THE CEO’S CONFIDENTIAL LOVER (Sensational Romance Novel: Joemar Ancheta) Chapter 23 Humugot si Adam nang malalim na hininga. Ayaw niyang magalit. Gusto niyang isiping likas sa kagaya ni Ricci na bata pa ang kapusukan. Dumaan rin siya sa pagiging ganoon. Yung edad na palaging inuuna ang damdamin dahil iyon ang alam nilang laging tama. Mas sinusunod nila ang tulak ng dibdib kaysa sa kabig ng utak. Kailangan niyang umiwas bago niya madagdagan pa ang mga hindi magandang nasabi niya. Tinungo ni Adam ang isang sementadong upuan at umupo siya doon. Sumunod si Ricci. Tahimik siyang tumabi sa noon ay alam niyang naiinis nang si Adam. Tumingin siya kay Adam ngunit hindi siya nito pinapansin. Nang binawi niya ang tingin niya saka naman ito lumingon sa kanya. Nang salubungin sana niya ang ti