1

2087 Words
K1 - ANG PAGBABALIK WALANG imik na nakatingin si Caine sa matayog na building na ito na pag-aari ng mga Castelloverde. Nasa limang taon siyang nawala, nagpalaboy-laboy at nanlimos ng salapi, nagtrabaho ng mga mabibigat na trabaho para malamanan ang sikmura niya sa bawat araw ng kanyang buhay. Ngayon, ang kanyang suot ay Ralph Lauren na nagkakahalaga ng daang libo ng salapi, kabaliktaran ng mga suot niyang punit na kamiseta sa iskwater, kung saan siya natutong kumayod mag-isa nang maubos ang salapi na kinuha niya mula sa kanyang ama. Siya ngayon ang mauupo bilang CEO ng kumpanya habang si Chaos ay nasa bakasyon. Fuck. Literal na tumulis ang nguso ni Cain nang maalala si Dos. Dahil sa bakasyon ay ura-urada siyang pinauupo ng ama niya bilang CEO kahit na kauuwi lang niya kahapon. Yes, he was a graduate of Business Management, studied abroad and had seminars and specialized learning about management but he never experienced sitting as a CEO and managing a billion worth of company. Noong kabataan niya, pumasok siya sa pag-aartista pero tinalikuran niya bigla. Halos walang matinong direksyon ang kanyang buhay. Wala siyang sinoseryosong bagay sa mundo. He tends to turn his back on the things he chose when he was still young. And he also turned his back on this company in front of him. Pero ngayon, dito pa rin pala ang kanyang bagsak makalipas ang ilang taon. "Are you ready, Fourth?" His father asked him who was sitting beside him. Hindi niya sinulyapan ang ama. Ni hindi nga niya alam kung napatawad na ba niya ito, basta ang alam niya, kailangan niya ang salapi ni Leonardo para maipagpatuloy ang kanyang na udlot na misyon sa buhay para sa kanyang namayapang ina. He just nodded. Hindi niya maunawaan kung bakit ipinagkatiwala ng Papa niya sa kanya ang pamamahala ngayon sa kumpanya nila. Hindi ba ito natatakot na siya ang magpabagsak dito ngayon? Yes, he was educated and knowledgeable enough to manage but he never even tried, not even once. Chaos was the one managing it ever since. And his elder brother was really good at it. Mula sa limousine ay bumaba siya. Nakaabang ang mga empleyado sa may bukana ng building, may mga lobo pang dala. Bumaba rin si Leonardo. Binati sila ng mga empleyado. Nakangiti ang mga iyon at parang nakakita ng multo ang paraan ng mga pagkakatitig sa kanya. "Welcome back, Sir Cain Abel!" Ani ng mga iyon. Wala siyang sagot. Tumango lang siya at kaswal na naglakad papasok. Ihahatid siya ng Papa niya sa kanyang opisina, pero bago pa man sila makarating sa elevator ay narito na nalangisi ang kanyang sinundan na kapatid, si Midnight, with his signature hair. "Ngayon ko lang nalaman na pwede pala rito ang hikaw sa tainga," sabi niya sa halip na batiin ang Kuya niya. "Just for the boss. Hindi kumpleto ang Midnight look kung walang mahabang buhok at hikaw." Niyakap siya nito at tinapik lang niya ito sa likod. Naiilang siya, iyon ang totoo. Maraming taon din siyang nawala at hindi nalapitan ang mga kapatid sa panahon na iyon. "Welcome back, Cuatro," ani pa ni Midnight sa kanya pero muli niya lang itong tinapik. Nag-asawa ito na hindi man lang siya nakarating sa kasal, o talagang hindi siya pumunta, pero sumilip siya. Naroon din siya nakikibalita nang ito ay maospital dahil sa isang sira ulong doktor, pero hanggang ganoon lang. "This would be your office," ani ni Leonardo sa kanya nang ipasok siya ng ama sa isang malaking opisina, sa kabila ng opisina ni Chaos. Si Midnight ay pumasok na rin sa sariling opisina. Mamaya pa sila magdi-dinner dahil may ipinahanda ang Papa nila. Supposedly, sila lang ang naroon at ang asawa ni Midnight. Wala si Dusk na nasa probinsya. "May gusto ka bang ipabago?" Tanong nito sa kanya matapos niyang ilibot ang mga mata sa kabuuan ng kwarto. Lahat ay iniaalok sa kanya ni Leonardo. Binigyan siya nito ng bagong bahay, mga sasakyan, at posisyon sa kumpanya. And his father did that in one day. Huwag na raw siyang umalis dahil mas magiging maayos daw siya sa poder nito kaysa sa iskwater na tinirhan niya. "Wala