nito ng proteksyon dahil galing siya sa club. Marumi siya. She was a w***e in his eyes. It just so happened that she was the mother of his child. She felt hurt. Why? Wala naman kaso iyon. Wala naman siyang pagmamahal kay Cain. Bakit naman siya masasaktan sa kung anong tingin nito sa kanya? Normal na ganoon ang tingin nito. "O-OO... kailangan..." aniya na lang dito para pagtakpan ang pagkapahiya... AGAD na umalis si Hermione sa binata nang matanaw si Cain na dumating. Natapos ang kanyang pagmumuni sa unang araw na iyon na sila ay nagkita ulit. Ngayon ay dalawang buwan na siya sa bahay nito. Kasal na sila. Syempre, positive naman talaga ang lalabas sa resulta ng DNA. Sa dalawang buwan na iyon ay naging napakabait ni Cain, pero bigla na lang na isang araw, gumising siya na tila ba mas malamig pa ito sa yelo. Pumirma naman siya sa lahat ng napagkasunduan nila. May prenup sila bago ang araw ng kasal. Hindi niya maintindihan. The Cain that was so dear and warm to her is now so cold. Daig pa niya ang hangin na hindi nito nakikita. Bagsak na naman ba siya sa misyon niya para sa sarili niya at para sa anak niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD