CHAPTER 53 Hindi na lang si Ringgo ang nagulat noon. Iyon din ang ikinagulat ni Ricci at nakita niyang biglang nagbago ang tingin sa kanya ni Britney. "Magsama-sama kayong lahat! Damn it!" singhal ni Adam. Lumabas siyang muli na nagngingitngit sa galit. Naiwan si Britney, Ricci at Ringgo na natitigilan sa bilis ng pangyayari. Nagulantang si Ringgo sa pagdating ni Ricci. Hindi rin inaasahan ni Ricci ang pagdating ni Adam. Mabilis na tinungo ni Britney ang pintuan para sundan si Adam. Alam ni Ricci na kailangan ni Britney ang magpaliwanag. Mabilis na pinigilan ni Ringgo si Britney bago ito makalabas sa pintuan. "Britney, wait. Mag-usap tayo. Kahit sa harap ni Ricci tatapusin ko yung sa amin huwag ka lang munang umalis." "Sandali ha, sino sa akala mo ang pinaglalaruan mo, Ringgo? Ak