na akong ipababago, Pa'. Ayos na ito." "Okay. If you need anything, just tell your secretary. Aalis na ako. Ikaw na ang bahala rito." He nodded. Tiningnan na muna siya nang mataman ng ama niya, na para bang sa tema ng titig nito ay mawawala siya ulit. Kapagkuwan ay lumabas din ito at naiwan siyang mag-isa. Lumapit siya sa mesa na naghihintay sa kanya. He sat on the chair and scrutinized himself if he was happy with his decision. He isn't happy but this is the best thing to do than to see himself buried six feet below the ground. Dumarami ang nakakaaway niya sa iskwater. Karamihan ay inggit. Noong una siyang naospital, kalaban niya nasa sampu pero ngayon, natakot na rin siya para sa sariling kaligtasan dahil iba na ang nagiging akusasyon sa kanya. Sa oras na mapahamak siya, hindi na niya makukuha ang hustisya para sa Mommy niya. And he needed to be Cain Abel Castelloverde this time. BITBIT ang isang batang lalaki na dalawang taong gulang, nakatulala si Hermione sa napakatayog na building na ito, na namamayagpag sa buong Kamaynilaan. Sukbit niya ang isang backpack, na ang laman ay mga ipinagkasya niyang damit nilang nag-ina. Sa kanyang braso naman ay ang tela na tote bag. Hindi alam ng dalagang ina kung paano sila naka-survive ni Hunt, pangalan ng anak niya, sa tatlong taon na nagdaan dahil nang subukan niyang balikan ang ama nito sa lugar kung saan iyon madalas, at kung saan niya nakilala ay nawala na iyon doon at hindi na alam kung saan pumunta. It was her fault. Hindi niya nagawa ang dapat. Hindi niya nabantayan si Cain Castelloverde. Dahil doon ay halos lumuha siya ng dugo. Tripleng pasakit ang kanyang naramdaman, nagkabaon-baon siya sa utang dahil nabuntis siya. Nadagdagan ang kanyang pasanin at obligasyon bukod pa sa ina niyang may sakit. Ang inakala ni Hermione na kasiguruhan ng lahat ng kanyang plano ay hindi natupad. But now, she was looking at Cain's property, and he was inside this building. Nang malaman niya na narito ito ay agad siyang nag-alsa balutan... "Nagmamadali ka, anak," ani Corina sa anak, na agad na nag-impake ng mga damit. Walang sinayang na sandali si Hermione nang siya ay puntahan ni Tadeos, para sabihin na si Cain ay bumalik na sa poder ni Leonardo. Gulat man, pagkatapos na kumurap ay nagmamadali na siyang pumasok sa maliit na kwarto nilang mag-ina, at hinakot ang pwede niyang hakutin na mga damit at gamit. Sa baby tote bag naman ay inilagay niya ang gatas ni Hunt, ang natitirang diaper, at ilang gamit ng bata na mahalaga. "Oo, Mama. Kailangan kong magmadali. Ang tagal kong naghintay," sabi niya na halos maluha-luha pa siya. Ito na ang katuparan ng lahat. The long wait is over. "Nangangako ako na tuloy-tuloy na ang gamutan sa iyo," aniyang napasulyap sa ina, na ilag na ilag na lumapit sa kanila. Corina has been isolating herself from them. Nakukuntento ito na nakamasid lang sa apo habang naglalaro sa crib. Takot ito na sobra na baka mahawa ng sakit ang maliit na bata, kahit na hindi naman basta-basta nakakahawa ang sakit nito. Naaawa si Hermione na sobra sa ina niya. Buhay pa ito ay parang patay na rin naman dahil sa pag-iwas sa kabila. Kahit na nasa iisang bahay sila, parang ang layo nito sa kanila. Ni ayaw nitong kargahin si Hunt. And everytime she sees her mother, almost crying, she bursts into tears. Pero ganoon pa man, patuloy niyang inisip na matutugunan pa rin ang medikasyon nito, na masyado ng naantala dahil sa katangahan niya. Kung sana ay hindi nakawala si Cain, sana ay hindi na ito lumala, na sa tatlong taon na lumipas ay halos laman ito ng ospital. Sa awa pa rin ng Diyos, hindi pa binabawi ang hiram na buhay ni Corina. Hermione doesn't know if she has to be thankful because of that. Alam kasi niyang hirap na hirap din ito pero pilit pa rin na lumalaban sa sakit. "Hindi ka na babalik sa ospital. Dito ka na magmi-maintenance, Ma'. Maniwala ka lang. Pagkatapos, kukunin kita rito sa bulok na apartment na ito. Kaunting tiis lang, Mama," aniya pero nakatitig lang ito sa kanya. Alam niyang tutol ito sa mga ginagawa niya pero anong magagawa? They have to fight for their lives. Ipinatapon sila rito ng madrasto niya nang siya ay magbuntis. Para silang mga daga na kahit na umuulan ay pinalayas sa maayos na bahay na kanilang tinitirhan, na kung tutuusin naman ay kanya talaga. Biglang napaiyak si Corina at tumalikod na lang, sakay ng wheelchair. Naka-wheelchair lang ito pero hindi naman lumpo. She just continued packing her things but her tears fell as well. Alam niyang sising-sisi ang Mama niya sa kinauwian ng buhay nilang mag-ina sa kamay ng madrasto niya. Sisihin man niya ito, wala na rin magagawa, kaya sa halip na magtanim siya ng sama ng loob sa babaeng nagluwal sa kanya, inisip na lang niya na lahat ng pagsubok ay pagsubok lang. Malalampasan din nila ang lahat. At dahil na rin kay Manuel, wala siyang natapos sa buhay. She was preparing to become the CEO of their business but it didn't happen. Desi sais na siya nang paitigilin siya ni Manuel. Ni nakapag-senior high school siya ay hindi. Junior high school lang ang kanyang natapos kahit na matalino siya at with high honors pa. Wala ni katiting na pera ang natira sa kanila ni Corina, na kahit pampagamot sa ina niya ay wala, kaya kumapit siya sa patalim, kay Cain. Ngayon ang pagpapatuloy ng pagkapit sa patalim na iyon. "Ma', tiis ka muna mag-isa rito ha. Kapag pwede na ikukuha na kita ng makakasama!" Iyon na lang ang sinabi niya para gumaan ang pakiramdam ni Corina, at hindi na nito sisihin pa ang sarili sa kamiserablehan nilang dalawa... MULA sa kinasisilungan na shed ay inihakbang ni Hermione ang mga paa. Tumawid silang mag-ina at diretso sa napakalawak na parking space sa harap ng building ng mga Castelloverde. Ni payong ay wala sila kaya nilakihan na lang niya ang paghakbang. Ipinatong niya ang palad sa ulo ni Hunt para hindi ito gaanong mainitan. Yumakap naman ang bata at tumago sa may balikat niya. Nang makalapit sila sa gwardiya, anim na guwardiya na parang dinaig pa ang NAIA terminal ay dumagundong ang puso niya. Rinig niya sa tainga ang pintig ng puso niya. Ngumiti siya sa mga iyon. "Good morning, Ma'am," mabait na bati sa kanya ng isa sa mga iyon, habang ang iba ay parang mga robot na nkatayo lang, nagmamasid sa kanya. "G-Good morning po." "Saan po ang punta nila, Ma'am? Bawal po rito ang bata." "Pupunta po ako kay Mister Castelloverde," tahasan niyang sabi. "Kaninong Castelloverde po?" "Kay Cain po," aniya sabay ngiti. "Kay Sir Cain po? Hindi po basta-basta kami nagpapapasok ng walang appointment, Ma'am. Ang hinahanap niyo pong tao ay isa sa may-ari nitong kumpanya. Hindi po siya basta lang Head ng HR department o ano. Siya po ang CEO ngayon na nasa bakasyon ang totoong CEO. Pasensya na po, Ma'am. Isa pa po, kung may appointment na kayo, huwag niyo na pong dalhin ang kapatid niyong bata." Mahabang sabi ng gwardiya sa kanya. "Hindi ko po siya kapatid. Anak ko po siya." "Anak?" Gulat na tanong ng lalaki sa kanya. Hindi nito nadugtungan ang sinabi, hinagod lang siya ng tingin tapos ay tumango. "Basta po huwag po kayong magdala ng bata sa susunod. Kumuha po kayo ng appointment sa secretary tapos ay magdala po kayo ng dalawang valid I.D. Hindi po kayo makakapasok kung wala no'n," magalang pa rin na sabi ng gwardiya sa kanya. Hindi siya kumilos. Hindi siya pwedeng umalis doon na walang napapala. Nagsayang na siya ng pamasahe, at bawat sentimo sa kanya ay mahalaga. Hindi maaari na uuwi sila ni Hunt na hindi nakakausap si Cain. Si Cain lang ang pag-asa niya kaya bakit siya tatalikod sa oportunidad na ito na magkita sila pagkalipas ng tatlong taon. "Ito po ang I.D ko," aniya sabay pihit niya sa anak niya, na kumurap naman nang makita ang gwardiya. Umarko ang mga kilay ng lalaki. "Anak siya ni Cain sa akin at kailangan naming mag-usap," matigas at may paninindigan na sabi niya. Kulang na lang ay tumimbuang ang gwardiya sa narinig dahil ang pagkatulala nito sa bata ay sobra. Bakit? Hindi ba patunay ang mga mata nito na anak ito ni Cain Castelloverde?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD